"Ang Kahalagahan ng Simbahan sa Buhay ng mga Maralitang Tagalungsod sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan"

96  35  Download (0)

Full text

(1)

1

“Ang Kahalagahan ng Simbahan sa Buhay

ng mga

Maralitang Tagalungsod sa Laura,

Villa Beatriz at Kaligtasan”

Isang Teolohikong Aral-nilay

Na Inilahad sa:

Kaguruan ng

Inter-Congregational Theological Center (ICTC)

Dalubhasang Teolohiko ng

OUR LADY OF THE ANGELS SEMINARY

Seminary Road, Bagbag,

Novaliches, Quezon City

Isinumite ni:

JHONAS F. ENOPIA, SC

(2)

2

O

UR

L

ADY OF THE

A

NGELS

S

EMINARY

I

NTER-

C

ONGREGATIONAL

T

HEOLOGICAL

C

ENTER Seminary Road, Bagbag, Novaliches, Quezon City

P. O. Box 192, 1117 Novaliches, Quezon City Tel. Nos. 936-4083/936-4086 Fax: 936-4083

APPROVAL SHEET

In partial fulfillment of the requirement for the degree of Master of Arts in Pastoral Ministry

Ang Kahalagahan ng Simbahan sa Buhay ng mga Maralitang Tagalungsod sa Laura, Villa Beatriz at Kaligtasan

has been prepared and submitted by:

JHONAS F. ENOPIA, SC

who is hereby recommended for the Oral Defense Examination. Oscar A. Ante, OFM

Thesis Mentor

Grade Given to the Paper :

Date of Submission :

Approved by the Defense Panel of the Oral Examination with the grade of: 1.5

Yolanda R. Esguerra Lino Gregorio V. Redoblado, OFM

Member Member

Andres Rañoa, OFM

Chairperson

Accepted as a partial fulfillment of the requirement for the degree of Master of Arts in Pastoral Ministry

Oscar A. Ante, OFM

Academic Dean Date

(3)

3

PAGHAHANDOG

Para sa mga taong may pusong patuloy na nakikibahagi at nagninilay sa hamon ng pagiging simbahan ng mga dukha dulot ng mga

makabagong

hamon ng panahon ng urbanisasayon upang magkaroon ng mga panibagong tugon!

Para sa lahat ng tagahubog ng mga lingkod ng simbahan na nakatutulong sa pagbabago at pagbubukas ng mga panibagong

(4)

4

PASASALAMAT

Ang mag-aaral ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na naging kabahagi ng pag-aaral na ito:

Sa kanyang tagapayo na walang iba kundi si Padre Oscar Ante, OFM sa pagbabahagi ng kanyang mayamang kaalaman at opinyon. Sa kapilya ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan, Old Balara, Quezon City

sa pangangalaga ng mga Sons of Charity.

Sa mga miyembro ng Parish Pastoral Council ng Jesus of Nazareth Parish,

Villa Beatriz, Quezon City sa pangangalaga ni Padre Daniel Godefroy, SC.

Sa buong komunidad ng Jesus of Nazareth Parish na nakada-upang palad sa loob ng isang taon.

Sa lahat ng komunidad ng mga dukha na nakasalamuha at nakapamuhayan sa mga nagdaang taon.

Sa lahat ng mga taong tumulong at sumuporta sa pagpupunyagi ng papel na ito.

Sa kapatiran ng Sons of Charity na kinapapalooban ng mananaliksik. Sa kanyang buong pamilya.

Sa komunidad ng Inter-Congregational Theological Center (ICTC). Sa lahat ng mga taong naging tagahubog ng mag-aaral. At higit sa lahat, sa Diyos na bukal ng bokasyon at lubos

na mapagmahal at mapagkalinga!

(5)

5

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay isa sa mga napakaraming naisagawang pag-aaral tungkol sa simbahan ng mga dukha. Bagkus ang pag-aaral ng ito ay nakatuon sa kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod sa pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na kung saan ay isang komunidad na umuusbong dulot ng makabagong panahon ng urbanisasyon. Ang pinakamahalaga at pangunahing kapamaraanang eklesyolohikal na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang hermeneutical o pastoral cycle method. Binigyang diin din ng mag-aaral ang naisagawang etnograpikong pag-aaral ng mga kapwa mag-aaral sa ikalawang taon ng teolohiya sa nakalipas na taon. Ang mga talakayan, pormal at di-pormal na pakikipanayam ay isa sa mga pinagkukunan ng mga datos na makakatulong din sa pagpapalalim ng pag-aaral na ito. Ang pagbabad, pagsama, pakikipamuhay, at pakikiisa sa pamumuhay ng mga maralitang tagalungsod ay bahagi rin ng pag-aaral upang makatulong sa lubos na pagkakaunawa sa pag-aaral na isinasagawa.

Nakatawag pansin sa pag-aaral na ito ang pag-inog ng pananaw ukol sa pagtugon ng simbahan sa tawag ng makabagong uri ng mga komunidad o maralitang lungsod na dulot ng urbanisasyon. Bunga ito ng kasalukuyang patuloy na pang-aakit ng makabagong buhay ng mga

(6)

6

malalaking siyudad na kung saan ang mga taga-probinsiya ay lumipat dito. Bunga pa nito, ang mga maliliit na lugar sa mga malalaking siyudad ay pawang napupuno at nagsisiksikan dulot ng paglipat o migration.

Dahil dito, masasabi na ang mga maralitang tagalungsod ay nakikiisa at nakikisalamuha sa buhay ng simbahan dahil sa kabutihang naidudulot nito sa kanilang buhay. Ito ay ang pagpapahalaga sa kanilang buhay, pakikipagkapwa, pagtutulungan sa mga problema, pagbibigay ng gabay, pagkakaroon ng lakas at kapanatagan ng loob, pagmamahalan sa isat-isa, at kapayapaan sa kanilang komunidad. Ang simbahan sa gitna ng mga maralitang tagalungsod ay masasabing isang makabagong anyo ng pagiging simbahan na tumutugon sa hamon ng panahon ng urbanisasyon na kung saan ang pagkakaroon ng mga espirituwal at sosyal na gawain ay isang makabagong anyo ng ministeryo nito.

Ang mag-aaral ay may rekomendasyon para sa simbahan at para sa iba pang pag-aaral. Para sa simbahan, iminumungkahi ng mananaliksik na paigtingin at ipagpatuloy ang misyon ng simbahan sa mga maralitang tagalungsod; ipagpatuloy ng simbahan ang mga proseso ng pagtugon sa mga hamon ng ebanghelisasyon ng makabagong panahon ng urbanisasyon; paigtingin ang patuloy ng paghubog (on-going

formation) ng mga naglilingkod; hikayatin ang mga kabataan na

(7)

7

mananaliksik na isaalang-alang ang sapat na kaginhawahan ng mga mananampalataya.

Para sa iba pang pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik ang isang pagtatasa at pag-aaral sa mga gawain ng simbahan ng maralitang tagalungsod. Kaakibat nito ang mga proseso ng pagbuo ng simbahan at mga gawain nito upang maging mas angkop ito sa konteksto ng makabagong hamon ng urbanisasyon at sa kultura ng mundong kanyang ginagalawan upang ito ay maging isang tunay na kinatawan ng ebanghelisasyon.

(8)

8 Balangkas ng Pag-aaral Kabanata: Pahina I. Panimula. A. Dahilan ng Pag-aaral . . . 3 B. Pagpapahayag ng Suliranin . . . . 6 K. Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . 8

D. Mga Kapamaraanan ng Pag-aaral . . . 9

E. Lawak at Takda ng Pag-aaral . . . . 11

G. Mga Pag-aaral sa mga Kaugnay na Panitikan . 11 II. Ang Mukha ng Maralitang Tagalungsod sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan . . . 17

A. Pangkalahatang Sitwasyon ng Lugar . . 18

1. Kasaysayan . . . 18 2. Demograpiya . . . 23 3. Estraktura . . . 25 a. Ekonomiya . . . . 25 b. Politikal . . . 27 4. Kultura . . . 30 B. Lokal na Simbahan . . . 33

1. Pangkalahatang Sitwasyon at Gawain . 33 2. “Mukha ng Simbahan” ayon sa mga tao . 39 III. Ang Simbahan ng mga Dukha ayon sa Bibliya at Turo ng Simbahan . . . 43

A. Ayon sa Bibliya . . . 43

B. Ayon sa Turo ng Simbahan . . . . 48

1. Lumen Gentium . . . . . 48

2. PCP II . . . 52

3. Padre Felix Wilfred . . . . 58

IV. Ang Pastoral na Implikasyon ng Kahalagahan ng Simbahan sa Buhay ng Maralitang Tagalungsod. 64 A. Sa Lipunan . . . 64 B. Sa Simbahan . . . 70 V. Pagtatapos . . . 76 A. Paglalagom . . . 76 B. Konklusyon . . . 79 K. Rekomendasyon . . . 81

(9)

9

Mga Dahong Dagdag . . . 85

1. Larawan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan . . 85

2. Ang mapa ng daan papunta sa lugar na ito . . . 86

3. Mga katanungan sa ginagawang survey/FGD . . 87

(10)

10

UNANG KABANATA

PANIMULA

A. Dahilan ng Pag-aaral

Ang simbahan ay may kakaibang pananaw bago ang pagpupulong ng Ikalawang Kapulungang Vatikano. Ito ay inihahayag bilang isang institusyon na itinatag noong unang panahon at tumagal sa kalaunan ng panahon na may iisang anyo. Ang pananaw na ito ay nagbago sa panahon ng Ikalawang Kapulungang Vatikano. Isinasalarawan nito ang simbahan na may ibat-ibang mukha. Ang mga dokumento ng Vatican II katulad ng Lumen Gentium at Gaudium et Spes ay naglalarawan ng kakaibang simbahan. Ito ay nakatuon at nagsasabing ang simbahan ay isang pamayanan ng Diyos, isang bayang naglalakbay, naglilingkod at nakikipagtalastasan sa mundo.1 Binibigyan pa ng diin ang ganitong

pakahulugan at pagsasalarawan ng Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng Pilipinas noong 1991. Bukod sa mga pagsasalarawang ito, inilahad din ng nasabing plenaryo ang isang matingkad na misyon ng simbahan upang mas maging angkop at konkreto ang pagsasalarawang ito sa gitna ng di-ganap na mga kumunidad.

