Pagsusuri sa mga Akda.docx

54  Download (0)

Full text

(1)

Pagsusuri sa mga

Akda ni

Teodoro

A.

Agoncillo

Ipinasa ni:

(2)

Ipinasa Kay:

Prop. Marilou Delos Reyes-Nuevo

Ang May Akda

Si Teodoro ANDAL. Agoncillo ay tanyag na istoryador, mangangatha, at makata. Isinilang siya sa Lemery, Batangas noong 9 Nobyembre 1912, at

yumao noong 14 Enero 1985. Kinilala dahil sa kontribusyon niya sa pagsulat ng kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagsulat siya ng mahigit na 20 aklat at mga artikulo ukol sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya ay hinirang bilang isa sa "Ten

Outstanding Young Men (TOYM)", ng Junior Chamber of the Philippines noong

1963 at "Distinguished Scholar of the University of the Philippines" noong 1968. Teodoro ang tunay na pangalan, ngunit kilala sa katawagang "Teddy" o "Ago" ng mga kaibigan. Ipinanganak siya noong Nobyembre 9, 1912. Ang

kanyang magulang ay sina Pedro Medina Agoncillo (ng Taal, Batangas) at Feliza Zaraspe Adan (ng Lemery, Batangas). Lumaki sa Intramuros, Maynila, at nakapagtapos ng kanyang doctorate degree (Ph. B.M.A.) noong 1934 at

Philosophy (1935) sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagawaran din siya ng Doctors

of Letters, Honoris Causa, mula sa University of Central Philippines, taong

1969.

Ang kanyang mga namumukod na mga aklat ay:

(3)

The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan Malolos: The Crisis of the Republic

The Fateful Years: Japan’s Adventure in the Philippines The Burden of Proof: the Vargas-Laurel Collaboration Case

Introduksyon

Sa Kamatayan Lamang

Ang akdang ito ay nagkamit ng Unang Gantimpala sa Carlos Palanca Awards noong taong 1953-1954 ito’y nasa Panahon Nang Matamo ang

Kalayaan. Sa kwentong ito matutunghayan ang mga naging karanasan ng ating bansa sa kamay ng mga Amerikanong nagtanggol sa atin sa kamay ng mga hapones at dahil doon ay inakalang maging ganap nang malaya ang bansang Pilipinas. Subalit hindi tayo lubusang naging malaya sa pagdating ng mga mapagpanggap na Messiah ng ating bansa bagkus sila’y namuno sa bansa at lahat ng dapat pag-aari ng bansa ay inaring kanila. Ganoon din sa politika at aspektong pang-ekonomiya ng bansa. Natuto din ang mga Pilipinong luminlang ng kanilang sariling kababayan dahil sa sarili nilang hangarin o maaaring pagkatakot na rin sa mga Amerikano. Ang buong akala ng mga Pilipino ay matatapos na ang digmaan subalit iyon pala’y hudyat ng bagong digmaang magaganap. Tinalakay sa kwento ang pakikipaglaban ng mga tulisan sa

Amerikano at kung paano sila linlangin ng kanilang kasamahan. Sa kwento ay nangingibabaw ang damdaming makabayan ng pangunahing tauhan na si Macario ang pagtalikod niya sa kanyang mahal sa buhay alang-alang sa

(4)

kanyang bayan, nakahanda siyang ibuwis ang kanyang buhay makamit

lamang ang kalayaan subalit siya ay nabigo dahil sa panlilinlang na ginawa ng kanyang mga kasamahan. Noong panahong iyon walang taong

mapagkakatiwalaan dahil maaaring kasabwat o kaisa ng mga Amerikano ang ilang Pilipino. Ang akala kasi ng ilang mga Pilipino ay makakatulong sa kanila ang mga Pilipino subalit kabaliktaran iyon ng kanilang iniisip. Nagkaroon ng “Parity Rights” ang mga Amerikano at iyon naman ay tinutulan ng mga makabayan at dahil sa pagtutol na iyon nabuo ang mga hukbo ng tulisan noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano at ang hukbo ni Macario ang isa sa mga sumasalamin sa mga uri ng mga mga samahan/hukbo noong

panahong iyon.

Paksa Tema Pamagat May Akda

• Hangad na maging malaya sa kamay ng mga Amerikano. • “Wala sa buhay ang katarungan. Sa kamatayan lamang maaaring maganap ang katarunga.” • Sa Kamatayan lamang • Teodoro A. Agoncillo

(5)

Tauhan Tagpuan Tunggalian Istilo • Macario • Julia • Pari • Tauhang Bilog • Kabundukan ng Rizal • Panahon Nang Matamo ang Kalayaan

• Tao sa Tao • Flashback • Makatotohan • Makabayan Pagsusuring Pangnilalaman Pagsusuring Panglinggwistika Pagsusuring Pampanitikan • Ang mamatay para sa bayan.

• Pormal na Salita • Teoryang Historikal • Idyoma • Hayperbole •Simili • Simbolo Pagsusuring Pang-sosyokultural Sintesis Wakas

(6)

• Pagiging Taksil ng Sariling Kapwa. • Huwag tayo basta magtiwala sa kung kanino lamang. • Masining at may proseso ang kwento. I. Paksa

“Hangad na maging malaya sa kamay ng mga Amerikano.”

Ito ang naging sentro ng kabuuang kwento at ang pinapaksa nito. Ang hangad na maging malaya sa kamay ng mga Amerikano. Dahil sa pagnanais na ang bayan ay maging malaya ang mga taong may

pagmamahal sa sariling bayan ay nakipaglaban upang makamit ang kalayaang nais makamtan. Bumuo sila ng mga samahang naglalayong isulong ang kalayaan laban sa Amerikano. Sa kwento ay makikitang pinapaksa ang hirap na dinanas ng mga bayani ng bayan na

nakipaglaban sa mga Amerikano para sa ating kalayaan subalit ang mga Amerikano ay hindi mapasusubaliang higit na makapangyarihan sa atin

(7)

kung kaya’t hindi rin nagtagumpay ang ating mga bayani sa pagtatanggol sa ating kalayaang mas nangibabaw pa rin ang kapangyarihan ng mga banyagang ito na sumakop lamang sa atin. Hindi naghahangad ng kabutihan para sa atin bagkus ang sarili lamang nilang kabutihan ang kanilang nilalayon sa ating bansa. Hindi sila pumarito noon sa Pilipinas upang tayo’y tunay na ipagtanggol kundi magawa nilang isang kolonya ang Pilipinas na kung saan sila’y malaya sa kanilang ibig gawin.

II. Tema

“Wala sa buhay ang katarungan. Sa kamatayan lamang maaaring maganap ang katarunga.”

Ang temang ito ay nakuha sa ilang bahagi ng kwento o mga piling sabi. Ito ang napili kong tema sapagkat napagtanto kong ang isang taong matapat at may malasakit sa bayan ay handang magbuwis ng sariling buhay alang-alang sa katarungan ng kanyang bayan. Ang pangunahing tauhan sa si Macario ay aking maihahalintulad kay

kristo, si Kristo na tinalikdan ang lahat upang magturo ng mabuting aral ng ating Ama sa langit at upang palaganapin ang kabutihan asal ng sa gayun ay mapalawak ang kabutihan at mailigtas tayo sa ating mga kasalanan, subalit katulad ni Macario siya ay dinakip at pinagtaksilan din ng kanyang mga alagad at ang pagdakip na iyon naging dahilan ng kanyang kamatayan, ganoon ng ganoon din ang nangyari kat Macario, iniwan niya ang lahat alang-alang ay nadakip ng mga Amerikano pati rin ang kanyang iba pang kasama at sila’y pinarusahan ng bitay.

Tinanggap niya ng buong puso ang kamatayang iyon sapagkat alam pagmamahal niya sa bayan ay kanyang mapatunayan hindi

(8)

lamang sa salita kundi sa gawa rin. Subalit sa kabila ng lahat na kanyang dinaanan nabigo lamang siya. Ang kanyang kamatayan ang

makapagsasabing ang inambag niyang pagpapakasakit ay maituturing na wagas at makatotohan ang damdaming kanyang ipinakita.

