H
E
K
A
S
I
4
Modified
In
‐
School
Off
‐
School
Approach
Modules
(MISOSA)
Distance
Education
for
Elementary
Schools
SELF
‐
INSTRUCTIONAL
MATERIALS
MGA
LIKAS
NA
YAMAN
NG
BANSA
Department of Education
BUREAU
OF
ELEMENTARY
EDUCATION
Revised
2010
by
the
Learning
Resource
Management
and
Development
System
(LRMDS),
DepEd
‐
Division
of
Negros
Occidental
under
the
Strengthening
the
Implementation
of
Basic
Education
in
Selected
Provinces
in
the
Visayas
(STRIVE).
This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”
1
GRADE IV
MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSA
Alam mo ba na ang ating bansa ay biniyayaan ng mga likas na yaman. Sa likas na yaman nanggagaling ang mga pangunahing kailangan ng mga tao at ng bansa.
Tingnan mo ang larawan.
Ano ang likas na yaman ang matatagpuan dito?
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga likas na yaman ng ating bansa.
Anu-ano kaya ang mga ito?
2
Bago ka magpatuloy sa pag-aaral, subukin mong sagutan ang sumusunod.
A. Isulat ang hinihingi sa bawat bilang.
1. Magbigay ng mga halimbawa ng mga anyong-lupa.
a. __________________
b. __________________
c. __________________
d. __________________
e. __________________
2. Magbigay ng mga halimbawa ng mga anyong-tubig.
a. __________________
b. __________________
c. __________________
d. __________________
e. __________________
Naibigay mo ba ang mga hinihingi sa bawat bilang? Magaling!
Alam mo bang ang mga anyong lupa at tubig ay may malaking kaugnayan sa paksang tatalakayin natin
Handa ka na ba?
3
Suriin mo ang graphic organizer sa ibaba.
Ipinakikita ng diagram ang mga uri ng likas na yaman. Ito ang mga yamang lupa, yamang gubat, yamang tubig at yamang mineral.
PAG-ARALAN MO
Likas na Yaman
Yamang Lupa
Yamang Gubat
Yamang Tubig
Yamang Mineral
Lupang sakahan
Mga punongkahoy
Pangisdaan Metal na Mineral
Di-metal na Mineral Lupang
pastulan
Buhay ilang
4
Suriin mo ang sumusunod na mga larawan
Ang yamang lupa ay pangunahing likas na yaman na nagtutustos ng mga kailangan ng tao upang mabuhay. Ang mga pangunahing pangangailangang ito ay pagkain, tahanan, kasuotan at mga gamot. Sa lupa rin umaasa ang mga halaman at hayop na ginagamit ng tao para matugunan ang kanilang mga kailangan.
5
Bakit ito itinuturing na pinakamahalag? Maglibot ka sa inyong pamayanan.
Malawak ba ang mga lupang taniman dito? Bukod sa lupang taniman, ano pa ang mga yamang lupang matatagpuan sa inyong pook? Sa paanong paraan ginagamit ito ng mga tao?
Basahin mo naman ito.
Yamang Tubig
Pangunahing yamang tubig ng bansa ang mga pangisdaan. Ito ay sa dahilang ang ating bansa ay napaliligiran ng tubig. May mga dagat, lawa, ilog at sapa sa ating bansa na napagkukunan ng iba’t ibang uri ng isda, perlas, kabibe, alimango, hipon, damong dagat at marami pang iba.
6
Narito ang mapa ng Pilipinas. Ipinakikita rito ang mga pangunahing pangisdaan sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa.
Dahil dito, isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino ang mga pangisdaan sa bansa.
7
Narito ang talaan ng mga pangunahing pangisdaan.
1. Dagat Sulu 2. Dagat Bisaya 3. Malampaya Sound 4. Look ng Maynila
5. Look San Miguel sa pagitan ng Camarines Norte at Camarines Sur
6. Look Sibuguey sa timog ng Zamboanga del Sur 7. Look Tayabas sa timog ng Quezon
8. Golpong Moro sa pagitan ng Zamboanga at Cotabato
9. Look Lamon sa silangan ng Quezon at timog ng Pulo ng Pollilo
10. Dagat Samar.
1. Gumuhit ka ng isang mapa ng Pilipinas sa iyong kuwaderno. Ipakita mo ang mga pangunahing pangisdaan sa bansa.
2. Kung may pangisdaan sa inyong lugar, itala ang mga nakukuha rito.
Yamang Gubat
8
Nakatutulong din ang mga punongkahoy sa mga kagubatan at bundok sa pagpigil ng baha at malalakas na hangin. Ang mga ugat ng mga punongkahoy ay sumisipsip sa tubig-ulan upang hindi magkaroon ng biglaang pagbaha sa mga kapatagan.
May iba’t-ibang uri nga kahoy ang makikita sa kagubatan ng Pilipinas.
Ang dipterocarp ang pinakamataas na uri ng kahoy sa bansa.