1 1

Lode L. Wostyn, Church: Pilgrim Community of Disciples (Quezon City: Claretian Publications, 1995), p. 15.

(11)

11

“ Ang simbahan ay naggawa ng kanyang sariling adhikain at mithiin sa isang kumunidad para sa pag-unlad, katarungan, pagkakasundo at kapayapaan, at pagnanais sa Diyos na siya mismo ang tutupad sa

mga hangarin ng puso ng bawat tao”.2

Sa karanasan ng mananaliksik sa mahigit na apat na taong pakikipamuhay, pagbabad, at pagsulong ng simbahan lalo na ang simbahan ng mga dukha sa mga piling lugar ng Maynila, at bilang kabahagi rin ng pagsulong ng Inter-Congregational Theological Center (ICTC) na isabuhay ang teolohiyang pilipino sa konteksto ng makabagong panahon lalo na sa larangan ng eklesyolohiya at paglilingkod pastoral, binibigyang diin ng mananaliksik ang kanyang karanasan sa talaban at talastasang ito sa pagitan ng simbahan at ng makabagong sambayanan. Tulad halimbawa ng malawakang paglipat ng mga taga-probinsya sa malalaking siyudad sa kalakhang Maynila na siyang nagdulot ng pag-usbong ng mga eskwater o ang tinaguriang “informal settlers” na makikita at mapapansin sa paligid ng mga malalaking siyudad ng Maynila. Ito ang naging hamon ng mananaliksik na pagtuunan ng pag-aaral.

Ang lugar ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ay iilan sa mga napakaraming lugar sa kalakhang Maynila na tinaguriang eskwater o maralitang lungsod. Ito ay mga maliliit na lugar sa paligid ng mga napakalaking subdibisyon. Dito matatagpuan ang ibat-ibang uri ng kultura

2 2

Acts and Decrees of the Second Plenary Council of the Philippines (Pasay City: St. Paul Publications, 1992), p. 53. (Salin sa tagalong ng mananaliksik).

(12)

12

ng mga tao dahil dala-dala ng bawat isa ang kultura ng kanyang probinsiyang kinagisnan. Ayon sa ulat ni Fr. Joseph Bouchaud, isang pari ng Sons of Charity, sa kanyang aklat na “Following Jesus Among the

Urban Poor” ay mayroong humigit kumulang sa 15-20 libo katao ang

naninirahan dito. 3 Sa ganitong bilang ng mga naninirahan, paliit ng paliit

ang lugar para sa kanila. Maliban sa mga taong unang nanirahan dito na may naitayong sariling bahay, marami din ang bilang ng mga nangungupahan sa lugar na ito. Ito rin ang pinagkukunan ng pangkabuhayan ng ibang naninirahan, ang magpaupa ng silid tulugan o ng bahay. Dahil din sa paglabas-pasok ng mga tao dito, madalas magkaroon ng gulo lalo na sa mga kabataan. Hindi din masyadong maayos ang sistema ng pamamahala sa mga lugar na ito.

Hindi din maiiwasan na mayroong mga propesyonal na eskwater o “professional squatters” kung tawagin. Ito ay ang mga taong may tig-dadalawa o tig-tatatlong bahay na kung saan ginagawang paupahan. Ito ay isang kaugaliang nagpapahayag ng kapangyarihang lumikha at magpadama sa isang tao ng kulang at sobra sa pamumuhay. Ito ay may malaking gampanin sa pagbuo ng kamalayan at pananaw ng isang tao, sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa, at iba pa.

3 3

Fr. Jose Bouchaud, SC, “Following Jesus Among the Urban Poor”, (Quezon City, Philippines), a booklet.

(13)

13

Kaya nais ng mananaliksik na pagtuunan ng pansin sa pag-aaral na ito ang simbahan ng maralitang tagalungsod.

B. Pagpapahayag ng Suliranin

Kapansin-pansin ang pagdami ng mga mamamayang tagalungsod sa mga mauunlad na mga bansa at siyudad. Sa kasalukuyan, sinasabing mayroong humigit kumulang sa 75 bahagdan ang naninirahan sa mga mahihirap na lugar ng lungsod. Sinasabi pa na sa taong 2025 sa hinaharap, maaring maging 2/3 ng populasyon ng mundo ay mga

tagalungsod.4

Marami ang dahilan kung bakit ang mga taga-probinsiya o lalawigan ay gustong lumipat sa mga malalaking siyudad kagaya ng Maynila. Tinitingnan nila ito na mas angat ang pamumuhay kaysa kanilang pamumuhay sa probinsiya at napakadaling lapitan ang mga bagay-bagay na kaugnay dito. May kinalaman din sa paglipat ang kakaibang kultura na dulot ng makabagong mundo sa lungsod o siyudad kaysa mga probinsya. Kaya ang ganitong kalagayan ay patuloy pang nang-aakit ng paglipat sa mga mamamayang probinsiyano sa malalaking lungsod ng Maynila. Ang matinding gutom, mahihinang pamamaraan ng paghahanapbuhay, kakulangan ng kagamitang pang-agrikultura kagaya

4 4

Donald E. Miller, Serving with the Urban Poor (Sta. Cruz, Manila, Philippines: Logos Publications, Inc., 1999), p. 120.

(14)

14

ng pagsasaka, at kawalan ng lupain ay mga iilang halimbawa lamang ng mga dahilan na nagtulak sa kanila upang pumarito at makibahagi sa buhay ng tagalungsod.

Sa pag-usbong naman ng ganitong kalagayan, ang pagdami ng mga mamamayang tagalungsod, ay nagdulot rin ng pagtaas ng uri ng kawalan ng trabaho, polyusyon, walang sapat na kalinisan, pagdumi ng suplay ng tubig, problema sa kalusugan, edukasyon, krimen, at iba pa. Ito ay mga iilang pangyayari lamang na dulot ng kakulangan ng kaalaman, kakulangan ng mapagkukunang pinansiyal, at kahusayan sa pagtatrabaho na siyang nagwawakas sa isang paninirahan sa mga eskwater na lugar na matatagpuan sa paligid ng mga malalaking siyudad sa kalakhang Maynila. Ito rin ay nagdudulot sa kanila ng pagtatrabaho bilang mga di-pormal, pangungulekta ng basura, pamamasukan bilang katulong o kasambahay, pagtitinda sa mga kalye, pamamalimos, at iba pa.

Dahil dito, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na tingnan at suriin ang mga kumunidad o lugar na ito na kung saan maaaring may malaking tungkulin o gampanin ang simbahan sa pagbabago ng takbo ng kanilang pamumuhay. Susubukan din ng mananaliksik na sagutin ang pangunahing katanungan upang mabigyan ng katuparan ito : Mahalaga ba ang simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod?

(15)

15

Ang mga sumusunod na katanungan ay makakatulong din sa pagsagot ng pangunahing katanungan.

a. Ano ang sitwasyon o kalagayan ng mga maralitang tagalungsod at ano ang ginagawa ng simbahan sa kasalukuyan?

b. Ano ang simbahan ng mga dukha ayon sa bibliya at turo ng simbahan?

k. Ano ang pastoral na implikasyon nito sa lipunan at simbahan?

K. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagdami at pag-usbong ng mga kumunidad na ito sa mga maralitang lungsod at ang pagdami din ng mga mamamayang naninirahan dito o ang mga tinaguriang eskwater o “informal settlers” ay naging dahilan sa panawagan muli ng simbahan na maging bahagi ng kanyang misyon ang mga nabanggit na mga pamayanan. Ito rin ay naging sanhi upang magkaroon ng mga gawaing pansimbahan sa mga maralitang tagalungsod. Samakatuwid, ang kalagayang ito at ang pakikibahagi ng simbahan sa maralitang tagalungsod ay nangangailangan ng eklesyolohikal at teolohikal na pag-aaral lalo na sa usapin ng pagbabago ng lipunan.

Ninanais din ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa patuloy na itinataguyod at isinusulong ng Inter-Congregational Theological Center (ICTC), ang eklesyolohikal na pag-aaral sa Pilipino sa konteksto ng

(16)

16

makabagong panahon at makatulong pa sa pagpapaunlad ng mga teolohikal na pag-aaral sa konteksto at wikang Pilipino lalo na sa larangan ng eklesyolohiya at paglilingkod pastoral. Dito susubukan ng mag-aaral na pasukin ang karanansang ito ng mga Pilipino (karanasan ng simbahan sa maralitang tagalungsod) sa larangan ng eklesyolohiya at paglilingkod pastoral upang mapayaman at mapalago pa ito.