III. Pamagat

“Sa Kamatayan Lamang”

Ang pamagat ay nakuha sa ilang piling sabi sa loob ng kwento at ang pinopokus ng pamagat ay ang mismong pangunahing tauhan na dahil na rin sa pagiging taksil ng kanyang mga alagad ay nadakip ng mga Amerikano at pinatawan ng parusang bitay. Iyon sana ay hindi nangyari kung hindi lamang dahil pinagtaksilan siya. Di sana’y may pagkakataong naging malaya tayo sa mga Amerikano noon.

IV. Banghay

 Dumating ang pari sa kulungan upang basbasan at makapagkumpisal si Macario

 Hinagkan ni Macario ang Krus at sa kanyang pagdili-dili ay narinig niya ang isang tinig na mula sa Krus at tila ito’y buhay na

nakikipag-usap sa kanya

 Nangumpisal si Macario dahil na araw na iyon ay bibitayin na siya  Nang matapos na siyang mangumpisal at papalapit sa bakal kung

saan siya bibitayin, naulinigan niya ang tinig na binibigkas na pari, inuulit niya ito sa bawat bitaw ng pari

 Piniringan si Macariong isang kayong itim at inaayos ang lubid sa kanyang leeg. Ang huling kataga ng pari ay hindi na naulit ni Macario

(9)

V. May Akda

Teodoro A. Agoncillo VI. Tauhan

Macario- Nagtatag ng hukbo sa Bundok ng Rizal at nagtipon ng

maraming tulisan upang makipaglaban sa mga Amerikano. Iniwan niya ang kanyang mga mahal sa buhay alang-alang sa mga layunin niya para sa bayang inapi ng mga Amerikano.

Julia- Ang kasintahan ni Macario na lubos ang nadamang lungkot at pagkatakot dahil sa pagiging tulisan ng kasintahang si Macario. Sa huling pamamaalam sa kanya ni Macario ay gumuhit ang luha sa

mukha nito habang ang kasintahan ay nagpapaalam papalayo sa kanya. Pari- Nakinig siya ng taimtim kay Macario habang ito’y nangungumpisal sa kanya. Ang mga tinig ng kataga ng paring ito ang pumukaw sa puso ni Macario sa matinding kalungkutang kanyang nadarama.

VII. Tagpuan

Kabundukan ng Rizal- Dito unang itinayo ni Macario ang kanyang hukbo. Doon nila unang sinimulan ang paghahanda sa pagsalakay sa mga sundalong Amerikano. Napakahalaga ng tagpuang ito sapagkat dito itinatag ng mga tulisan ang isang nakatagong lugar ng pag-asa at

pangarap ng mga taong may pag-ibig sa bayan.

Panahon Nang Matamo ang Kalayaan- Ang kwentong “Sa Kamatayan Lamang” ay nailimbag noong 1953-1954 sakop ng panahong ito ang ating pagiging malaya sa kamay ng mga Hapones dahil sa “messiah daw”

(10)

na mga Amerikano, subalit ang ating bansa ay hindi naging malaya dahil ang mga Amerikano ay nagkaroon ng “Parity Rights” sa ating bansa, na sila’y pinahihintulutang gamitin ang ating mga likas na yaman subalit labis itong tinutulan ng mga makabayan nating

kababayan. Tinalakay sa kwento ang mga karanasan ng ng ating mga kababayan at ang pambobomba sa mga bayan sa Maynila. Naging

talamak ang patayan at malalaking sunog sa Kamaynilaan dahil sa mga Amerikano. Hindi agad natapos ang digmaan Pilipino-Amerikano dahil pilit na nanlaban ang mga kababayan nating tulisan sa mga Amerikano sumiklab ang digmaan at walang napagkasunduan dahil ang bawat panig ay may iba’t ibang layunin.

VIII. Tunggalian Tao sa Tao

Si Macario ay nakipaglaban sa Amerikano kasama ang kanyang mga alagad. Nakipaglaban siya sa hangaring maging malaya tayo at maging isang Republika ang ating pamahalaan. Parang langit ang bumagsak sa kanya ng siya’y pagliluhan ng sarili niyang kasamang tulisan. At ang kanyang pinaglalaban ay parang bulang naglaho na lamang. Dahil sa kanyang kasamang iyon hindi na naipagtanggol muli ni Macario ang bayan dahil na rin sa pagdakip sa kanya.

IX. Istilo

Flashback

Gumamit ng Flashback ang may akda. Sa unang bahagi ng kwento mapapansin na iyon ay dapat nasa gitnang bahagi ng kwento at ang

(11)

nasa gitnang bahagi ng kwento naman ay mapapansing iyon ang unang pangyayari bago naganap ang unang pahayag sa kwento. Ang daloy ay “Gitana, Simula at wakas” at hindi tuwirang sinabi ang pagkamatay ng pangunahing tauhan bagkus iniwan sa mambabasa ang kamalayang ang pangunahing tauhan ay namatay.

Makatotohanan

Makikita sa kwento ang mga pangyayaring naganap noong tayo’y naging malaya sa sa Hapones dahil sa mga Amerikano. Ang mga

karanasan ng mga tulisan at damdaming pinalutang sa kwento ang damdamin ng isang Pilipino ng mga panahong iyon. Sumapol sa aking damdamin ang paglalarawan ng panahong iyon na hindi mo lubos isiping ang kapwa mo Pilipino ang siya ring makakanulo sa iyo. Makabayan

Ang kwento ay tumatalakay sa pagiging makabayan at humihimok ng mga mambabasa na dapat tayo ay lumaban sa umaapi sa ating bayan at ipagtanggol ang bansa sa mga taong mang-aapi lamang at yuyurakan ang ating pagkatao.

X. Pagsusuring Pangnilalaman

“Ang mamatay para sa bayan.”

Pinupukaw ng kwento ang damdaming makabansa upang sa gayun ay ganap tayong maging malaya. Bilang pagmamahal sa bayan dapat lagi nating isaalang-alang ang kapakanan ng ating bayan at huwag nating miminsang isiping pagliluhan ang nais na kapayapaang nais makamtan ng sino man. Ang isang tunay na makabayan ay may

(12)

likas na pagmamahal at malasakit sa bayang naaapi kung kaya’t ang pagmamahal na ito ang mag-uudyok sa atin upang pukawin at isulong ang pagiging malaya at ialay ang buhay alang-alang dito. Kailangan ng ganap na pakikiisa ng bawat kasapi at may wagas na pusong upang huwag maglilo upang ang sama-samang pinaglalaban o isinusulong ay makamtan hindi lamang natin kundi ng buong taong kasapi ng ating bayan at maging ang katarungan ng mga kababayan nating inosenteng nasawi sa digmaang Pilipino-Amerikano.

XI. Pagsusuring Panglingwistika Pormal na Salita

Hindi gumamit ng ano mang salitang banyaga ang may akda at likas sa ati ang mga salitang kanyang ginamit na mga salita subalit walang mga balbal na salita. Mapapansin ang pagiging likas na Pilipino na may-akda dahil gumamit siya ng mga salitang pambansa. Subalit hindi tuwiran ang kanyang pagpapahayag sa mga salita at iniiwan nito ang kamalayan sa kwento.

XII. Pagsusuring Pampanitikan Teoryang Historikal

Naitala sa kasaysayan ang mga pangyayaring naganap sa kwento katulad na lamang ng pakikipaglaban ng mga tulisan sa mga Amerikano dahil sa hindi natin pagiging isang republika. Si Teodoro A. Agoncillo ay maaaring nagsulat batay sa kanyang karanasan noong panahon nang matamo ang kalayaan at ito’y nasa kanyang panahon, maaaring ito’y sarili niyang karanasan o batay sa kanyang naobserbahan noong

(13)

panahon na iyon. Maaaring ito ang nag-udyok sa kaniya upang gumawa ng Maikling Kwentong katulad nga kanyang nararanasan at ang mga naranasan niyang iyon ay isinatitik niya upang magmulat ng bagong kamalayan sa tao na isulong ang ano mang karapatan pantao na dapat ay ating tinatamasa sa sarili nating bayan. Subalit nasaan ang

karapatang iyon? Wala, sapagkat inari nilang lahat nang dapat ay atin at ating pinakikinabangan.

