• No results found

UNANG ARAW LAYUNIN : Masagot ang tanong na “Ano-ano ang mga katutubong sayaw sa ating lugar?” ORAS : 30 minuto MGA KAGAMITAN : CD / tugtog ng katutubong sayaw, video ng katutubong sayaw PAMAMARAAN

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2020

Share "UNANG ARAW LAYUNIN : Masagot ang tanong na “Ano-ano ang mga katutubong sayaw sa ating lugar?” ORAS : 30 minuto MGA KAGAMITAN : CD / tugtog ng katutubong sayaw, video ng katutubong sayaw PAMAMARAAN"

Copied!
70
0
0

Loading.... (view fulltext now)

Full text

(1)

1

Ikatlong Yunit

LINGGO 21

TEMA: Ang Aming mga Sayaw

MGA LINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa narinig na personal na salaysay ng iba

2. Gramatika: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap UNANG ARAW

LAYUNIN: Masagot ang tanong na “Ano-ano ang mga katutubong sayaw sa ating lugar?”

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: CD / tugtog ng katutubong sayaw, video ng katutubong sayaw PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

Itanong: Ano-ano ang mga katutubong sayaw dito sa ating lugar? 2. Tukoy-Alam

a. Tanungin ang mga bata kung ano-ano ang mga sayaw na alam nila.

b. Isulat sa pisara ang mga sayaw na babanggitin; ibukod ng hanay ang mga katutubong sayaw sa inyong lugar na babanggitin ng mga bata.

c. Pumili ng ilang bata at ipakita ang mga kilos na ginagawa sa katutubong sayaw sa inyong lugar.

3. Tunguhin

Tanungin ang mga bata: Ano-ano muli ang mga katutubong sayaw dito sa ating lugar?

4. Paglalahad

Gawain: Tumawag ng ilang piling bata at tanungin kung paano nila natutuhan ang kilos o galaw sa katutubong sayaw sa kanilang lugar. Maaari ring tanungin kung gusto ba nila ang sayaw na ito at kung bakit.

5. Pagtuturo at Paglalarawan

Ituro / magpakita muli ng video sa mga bata kung paano isinasayaw ang katutubong sayaw at ipagaya ito sa ilang piling mga bata. Pasayawin ang lahat ng bata. Gumamit ng tugtog / CD para sa iba’t ibang sayaw.

IKALAWANG ARAW

(2)

2 ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: mga larawan ng pinakatanyag na katutubong sayaw sa inyong lugar, mp3 player, musikang ginagamit para sa pinakatanyag na katutubong sayaw sa inyong lugar

PAMAMARAAN 1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, susubukin nating gamitin sa mga payak na pangungusap ang pandiwa.

2. Paglalahad

Gawain: Tatalakayin ang pinakapopular na sayaw sa inyong bayan.

a. Ipakita sa mga bata ang mga larawan tungkol sa tanyag na sayaw sa inyong lugar. b. Hingian ang ilang piling bata ng pangungusap hango sa larawang ipinakita. c. Iparinig nang bahagya ang musika para sa sayaw na tinatalakay. Hingian din ng

pangungusap na naglalarawan ng musika ang mga bata. 3. Pagtuturo at Paglalarawan

a. Pangkatin ang mga bata.

b. Bigyan ang bawat pangkat ng larawang hango sa katutubong sayaw na tatalakayin.

c. Hikayating bumuo ng isang payak na pangungusap na may pandiwa tungkol sa larawan ang bawat pangkat.

d. Atasang magtalaga ng taga-ulat ang bawat pangkat. Ang taga-ulat ang siyang magsasabi ng pangungusap na nabuo nila sa harapan ng buong klase.

4. Kasanayang Pagpapayaman

a. Magtala ng iba’t ibang pandiwa sa pisara.

b. Tumawag ng ilang piling bata at bigyan ng pandiwa ang bawat isa.

c. Bigyan ang mga bata ng ilang segundo para makapag-isip ng isang payak na pangungusap tungkol sa katutubong sayaw na natalakay gamit ang pandiwang nakatalaga sa kanila.

IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap sa wikang Filipino

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang pandiwa

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

(3)

3 2. Kasanayang Pagpapayaman

Sabihin: May mga larawan akong ipapakita sa inyo. Sasabihin ninyo kung ano ang kilos na ginagawa ng mga tao sa larawan. Kailangan ninyong gamitin ang salitang kilos o pandiwa sa isang payak na pangungusap.