Ninanais din ng pag-aaral na ito na suriin ang kinalalagyan ng simbahan sa mga piling maralitang lungsod ng Maynila upang makapagbukas ng makabagong pananaw at pag-unawa ang mga tao bilang simbahan at ang magagawa ng simbahan sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay at kumunidad tungo sa panlipunang pagbabago. Ang bagong kamulatang ito ay mahalaga sa patuloy na pagbuo, paglago, at pagtataguyod ng simbahan na naaayon sa konteksto at hamon ng panahon.

D. Mga kapamaraanan ng Pag-aaral

Ang pinakamahalaga at pangunahing kapamaraanang eklesyolohikal na gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang tinatawag na

hermeneutical o pastoral cycle method ni Msgr. Joseph Cardijn. Dito

bibigyang linaw ang mga katanungang kinakaharap ng mag-aaral sa tulong din ng paggamit ng Banal na Tipan at ng Tradisyon ng Simbahan. Kabahagi din dito ang pagbibigay diin sa mga kultural, ekonomikal,

(17)

17

politikal, at relihiyosong aspeto ng buhay ng tao na laging bahagi ng

Kristiyanong karanasan.5

Para sa ibang pamamaraan ng pangangalap ng mga datos ng mananaliksik, gagamitin sa pag-aaral na ito ng tinatawag na immersion o pagbabad, pagsama, at pakikiisa sa mga maralitang tagalungsod at sa paglalakbay ng simbahan sa mga pamayanang ito. Ang mag-aaral ay makikitira at makikipamuhay din sa pamayanang nabanggit upang lubos na maunawaan ang isinasagawang pag-aaral.

Bibigyang halaga din sa pag-aaral na ito ang tinatawag na

participant-observation approach. Ito ay isang dulog na

nangangahulugang pakikipamuhay sa mga kumunidad na nabanggit, pakikiisa sa kanilang mga gawain, at maging mapagmasid sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Napakalaking tulong din sa pagbuo ng pag-aaral na ito ang pagsasagawa ng focused group discussion at di-pormal na pakikipanayam at pakikipagkwentuhan sa mga maralitang tagalungsod ng nabanggit na lugar. Ang mga nakalap na datos ay isusulat sa talaarawan ng mag-aaral.

5 5

International Commission on Justice, Peace, and Integrity of Creation, Manual

for Promoters of Justice Peace and Integrity of Creation (Quezon City: Claretian

(18)

18

E. Lawak at Takda ng Pag-aral

Ang Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na matatagpuan sa maralitang Lungsod ng Quezon (Tandang Sora) ay mga lugar na saklaw lamang ng pananaliksik na ito. Sa loob ng isang taong pakikisalamuha, buong maghapon ang guguguling pagbabad, pakikiisa, at pakikipagkwentuhan ng mag-aaral sa mga maralitang tagalungsod ng pamayanang nabanggit.

Inaamin din sa pag-aaral na ito, sa pamamagitan ng mga kapamaraanang nabanggit, na ang kaalaman tungkol sa maralitang tagalungsod ay limitado lamang sa mga bagay at gawaing abot-kamay o

accessible ng mag-aaral. Hangarin man ng mag-aaral na makibahagi pa

sa ibang mga maralitang tagalungsod upang mapalawak ang pakikipag-ugnayan at interaksyon, tinitiyak at sinisiguro ng mag-aaral na sa limitasyon at saklaw na ito, magiging malalim ang pagmamasid at pakikibahagi sa mga gawain ng maralitang tagalungsod. Sa pamamagitan nito, maisasalarawan nang mabuti ang ibat-ibang aspeto ng buhay ng maralitang tagalungsod na hindi mabigyang linaw sa pamamagitan ng mga huwarang katanungan.

(19)

19

Ayon kay John Fuellenbach, SVD6 sa kanyang aklat na Church

Community for the Kingdom, tinalakay niya ang kasaysayan ng simbahan

mula sa kapanahunan ni Hesus hanggang sa Ikalawang Kapulungang Vatikano. Ito ay isang pagbabalik-tanaw at pagsisiyasat sa ibat-ibang modelo ng pagiging simbahan na tumutugon at naaayon sa ibat-ibang mukha at hamon ng panahon. Tinitingnang diin niya ang pagtanaw pagkatapos ng kapulungang pananaw ng simbahan na kung saan ang simbahan ay kinakailangang makakita ng kanyang pagkakakilanlan at misyon sa isinasalarawan ngayong globalisasyon at inkulturasyon. Bukod pa dito, para sa may-akda, ang simbahan ay magiging tapat lamang sa pangarap na paghahari ni Hesus (notion of the kingdom of Jesus) kung tutugunan nito ang mga hamon ng pluralismong kultura at ng lumalaking kaharian ni Hesus na kung saan ay malaki ang agwat ng mayayaman sa mahihirap.

Sa aklat na Slum as a Way of Life ni Felipe Jocano,7 ipinapakita

niya ang pisikal na kondisyon ng mga mahihirap na pook ng mga dukha (slum), ang pagmumukha ng mga lugar na ito, at ang basehang kultura na ginagamit ng mga tao sa pagbagay o pag-angkop ng kanilang mga sarili sa mundo ng slum. Ipinapahayag din niya dito na ang pook ng mga

6 6

John Fuellenbach, Church Community for the Kingdom (Manila, Philippines: Logos Publications, 2004).

7 Felipe L. Jocano, Slum as a Way of Life (Quezon City, Philippines: PUNLAD

(20)

20

dukha o slum ay isang panlipunang pangkat na binubuo ng mga taong naka-angkop sa istilo ng buhay nito. Bukod pa dito, sinasabi niya na ang slum ay mas higit pa sa penomenon ng urbanisasyon o panlipunang problema dulot ng pagkapuno o pagsikip ng mga malalaking lungsod. Ito ay isang proseso ng pag-angkop na nangangahulugan ng isang paraan ng epektibong paggamit ng kanyang kapaligiran para mabuhay at gumawa o lumikhang muli. Dinagdag pa niya na ang slum ay bahagi ng kapaligirang lungsod at ang buhay slum ay ang pagbagay at pag-angkop dito.

Si Jimmy Long8 sa kanyang aklat na Generating Hope ay

nagpapahayag na ang tao sa panahong ito ay humaharap sa gitna ng panlipunang unos lalo na sa larangan ng kultura na kumikilos sa lampas-makabagong panahon (post-modern time). Ang daan at panahon ng mabilisan at agad-agad na mga pagbabago, na tinatawag sa ngayong generation X, o mga unang pangkat na lumalaki at dumadami sa panahong ito ng lampas-makabago. Kaunti lamang ang nakakapuna o nakakapansin ng pagkakadugtong na ito na nag-uugnay sa lampas-makabagong panahon at generation X. Sa aklat na ito ni Long, nakita niya ang kaugnayan ng mga ito at dahil sa ganitong pamamaraan ginamit niya ang daang ito bilang sangkap sa ebanghelisasyon at sa landas ng

8 8

Jimmy Long, Generating Hope: A Strategy for Reaching the Postmodern

(21)

21

pagiging tagasunod. Sa aklat ding ito, itinaas at ginamit ang kapangyarihang pamayanan, pagkabalisa, pagpasok sa kultura at pag-asa sa mga kabataan ngayon. Ito din ay isang istratehiyang pamamaraan para sa mga maliliit na grupo sa isang ministeryong paglilingkod na nagpapakita ng pagtatangi at pagtanggap sa isang sitwasyon at panahon.

Sa aklat na A Church for the Next Generation ni Julia Upton,9

sinusuri niya ang pagbabagong liturhikal sa loob at perspektibo ng kasaysayan ng simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay tuon sa rito ng pagpapasimula (initiation) at ang epekto nito sa dulog ng mga mananampalataya sa kabuuan ng ekonomiyang sakramental. Tinitingnan niyang muli ang kasaysayan ng pagpapasimula upang makita ang kahalagahan at lugar nito sa buhay ng mga kristiyano, at ang mahalagang papel na ginagampanan ng bawat isa sa pamamaraan ng pagpapasimula. Tinatahak din ng may-akda na maipahayag ang kasalukuyang kalagayan ng pagpapasimula sa loob ng simbahang katoliko na naaayon sa pananaw ng Ikalawang Kapulungang Vatikano upang patuloy itong umaakma at tumutugon sa hamon ng panahon at sa kalagayang inaasahan ng lahat sa hinaharap.

Ang aklat na Christianity in a Secularized World ni Wolfhart

Pannenberg10 ay naglalahad ng maraming kapamamaraanan sa

pag-9 9

Julia Upton, A Church for the Next Generation (Manila, Philippines: St. Pauls Publications, 1995).

(22)

22

unawa tungkol sa diskusyon ng kristiyanismo at ng malawakang sekularisasyon. Ayon sa kanya, ang sekularisasyon ay hindi bunga ng pag-unlad ng kasaysayan ng ideya bagkus ito ay nag-umpisa sa politikal at sosyal na tunggalian ng relihiyon. Ang ikalawang kabanata ng aklat ay nakatuon sa malawakang problema ng sekularisasyon kasama na dito ang kawalan ng pagpapahalaga sa wastong asal sa konteksto ng modernong lipunan. Sa wakas, sinusuri ng may-akda ang mga gampanin ng simbahan sa ngayon kung saan hindi sila maisasantabi o magiging bahagi ng konsumeristikong mundo.