Idyoma

Puno ng Hagdan Hayperbole/Pagmamalabis

Kumiskap sa mga mata ng punong-bayan ang apoy ng pagkapoot. Naligo sa sariling dugo

Simili/Pagtutulad

Ang pudlok-pudlok na putting alapaap ay waring nagkakaroon ng hugis anghel

Simbolo

Krus- Sumisimbolo sa isang pagpapakasakit ng isang tao na kanyang pinapasan sa mahabang panahon ng paglalakbay subalit ang Krus na iyon ay ang magiging dahilan rin ng kanyang kasawian o

kamatayan. Pinasan niya iyon kahit na ito’y napakabigat, naglakbay siya sa lusak ng buhay subalit nabigo rin siya sa kanyang hangaring mabuti at ganap tayong lumaya sa mga mananakop. Sumisimbolo rin ito sa

(14)

larawan ni Kristo na katulad ni Macario ay naging biktima rin ng paglililo ng kapwa niya.

XIII. Pagsusuring Pangsosyokultural

“Pagiging Taksil ng Sariling Kapwa.”

Maaaring maituturing ngang taksil ang sino mang taong lumabag sa kanyang sinimulan at sa hukbong kanyang sinalihan higit lalo siyang taksil sapagkat ang kanyang mga isinuplong ay mga kapwa niya

kasamahan sa iisang layunin. Makikita sa kwento na hindi sa lahat ng pagkakataon ay may mga kasaping nagpapakatotoo o tapat sa kanilang ipinangako dahil may mga pagkakataong maaaring naipit lamang siya sa isang sitwasyon kung kaya’t ang palililo ay maaaring intensyunal o hindi. Hindi natin maihihiwalay sa aspektong ito sa naganap sa kwento sa naganap sa kwento ang ginawang pagtataksil ng ilang kasapi sa hukbo ni Macario at sa isang pagtitipon na idinaos sa bahay ng isa sa mga opisyal ng Amerikano bilang patibong upang mahuli si Macario kasama ang kanyang mga tauhan at iba pang kasamahan. Dahil sa paghuli kay Macario ang mga Amerikano naman ang nagbunyi sa pagdakip sa kanya, at ang mga katagang lumabas sa mga bibig ng mga Amerikano ay pagiging magnanakaw umano ng hukbo ni Macario

samantalang sila itong magnanakaw sa ating kaban at inaaring kanila ang ating bansa sapagkat ang karapatan natin ay nawala noong sila ang namuno ng ating bansa.

XIV. Sintesis

(15)

Ang tao’y sadyang nalilinlang sapagkat nagpapadala siya sa bugso ng kanyang damdamin kahit na nilililo na siya ng kanyang kapwa.

Naniniwala agad tayo sa kanilang sinasab bagamat sa likod ng mga katagang kanilang binitawan ay maaaring nasa likod lamang niyon ay ang isang pagtataksil. Paano nga ba tayo hindi magtitiwala kung ang buong pagkakaalam natin tayo ay kabilang sa kanilang mabuting adhikain? Madali tayong nanalilinlang sa mabulaklak na kanilang sinasabi na walang malalim na pag-iisip sa isang salitang binibitawan sa atin at may kalakip pang mga pangako sa atin, subalit nasaan, nasaan ang mga pangakong iyon? Tila ginuhit lamang iyon sa tubig, na inagos at pumailalim ng pumailalim at tuluyang nabaon sa limot at nawala at hindi na muling sinisid pa. Kay lungkot lamang isipin na ang mga taong inaasahan mong tutulong sa iyo ay ang mga taong lilinlang lang pala sa atin. Sadyang may mga taong lilo lalo na kapag nasilaw na sa salapi at mga pangakong hindi naman tiyak kung kaniyang

makakamtan..

XV. Wakas

“Masining at may proseso ang kwento”

Nang umpisahan kong basahin ang kwentong ito agad akong nag-isip kung bakit sa ganitong paraan nagsimula ang kwento, ang bahaging iyon ng kwento na sa gitna nararamat makita. Akala ko noong una’y hindi o ito maunawaan subalit ng basahin ko ito ng basahin ay malinaw naman ang mensaheng nakapaloob. Ang ginawa ng may akda ay nagsimula sa gitnang bahagi ng kwento habang sa gitna naman niyon ay ang mga unang

(16)

pangyayaring pamamaalam ni Macario sa kanyang mahal. Naging malinaw naman ang naging mensahe ng akdang ito sa katulad kong noong una’y medyo nagulumihanan.

Introduksyon

Madilim Pa Ang Umaga

Ito ay kwento ng isang binatang lalaki na nagngangalang Ruben. Siya ay dating maituturing na “chickboy” dahil sa magara nitong dating. Subalit isang araw ay bigla na lamang nag-iba ang kanyang nayo. Hindi na siya ang dating Ruben na maituturing ng kanyang mga kaibigang”chickboy”. Madalas ay malalim mag-isip ang binatang ito at napapansin iyon ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Madalas niyang isipin ang sinasabi ng kanyang mga kaibigan na siya ay madamot subalit hindi nalalaman ng kanyang mga

(17)

kaibigan na siya ay may isang malaking pamilya na iniwan ng kanyang Ama. Madalas din siyang pagtawanan ng mga ito sapagkat nagbago na nga ito mula nang yumao ang kanyang Ama. Madalas niyang nakikita ang kahirapan sa paligid at ang mga taong nilulustay ang pera sa mga walang kwentang bagay bagamat may mas nangangailangan ng perang iyon. Sa kwentong ito

masasalamin natin ang dalawang mukha ng ating Lipunang kinagisnan, ang isang mukha ay para sa nakaririwasa na walang ibang inaalintana kundi ang magsaya at walang pakialam sa mga hirap na hirap na mga taong walang makain, pangalawa ay ang Lipunan ng mga taong mahihirap na katulad ni Ben ay pinagkakasya ang kinikita para sa pagtulong sa pamilya subalit hindi iyon napapansin o nakikita ng mga nakaririwasa. Sila’y walang pakundangan sa pagwawaldas ng kanilang pera sa walang kabuluhanng bagay samantalang sa kalye ay naroroon ang mga yagit na naghihintay ng baryang kumalasing

kanilang harapan. Sila bang mayayaman ay bulag? o nag bubulag bulagan lamang?

(18)

Paksa Tema Pamagat May Akda • Ang responsibilidad sa pamilya ng pangunahing tauhan. • Hindi masama ang magdamot sa kapwa kung ang ipinagkakadamot mo’y mas kailangan ng iyong pamilya. • Madilim Pa Ang Umaga • Teodoro A. Agoncillo

Tauhan Tagpuan Tunggalian Istilo

• Ruben • Lydia • Nene • Maynila • Panahon ng Hapon

• Tao sa Sarili • Pormal na salita Pagsusuring Pangnilalaman Pagsusuring Panglinggwistika Pagsusuring Pampanitikan • Kulturang Pilipino at Kahirapan • Simbolismo • Pangatlong Panauhan • Pagbibigay Katauhan • Pagmamalabis •Context • Teoryang Realismo Pagsusuring Pang-sosyokultural Sintesis Wakas

•Ang bawat kasapi ng pamilya ay may karapatang

tumulong sa pamilya.

• Huwag lagi sarili ang isipin.

• Hindi gaanong napalutang katauhan ang ibang karakter.

(19)

I. Paksa

(20)

Nabuo ko ang paksang ito dahil iyon ang nakita kong mas nangibabaw sa kwento, ang responsibilidad ni Ruben sa kanyang

pamilya. Hindi niya maaaring panabayaan na lamang ang kanyang mga kapatid at Ina lalo kung siya ang mas may kakayahang buhayin ang kanyang mga ito. Ito ay bahagi na ng kulturang Pilipino na kung saan ang may trabahong anak ang palaging nangunguna sa mga

responsibilidad sa pamilya. Naniniwala akong mapahanggang ngayon ay dala-dala natin ang kulturang iyan.