Kinabibilangan ito ng tangile, apitong, lawaan, yakal, at guya. Iniluluwas ang mga ito sa ibang bansa.
Ang ikalawang uri ay ang molave. Kabilang dito ay nara, dao,
tindalo at ipil. Ginagamit ang mga ito sa pagyayari ng magagandang klase ng cabinet at mga kasangkapan.
Ang mga pino ay ikatlong uri ng kahoy. Matatagpuan ito sa
Hilagang Luzon tulad ng mga lalawigang bulubundukin. Ginagamit ito sa paggawa ng bahay at sa paguukit ng iba’t ibang gamit.
Ang mangrove o bakawanang pang-apat na uri ng kahoy.
Ginagamit ang mga ito sa paggawa ng uling. Karaniwang makikita ang mga ito sa bunganga ng dagat, ilog o sapa.
Sa iyong palagay, paano pa maaaring pakinabangan ng mga tao sa bansa ang mga yamang gubat?
Isa pa sa nagbibigay ng malaking kita sa bansa ang mga yamang mineral.
Ano nga ba ang yamang-mineral?
9
Basahin ito.
Yamang Mineral
Maraming kabundukan ang Pilipinas. Karaniwang sa mga bundok nakikita ang iba’t-ibang minahan. Ang pagmimina ay isa sa
pangunahing industriya ng bansa. May dalawang uri ng mineral. Ang mineral na metal at mineral na di-metal.
Sinasabi na may 22 uri ng metal na mineral na namimina sa bansa. Ilan sa mga ito ang ginto, pilak, tanso, bakal, manganese, nikel, mercury, chromite at zinc. Sa mga ito, ang ginto ang pinakamahalagang mineral na metal. Ang malaking deposito ng ginto ay nasa Baguio, Paracale, Camarines Sur, Masbate, Bulacan at Surigao. Itinuturing ang Pilipinas na pinakamalaking tagapagluwas ng ginto sa buong Asya at isa sa sampung pangunahing tagapagluwas sa buong mundo.
10
Ang mga di-metal na mineral ng Pilipinas ay kinabibilangan ng luwad, buhangin at bato, apog, silika, marmol, guano.
Nasa Romblon ang pinakamalaking deposito ng marmol. Ang guano o dumi ng mga paniki ay matatagpuan sa mga kuweba ng Zambales, Palawan at Panay. Mayroon na ring mina ng langis sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Palawan.
Batay sa pinag-aralan mo, sagutin ang sumusunod na pagsasanay.
A. Panuto. Basahin ang bawat pangungusap. Sabihin kung ang isinasaad nito ay katotohanan o di-katotohanan
Yamang Lupa
. Isulat sa kuwaderno ang sagot.
1. Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng saganang likas na yaman. 2. Ang kabibe at kapis ay bahagi ng produktong galing sa dagat. 3. Nasa kapatagan ang malalaking kagubatan ng bansa.
4. Ang pangingisda ay isa sa pangunahing industriya ng bansa. 5. May mina na ng langis sa Pilipinas.
6. Kakaunti ang pook pangisdaan sa Pilipinas. 7. Ang bundok isa sa yamang lupa ng bansa.
8. Ang mga punongkahoy ay nakatutulong sa pagpigil ng malalakas na pagbaha.
9. Nagbibigay ng malaki kita sa bansa ang pagluluwas ng mga kahoy sa ibang bansa.
10. Ang langis ay isang uri ng metal na mineral.
B. Pangkatin ang sumusunod na likas na yaman ng bansa sa:
11
1. hipon
2. punongkahoy 3. isda
4. ginto 5. apitong 6. tirahan 7. marmol 8. gulay 9. pusit 10. usa 11. chromite 12. pastulan
13. dao 14. guano 15. ibon
16. taniman ng palay 17. nikel
18. langis 19. bakawan 20. lutuingan 21. damong dagat 22. perlas
23. apog
• Ang mga likas na yaman ng bansa ay binubuo ng yamang lupa,
yamang tubig, yamang gubat at yamang mineral.
• Ang mga likas na yaman ay nagbibigay sa pangangailangan ng mga
bansa.
• Ang yamang lupa ng Pilipinas ay napagtataniman ng sari-saring
pananim.
• Nakukuha sa mga ilog, lawa at dagat ng Pilipinas ang iba’t-ibang uri ng
isda, kabibe at hipon.
• May dalawang uri ng yamang mineral, metal at di-metal na mineral.
12
Ano ang gagawin mo?
1. Kasapi ka sa isang samahan ng mga mag-aaral sa inyong paaralan. Kayo ay nangangampanya upang pangalagaan ang mga puno at halaman sa inyong lugar. Katulong din ninyo ang mga kagawad ng inyong barangay.
2. Narinig mo sa radyo na may darating na bagyo sa inyong lugar. Namimintog na ang mga butil ng palay at malapit na itong anihin.