Tumawag ng ilang piling bata.

3. Kasanayang Pagkabisa

Sabihin: May mga larawan akong ipakikita sa inyo. Magbigay ng mga pangungusap na may pandiwa. Kung tama ang paggamit ko ng pandiwa, sabay-sabay kayong tumayo. Kung mali naman ang gamit ko, manatili kayong nakaupo.

Pangkatang Gawain: Bawat pangkat ay magbibigay ng 3-5 pandiwa at gagamitin ang mga ito sa pangungusap.

Magpasadula ng isang eksena. Ipatukoy ang mga pandiwa na nakita. Gawin ito nang pangkatan.

I - Sa Parke III - Sa Ospital II - Sa Palengke IV - Sa Paaralan

IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa salaysay ng kamag-aral tungkol sa iba’t ibang sayaw gamit ang mga pandiwa

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: larawan ng iba’t ibang sayaw, larawang nagpapakita ng pandiwa

PAMAMARAAN 1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, isasalaysay natin ang tungkol sa ating paboritong sayaw. Ang mga tagapakinig ay maaari ding magtanong tungkol sa inyong salaysay. 2. Kasanayang Pagpapayaman

Gawain: Tumawag ng ilang piling bata at ipakilos ang kanilang paboritong kilos sa sayaw na tinalakay.

Maaari rin namang turuan ang mga bata ng isang katutubong sayaw. Tukuyin ang mga pandiwang isinakilos.

3. Kasanayang Pagkabisa

Tanungin: Bakit ito ang paborito mong kilos sa buong sayaw? Tumawag ng ilang piling bata.

4. Pagtataya

(4)

4

LAYUNIN: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: iba’t ibang larawan ng mga pandiwa

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, magbibigay at gagamitin natin ang pandiwa sa mga payak na pangungusap.

2. Pagtataya

a. Pangkatin ang mga bata sa lima. b. Magpakita ng larawang may pandiwa.

c. Ang bawat pangkat ay dapat bumuo ng limang payak na pangungusap na may pandiwa.

d. Kapag nakabuo na ang pangkat ng pangungusap, ang kanilang unang kinatawan ay dapat tumakbo sa harap at sabihin ang nabuong pangungusap.

e. Ang pangkat na unang magkakaroon ng 5 puntos ang tatanghaling panalo.

LINGGO 22

TEMA: Ang Aming Sining

MGA LINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig at nagtatanong patungkol sa personal na salaysay ng iba

2. Gramatika: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap

UNANG ARAW

LAYUNIN: Natutukoy ang mga likhang sining sa sariling lugar ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: iba’t ibang likhang sining na natatangi sa bayan (halimbawa: taka sa Paete, Laguna; t’nalak sa Cotabato; atbp.)

PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

Itanong sa mga bata: Ano ang mga alam ninyong likhang sining sa ating lugar?

2. Tukoy Alam

Ipaliwanag sa klase kung ano ang sining. Ipaliwanag na ang mga Filipino ay tanyag sa iba’t ibang sining.

3. Tunguhin

Sabihin: Aalamin natin ngayon ang mga likhang sining sa ating lugar.

(5)

5

Leron, leron sinta Buko ng papaya Dala dala’y buslo Sisidlan ng bunga Pagdating sa dulo Nabali ang sanga Kapos kapalaran Humanap ng iba.

Ipakita sa klase ang iba’t ibang likhang sining sa lugar. Kung maaari, hayaang hawakan ng mga bata ang mga ito.

5. Pagtuturo at Paglalarawan

Talakayin ang iba’t ibang likhang sining. Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong at makipagtalakayan.

IKALAWANG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang salitang kilos sa pangungusap

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: iba’t ibang likhang sining na natatangi sa bayan

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, gagamit tayo ng mga salitang kilos sa pangungusap.

2. Paglalahad

Ipakitang muli ang mga likhang sining. Tanungin ang mga bata kung ano ang masasabi nila sa mga ito.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng mga likhang sining na ipinakita. Ipagawa sa mga mag-aaral ang kilos. Itanong: Sino-sino ang gumawa nito?