Isa pang pinapaksa ng kwento ay ang kasalatan sa buhay ng mga Pilipino noong Panahon ng Hapon.Kaya ang dapat na gawin ay

kumayod ng doble para mairaos mo ang iyong pamilya sa gutom at sakit. II. Tema

“Hindi masama ang magdamot sa kapwa kung ang ipinagkakadamot mo’y mas kailangan ng iyong pamilya.”

Ito ang nabuo kong tema sapagkat lubos na dinaramdam ni Ruben ang mga katagang mula sa knyang mga kaibigan na siya raw ay

maramot, nagdadamot at takot utangan. Maaaring ang pagdaramot ni Ruben ay isa lamang paraan niya upang ang pera na kanyang

pinaghirapan ay mapunta sa kanyang pamilya imbes sa ibang bagay na walang kabuluhan. Hindi madamot si Ruben marahil may mga bagay na mas importante para sa kanya na dapat niyang unahin muna bago ang pangangailangan ng iba. Mas matatanggap niyang nakikita ang kanyang sariling nahihirapan kesa makita ang kanyang pamilya sa ganoong paghihirap na walang makain, nagkakasakit, at katulad ng mga nasaksaksihan niya sa kalye na namamalimos dahil walang makain.

(21)

Kailangang timbangin din natin ang pagbabadget ng ating pera ng sa gayun ay humusto ito para sa pamilya. Hindi laging waldas dito, waldas doon, bili dito, bili doon.

III. Pamagat

Madilim Pa Ang Umaga

Ito ang naging pamagat sapagkat si Ruben na ang pangunahing tauhan sa kwento ay maraming pasanin sa buhay tulad na lamang ng mga responsibilidad niya sa pamilya na iniwan ng kanyang yumaong Ama pasanin din niya ang mga panlilibak sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Ang umaga ay tila dilim na kanyang nilalandas na walang siyang ibang nakikita kundi karimlan, subalit kailangan niyang magising upang harapin ang hamon sa buhay na hindi niya dapat sukuan bagkus harapin ito at landasin. Ang hamon na iyon ay ang responsibilidad niya sa kanyang pamilya.

IV. Banghay

• Malaki ang pinagbago ni Ruben mula ng mamatay ang kanyang Ama hindi na siya ang dating babaero. Hindi na niya alintana ang mga ganoong bagay.

• Napansin ng kanyang mga kasamahan ang pananamlay ni Ruben at madalas siyang pagtawanan sa trabaho tuwing mamamalas nila ang ganoong anyo ni Ruben madalas din siyang paratangang maramot kaya iyon ay talagang kanyang dinibdib.

(22)

• Sa kabilang dako ng pag-iisip ni Ruben mulat kanyang isipan sa mga bagay na nangyayari sa kanyang paligid. Napapansin niya ang

kahirapan at kung gaano maghirap ang tulad niyang maralita rin. • Sa mga pagdaan-daan niya sa mga kalye napapansin niya ang pamumuhay roon ng mgahirap at mayaman. At dahil doon ay lalong kinasusuklaman niya ang mga nakaririwasa sa paggasta dito paggasta riyan samantalang silang mga mahihirap ang sapat lamang ang kita para sa pamilya.

• Sa kanyang pag-uwi maligaya niyang hinarap ang buhay at sa kanyang pagnilay-nilay sa paligid at pagtanggap ng maluwag sa kalooban ng responsibilidad sa buhay. V. May Akda Teodoro A. Agoncillo VI. Tauhan VII. Tagpuan

Ruben- pangunahing tauhan sa kwento at may malaking responsibilidad sa pamilya.

Lydia- kasamahan ni Ruben sa trabaho

Nene- kasamahan din ni Ruben sa trabaho

(23)

Maynila- natukoy ko ang tagpuan sapagkat naibanggit sa kwento ang ilang lugar sa Kamaynilaan tulad ng Sta. Cruz, Quiapo, Liwasang Goiti, Liwasang Burgos at Liwasang Sta. Cruz

Panahon ng Hapon- ang akdang “Madilim Pa Ang Umaga” ay isa sat inuring na pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943 at nabilang sa aklat-katipunang nalimbag noong 1944; Panahon na Hapon

- Panitikan na Pilipinas: Historikal at Antolohikal Ang kwento ng “Madilim Pa Ang Umaga” ay pumapaksa sa buhay at katotohanan sa lipunang pinamumugaran. Ibinanggit sa kwento ang dalawang uri ng Lipunan, ang una ay ang mga taong nakaririwasa kasama na roon ang mga hapon na pilit kinukuha ang mga bigas na para sa mga Pilipino upang ipakain sa mga kawal nila, at dahil doon lalong naguton ang mahihirap nating kababayan, umaasa sila sa limos ng mga tao. Isa itong patunay na noong panahon ng hapon isa ang kahirapan at mga dinaranas ng mga mamamayan sa kasalatan sa pagkain, damit, hanapbuhay at pakikisama kung bakit may mga taong nag-udyok magsulat noong panahon ng hapon.

VIII. Tunggalian

Tao sa Sarili

Lubos na dinamdam ni Ruben ang mga naririnig at nakikita niya

sa paligid, maramot siya yan ang madalas bukambibig ng kanyang mga kaibigan, nilabanan niya ang ganoong mga bagay na nagpapahirap sa kanyang

(24)

IX. Istilo

Simbolismo

“hawak ang isang aklat at isang dahon nito’y hindi naalis ang daliring nagsilbing tanda sa bahaging katatapis pa lamang

basahin sa pagitan ng kanyang kasamahan.”

Aklat- simbolo ng yumaong Ama na sa kanyang isipan ay hindi pa ganoong naglaho.

Pangatlong Panauhan

Karaniwang gamitin ng May Akda ang panghalip na “siya”. Nagpapahiwatig itong ang pangunahing tauhan sa kwento ay

walang kaugnayan sa May Akda X. Pagsusuring Pangnilalaman

“Kulturang Pilipino at Kahirapan”

Kultura na ng Pilipino o karaniwang nangyayaring nagkakaroon ng responsibilidad sa pamilya ang mas nakatatandang kapatid o ang

nakaririwasa sa buhay ang umako sa mga responsibilidad kapag ang mga magulang ay yumao na. Ang kulturang iyon ay ipinakita sa kwento. Si Ruben ay naging haligi ng tahanan ng yumao ang kanyang Ama. Makikita rin nating noong Panahon ng Hapon ay nagdanas ng kahirapan ang ating kababayan may mga nagutom dahil sa kapakanan ng mga hapones dahil sa pagkuha ng mga pagkaing dapat ay para sa mamayang Pilipino, at dahil napaka makapangyarihan ng mga hapones noon

(25)

walang nagawa ang ating mga kababayan kundi ang sumunod sa kanilang gusto.

XI. Pagsusuring Panglingwistika Pormal na Salita

Gumamit ng mga pormal na salita ang may akda subalit may ilan sa mga salitang ito’y malalalim. May mga pahayag din kapag hindi inulit-ulit basahin ay hindi mauunawaan. Walang anumang balbal na salitang ginamit sa akda.

XII. Pagsusuring Pampanitikan Pagbibigay Katauhan

“Nagmaliw na sa balintataw ng kanyang mga mata ang amo ng malamlam na umagang malamig at mat simo’y ng amihang nagpapayuko sa hitik na uhay ng manila-nilaw na palay.”