Ayon sa aklat ni Leonardo Boff11 na Ecclesiogenesis, ang simbahan

ay nabubuo sa kasalukuyang karanasan at kasaysayan ng mananamplataya. Ang simbahang umuusbong galing sa mga tao ay ang simbahan ding umusbong mula sa mga apostol. Tinahak ng may-akda sa aklat na ito ang mapangahas na pagtingin sa simbahan ayon sa liwanag ng karanasan ng presensiya at kapangyarihan ni Kristong nabuhay muli sa batayang pamayanang kristiyano, at ipinapakita niya ang dinamikong bagong simbahan na umusbong sa gitna ng mga mahihirap sa Brazil at sa buong Latin Amerika.

b

Wolfhart Pannenberg, Christianity in a Secularized World (New York: The Crossroad Publishing Company, 1989).

11Leonardo Boff, Ecclesiogenesis (Quezon City, Philippines: Claretian

(23)

23

Si Avery Dulles,12 isang Heswita at dalubhasa sa teolohiya ng

simbahan, sa kanyang aklat na Models of the Church ay may iminumungkahing limang modelo o pagsasalarawan ng simbahan bilang kumunidad. Ito ay ang simbahan bilang institution, mystical communion,

sacrament, herald, at servant. Ang magkakaibang kombinasyon ng mga

modelong ito ay nagtatakda ng ibat-ibang pananaw ng mga relasyon sa pagitan ng simbahan at ng iba pang mga simbahan. Ang mga modelong ito ay halaw sa kasaysayan bilang isang resulta o produkto ng magkakaibang pananaw ng mga teyologo at mananampalataya ng ibat-ibang panahon at kultura. Ang mga modelo ring ito ay ginagamit upang maiangkop ang simbahan sa kapanahunan at pangangailangan ng kumunidad. Ang bawat isang modelo ay may kanya-kanyang gamit at limitasyon.

12 1

(24)

24

IKALAWANG KABANATA

ANG MUKHA NG MARALITANG TAGALUNGSOD SA LAURA,

VILLA BEATRIZ, AT KALIGTASAN

Sa kabanatang ito, hinahangad na mailahad ang kabuuang larawan ng Maralitang Tagalungsod sa nabanggit na lugar upang mabuo at mailahad nang mabuti ang mukha ng pamayanan na siyang batayang konteksto ng pag-aaral na ito. Sa pagbuo nito, tinitingnang mabuti ang mga ibat-ibang aspeto ng kasaysayan at demograpiya, kalagayang pang-ekonomiya, politikal, at kultural, at ang sitwasyon ng lokal na simbahan sa kasalukuyan ng nasabing pamayanan. Bagama’t ang kabuuang larawan ang hangad na maipakita sa kabanatang ito, pahapyaw lamang ang pagbaybay at paglalahad nito. Maaaring ang mga ibang detalye ng bawat aspetong nabanggit ay maaring hindi mailahad. Ang pangunahing batayan na pinagkukunan ng mga impormasyon at datos ay ang naisagawang Etnograpikong Pag-aaral (EP) ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng

ICTC noong 2006.13 Maliban dito, magiging karagdagang materyal din ang

pagsasagawa ng Focused Group Discussions, di-pormal na pakikipanayam, pakikipagkwentuhan, pakikipamuhay, at pakikisalamuha

13 1

Ang mga nasa ikalawang taon ng teolohiya sa ICTC na sina Necerel Rey Tomboc, SC, Roberto Laad, FBHS, Derik Yumang, O.Carm, at Jhoan Pader, OFM ay nagsagawa ng Etnograpikong Pag-aaral sa pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ng Lungsod Quezon (Nobyembre 2006). Bahagi ito ng kanilang paghuhubog pastoral sa nasabing institusyon.

(25)

25

ng mananaliksik sa pamayanang ito sa kadahilanang dito nakatira ang kanyang kongregasyon at dito rin nakasentro ang kanilang misyon.

A. Pangkalahatang Sitwasyon ng Lugar 1. Kasaysayan

a. Unang Yugto (1930-1940)

Naipamulat sa mga tao ang kasaysayan ng kanilang lugar sa pamamagitan ng Etnograpikong Pag-aaral noong 2006. Bagamat nariyan ang pagkilala ng mga unang naninirahan sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan mahigit anim na dekada na ang nakalilipas. Hindi madali ang paghalaw ng kasaysayan ng lugar sa kadahilanang walang naitalang mahalagang impormasyon maliban sa mga kwento ng mga matatanda kung paano sila napunta rito at ang pangkalahatang kasaysayan sa pag-unlad ng Lungsod Quezon. Kahirapan ang pangunahing dahilan na nagtulak sa karamihan na pumunta sa lugar na ito mula sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas sa pagbabasakali na mapaunlad ang kanilang

kabuhayan.14

Ang Laura at Villa Beatriz ay nanggaling sa isang palaisipan na marahil ang mga pangalang ito ay pangalan ng mga anak ng mayayamang hacienderong Zuzuaregui. Si Laura at Beatriz ay mga kapatid nina Antonio, Juana, Susana, Mariano, at Enrique na

14 1

(26)

26

kasalukuyang pangalan ng mga karatig pook. Sila ay pinamanahan ng mga lupaing nakapangalan sa kanila. Ayon pa sa EP, gumagalaw na ang komersyo sa kabisera ng Lungsod Quezon bago pa umusbong ang kabihasnan sa mga lugar na ito. Ang lugar ay tinatawag na Balara sa panahon ng mga kastila at noong 1932, naitayo ang isang malaking kumpanya sa Lungsod, ang Balara Filters na siyang nagtatanyag sa lugar.15

b. Ikalawang Yugto (1940-1980)

Sa bilis ng pag-inog ng panahon, bumibilis din ang paggulong ng mga pangyayari ng kasaysayan tulad ng paglaki ng populasyon at pagbabago ng mukha ng pook. Ang nabanggit na lugar ay binuo at nairehistro sa pangalang Barangay Matandang Balara noong ika-10 ng Mayo, 1962 sa pamumuno ni Norbert S. Amoranto ang alkalde ng Lungsod Quezon sa bisa ng ordinansa bilang 5068. Napabilang sa bagong barangay na ito ang kumunidad ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan.16

Mahirap ang pinagkukunan ng tubig, walang ilaw, malayo ang pamilihan, at pagamutan. Bagama’t saklaw ng bagong barangay ang mga lugar na ito, natagalan pa ang paggapang ng mga serbisyong pampubliko

15 1

Ibid, p. 1

(27)

27

patungo sa liblib na pook ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Sa mga panahong ito, inihayag ng Pangulong Marcos ang martial law kaya nalagay sa alanganin at panganib ang buhay nila at sa kadahilanang medyo liblib at madilim ang lugar na ito ay naging tapunan ng mga biktima ng karahasan. Ang mga pangyayaring ito ay nagbigay ng walang

kasiguruhan sa pamumuhay ang mga tao.17

Makalipas ang apat na dekada, dumating mula sa ibat-ibang lalawigan ang kamag-anak ng mga unang naninirahan bunsod ng pangako ng makabagong kabihasnan sa Metro Manila. Nangarap ang karamihan na mabigyan ng mabuting kinabukasan ang pamilya kung sila ay makikipagsapalaran sa umuusbong na industriyalisasyon ng malaking siyudad. Kaya ang mga lugar na nabanggit ay naging estratehikong lokasyon para sa umuusbong na kabuhayan ng buong lungsod. Walang bayad ang lupa, malapit sa pinapasukang trabaho, kagawaran, pagamutan, infra-istruktura at mga paaralan. Dahil dito, nagtayo sila ng maliit na tahanan at lumipat na rin dito ang ibang mga pamilya na apektado ng demolisyon mula sa ibang lugar ng Metro Manila. Ang mga huling dumating ay hindi na nakakuha ng magandang kalalagyan para makapagtayo ng sariling bahay. Ngunit pinili pa rin nilang manirahan dito

dahil mura naman ang upa sa bahay.18

17 1 Ibid. 18 1 Ibid. p. 2

(28)

28

k. Ikatlong Yugto (1980-1990)

Problema sa lupa ang pangunahing nagbigay ng pangamba sa pamumuhay ng mga tao, dagdag pa rito ang batas na Anti-Squatting Law. Marami ang lumitaw na umaangkin sa lupa na di-umano’y mga totoong nagmamay-ari. Pilit silang pinagbabayad sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay para makaiwas sa banta ng demolisyon at pagpapaalis. Dahil dito, nagkaroon ng masigasig na pagkukusa ang ilang

magkakapit-bahay upang isulong ang pakikibaka sa lupa.19

Noong ika-11 ng Abril, 1982, nahiwalay ang Kaligtasan sa barangay ng Matandang Balara at isinama ito sa itinatayong bagong pamunuan ng Barangay Holy Spirit. Bagama’t nahiwalay sa pamunuang politikal, kasama naman ito sa pagsulong at pagbuo ng mga pangarap sa katabing sityo ng Laura at Villa Beatriz.20

Matapos ang People Power Revolution noong 1986, pinawalang bisa ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Anti-Squatting Law na siyang nagbigay daan para sa mga maralitang tagalungsod ng karapatang bilhin ang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay sa tulong ng gobyerno. Noong 1987, nabuo ang isang asosasyon ng lupa upang idulog sa pamunuan ng

National Housing Authority (NHA) ang kanilang suliranin. Masugid na

isinulong ang hakbang na ito tungo sa pagsasatitulo ng lupang kanilang

19 Ibid. p. 2 20 Ibid.

(29)

29

pinangarap. Masalimuot ang proseso para mapasa-legal ang pagsalin sa lupa. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 5% na lamang ang hindi pa naipagkalooban ng lupang pinaninirahan ng mga tao. Ang ibang lupa ay buo nang nabayaran samantalang ang iba naman ay patuloy pang binabayaran sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP).