4. Kasanayang Pagpapayaman

Sabihin: Pumili ng paboritong likhang sining mula sa mga ipinakita. Magsabi ng pangungusap tungkol sa likhang sining na may salitang kilos. Halimbawa: Nagtatanim ang mga magsasaka sa obra.

IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang mga salitang kilos sa isang payak na pangungusap

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Leron, Leron Sinta” PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, gagamitin natin ang mga salitang kilos sa mga pangungusap.

2. Kasanayang Pagpapayaman

(6)

6

b. Ipagawa sa mga bata ang sumusunod:

 Umisip ng isang kilos para sa awit na natutunan.

 Kantahin ang “Leron, Leron Sinta.” Sa bahagi ng awit na “Humanap ng iba,” umikot at humanap ng kapareha.

 Sabihin sa kapareha: “Lagi akong ____ (kilos na hilig gawin).”

 Awiting muli ang “Leron, Leron Sinta” at sabihin ang: “Lagi akong ____” sa ibang kapareha.

3. Kasanayang Pagkabisa

a. Sabihin sa mga bata na humanap ng kapareha.

b. Ang unang bata ay magsasabi ng pangungusap tungkol sa kapareha. Kailangang may salitang kilos ito. Halimbawa: Tumatakbo si Lito.

c. Ang pangalawang bata ay isasakilos ang sinabi ng kapareha. d. Hayaang magpalit ng gawain ang magkapareha.

IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap; Nakikinig at nagtatanong tungkol sa personal na salaysay ng iba

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: papel. lapis, pangkulay, clay, at iba pang gamit na maaaring gamitin sa paglikha ng sining

PAMAMARAAN 1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, gagawa tayo ng likhang sining na nagpapakita ng kilos. Ibabahagi natin sa klase ang ating gagawin.

2. Kasanayang Pagpapayaman

Ipakita sa mga bata ang mga kagamitan. Sabihin sa mga bata na gagawa sila ng sariling likhang sining. Kailangang nagpapakita ng kilos ang likhang sining. Halimbawa: Guhit ng mga batang naglalaro, clay na hugis hayop na tumatakbo, atbp. Malaya silang pumili ng ano mang kagamitang nais.

3. Kasanayang Pagkabisa

Tawagin ang ilang mga bata upang ipaliwanag sa klase ang kanilang likha. Ipapaliwanag ang kilos sa likhang sining na ginawa.

4. Pagtataya

Hayaang magpakita ng isang kilos ang Bata A. Sasabihin naman ng Bata B sa kumpletong pangungusap ang isinakilos ng kapareha.

(7)

7

LAYUNIN: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: likhang sining ng mga bata

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, pipili tayo ng paboritong gawa ng kaklase at ipaliliwanag natin kung bakit ito ang ating napili.

2. Pagtataya

Magkaroon ng isang gallery walk na itinatampok ang mga likhang sining ng mga bata sa mga naunang araw.

Tanungin ang bawat isa kung ano ang kanilang paborito sa gawa ng mga kaklase. Pumili ng mga batang nais ibahagi ang sagot. Tanungin din ang dahilan kung bakit ito napili at kung ano ang kilos na ipinakikita ng likhang sining na napili.

LINGGO 23

TEMA: Mga Paborito Naming Pagkain

MGA LINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa narinig na personal na salaysay ng iba

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklase

UNANG ARAW

LAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa kuwentong binasa

ORAS: 30 minuto

KAGAMITAN: aklat na Haluhalo Espesyal ni Yvette Ferreol at Jill Arwen Posadas (Adarna House, 2006)

PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

Tanungin ang klase: Ano ang iyong paboritong pagkain?

2. Tukoy Alam

Tanungin ang klase: Bakit mo ito paborito?

(8)

8

Ipakilala ang aklat, awtor, at tagaguhit ng kuwento. Sundin ang Reading Plan.

Itanong: Paano kaya gumaling ang bata sa kuwento?

4. Paglalahad

Ikuwento ang Haluhalo Espesyal ni Yvette Ferreol at Jill Arwen Posadas (Adarna House, 2006).

5. Pagtuturo at Paglalarawan

a. Ipagawa sa bawat pangkat ang sumusunod: I - Isadula ang mga pangyayari sa kuwento.