Pagmamalabis

“May liwanag na ngayong nakasususnog sa bawat titigan.” Context

“Gumuhit sa kanyang alaala ang pangit na larawan ng lipunan: noong isang araw, samantalang siya’y naglalakad sa Avenida Rizal ay natagpuan niya rito ang magkabilang dulo ng lipunan—ang dalawang dulong di niya nakita noong siya’y lumilikha ng kanyang kahapon.” Teoryang Realismo

(26)

Ipinapakita sa kwento an gang dinaranas ng tao sa kanyang paligid maging ang mga salitang kanyang naririnig mula sa kanyang kapwa. At kung paano ang isang tao’y nakakayanan ang bunuhay ng isang malaking pamilya na iniwan sa kanya ng yumao. Sa kwento ay masasalamin ang kaugalian ng mga nakaririwasa sa walang

pakundangan paglulustay ng kanilang pera sa pag-iinom sa kasiyahan samantalang may mga taong naghihirap. Sa kwento ay pinakita ang magkaibang estado ng mga tao sa lipunan at kung paano ang taong may pera mamuhay at kung paano naman makibaka sa hirap ang mga taong mahihirap.

XIII. Pagsusuring Pangsosyokultural

“Ang bawat kasapi ng pamilya ay may karapatang tumulong sa pamilya.”

Malinaw na unti-unti ring tinanggap ni Ruben ang responsibilidad niya sa kanyang mga kapatid at Ina. Sa ngayong panahon ay bihira na tayong makakita ng tulad ni Ruben bagama’t ako’y hindi naniniwala na ang kulturang ito’y mananatili sa ating mga puso. Kung may iilan mang hindi kapares ni Ruben siguro iyon ang mga taong walang ibang inisip kundi ang kanilang sarili sapagkat hindi nila nakikita ang hirap na diranas ng kanyang pamilya at ang responsibilidad na minsan sa buhay natin kailangan nating suklian ang anumang ipinagkaloob sa atin ng ating mga magulang kung hindi dahil sa kanila ay wala tayo sa mundong ito. Sadyang kay hirap bumuhay ng isang malaking pamilya kung mag-isa mo lang itong gagawin at wala kang karamay, na tulad ni Ruben ang dami niyang kapatid, may sakit ang kanyang Ina, sino naman ang

(27)

maluluwalhatian kung ganoon ang takbo ng buhay, kay hirap para sa isang katulad ni Ruben na nag-iisang itinataguyod ang malaking pamilya.

XIV. Sintesis

“Huwag lagi sarili ang isipin.”

Sa kabuuan lubos kong naunawaan ang ipinapakitang kutura ng mga Pilipino noon maging ang lipunang nakapaloob sa panahong iyon. Hindi ganoon kadali bumuhay ng isang pamilya at matugunan ang pangangailangan lalo’t kung iisang kamay lamang ang gumagawa, subalit hindi mo matatakasan ang ganitong kultura natin sapagkat nakaugat na ito sa ating mga puso’t

damdamin. Hindi madali para kay Ruben sapagkat mayroon din naman siyang personal na buhay na hindi lamang umiikot sa kanyang pamilya, ito’y

maaaring hindi na niya matatalos puunan dahil sa kanyang pamilya.

Halimbawa na lamang ng pag-aasawa, si Ruben ay kilalang “Chickboy” noon subalit ng magkaroon siya ng malaking responsibilidad kahit ang sumulyad sa babae ay hindi niya magawa dala ng araw-araw na pangambang dulot sa kanya ng mga pasanin sa buhay. Subalit para kay Ruben hindi mahalagang unahin sang sariling kapakanan bago ang pamilya.

XV. Wakas

“Hindi gaanong napalutang katauhan ang ibang karakter.”

Gumamit pa sana ng maraming tauhan o dinagdagan pa sana ang mga tauhan sa kwento. Ipinakilala sana ng mabuti ang kanyang Ina at mga kapatid. Hindi gaanong maligoy ang kwento at talagang pinupunto nito ay ang pangunahing tauhan lamang na si Ruben at halos sa kanya na lamang umikot

(28)

ang buong kwento at walang gaanong ginampanan ang ibang tauhan, o ang mga kasamahan niya sa trabaho o ang miyembro ng kanyang pamilya. Hindi ko matukoy kung sino ang tauhang bilog at lapad sa kwento sapagkat hindi naman ipinakilala ang ibang tauhan sa kwento. .

(29)

Introduksyon

Republikang Basahan

Ang akda ay patungkol sa pang-aalipin sa atin ng mga dayuhang

sumakop sa atin. Sila’y walang mga pusong umapi sa atin at pinigil ang ating bayan na tumikim ng kaonting kalayaan. Para tayong nasa kandungan ng isang bayan ubod na tinik at ang tinik na iyon ang unti-unting gupagapos sa ating pagkatao hanggang sa hindi mo na matutunang manlaban/makawala dahil masasaktan ka lamang. Sa ating pakikibaka sa mga dayuhang ito’y para na rin nating piñata ang ating mga sarili sapagkat walang kalaban-laban ang sino mang magtangkang pumunta sa templo ng kalayaan sapagkat tatahakin mo rin doon ang landas ng kamatayan. Iisa lamang ang nais iparating sa atin ng tulang ito iyon ay ang matinding pagnanais natin na maging malaya mula sa mga dayuhan. Subalit paano ito pasisimulan kung walang sino man ang gustong kumampi pagkat halos ang lahat ng tao’y tikom ang bibig at may takot. Sa ibang aspekto ng buhay ay may karapatan at kalayaan kang lumuha, iluha ang lahat na iyong pasakit at mga bagay na hindi makakamit, iyon

(30)

Paksa Tema Pamagat May Akda • Kalayaang hindi natatamasa ng sarili nating bayan. • Walang kalayaan ang bayan kung ang mga namumuno ay makapangyarihan , malupit at maimpluwensya. • Republikang Basahan •Teodoro A. Agoncillo

Istilo Pangnilalaman Lingwistika Pampanitikan • Pangalawa at Pangatlong Panauhan • Ang pagiging makapangyarihan . •Pagsusuri sa bawat saknong ng tula • Pormal at Matalinhaga • Lalabing-animing pantig bawat saknong • Teoryang Imahismo • Tulang Kopla

(31)

• Hindi tiyak ang kalayaan. • Ang sinapit ng ating lipunan sa mga dayuhan. • Masasalaminan ng mga panahong nagdaan. I. Paksa

“Kalayaang hindi natatamasa ng sarili nating bayan.”

Ito ang napili kong paksa sapagkat naramdaman ko ang damdamin ng tulang ito. Pinapaksa nito ang isang kalayaang dapat dapat na makamtan ng isang nilalang sa kanyang mismong bayan

subalit hindi niya ito magawa dahilan sa mga taong nais maghari-harian at makapangrihan.

II. Tema

“Walang kalayaan ang bayan kung ang mga namumuno ay makapangyarihan, malupit at maimpluwensya.”

Nabuo ko ang temang ito sapagkat dito natin makikita na ang tao’y alipin ng kanyang pagpapakasakit na lumaban para sa kanyang

(32)

mga taong maimpluwensya kahit ipaglaban mo ang iyong karapatan sadyang walang mangyayari sapagkat mas higit ang kanilang

kapangyarihan. Bawat pakikipaglaban ay walang natatamong kalayaan bagkus ang tanging nakakamit ay kamatayan.

III. Pamagat

Republikang Basahan

Basahan: sumisimbolo sa tao na isa lamang alipin ng mga makapangyarihang tao noon tulad ng mga dayuhang sumakop sa bansang pilipinas. Itinuturing nila tayong kanilang mga alipin, dinudusta at inaapi. Walang sino man ang umaangal sa ibig nilang mangyari. Ang republikang basahan ay sumasaklaw sa taong naging alipin ng mga sumakop at namahala ng ating bayan mga taong

maimpluwensya at makapangyarihan. IV. May Akda

Teodoro A. Agoncillo V. Istilo

Pangalawa at Pangatlong Panauhan

Gumamit ng Pangalawa at Pangatlong Panauhan ang may akda . Makikita ito sa mga panghalip na ginamit tulad ng mo, ikaw, ka at inyo. Ang paggamit ng pangalawang panauhan ay ang paraan ng manunulat na pagalawin ang isang tauhan sa tula o kwento. Ang pangatlong panauhan ay ang mga tauhang sa loob ng isang kwento o tula ay walang relasyon sa may akda.

(33)

VI. Pagsusuring Pangnilalaman

Ang pagiging makapangyarihan.