Ito ay malaking hakbang sa kapanatagan ng kanilang loob.21

d. Ikaapat na Yugto (1990-2007)

Noong 1992, dumating sa Laura ang Sons of Charity, isang relihiyosong kongregasyon na nakikipamuhay kasama ang mahihirap. Ito ay nagbigay daan sa karagdagang lakas ng loob sa mamamayan upang isulong ang nasimulang pakikibaka sa kanilang dangal. Serbisyo ng mura at libreng gamot para sa mahihirap, serbisyo medikal at dental, at pangangalaga sa espirituwal na pangangailangan ng mga mananampalataya ay iilan lamang sa napapakinabangan ng komunidad

mula sa pastoral na gawain ng kongregasyon.22

Ang ipinagawang Day Care Center noong 2003 ay tumatanggap ng apatnapung mga bata. Makalipas ang dalawang taon, binuksan din ang unang semestre ng pasukan sa mababang paaralan ng Old Balara Annex noong 2005. Mahigit dalawang libo’t limang daan ang pumapasok sa

21 2

Ibid.

(30)

30

elementarya. Isinaayos na rin ang serbisyo ng tubig, kuryente, at telepono.23

Sa kasalukuyan, ang dating maputik, liblib, magubat, madilim, matalahib, nakakatakot na pook ay isa nang buhay na kumunidad na puno ng bahay, tao, at pangarap. Isa ring katangian ng lugar ay ang masiglang komunidad na may iba’t ibang libangan tulad ng videoke, billiards, at iba pa. Ang mga pangyayaring ito ang humuhubog sa kasalukuyang mukha ng komunidad mula sa mga dating mapuputik na daanan papasok sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na pinagawa na ring konkreto. Ito ay isang pagkilala ng gobyerno sa umaangat na kahalagahan ng mga mahihirap.24

2. Demograpiyang Katangian

Mayroong humigit kumulang sa 32,620 ang kabuuang bilang ng populasyon sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Mula sa kabuuang populasyon na ito, lumalabas na mayroong 3,145 na bilang ng pamilya sa buong pamayanan. Samantala, lumalabas na ang mga bata at kabataan na may edad na 24 pababa ay bumubuo ng 56.5 bahagdan sa kabuuang

populasyon.25 23 2 Ibid. 24 Ibid. 25 2 Ibid. p.10

(31)

31

Ang pinakamalaking bilang ng naninirahan sa lugar ay nanggagaling sa Visayas at Mindanao na may mahigit sa 50 bahagdan ang bilang. Sumunod naman dito ang nanggagaling sa Southern Luzon at lalawigan ng Bicol, samantalang mayroon namang pabugsu-bugsong bilang ng mga nagmula sa Central at Northern Luzon.26 Sa ganitong

kalagayan, litaw pa rin na tagalog ang pangunahing wika na kanilang ginagamit sa kadahilanang sila ay nasa Metro Manila. Ito din ang wikang kanilang ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pakikipagtalastasan, at pakikisalamuha sa iba. Pangkat-pangkat ang mga tao na naninirahan dito ayon sa kanilang etnisidad ngunit bakas parin ang pagrespeto sa isa’t-isa bilang pamayanan. Ang pagrespeto at pagkakaisang ito sa kabila ng

pagkakaiba ay isang bagong umuusbong na etnisidad ng mga tao.27 Ang

pag aasawa naman ng mga nasa ikalawang henerasyon ay masasabing pagsasanib ito ng ibat-ibang etniko.28

3. Estraktura

a. Ekonomiya

Iba-ibang uri ang pangkabuhayan ng maraming pamilya sa pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Pinakamaraming bilang

26 Ibid. p. 9 27 Ibid. p. 19 28 Ibid.

(32)

32

dito ang mga nagtatrabaho sa pribadong tanggapan na kung tawagin ay mga kontraktuwal lamang, samantalang ang iba ay mga empleyado sa

gobyerno, nangingibang bansa, at mga umaasa sa kakaunting pensyon.29

Kung titingnang mabuti, karamihan sa mga nagtatrabaho ay walang

security of tenure o kasiguruhan sa kanilang hanapbuhay. Sila ay

nagtatrabaho sa bawat proyekto o bawat anim na buwan lamang at kung papalarin ay maaring mai-renew ang kontrata at magpatuloy sa kanilang trabaho. Napakatingkad ang usapin ng kontraktuwalisasyon sa

pamayanang ito.30

Ito ang kalagayan ng mga nagtatrabaho sa pamayanang ito dahil karamihan sa kanila ay mga non-skilled worker. Ito ay bunsod ng antas ng edukasyon na naabot ng karamihan sa mga naninirahan sa pamayanang ito na kung saan 70 bahagdan ay hanggang sekondarya lamang, 20 bahagdan ay ang mga nakarating sa kolehiyo ngunit hindi lahat ay nakapagtapos ng kurso, at 10 bahagdan naman ang mga hanggang elementarya lamang.31 Sa kalagayang din ito, lumalabas na ang mga

kababaihan o ang mga ina ng tahanan ay nagtatrabaho na rin sa kadahilanang hindi sapat ang kinikita ng ama para sa pamilya. Kaya marami sa mga ama at ina ay naglalako araw-araw sa pamamagitan ng kariton o kaya’y bilao o bag ng ibat-ibang produkto gaya ng tinapay, gulay,

29 2

Ibid. p. 31

30 Ibid. 31 Ibid. p. 32

(33)

33

kakanin, VCD, ukay-ukay na damit, laruan, prutas, gamit at dekorasyon sa bahay, itlog, tsinelas, isda, taho, ice cream, at marami pang iba. Bukod pa dito, marami din ang halos magkadikit at magkatapat na mga maliliit ng mga sari-sari store na may ibat-ibang uri ng paninda ngunit kadalasan ay mga lutong ulam at kanin ang tinitinda.32

Makikita sa kanilang pamumuhay ang paiba-ibang diskarte sa paghahanapbuhay. Sanay sila sa paghanap ng alternatibong pangkabuhayan upang maitawid ang kanilang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan. Naging agresibo ang pagpasok ng ilang maykapital para magpautang ng puhunan para sa kabuhayan. Hindi naman nakaligtas ang ilang mga tao sa pamayanan ng pagsasamantala ng ilang pumapasok na nagpapautang. Sa kasalukuyan, kumikilos ang mga kinatawan ng simbahan para makapag-isip at makapagbuo ng alternatibong pangkabuhayan sa ilang pamilya ng mahirap na mahirap

ang katayuan sa buhay.33

Ang usapin sa pagmamay-ari ng lupa ay isa din sa hinaharap na suliranin ng maraming naninirahan ng pamayanang ito. Ayon sa isang asosasyong tumutulong sa pagpapadokumento ng mga lupa para maging legal ang kanilang pagmamay-ari, marami na ang lupa na kinatitirikan ng mga bahay ang naipagkaloob na sa mga tao sa programang Community

32 3

Ibid. p. 33

(34)

34

Mortgage Program (CMP) sa pamamagitan ng National Housing Authority

(NHA). Bagama’t kakaunti pa lamang ang nakapagbayad ng buo, ito ay nagbibigay pag-asa sa mga tao na balang araw ay hindi na sila tatawaging “squatter”. Ngunit marami din ang hindi pa tiyak ang kanilang paninirahan dito dahil kailangan pa nilang magbayad sa lupa sa loob ng mahigit 20 taon. Pakiramdam naman ng marami na ang lupa ay pag-aari

pa rin ng totoong nagmamay-ari nito.34

b. Pulitikal

Ang pamahalaang barangay ay isang sangay ng gobyerno na namamahala sa pulitikal na buhay ng pamayanan ng Matandang Balara at Holy Spirit na kung saan napabilang ang sitio Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Ang mga barangay na ito ay pinamunuan ng isang (1) kapitan at pitong (7) kagawad. Ang kapitan at pitong kagawad ay siyang bumubuo ng tinatawag na Sangguniang Barangay. Gawain at tungkulin ng Sangguniang Barangay na bumuo ng mga resolusyon na ipapasa sa Sangguniang Bayan para pagtibayin. Pagkatapos mapagtibay ng Sangguniang Bayan ang resolusyon mula sa barangay, saka pa lamang ito magkakaroon ng bisa para maipatupad sa antas ng barangay. Ayon sa bisa ng Local Government Code, inaasahan na ang barangay ay magkaroon ng asembliya. Ito ay isang sistema upang maisangkot ang

34 3

(35)

35

mga tao sa pagbubuo ng mga dapat lapatan ng mga resolusyon. Sa panig ng dalawang barangay na ito, hindi ito nakapagdaos ng Asembliya kaya kadalasan pa rin na nabubuo ang mga pagpapasya sa hanay lamang ng mga bumubuo ng Sangguniang Barangay.