3. Nakita mo ang nakapaskil na babala na bawal pumutol ng puno sa lugar na iyong pinapasyalan. Sa di kalayuan may nakita kang mga bata na nagpuputol ng mga batang puno sa paligid.
4. Dumalo ka sa pulong ng barangay. Pinag- usapan dito ang dapat gawin upang mapanatiling malinis ang mga ilog sa inyong lugar upang patuloy na mabuhay ang mga isda at iba pang yamang tubig.
5. Namimingwit ka ng isda kasama ang iyong mga kaibigan. Marami kayong nahuling isda. Ipinakita ng bawat isa ang kani-kanilang huli. Napansin mong karamihan sa mga isda na inyong nahuli ay maliliit pa.
13
A. Awitin ang awit sa ibaba sa himig ng Leron, Leron, Sinta
.
Likas na Yaman (Himig: Leron, Leron, Sinta)
Bundok, gubat, ilog Bukid, dagat, lawa Mga punongkahoy Saka mga hayop
Ang lahat ng ito Ay likas na yaman
Ang lahat ng ito Yaman nitong bayan
B. Isakilos at bigyang-kahulugan ang awit na natutuhan. Gawin ang mga isinasaad sa bawat bilang.
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.
Awit: Bundok, gubat, ilog
Kilos: Lukso pakaliwa (3x) ... 16 blg.
Awit: Bukid, dagat, lawa
Kilos: Igpaw pakanan (3x) ... 16 blg.
Awit: Mga punongkahoy
Kilos: Pagpapadulas pasulong (3x) ... 16 blg.
Awit: Saka mga hayop
Kilos: Pagpapadulas paurong (3x) ... 16 blg.
Awit: Ang lahat ng ito
Kilos: Tumakbo nang mabagal sa kinaroroonan ... 16 blg.
Awit: Ay likas na yaman
Kilos: Umiskape pakaliwa (3x) ... 16 blg.
Awit: Ang lahat ng ito
Kilos: Pagpapadulas pakaliwa, pakanan ... 16 blg.
14
8. Awit: Yaman nitong bayan
Kilos: Pagtataas ng dalawang kamay na nakabuka nang
bahagya ang mga paa ... 16 blg.
C. Lumikha ng isang dibuho na magtatampok sa Likas na Yaman ng bansa sa pamamagitan ng “Crayon Resist.”
Crayon Resist
Mga Kagamitan:
Krayola Water Color Bond Paper
Maliit na lalagyang may lamang tubig Paint brush
Pamamaraan:
1. Iguhit sa iba’t ibang kulay ang inyong disenyo gamit ang krayola. Gamitin ang iba’t ibang linya at mga hugis. Maglagay ng mga espasyo. Gumamit ng mga makakapal na linya.
2. Punuan ang ibang mga espasyo ng kulay na iba’t iba. Gawing madiin ang pagkukulay.
3. Pintahan ang natitirang mga espasyo ng itim na water color. Gumamit ng isang direksiyon sa pagpipinta.
15
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ating kakahuyan ay nasisira bawat taon. Kung magpapatuloy ang ganitong pagkapinsala ng kagubatan, tayo ay daranas ng
_______________________. a) tagtuyo’t baha
b) kahirapan sa pagpapatayo ng bahay c) panghihina ng katawan
d) kakulangan sa ibon at iba pang hayop sa gubat
2. Maipakikilala ang wasto at maingat na paggamit ng likas na yaman sa pamamagitan ng __________________________.
a) pagtatapon ng basura sa ilog
b) paggamit ng lambat na pino ang butas sa pangingisda c) paghuli ng natatanging hayop-gubat
d) pagpili ng punongkahoy na dapat putulin
3. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Bakit mahalaga sa bansa ang pagkakaroon ng saganang likas na yaman?
a) ginagawang dekorasyon at kasangkapan sa bahay b) nagbibigay ng mga produktong pagkain
c) nagagawang libangan at tirahan ng tao at hayop
d) pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng tao at bansa
4. Iba’t ibang halaman ang nabubuhay sa iba’t ibang lugar. Bakit hindi pinisan ng Diyos ang likas na yaman sa iisang lugar?
a) pantay ang pagtingin ng Diyos sa mga tao b) maiwasan ang inggitan ng mga tao
c) nang hindi magkapareha ang mga aning produkto d) iba-iba ang klima sa bawat lugar
5. Ano ang maaaring mangyari sa kabuhayan ng bansa kung patuloy ang maling paggamit ng tao sa likas na yaman ng bansa?
a) pagtatapon ng basura sa ilog
b) paggamit ng lambat na pino ang butas sa pangingisda c) paghuli ng natatanging hayop-gubat
d) pagpili ng punongkahoy na dapat putulin
16
1. Magmasid sa inyong pamayanan. Itala ang mga pinagkukunang yaman sa inyong pook at ang mga paraan kung paano nakikinabang ang mga tao rito.
2. Maaari kang magtanong sa sinumang kasapi o pinuno ng barangay. PAGPAPAYAMANG GAWAIN