Ang tula ay nagpapahiwatig ng kawalang pag-asa at ang mga tunay na damdamin ng mismong may akda. Maaaring sa kanyang

panahon ay nakikita niya na walang pantay na karapatan ang tao at ang pamahalaan, hindi hinahayaan ng pamahalaang maging ganap ang katiwasayan ng bansa marahil na rin siguro sa kagustuhanng mapasunod ang nasasakupan walang karapatan ang sinumang sumuway sa may kapangyarihan.

Pagsusuri sa bawat saknong ng tula

Republika baga itong busabos ka ng dayuhan? Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?

* hindi maituturing na malaya ang bayan kung lagi itong nakagapos sa karimlam

Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi, Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?

* hindi kalayaan maituturing ang isang bayan kung hindi nakapaghahayag ng sariling saloobin

Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!

* ubod ng pagtataksil ang isang bayang ang mga kasapi ay nakikikiisa rin sa hungkag na kaisipan ng mga dayuhan Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.

(34)

* hindi pagiging malaya ang pagkamatay ng walang kaawa-awa Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili

Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi. * wala kang karapatang gawin ang ibig mo

Malaya ka, bakit hindi? Sa bitaya'n ikaw'y manhik, At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!

* malaya ka sa loob ng iyong mundo subalit sa labas kapag ikaw’y nakipaglaban siguradong kamatayan ang iyong kakahatungan Kalayaan - ito pala'y mayron na ring tinutubo

Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo!

* kung nais mong makamtan ang IYO lamang sariling kalayaan marapat na huwag na lamang umimik sa mga nangyayari sa paligid. Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,

Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.

* manahimik kang magdamag sa kalayaan mo lamang, nakakabagot isipin na ang kapwa mo’y di mo maipagtanggol

Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing, Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing! * sa kalansing lamang ng kadena tayo ay natatakot Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,

Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!

* huwag kang magsasalita ng ano man na alam mong hindi nanaisin ng mga dayuhan

Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay, Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay. * matuto tayong harapin ang hamon sa buhay

(35)

Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika, Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.

* sundin mo ang gawi ng mga bayani subalit huwag kang

magpakabayani dahil ang mga bayani ay bumubuwis ng kanilang buhay. Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,

Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo! * hindi ka malaya sa sarili mong bayan Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi? Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati! * pamimighati lamang ang ating kalayaan

Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok, Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.

* sa kalikasan mo na lamang ibaling ang iyong mga hinaing Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,

Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong? * ang lahat ay naduduwag lumaban para sa kalayaan Republika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,

Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga! * upang makamit ang kalayaan kailangan lumaban Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!

* bawat hakbang patungo sa kalayaan ay hakbang din patungo sa karimlan

Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat, Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.

(36)

Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha, Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.

* bayani lang ang tanging makapagtatanggol sa bayang hindi malaya Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,

Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!

* bawat paggamit ng kalayaan isa ang magbubuwis buhay ang magbubuwis

VII. Pagsusuring Panglingwistika Pormal at Matalinhaga

Mapapansin sa tula ang bawat salitang ginamit na lubos na nakapukaw pansin gayun din ang mga matatalihagang pahayag na lalong nagpasiklab sa damdamin ng mag akda. Ang mga

matatalinhagang salita ay hindi mo lubos na mauunawaan kapag ito’y hindi inulit-ulit basahin.

Lalabing-animing pantig bawat saknong

Ang tula ay binubuo ng lalabin-animing pantig sa baway taludtod. VIII. Pagsusuring Pampanitikan

Teoryang Imahismo

Gumamit ng ga hindi karaniwang pahayag/salita upang lubos na mapalutang ang damdaming nakapaloob sa bawat saknong nadarama at makikita ang dinaranas ng ating mga ninuno noon sa mga dayuhang sumakop sa atin.

(37)

Tulang Kopla

Ang tula ay maiuuri sa Tulang Kopla sapagkat pinapangkat sa dalawang taludtod ito o sa isang saknong nito ay binubo lamang ng dalawang taludtod.

IX. Pagsusuring Pangsosyokultural Hindi tiyak ang kalayaan.

Naging isyung panlipunan ang pagsakop sa atin ng mga dayuhan naging dahilan iyon upang ang kalayaang tinatamasa ng ating mga ninuno ay mapanghawakan ng mga sumakop sa ating bansa at tuluyang magapos sa lubid ng kanilang pamamahala. Ang mga dayuhan ang nagturo sa atin at nag-impluwensya ng mga iba’t ibang akdang

pampanitikan subalit sila rin ang naing dahilan ng kawalng katarungan ng mga tao noo. Sa kanilang pananakop hindi naiiwasang may nasasawi o nasasaktan sa ilalim ng kanilang pamamahala. Dahil sa pagsakop na iyon sumigla ang ginituang panahon sa pagsulat ng mga akdang

tumtuligsa sa kanila. Dahil sa mismong nasaksihan ng mga manunulat noon sa pamumuno ng mga dayuhan sumibol ang iba’t ibang

damdaming walang kinikilingan , sumusulat at patuloy silang nagsusulat nagsusulat ng mga akdang pumapaksa sa karapatang lumaya at magpapamukha sa mga dayuhan ang pang-aaping kanilang ginagawa sa bayanng kanilang sinakop.

X. Sintesis

(38)

Sa kabuuan nais lamang ng may-akda na pukawin sensibilidad ng mga taong may lakas na loob na magpahayag ng kanyang damdamin hinggil sa kanyang nakikitang pagbabago sa paligid na walang

kinikilingan at naglalayong ipamulat sa atin ang kaapihang sinapit sa atin ng mga dayuhan. Huwag tayo basta magtiwala sa mga dayuhang nais mamahala sa atin sapagkat wala tayong katiyakan sa magandang hangarin ng kanilang pamamahala.

XI. Wakas

Masasalaminan ng mga panahong nagdaan.

Ang panahon ng hapon ang siyang masasalamin sa akdang ito sapagkat noong panahon ng hapon walang magawa ang isang indibidwal na baliin ang utos ng sino mang kawani ng hapon dahil kapag iyon ay iyong sinuway siguradong kamatayan ang iyong kahaharapin. Noong panahon ng hapon takot ang mga karaniwang tao lamang sapagkat wala silang karapatan na pangunahan ang nais ng mga hapones tangingang mga edukado lamang ang karaniwang pinagbibigyan ng mga hapones at ang mga hindi nakaririwasa ay nagiging alipin ng sariling bayan.

(39)

Introduksyon Sa Pag-iisa

Ito ay kwentong may kinalaman sa pagtuklas ng isang indibidwal ng kanyang sarili sa pamagitan ng pag-iisa.

Paksa Tema Pamagat May Akda

• Sa pag-iisa lamang matutuklas ang sarili. • Sa mundong tahimik, walang gulo at payapa nagsisimula ang kapayapaan ng puso’t isipan. • Sa Pag-iisa • Teodoro A. Agoncillo

(40)

• Punto de Vista • Ang pagtuklas ng ating sarili at ng ating kapwa ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-iisa. • Pormal na salita •Teoryang Pormal • Oxymoron •Hyperbole

Sosyokultural Sintesis Wakas

• Sadyang may mga taong pinipili ang mag-isa sapagkat mas dito higit nilang nauunawaan ang sarili.

• Kilalanin natin ang ating mga sarili.

• Lumilinang ng pakatao.

I. Paksa

Sa pag-iisa lamang matutuklas ang sarili.

Sa simula hanggang sa wakas ng kwento halos ang pinapaksa ay pag-iisa. Ipinamumulat ng sanaysay na ito na minsan sa ating buhay kailangan din nating pagdaanang mag-isa upang higit natung maunawaan ang ating mga sarili sapagkat kapag nagawa natin iyon makikilala na rin natin ang ating kapwa. Ang isa pang pinapaksa ng sanaysay ay kung gaano kasalimuot ang mundo na ang lungsod ay puro kapighatian at puno ng mga taong hindi mo tiyak kung may maganda bang hangarin sa iyo. Ang pag-iisa ay paraan umano natin nag pagtuklas sa ating sarili at sa pag-iisa rin natin nakikilala ang kahinaan at kalakasan ng ating sarili. Sa ating pag-iisa ay maaaring

(41)

makatuklas tayo ng mga bagay-bagay na hindi pa natutuklasan ng iba, ika nga sa sanaysay “ang lahat ng dakila sa sining, panitikan at agham ay paraparang supling ng pag-iisa. Ang taong mapag-isa ay higit ang kabatiran kanino man, sapgkat ito ang kanyang instrumento upang pa-aralan ang sariling gawi at kung paano makihalubilo sa ating kapwa.