Ayon sa isinasagawang pag-aaral, may mga konsehal ng barangay na nakatira sa pamayanang ito ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Mayroon din mga bantay bayan na nangangasiwa sa kalagayang pangkapayapaan at katahimikan. May mga BSDO din sa mga naturang

pamayanan.35 Ang curfew para sa mga kabataan ay isa sa mga ordinansa

ng barangay na unti-unti na ring hindi naipapatupad. Ang mga bantay bayan naman ay bihirang rumoronda o nag-iikot sa lugar kaya mayroong ilang di mabuting gawain na hindi maiiwasan katulad ng ingay at gulo ng mga kabataan sa gabi, ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at hindi maayos na pagtatapon ng basura. Dagdag pa dito ay ang kakulangan ng programa ng barangay para sa pangkabuhayan ng mga tao. Makikita rin sa lugar na dahil sa kaunting kalayuan ng pamahalaang barangay, ang

mga tao ay hindi alam ang mga proyekto at programa nito.36

Ayon sa pag-aaral, ang mga tao ay may pananaw na ang pulitika ay magulo at walang masyadong pakikialam at hindi nila nakikita na sila ay kabahagi sa pagpapatakbo at pagpapadaloy nito. Ang nakaukit lamang

35 3 Ibid. p. 24 36 3 Ibid. p. 29

(36)

36

sa kanilang isipan ay ang eleksiyon at kung sino ang mga nasa pwesto, samantalang ang mga nasa pwesto ng barangay ay walang masyadong pakikialam sa buhay ng mga tao. Ang mga ordinansa at mga gawaing pambarangay na kung saan ay pinagdisisyunan lamang ng mga opisyal ng barangay ay hindi gaanong matingkad at nalalaman ng mga tao sa lugar kaya ang ang tao rin ay walang gaanong pakikilahok o hindi aktibo

sa gawaing pangkumunidad.37

Sa ganitong sitwasyon, lumalabas na hindi tunay na tumatagos sa antas ng maliliit na pamayanan ng mga tao ang mahalagang serbisyo ng pamahalaan. Ang kawalan ng malinaw ng programa o inisyatibo ng pamahalaang barangay para sa ikabubuti ng pamayanan ay repleksyon ng malawakang kahinaan ng gobyerno.

4. Kultura

Ang pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ay may tatlong dominanteng wika na ginagamit ng mga tao. Nangunguna dito ang wikang Tagalog na may 96.5 bahagdan sa kadahilanang sila ay nasa Metro Manila. Ginagamit din ito bilang pakikipag-ugnayan, pakikipagtalastasan, at pakikisalamuha sa iba. Pumapangalawa naman ang wikang Cebuano na may 34.5 bahagdan dahil ang pinakamalaking

(37)

37

bilang ng mga naninirahan dito ay nanggagaling sa Visayas at Mindanao. Pangatlo naman ang wikang Bicol dahil pumapangalawa sa pinakamaraming bilang ng mga naninirahan dito ay nanggaling sa

Southern Luzon at Bicol.38

Sa pang-araw-araw na daloy ng buhay ng mga tao sa pamayanan, mas madalas na ginagamit nila ang wikang tagalog. Ang mga Cebuano at Bicolano ay karaniwang Tagalog na rin ang ginagamit na pananalita, bagama’t may ilang pagkakaiba sa paggamit tulad ng tono at balangkas ng pangungusap. Subalit, kahit na iba-iba ang pinagmulan, mararamdaman pa ang pagrespeto bilang isang pamayanan. Ang pagkakaisa sa likod ng pagkakaiba ay ang bagong umuusbong na etnisidad ng mga tao.

Karamihan sa mag-aaral ay nasa elementarya na may 43.7 bahagdan, sekondarya na may 27.6 bahagdan, koliheyo na may 7.2 bahagdan, at pre-school na may 17 bahagdan. Mula sa bilang na ito, mas nakararami ang pumapasok sa paaralang pampubliko dahil mas mura ang matrikula at malapit ang paaralan kung ihahambing sa mga pribadong paaralan. Ngunit lumiliit ang bilang ng pumapasok sa mataas na

pamantasan dahil sa kakulangan ng perang panggastos.39 Umabot naman

38 3 Ibid. p. 19 39 3 Ibid. p. 13

(38)

38

sa 4.5 bahagdan ang bilang ng mga batang hindi nag-aaral dahil walang panggastos ang pamilya sa matrikula, pamasahe, at baon. Ang ginagawa na lamang ng mga batang ito ay nagtatrabaho o tumutulong sa pagtitinda kasama ang kanilang mga magulang. Subalit ang kinikita ay hindi parin sapat upang tustusan ang kanilang pag-aaral dahil sapat lamang ito sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.

Sa usapin ng pagsasama o pagpapakasal, mataas ang bahagdan ng kasal sa sibil kung ihahambing sa kasal sa simbahan. Ito ay sa dahilanan na malaki ang gagastusin kung magpapakasal sa simbahan kay sa sibil. Lumalabas sa pag-aaral na dahil naghihiwalay din naman ang ibang nagpapakasal, minabuti muna ng iba na magsama muna sila pansamantala bago magpakasal upang subukin ang kanilang relasyon. May mga nagsasabi din na naging maayos ang kanilang pamilya kahit walang kasal.40

Maraming gawain o pagdiriwang ang itinataguyod ng mga naninirahan sa pamayanan ito. Nangunguna na dito ang fiesta na ang simbahang katoliko ang nag-akda. Dito naipapahayag ang kanilang debosyon sa mga santo. Ito rin ay naging bahagi na ng kulturang pilipino at ang katangi-tanging tradisyon ng mga tao na may kaugnayan sa kanilang pananampalataya. Ang undas o araw ng mga patay naman ang pumapangalawa sa mga pagdiriwang. Sa pagkakataong ito, inaalala nila

40 4

(39)

39

ang kanilang mga mahal na yumao na. Isa din sa mga pinaghahandaan ng mga pamilya sa lugar ay ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon. Ang panahong ito ang nagbubuklod sa bawat pamilya. Ito ay panahon ng pagsasalo-salo sa hapag ng lahat ng miyembro ng pamilya tanda ng pagbubuklod, pagbibigayan, pagmamahalan, at pasasalamat sa Diyos sa buong taon. Hindi din mawawala ang pagdiriwang ng kaarawan at

anibersaryo na kinagawian na ng napakaraming Pilipino.41

Sa bilis ng pag-ikot ng panahon at pag-angat ng teknolohiya, nakikisabay din ang mga tao sa ibat-ibang antas at pamamaraan ng libangan. Ayon sa pag-aaral, mataas ang bahagdan ng nanonood ng telebisyon, sumunod naman ang paglalaro ng binggo bilang pampalipas oras, at ang kaliwa’t kanang videokehan na siyang libangan ng mga taong mahilig kumanta. May mga naglalaro din ng billiards at basketbol,

pamamasyal sa mall, pagsasabong, at pakikinig ng radyo.42

B. Lokal na Simbahan

1. Pangkalahatang Sitwasyon at Gawain

Ang lokal na simbahan ng Diyosesis ng Novaliches ay may sariling pananaw at gampanin upang magsilbing patnubay sa kanyang

41 Ibid. p. 21 42

4

(40)

40

paglalakbay at pagtugon sa ibat-ibang hamon ng panahon. Sa kanyang pananaw, isinasaad nito na:

“Kami, ang simbahang lokal ng Novaliches, sambayanan ng mga tagasunod at pinagbuklod ni Kristo, tumutugon sa pangangailangan ng mga tao, kalakbay si Maria, tungo sa isang sariwa at ganap na buhay”.

Ang gampanin naman nito ay nagsasaad na:

“Nagtitiwala sa biyaya ng Diyos at sa patnubay ng Espiritung Banal, tinatalaga namin ang mga sarili na:

• Palaganapin ng may bagong sigasig ang

Magandang Balita sa lahat ng larangan ng buhay;

• Itaguyod ang karapatan at kakayahan ng mga layko

at hubugin sila bilang mga pinunong lingkod;

• Makiisa sa mga maralita, inaapi at isinasantabi, at

ibangon ang kanilang dangal;

Sa pamamagitan ng pagbuo at pagpatibay ng mga Mumunting Pamayanang Kristiyano tungo sa lubusang

pag-unlad ng pagkatao at pagpapanibago ng lipunan.”43

Ang pananaw at gampaning ito ng Diyosesis ay lalong pinagtibay sa mga isinasagawang pagpupulong ng mga pari at ng mga layko. Noong

43 4

(41)

41

ika-14 ng Hulyo, 2007, nagsagawa ng pagpupulong ang Diyosesis at naging sentro ng pagpupulong na ito ang usapin tungkol sa “integral

evangelization”. Ito ay nakabatay sa dokumentong isinulat ni Papa Paulo

VI na nagsasabing:

“...ang pagpapahayag, higit sa lahat, ng kaligtasan sa kasalanan; ang kalayaan sa lahat ng mapagpahirap sa tao; ang kaunlaran ng tao sa lahat ng aspeto ng buhay, pansarili at pangkumunidad; at ang pagbabago ng lipunan sa lahat ng aspeto sa pamamagitan ng talaban

ng Mabuting Balita at ng kabuuan ng buhay ng tao.”44

Dagdag pa nito, binibigyang pansin ng pagpupulong na ito ang tatlong bahagi o sangkap ng ebanghelisasyon. Una ay ang renewed

catechesis o formation; ikalawa ay ang renewed social apostolate; at

ikatlo ay ang renewed worship. Ang tatlong sangkap na ito ay nakabatay sa tria munera o mga ministeryo ni Hesus at dito umiinog ang kabuuang tunguhin ng Diyosesis.