II - Gumawa ng parada ng mga tauhan sa kuwento. III - Iguhit ang mga pagkain na nabanggit sa kuwento.

IV - Gumawa ng poster para ipakita ang tamang gawain ng isang bata upang maiwasan ang pagkakasakit.

b. Hayaang mag-ulat ang bawat pangkat.

IKALAWANG ARAW

LAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga salitang naglalarawan

ORAS: 30 minuto

KAGAMITAN: larawan ni Jackie, ang bata mula sa kuwentong Haluhalo Espesyal

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Itanong: Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

2. Paglalahad

Magpakita ng larawan ni Jackie, ang bata mula sa kuwentong binasa. Tanungin ang klase kung ano ang masasabi nila kay Jackie ayon sa kaniyang mga katangian tulad ng kaniyang hitsura at ugali. Gumawa ng character map.

Halimbawa:

Ano ang kulay ng kaniyang buhok? Ano kaya ang ugali niya?

3. Pagtuturo at Paglalarawan

Ipagawa ito nang pangkatan. Pumili ng isang pahina sa aklat upang mapunan ang hinihingi ng tsart. Ipatala ang mga bagay at tao na makikita sa larawan. Ipalarawan ang bawat isa.

TAO BAGAY

4. Kasanayang Pagpapayaman

(9)

9 IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nailalarawan ang sarili sa pamamagitan ng wastong paggamit ng pang-uri

ORAS: 30 minuto

KAGAMITAN: lapis o mga pangkulay, papel, salamin

PAMAMARAAN 1. Tunguhin

Sabihin: Humarap sa salamin at ilarawan ang sarili.

2. Kasanayang Pagpapayaman

Magtawag ng ilang bata upang ilarawan ang kanilang mga sarili sa harap ng salamin.

3. Kasanayang Pagkabisa

a. Ipaguhit sa mga bata ang kanilang sarili at ipaulat sa klase ang kanilang ginawa sa pamamagitan ng paggamit ng wastong pang-uri.

Halimbawa:

Ang aking buhok ay kulay________.

Ang aking paboritong pagkain ay ______ dahil ito ay _________. Siya ay may mahabang buhok!

b. Magsagawa ng isang laro. Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata. Hayaang pumila ang bawat pangkat ayon sa:

 haba ng buhok  hugis ng mata  taas

 bilang ng miyembro ng pamilya

 (maaaring magdagdag pa ng ibang kategorya)

IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Nailalarawan ang mga kaklase sa pamamagitan ng wastong paggamit ng pang-uri

ORAS: 30 minuto

KAGAMITAN: tsart ng “Nasaan ang kaibigan ko?”

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

(10)

10

2. Kasanayang Pagpapanayam

Anyayahan ang klase na maglaro ng “Sino ang kaklaseng tinutukoy?” Ilarawan ang ilang bata sa pamamagitan ng paggamit ng wastong pang-uri at ipatukoy ang kaklaseng inilalarawan.

Halimbawa:

Nasaan ang kaibigan ko? Kaibigan ko? kaibigan ko? Nasaan ang kaibigan ko? Siya ay may mahabang buhok!

Pagpangkatin ang klase at bigyan ng oras ang bawat pangkat na pumili mula sa mga kaklase ng kanilang ilalarawan gamit ang wastong pang-uri.

3. Pagtataya

Bigyang pagkakataon ang bawat pangkat na maibahagi sa klase ang kanilang ginawang paglalarawan sa isang kaklase. Huhulaan naman ng ibang pangkat ang tinutukoy na kaklase.

IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklase

ORAS: 30 minuto

KAGAMITAN: mga piraso ng papel na may nakasulat na bahagi ng katawan o kasuotan (halimbawa: buhok, mata, sapatos, atbp.)

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, ilalarawan natin ang ating sarili at ang ating mga kaklase.

2. Pagtataya

a. Tumawag ng dalawang bata upang bumunot ng tig-isang piraso ng papel.

b. Basahin ang nakasulat sa papel. Sabihin ang parte ng katawan o ng kasuotan na nabunot upang kanilang ilarawan.

Halimbawa: Bata A – buhok

“Ang buhok ko ay mahaba. Ang buhok niya ay maigsi.” Bata B – blusa

“Ang blusa ko ay bughaw. Ang blusa niya ay bughaw din.” c. Tumawag pa ng ibang bata upang gawin ito.