II. Tema

Sa mundong tahimik, walang gulo at payapa nagsisimula ang kapayapaan ng puso’t isipan.

Hindi ba’t sa ppook na tahimik wala tayong ibang naririning? May mga pagkakataon na kung saan mayroon tayong mga tanong na hinahanapan natin ng kasagutan. Sa katahimikan ng lugar na iyon naglalakbay ang ating diwa at doon ay nakabubuo ng mga pangungusap sa ating sarili na tila ikaw at iyong sarili ay dalawang tao. Doon sa lugar na tahimik lamang natin makikita ang kagandahan ng buhay kahit na ang kugar na iyon ay pangit subalit tahimik. Hindi tayo(o ilan sa atin) ang nakapg-iisip kung ang ating paligid ay kay ingay

sapagkat ang kaingayang iyon ang sumusira sa kabuuan ng ating pag-iisip kung kaya’t tayo’y naghahanap ng pook na kung saan tahimik, payapa at

walang gumagambala.

III. Pamagat

Sa Pag-iisa

Ito ay nagmula samga ilang piling sabi sa sanaysay at sa damdamin mismo ng may akda. Kung ating pakasusuriin ng mabuting ang akdang ito isa lamang ang pinupunto nito “ang patuklas sa sarili”. Ang paglayo ay hindi pag-iisa ito ay paraan lamang natin upang pagnilalayan ang mga nangyayari sa

(42)

ating paligid. Hindi palaging “pag-iisa” ang dapat natin isipin bagkus dapat lamang nating pagdaanan sapagkat dito lamang natin ang totoong

karunungan. Dito rin tayo kung minsan nakabubuo ng mga Pilosopiya natin sa buhay na kung saan ang mga pilosopiyang ito ang maggagabay sa atin sa kabutihan. Sa pag-iisa tayo’y nagiging malaya sa mga bagay na nais nating isipin kagandahan man ito o hindi. Sa ating pag-iisa ay pinapatatag din natin ang ating mga sarili kapag may mga panahong tayo’y may mga pagsubok o problema. Dito rin tayo nag kakaroon nga pagkakataong makausap ang ating amang nasa langit.

IV. May Akda

Teodoro A. Agoncillo V. Istilo

Punto de Vista

Pinahayg ng may-akda ang iba’t ibang pananaw niya sa tuwing siya’y nag-iisa ayt naibahagi niya ang ilang patunay na sa “pag-iisa” ay mayroon tayong natutuklasan hindi lamang sa ating mga sarili maging para sa ating kapwa.

VI. Pagsusuring Pangnilalaman

Ang pagtuklas ng ating sarili at ng ating kapwa ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-iisa.

Mahalagang batid natin ang ating sarili at sa pamamagitan ng “pag-iisa” ay atin itong makakamtan. Ang mundo natin ay magulo kung ating papansinin at ang may akda o ang taong nagsasalaysay ay taong nais makawala sa

mundong ito o magkubli sa kugar na kung saan tahimik at payapa at ang paligid na iyon ay nais niyang may mga taong katalik-loob niya o kaibigang

(43)

masasabihan ng kanyang mga hinaing, kahinaan, at ang mundong kanyang tinutukoy ay ang mundo na kung saan siya lamang ang naroroon walang iba kundi siya at upang matuklasan niya ang mundo kung bakit kay gulo nito. Sa lugar na kung saan nauunawaan niya ang mga bagay-bagay. Doon lamang siya makapag-iisa doon sa mundong tahimik at sa mundong iyon magkakaroon ng saysay ang kanyang sarili.

VII. Pagsusuring Panglingwistika Pormal na salita

Gumamit ng mga taal na salita ang may akda VIII. Pagsusuring Pampanitikan

Teoryang Pormalismo

Gumamit ang mgay akda ng mga salita/pahayag na maaaring maiugnay niya sa kanyang paksa at upang mapalutang ang nakapaloob sa akda.

Oxymoron

Ang lungsod ay maingay magulo, masaya at malikot, ngunit siya’y walang kaluluwa, walang diwa, walang ano mang bagay na

makapagbibigay ng lunas sa hapong isip at katawan : isang araw na paggawa, ilang oras napag-aaksaya sa mga sugalan o tanghalan… Ang

lahat ng ito’y kabagot-bagot.

(44)

Sa gitna ng kanyang pag-iisa’y itinangis niya ang lakas ng kasamaan at paglagpak ng kalangitan

IX. Pagsusuring Pangsosyokultural

Sadyang may mga taong pinipili ang mag-isa sapagkat mas dito higit nilang nauunawaan ang sarili.

Kung papansinin natin talagang may mga taong mahilig mag-isa

maaaring ito ang kanilang paraan upang matakasan ang mundong masalimuot o maaari din namang pinili nilang mapag-isa sapagkat may mga bagay silang nais malaman at ang pag-iisa at katahimikan ang maaaring solusyon. Maaari din namang sabihing ayaw lamang nilanng makihalubilo sa iba sapagkat may iba silang mas pinagtutuunan ng pansin tulad ng “pag-aaral”, mapapansin natin ang mgga taong mahilig mag-isa ay iyong mga taong matatalino o

”genius” hindi lamang sa akademiko pati rin sa pag-unawa ng kanilang kapwa. Pansinin natin ang mga taong nakikipag-away o nakikipagtalo, hindi ba’t ang mga binibitawan nilang salita ay mga katagang basata na lamang lumalabas sa kanilang bibig na hindi nila namamalayan at pinag-iisipan kung kaya’t

nakakasugat ito kung pakunggan X. Sintesis

Kilalanin natin ang ating mga sarili sapagkat ito ang magiging susi ng pagiging ganap nating tao. Kapg lubusan na nating kilala ang ating sarili’t gkakaroon tayo ng tiwala sa ating sarili ganoon din ang tiwala sa ating kapwa. Matutunan nating unawain ang kalakasan at kahinaan ng ating sarili at kapwa.

(45)

Lumilinang ng pakatao at mga kaparaanang dapat nating gawin upang may maunawaan ang ating sarili’t kapwa. Naglalayon ang akdang ito na magpabatid ng mga katotohananng pinagdaraanan ng mga taong mahilig mag-isa at nagsisiwalat ng mga katotohang tumatakbo sa isipan ng isang tao. Sa makababasa rin ng sanaysay na ito mapagtatanto may katotohanan ang sinasabi ng may akda sa sanaysay na ito. Ang mga tinatalakay ng may-akda ay ang karaniwang nangyayari sa atin sa mga panahong tayo’y nag-iisa at dahil doon maisip kong ginagawa ko rin pala ang ganoong bagay sa tuwing nag0iisa na ako at tototong sa ating pag-iisa doon lamang natin naipapakita kung sino talaga tayo na walang pagpapanggap sa mata ng ibang tao.

(46)

Introduksyon

Ang Diwa ng Tundo

Ang kwento ay nauukol sa kung paano gumuhit ng ngiti sa labi ang mga taga Tundo sa gitna ng mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan. Sa mga ngiting iyon ay may lihim na naiinggit at iyon ay ang mismong may akda, nang minsan pinasya niyang pumasyal sa Tundo ng matupok ang maraming

kabahayan doon, doon niya nasaksihan ang damdaming hindi mo aakalaing sa ganoong sitwasyon ay may mga taong humalakhak at tila hindi alintana ang mga nagyayari sa paligid na tila isang inosenteng batang walang kamuwang-muwang sa mundo. Paano mo ba huhusgahan ang ganitong mga tao?