Ang bawat ministeryo o paglilingkod ng simbahan ay binibigyang diin ng pagpupulong na ito. Ang una, renewed catechesis, ay kinakailangang nakatuon kay Kristo, naka-ugat sa salita ng Diyos, at sa kultura o kalinangan ng tao. Ang ikalawa, renewed social apostolate, ay kinakailangan na ang mga gawain ay para sa kaunlaran ng tao,

44 4

Pope Paul VI, On Evangelization in the Modern World Evangelii Nuntiandi, (Rome, 1975). n. 9, p. 29. (Sariling salin sa tagalog)

(42)

42

katarungan sa lipunan, at kapayapaan. Ang ikatlo, renewed worship, ay kinakailangan na ang mga gawaing pagpupuri ay siyang bukal at tuktok

ng buhay ng simbahan at sa kabuuan ng buhay ng mananampalataya.45

Naging mas makabuluhan ang pananaw, gampanin, at hangarin ng Diyosesis sa pamamagitan ng pagpapatupad nito sa mga ganap at di-ganap na parokyang kanyang nasasakupan. Ganun na lamang ang pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na kung saan ay naging bahagi lamang ito ng parokya ng Holy Spirit. Ngunit ang pagkakaroon ng relihiyosong kapatiran (Sons of Charity) sa pamayanan ay malaki ang naging bahagi at partisipasyon sa buhay ng mga tao. Ang kapatirang ito ay tumutulong sa pagpapalaganap at pagpapatibay ng kalagayang espirituwal ng mga tao at paghubog ng kanilang kamulatan bilang tao na may responsibilidad sa isat-isa.

Ang kapatiran ng mga Sons of Charity ay may sariling pananaw at gampanin na pinanghahawakan upang maging mas angkop ang pagsasagawa ng misyon sa nasabing pamayanan. Sinasaad sa kanyang pananaw na:

“Kami, bilang mga Sons of Charity, ay pinadala sa mga maralitang lugar upang isabuhay ang turo ni Hesus, ang mabuting pastol, ang nag-alay ng kanyang buhay

(43)

43

upang ipamalita ang pag-ibig ng kanyang Ama para sa mga maliliit.”

Sa pamamagitan ng ibat-ibang mga gawaing pastoral, pinananatili nitong itaguyod ang dignidad ng mga mahihirap, ang paghuhubog sa mga taong may kapasidad na mamumuno, at ang paglilingkod sa mga mahihirap. Ang layunin naman ng kapatiran ay:

Una, makapagbuo ng mga kumunidad na nagkakatipun-tipon at nagkakaisang nananalangin. Dito binibigyang diin ng kapatiran ang pagtatrabaho para sa pagkakaisa ng mga tao sa kumunidad;

Ikalawa, ang pagpapahalaga sa Banal na Misa na siyang sentro at puso ng kumunidad. Ito ay makikita sa mga banal na pagdiriwang ng buong kumunidad;

Ikatlo, ay ang pagpapahalaga sa mga paghuhubog ng

mga ibat-ibang namumuno ng simbahan.46

Ipinahahayag ng kapatiran ang kanyang pansin sa mga pamilya sa pamamagitan ng ibat-ibang uri ng paglilingkod. Binibigyang diin dito ang kalusugan, edukasyon, at kabuhayan ng mga tao. Sila ay nangunguna sa mga gawaing pastoral upang maging ganap ang tunguhin kung bakit sila pinadala sa lugar na ito. Unti-unting lumawak ang mga gawain ng

46 4

Fr Daniel Godefroy, SC, “Pastoral Report of during the Branch Meeting”, (Philippines, February 2007), p. 1

(44)

44

kumunidad sa tulong din ng mga taong may kakayahang mamuno. Una, bilang kabahagi ng parokya ng Holy Spirit, ang mga serbisyong sakramental ay limitado. Mayroong regular na pagdiriwang ng banal na misa tuwing Linggo at mga piyesta patronal, ang pagpapahid ng langis sa maysakit, pagpapakumpisal, at pagbibinyag tuwing pasko at piyesta patronal. Ikalawa, ang mga miyembro ng munting magkapitbahayang kristiyano o bukluran ay palagiang nagkikita linggo-linggo upang pagnilayan ang mga salita ng Diyos at pangangailangan ng kumunidad. Ikatlo, ang pastoral sa mga kabataan. Mayroong sampung grupo ng mga kabataan sa buong kumunidad na kung saan sila ay nagkakaroon ng regular na pagkikita at pagninilay, recollection, at youth week. Ikaapat, ang palagiang pagkikita at pagninilay ng mga matatanda o “senior citizen” sa kumunidad. Ikalima, ang kristiyanong paghuhubog sa mga mag-asawa ay regular na ginagawa. Ito ay tinatawag nilang “suyuan” na kung saan tinutulungan ang mga mag-asawa na palalimin pa ang kanilang samahan. Ikaanim, ang paghuhubog ng mga katekista para sa pagtuturo ng katesismo sa mga bata sa lugar at sa paaralan. Ikapito, ang pagtulong sa pamamagitan ng scholarship program sa mga kabataang may kakayahang mag-aral subalit walang sapat na panggastos sa pag-aaral, samantalang ang mga hindi nag-aaral ay tinutulungan din sa

pamamagitan ng pagkakaroon ng livelihood program.47

47 4

(45)

45

Ang kapatiran din ay nagpasimula ng libreng serbisyo at murang pagpapakonsulta at gamot para sa mga mahihirap, at pagbabahay-bahay o pagbisita sa mga pamilya upang matukoy ang kanilang pangunahing suliranin at mabigyang lunas lalo na sa usaping pangkalusugan. Ito rin ay isang pagpapatibay ng kalooban at pagpapadama sa kanila na sila ay mahalaga at may dangal bilang tao. Gumagawa din ng ibat-ibang hakbang ang simbahan sa pamayanang ito sa pamamagitan ng mga gawain at programang pagbabago o renewal. Ito ay sa tulong ng ibat-ibang Charismatic Movements kagaya ng Loved Flock at ng Couples for Christ. Napakatingkad sa pamayanang ito ang programang pabahay o gawad kalinga ng Couples for Christ na nakakatulong sa nakararami at nakapagbigay dangal sa bawat pamilya. Sa pamamagitan nito, unti-unting

nabago ang takbo ng buhay ng mga naninirahan sa pamayanang ito.48

2. “Mukha ng Simbahan” ayon sa mga tao

Ang pagmumukha ng simbahan ay nauukit ayon sa ibat-ibang karanasan ng mga maralitang tagalungsod. Sa kanilang pang-araw-araw na pakikipagtunggali sa buhay at pakikisalamuha sa kapwa at mga gawain ng komunidad, kanilang nadarama ang isang buhay na anyo ng pagiging simbahan sa gitna ng kanilang komunidad. Ang mga sumusunod

48 4

(46)

46

ay ang kanilang pagpapahayag ng mukha ng simbahan ayon sa pang-araw-araw na karanasan.

Una, pakikibuklod o ang pangkaraniwang tinatawag nilang

“bukluran”. Napakahalagang gawain ito para sa kanilang buhay at sa

buong komunidad dahil ito ang nag-uudyok sa kanila upang maging totoo at tunay na magkakapitbahayan. Ang “bukluran” ay isang panahon at pagkakataon na kung saan nagkakatipon ang mga magkakapitbahay upang manalangin, magnilay sa mga Salita ng Diyos, magbahaginan, mag-usap tungkol sa mga problema, at magtutulungan. Sa pagtitipong ito, naging buhay ang espiritu ng pagiging mga anak ng Diyos at pagiging isang komunidad. Sa pamamagitan ng bukluran, naging mulat ang bawat isa sa mga pangyayari ng lipunan, ng magkakapitbahayan, at ng buong komunidad. Dito din napapalalim ang kanilang samahan at pakikitungo sa bawat isa at sa pagsasabuhay ng diwa ng pakikipagkapwa.

Ikalawa, nagbibigay ng direksiyon at gabay. Ang presensiya ng simbahan sa gitna ng kanilang komunidad ay nakakatugon sa mga pangunahing problema ng kaguluhan. Naging bukang-bibig ng karamihan ang pagkakamapayapa ng dating magulong lugar dahil sa pagkanariyan ng simbahan na naging abot-kamay lamang nila. Sa simbahan nila natututunan ang pakikipagkapwa at pagkakaroon ng takot sa Diyos. Napapalalim ang kanilang kaalaman tungkol sa pananampalataya at sa buhay espirituwal. Sa panahon ng mga problema lalo na sa buhay ng

(47)

47

pamilya, nagkakaroon sila ng matatakbuhan upang humingi ng payo at gabay para maunawaan ang mga nag-uugat ng problema. Ang simbahan sa ganitong kalagayan ay nagsisilbing tagapaghubog ng kanilang pagkatao.

Ikatlo, nagpapasimula ng ugnayan. Ang mga naninirahan sa lugar na ito ay halos hindi magkakakilanlan sa isat- isa sa kadahilanang sila ay nanggagaling sa ibat-ibang dako ng bansa. Ang munting pagpapasimula ng pagbibisita sa mga pamilya at mga maysakit ay isang pagkakataon na magkakakilanlan ang mga tao at unti-unting magkakaroon ng ugnayan sa isat-isa. Palaging sinasabi nila na sa bawat pagtatagpo ay may mabubuong ugnayan. Ang pagkakaroon ng ugnayan ay isang pagbubukas ng kamalayan na ang bawat kasapi ng komunidad ay mga taong mahalaga, may dangal, at may dignidad. Sa ugnayang ito, naipapadama nila sa kanilang kapwa ang pagmamahal, pagtanggap, at pag-unawa. Ang pakikipag-ugnayan sa iba ay nagsisilbing pahingahan ng loob at pagkakaroon ng malasakit sa kapwang naaapi at nasasagasaan ng prinsipyo ng iba.