LINGGO 24

TEMA: Mabuting Pagkamamamayan

(11)

11

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalahad muli ang salaysay ng iba gamit ang mga payak na salita

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklase

UNANG ARAW

LAYUNIN: Natutukoy kung sino ang inilalarawan ng iba gamit ang mga pang-uri dito sa wikang Filipino

ORAS: 30 minuto

PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

Magpakita ng mga larawan sa mga bata. Hayaang magbigay ang mga bata ng isang salitang maglalarawan sa ipinakita.

2. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang ating mga kaibigan sa paaralan gamit ang mga pang-uri.

Maaaring gumawa ka ng sariling likhang kuwento upang maipakilala ang mga

kaibigan sa paaralan. 3. Tukoy-Alam

Itanong: Sino-sino ang mga kaibigan natin sa paaralan? Ipalarawan ang bawat isa gamit ang character map.

4. Paglalahad

a. Ilarawan ang isang bata sa klase gamit ang mga pang-uri at ipahula sa mga bata kung sino ito.

b. Maglarawan pa muli ng lima hanggang sampung bata.

5. Pagtuturo at Paglalarawan

Ipalarawan ang paboritong kaibigan ng bata sa paaralan. Pahulaan kung sino ito sa ibang bata.

IKALAWANG ARAW

LAYUNIN: Nailalahad muli ang mga salaysay ng iba tungkol sa mga pamamaraan ng pagiging mabuting mamamayan sa wikang Filipino

ORAS: 30 minuto

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, tatalakayin natin ang mga gawain ng isang mabuting mamamayan.

2. Paglalahad

(12)

12

Halimbawa: Tuwing umaga, nagwawalis ako sa loob at harap ng aming bahay para malinis ang paligid.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

a. Tumawag ng mga batang magbabahagi ng kanilang mga gawain bilang mabuting mamamayan.

b. Ipaliwanag na may mga salitang naglalarawan at tinatawag itong mga pang-uri.

4. Kasanayang Pagpapayaman

Tumawag ng mga batang maglalahad muli ng mga mabubuting gawain ng mga kaklase at magbigay ng opinyon tungkol dito gamit ang mga pang-uri.

Halimbawa: Sina _____, ______, at _____ ay masisipag dahil naglilinis sila ng bakuran araw-araw.

IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng kaklase sa wikang Filipino

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: lapis, papel, at mga pangkulay

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, iguguhit natin ang ating kaklase.

2. Kasanayang Pagpapayaman

Papiliin ang mga bata ng isang kaklase na gusto nilang iguhit.

3. Kasanayang Pagkabisa

Ipabahagi ang iginuhit sa mga kaklase. Hayaang bigyang larawan ito ng ibang bata. IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga gawain ng isang mabuting mamamayan sa wikang Filipino

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: iba’t ibang larawan na nagpapakita ng mga gawain sa pamayanan (Halimbawa: nagbibigay sa mga mahihirap, nagtatapon ng basura sa kalsada) PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, tayo ay magpapakita ng mga gawain ng mabuting mamamayan sa pamamagitan ng pag-arte.

2. Kasanayang Pagpapayaman

(13)

13

sumusunod na suliraning makikita sa ibibigay na larawan: I - maruming kapaligiran

II - lantang mga halaman sa hardin

III - namatay na mga halaman dahil sa paglalaro ng mga bata IV - tambak na mga basura sa tabi ng daan

3. Kasanayang Pagkabisa

Tumawag ng mga batang magbibigay ng kanilang opinyon tungkol sa mga ipinakitang solusyon ng mga pangkat gamit ang mga pang-uri.

4. Pagtataya

a. Magpakita ng mga larawan.

b. Tanungin ang mga bata kung ang larawan ay nagpapakita ng mabuti o di-mabuting gawain ng isang mamamayan gamit ang mga salitang mabuti o hindi mabuti.

IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Nakapagbibigay ng ilang angkop na pang-uri para sa mga pangngalang naibigay sa wikang Filipino

ORAS: 30minuto

MGA KAGAMITAN: mga pangalan ng mga mag-aaral na nakasulat sa papel PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, tayo ay magkakaroon ng isang laro gamit ang mga pang-uri.