Maaaring isa lamang sa mga Pilosopiya nating mga mahihirap ang idaan na lamang sa tawa ang lahat ika nga sa wikang ingles “Laughter is the best medicine” maaaring ito ang lunas ng mga taong may malaking pasanin sa buhay, mga taong nalulungkot at mga taong nais mabuhay sa kabilang mundo na ubod ng saya.

(47)

Paksa Tema Pamagat May Akda • Ang Tundo sa Gitna ng Pagsubok • Balutin ng kasiyahan ang pusong nasa karimlan • Ang Diwa ng Tundo •Teodoro A. Agoncillo

(48)

• Punto de Vista • Mapilosopiya • Ang Tundo ay mabubuhay kailanman at ang kasaysayan nito’y hahangaan nino man • Matalinhaga • Teoryang Humanismo • Hyperbole •Imagery •Dramatic Irony •Narrative Hook

Sosyokultural Sintesis Wakas

• Kultura ng mahihirap • Kailangan nating harapin ang buhay na mayroong sigla at matatag ng kalooban. • Magandang instrumento ang sanaysay upang pagnilayan sa ating buhay. I. Paksa

Ang Tundo sa Gitna ng Pagsubok

Pinapaksa nito ang lugar ng Tundo at ang kalagayan ng mga taong nakatira roon na walang pagbabahala sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Sa panahon ng krisis o problema sila’y nananayiling matatag. Ang mga taong naninirahan sa Tundo ay hindi gaanong nag-aasam ng mataas na pangarap. Ang ilan sa mga taong nakatira sa Tundo ay yaong mga taong hindi na umaasam ng mataas na uri ng pamumuhay. Para sa kanila sapat na kung ano man ang mayroon sila at hindi naman sila

(49)

gaanong nalulugod sa mga bagay na alam nilang hindi naman nila makakamtan. Sila ang mga taong humaharap sa totoong salamin na buhay ng isang mahirap na tao at kung may pangarap man ay iilan lamang sa kanila ang may ganoong pananaw. Sa ganoong anyo ng mga nakatira sa lugar ng Tundo hindi natin matatagong may mga

kasaysayang nangyari sa pook na sinasabi dapat natin pahalagahan kahit na ang Tundo ay isa na marahil sa mga tirahan/lungga ng mga maralita.

II. Tema

Balutin ng kasiyahan ang pusong nasa karimlan

Ito ang aking nabuong tema sapagkat tumatak sa aking isipan na sa panahon na tayo’y may pagsubok na nadaraanan matutong tayong ipagpatuloy ang buhay sa pamamagitan ng pagguhit ng ngiti sa ating labi. Maraming dapat pagtuunan ng pansin upang malihis kahit nadarama nating pighati. Ika nga ng may akda sanaysay na ito

“kinaiinggitan ko ko ang diwa ng Tundo” sapagkat ang diwang naroroon sa mga taong iyon ay mga katotohanang hindi man nila kayang

resolbahin ang pagsubok sa kanilang buhay naroroon pa rin palagi sa kanila ang pusong puno ng kasiyahan. Buong puso nilang tinatanggap ang kanilang kasawian sa pamamagitan ng panandaliang pagtakas sa problema sa pamamagitan ng halakhakan. Sila’y katulad ng isang payasong nakilala ko kamakailan na punong-puno ng problema subalit nagagawa pa rin niyang magpatawa ng ibang tao habang sa kanyang puso’y may nakakubling labis na kalungkutan. Ang mga Tundo ay

(50)

payaso ng kanilang sarili sapagkat nakukubli nila ang kanilang pinagdadaanang hirap.

III. Pamagat

Ang Diwa ng Tundo

Maaaring ang pamagat na ito’y nabuo sa pamamagitan ng

malawak na pang-unawa ng May Akda sa mga taong naroon sa Lugar ng Tundo at sa kanyang malalim na pag-aaral sa mga gawi ng mga taong nakatirasa paligid-ligid ng tundo.

IV. May Akda

Teodoro A. Agoncillo V. Istilo

Punto de Vista

“Ah, sadyang ganyan yata ang buhay ng maluwalhating

mangmang! Sa gitna ng nagluluksang pook ay nakukuha pa nilang magtawanan.”

Mapilosopiya

Makikita sa sanaysay ang mga pilosopiya ng mahihirap nating kababayan na sa gitna ng hirap na nararanasan nila patuloy parin ang pagguhit ng ngiti sa kanilang mga mukha.

(51)

Ang Tundo ay mabubuhay kailanman at ang kasaysayan nito’y hahangaan nino man.

Nais iparating ng may akda na hindi puro pighati lamang ang nararanasan ng mga taong nakatira sa Tundo ay isang lugar na maiguguhit mo rin sa pangarap balang araw.. Para sa mga taong nakatira sa lugar na iyon ay hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay sanay lahat tayo ay ganoon ang takbo ng pag-iisip, hindi lamang puro kalungkutan. Maaaring ang ilan sa kanila’y mangmang, walang pinag-aralan at alam sa mga nangyayari sa paligid na kanilang kinabibilangan subalit sa mga puso ng mga taong ito’y ang kaluwalhatian ay naroroon. VII. Pagsusuring Panglingwistika

Matalinhaga

Masyadong malalim ang mga terminolohiyang ginamit ng may-akda at malalalim ang salita.

VIII. Pagsusuring Pampanitikan Teoryang Humanismo

Nakatuon ang sanaysay na ito sa tao at kanilang mga gawi Hyperbole

“Ano pa ang magiging kabuluhan ng buhay kung lagi na lamang iuukol sa pagtatangis, sa paghahanap ng mabangis

na lagablab.”

(52)

“Kay lungkot guni-gunihin ang pagdatal ng kamatayan datapway makapupong malungkot at makirot na isipan ang lito at walang ayos na kabuhayang wari’y tuyong dahon na nagkalat sa lantas at maaaring walisin sa ano mang oras.”

Dramatic Irony

“Sa gitna ng nagluluksang pook ay nakukuha pa nilang

magtawanan, magbiruan at ariing walang ano man ang nangyayari sa kanila.

Narrative Hook

“Pinagbuksan ko ang linib upang makita kong mabuti ang di-karaniwang tanawing sa mga sandaling yao’y nagdulot—na tila ito’y isa nang nakagawian ng taong may dinaramdam.”

IX. Pagsusuring Pangsosyokultural Kultura ng mahihirap

Ipinakikita na sanaysay ang buhay ng mahihirap nating kababayan na sa gitna ng mga pagsubok na dumarating sa kanila naroroon parin ang pag-asang sumisilay sa kanilang pagkatao. Tuloy ang daloy ng kanilang buhay sapagkat doon lamang sila ulit ang kakaroon ng bagong pag-asa

X. Sintesis

Kailangan nating harapin ang buhay na mayroong sigla at matatag ng kalooban.

(53)

Sa kabuuan tinatalakay ng sanaysay ay ang mga mundo ng mga taong mahihirap partikular ang mga mahihirap na nasa Tundo, kung paano sila nabubuhay at kung paano sila humaharap o nakikibaka sa kanilang paligid at problema. Subalit lagi na lamang bang ganoon? Kay lungkot ding isipin na sila’y nakukuntento sa ganoon pamumuhay na ang Krus na kanilang pinapasan ay kasama parin nila araw-araw at wala silang ginagawa upang makawala sa krus na iyon. Ganoon na lamang ba palagi? Lagi na lamang natin nililinlang ang ating mga sarili sa mga ngiting sumisilay sa mga labi subalit ang kabilang dako ay di mabigyan bigyan na lunas.

XI. Wakas

Magandang instrumento ang sanaysay upang pagnilayan sa ating buhay.

Sa buhay ng tao may mga bagay rin na dapat pagdaanan, nariyan ang lungkot, ang saya, masaktan, mawalan ng mahal sa buhay,

mawalan ng tahanan, mabigo, madapa at marami pang kapighatian sa buhay subalit huwag tayong sumuko at huwag din naman nating isuko ang ating problema, harapi natin iyon sapagkat di mo matatakasan iyon san man mapunta.

(54)

Figure

Updating...

References

Related subjects :