Ikaapat, nagpapalakas ng loob. Sa simbahan nila natutuklasan ang pagkakaroon ng lakas ng loob. Hindi na sila natatakot mangatok at makikisalamuha sa kanilang mga kapitbahay sa kadahilanang dala-dala na nila ang diwa ng pakikipagkapwa. Ang pagtuklas ng kahalagahan ng tao at paghubog ng kanilang sarili ay nakakatulong din sa kanila na

(48)

48

magkaroon ng lakas ng loob. Ito ang simulain ng kanilang pagiging misyonero, alagad, o kinatawan ng Diyos para sa pagbabalik loob ng kapwa lalo na ang mga naligaw ng landas. Sa buhay ng mag-asawa, naging buo at panatag din ang kanilang loob sa pakikibaka sa buhay may pamilya sa kadahilanang hindi na sila nag-iisa. Ang bukluran at ugnayan sa isat-isa ay malaking bagay upang magkaroon sila ng lakas ng loob.

Ikalima, nagpapadama ng kagandahang-loob. Ang pagpapahalaga at pagbibigay diin sa kanilang kalusugan, edukasyon, at kabuhayan ay isang pagpapakita at pagpapadama ng kagandahang-loob ng Diyos. Ang pagkakaroon ng mga konkretong programa laban sa sakit, paghahanap ng paraan upang mabigyan ng edukasyon ang mga kabataang may kakayahang mag-aral, at programang pangkabuhayan para sa mga walang trabaho at kinikita. Ang mga gawaing ito ng simbahan ay naglalayong sila ay uunlad, mabigyan ng katarungan, magandang kinabukasan, at kapayapaan. Sa pamamagitan nito, unti-unti nilang

nararamdaman na ibinabangon ang kanilang dangal bilang tao.49

49 4

Pakikipanayam at pakikipagkwentuhan ng mag-aaral sa iilang miyembro ng

chapel council at grupo ng bukluran ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Enero 13,

(49)

49

IKATLONG KABANATA

ANG SIMBAHAN NG MGA DUKHA AYON SA BIBLIYA AT

TURO NG SIMBAHAN

Mahalagang maisalarawan sa kabanatang ito ang konkretong mukha ng simbahan ayon sa bibliya at sa turo ng simbahan. Kaya’t binibigyang pansin sa kabanatang ito ang pagsasalarawan, pagpapahayag, at pagbibigay kahulugan sa simbahan ayon sa Bibliya at turo ng simbahan.

A. Ayon sa Bibliya

Ang usapin tungkol sa karukhaan at dukha sa Bibliya ay hindi madaling lagumin. Mayroong mga hakbang sa kasaysayan ng Diyos at ng sangkatauhan na nagpapahayag ng ibat-ibang pananaw nito. Ang ilan sa mga pagpapahayag na ito ay ang mga sumusunod:

Una, ang mga dukha ay prebilihiyo ng Diyos. Ang Diyos ay laging nasa panig ng mga dukha, isinasantabi, at inaapi ng lipunan at nakatuon ang kanyang misyon sa pagpapanumbalik ng kanilang karapatan. Ito ang kanyang sinabi sa Exodo 3: 7-9:

(50)

50

Sinabi ni Yawe: “Nasaksihan ko ang kahihiyan ng aking bayan sa Ehipto, at narinig ko ang kanilang daing nang pagmalupitan sila ng kanilang mga kapatas. Alam ko ang kanilang paghihirap. Nanaog ako upang palayain sila mula sa lupaing iyon tungo sa isang maganda at malawak na lupain, sa lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, sa lupain ng mga Kananeo”.50

at maging sa Salmo 72: 12-14:

“Ipinagtatanggol niya ang dukhang tumatawag, ang api na

walang tumutulong. Kinahahabagan niya ang mahina at ang nangangailangan, inililigtas niya ang buhay ng mga dukha. Hahanguin niya sila sa panlilinlang at karahasan dahil mahalaga ang dugo nila sa kanyang paningin”.51

Ito ay binigyang diin sa pagpapahayag ng misyon ni Hesus sa Lucas 4:18. “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran

niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.”52

Sa mga pagpapahayag na ito, napakalinaw ang pagpapakita ng pagpanig ng Diyos sa mga inaapi, sinasantabi, at mahihirap – ang mga dukha sa Lumang Tipan at maging sa kapanahunan ni Hesus.

Ikalawa, ang paghinala o di-pagtiwala tungkol sa mga kayamanan

at pagmamay-ari. Ang pagbibigay ng pakahulugan sa kahirapan at

kayamanan ay di-malinaw sa Lumang Tipan. Tiningnan ang kahirapan

50 5

Bibliya ng Sambayanang Pilipino (Manila: Claretian Publications, 1999), p. 88.

51

5 Ibid. p. 1220. 52

(51)

51

bilang kaparusahan at ang kayamanan naman ay bilang biyaya o grasya ng Diyos. Sa Genesis 13:14-17:

Sinabi ni Yawe kay Abram pagkatapos humiwalay sa kanya si Lot: “Tumingala ka at mula sa iyong kinaroroona’y igala ang iyong tingin sa hilaga, sa timog, sa silangan at sa kanluran. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga inapo magpakailanman ang buong lupaing nakikita mo. Gagawin kong sindami ng alikabok sa daigdig ang iyong mga inapo; kayat kung mabibilang ang alikabok, mabibilang din ang iyong mga inapo. Tumindig ka, at lakarin mo ang haba at luwang ng lupain sapagkat ibibigay ko ito sa iyo”.53

Sa Deuteronomio 7: 8-10:

“Ngunit pinili ka niya sapagkat mahal ka niya at upang tuparin ang pangakong binitiwan niya sa iyong mga ninuno. Kaya inilabas ka ni Yawe nang may malakas na kamay at tinubos ka sa bahay ng pagkaalipin at mula sa kamay ni Paraong hari ng Ehipto. Kaya alamin mong mabuti na si Yaweng iyong Diyos ay Diyos, ang matapat na Diyos. Nananatili siyang matapat sa kanyang pakikipagtipan, at abot sa libong henerasyon ang kanyang walang maliw na pag-ibig sa mga nagmamahal sa kanya at tumutupad sa kanyang mga utos. Ngunit pinaparusahan niya ang namumuhi sa kanya at kaagad na sinusuklian”.54

at maging sa Exodo 23: 23-26 ay nagpapahayag din ng ganito:

“Mangunguna sa iyo ang aking Anghel at ihahatid ka sa lupain ng mga Amorreo, Heteo, Pereceo, Kananeo, Heveo, Yebuseo – pupuksain ko silang lahat. Huwag kang yuyuko sa harap ng kanilang mga diyos o maglilingkod sa kanila o tutularan ang kanilang mga kaugalian; sa halip ay lubusan mo silang puksain at durugin ang kanilang mga sagradong bato. Kung paglilingkuran ninyo si Yaweng Diyos ninyo, babasbasan niya ang iyong tinapay at tubig – at ilalayo kita sa karamdaman. Walang makukunan o magiging baog sa iyong lupain. Pararamihin ko ang iyong mga araw”.55

53 5 Ibid. p. 31. 54 5 Ibid. p. 235. 55 5 Ibid. p. 122.

(52)

52

Sa kabilang dako, ito ay tinitingnan din bilang pinag-uugatan ng bisyo, ang bunga ng katamaran, at kaparusahan sa pagkadi-matapat sa Panginoon. Kaya sa batas ng Israel, ang pagiging dukha at ang karukhaan ay isang napakalaking eskandalo at kung kayat ang panlipunang batas ay naka-ugat sa kasunduan ng Diyos at ng sangkatauhan. Dahil dito, ang kanilang kautusan ay binubuo ayon sa Deuteronomio 15:4: “Hindi dapat magkaroon ng dukha sa piling mo kapag

lubos kang pinagpala ni Yawe sa lupaing ibinibigay sa iyo para angkinin bilang pamana”.56

Sa aklat ni Isaias 61:1-2; 66:2, ang dukha ay ang mga maliliit na tao, ang mapagkumbaba, ang inaapi, ang mangmang, ang walang inaasahang mamanahin, ang walang kasiguruhan sa buhay, at nabubuhay lamang sa pagtitiwala sa kagandahang-kaloob ng Diyos at paghihintay sa kanyang muling pagdating. Tinitingnan ni Hesus ang kanyang misyon ayon sa pangangailangan ng mga taong ito sa kanyang panahon. Kaya sa Bagong Tipan, ang sitwasyon at pangyayaring ito ay naging mas malinaw. Ang Kaharian ng Diyos ay ang iisang seguridad o kasiguruhan na kung saan ay walang makakapagsilbi sa dalawang amo

sa iisang panahon (Mateo 6:24).57

56 5

Cf. Dt. 15:4.

57

5 John Fuellenbach, Hermeneutics, Marxism and Liberation Theology (Manila:

Figure

Updating...

References

Updating...

Related subjects :