2. Pagtataya

Ipaliwanag na ang klase ay magkakaroon ng isang laro kung saan ang bawat bata ay bubunot ng pangalan ng isang kaklaseng kaniyang ipahuhula gamit ang mga pang-uri.

LINGGO 25

TEMA: Mga Pagdiriwang sa Ating Komunidad

MGA LINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalahad muli ang salaysay ng iba gamit ang mga payak na salita

2. Gramatika: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangugusap UNANG ARAW

LAYUNIN: Nailalarawan ang dahilan ng mga pagdiriwang sa tahanan

ORAS: 30 minuto

(14)

14 PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

Pangunahan ang klase sa isang gawain kung saan ang bawat isa ay magbibigay

ng pangugusap na may salitang kilos ukol sa kanilang paboritong pagdiriwang. Magbigay ng sariling halimbawa at tumawag ng ilang bata upang sumagot.

Halimbawa: Kumakain ako ng masarap na pagkain tuwing Pasko.

2. Tukoy Alam

Bigyang pagkakataon ang ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang karanasan ukol sa mga pagdiriwang na naranasan sa kanilang sariling tahanan at ipalarawan ito.

3. Tunguhin

Tanungin ang klase: Ano-ano ang mga pagdiriwang sa inyong tahanan? Paano ito ipinagdiriwang?

4. Paglalahad

Itanong: Ano-ano ang mga pagdiriwang sa inyong tahanan? Paano ninyo ito idinadaos?

Magpaguhit ng pagdiriwang sa tahanan batay sa kanilang sariling karanasan. Ipalarawan ito sa mga bata.

5. Pagtuturo at Paglalarawan

Sumahin ang aralin. Talakayin ang mga dahilan ng pagdiriwang sa tahanan at tukuyin ang kahalagahan ng mga ito sa pamilya. Tukuyin din kung ano ang karaniwang nararamdaman ng bawat isa ukol dito.

IKALAWANG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa pagkukuwento ng mga pagdiriwang sa paaralan

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: larawan mula sa mga pagdiriwang sa paaralan

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang ating paboritong pagdiriwang sa paaralan. Ano kayang mga pandiwa ang nasasagawa kapag may pagdiriwang? 2. Paglalahad

Pangunahan ang klase sa pagbabalik-tanaw sa mga naranasang pagdiriwang sa paaralan. Maaaring gumamit ng larawan kung mayroon. Talakayin ang nabanggit na pagdiriwang.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

(15)

15

na salitang kilos sa mga nasabing pangugusap. Isulat ang mga salitang kilos sa pisara.

4. Kasanayang Pagpapayaman

Bigyang pagkakataon ang bawat isa na magbahagi ng sariling kuwento ukol sa mga naranasang pagdiriwang sa paaralan. Himukin ang bawat isa na gumamit ng mga salitang kilos sa pangugusap.

IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nailalahad ang paboritong pagdiriwang sa komunidad gamit ang mga salitang kilos

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: larawan ukol sa mga pagdiriwang sa pamayanan

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Tanungin ang klase: Ano ang paborito ninyong pagdiriwang sa ating komunidad / pamayanan?

2. Kasanayang Pagpapayaman

Magpakita ng iba’t ibang larawan ng mga pagdiriwang na maaaring maganap sa pamayanan. Bigyang pagkakataon ang ilang bata upang ilarawan ang mga ito o magbahagi ng mga sariling karanasan ukol dito.

3. Kasanayang Pagkabisa

Balikan ang kuwento ng bawat isa. Tumawag ng mga bata upang tukuyin ang mga ginamit na salitang kilos sa mga nasabing pangugusap. Isulat ang mga salitang kilos sa pisara.

IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Naibabahagi ang karanasan ng kaklase ukol sa mga pagdiriwang sa tahanan, paaralan, o komunidad sa pamamagitan ng pagguhit nito

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: papel at pangkulay

PAMAMARAAN 1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin ang paboritong pagdiriwang ng bawat isa sa pamamagitan ng pagguhit.

(16)

16

Ipagpares ang mga bata (o himukin ang bawat isa na humanap ng kapareha). Bigyan ang klase ng walong minuto upang magbahagi ng kuwento ukol sa kanilang paboritong pagdiriwang.

3. Kasanayang Pagkabisa

Bigyan ng oras ang klase upang maiguhit ang ibinahaging kuwento o karanasan ng kanilang kapareha.

4. Pagtataya

Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase.

IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa isang pangugusap ukol sa paboritong pagdiriwang ng kamag-aral.

ORAS: 30 minuto

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, babalikan natin ang gawain kahapon at ibabahagi natin ang ginawa ng bawat isa sa klase. Ano-ano ang mga pandiwang ginamit sa pagdiriwang? Gamitin ang mga ito sa pangungusap.

2. Pagtataya

a. Bigyang pagkakataon ang bawat bata na ibahagi ang ginawa nila sa klase gamit ang isa o dalawang pangungusap na may salitang kilos. Maaaring gawin ito ng magkapareha o dalawahan.

b. Ipabigay kung ano ang saloobin ng kapareha ukol dito.

LINGGO 26

TEMA: Mga Pagdiriwang sa Ating Komunidad

MGA LINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakapagbibigay ng pagpapakahulugan sa narinig na salaysay sa pamamagitan ng paggawa ng sariling katapusan o pagsasadula ng piling tagpo

2. Gramatika: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap

UNANG ARAW

(17)

17 ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Lubi-Lubi”

PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

a. Itanong sa mga bata kung ano-ano ang kanilang hindi malilimutang karanasan (gaya ng kaarawan, Pasko, atbp).

b. Himuking ibahagi nila ito sa kanilang katabi.

c. Tumawag ng ilang piling bata at ipasalaysay sa kanila ang karanasang ibinahagi sa kanila ng kanilang kamag-aral. Bigyang-diin na ito ay isasalaysay na may salitang kilos.

2. Tukoy Alam

Itanong sa mga bata kung paano ipinagdiriwang ang pista ng kanilang pamayanan. Itala ang mga ito sa pisara.

3. Tunguhin

a. Ipaawit ang "Lubi-lubi." (Sundin ang protocol para dito). b. Isulat sa pisara ang 12 buwan na bumubuo ng isang taon.

c. Itanong sa mga bata kung ano-anong mga pagdiriwang ang ginaganap sa bawat buwan ng taon -- mga pagdiriwang sa pamayanan, sa bayan, maging sa buong mundo.

d. Tumawag ng ilang piling bata na magbibigay ng mga pagdiriwang.Itala ang mga pagdiriwang sa pisara.

4. Paglalahad

a. Ipaawit muli ang “Lubi-lubi” sa klase.

b. Hingian ng angkop na aksyon para sa bawat pagdiriwang ang ilang piling bata. c. Ipaawit ito muli habang ipinapakita ang tamang aksyon ng awit.

5. Pagtuturo at Paglalarawan

Tumawag ng ilang piling mga bata at tanungin sila kung ano ang paborito nilang pagdiriwang at kung paano nila ipinagdiriwang ito.

IKALAWANG ARAW

LAYUNIN: Makabuo ng payak na pangungusap na mayroong salitang kilos

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: larawang nagpapakita ng salitang kilos, larawang kuha mula sa iba’t ibang pagdiriwang ng mga festivals

PAMAMARAAN

(18)

18

Sabihin: Ngayong araw, gagamit tayo ng mga pandiwa sa isang payak na pangungusap tungkol sa pagdiriwang na nasaksihan.

2. Paglalahad

Magtalakayan tungkol sa mga pagdiriwang na nasaksihan. Itala ang mga pangungusap at pandiwang binanggit ng mga mag-aaral. Itala rin ang sarili mong pangungusap.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

Tumawag ng ilang mga bata at sabihin na ibigay o tukuyin nila ang mga pandiwang ginamit ng kanilang mga kamag-aral at ng guro.

4. Kasanayang Pagpapayaman

Tumawag ng ilang piling mga bata upang ilarawan at ikuwento ang kanilang karanasan at saloobin tungkol sa isang pagdiriwang na kanilang nadaluhan. Bigyang diin na dapat gumamit sila ng salitang kilos sa pagkukuwento.

IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng mga pista sa pamayanan

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: larawan ng isang piling pagdiriwang sa pamayanan (tulad ng pista ng pamayanan)

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, isasalaysay natin ang iba’t ibang paraan ng pagdaraos ng mga pagdiriwang sa ating pamayanan.

2. Kasanayang Pagpapayaman

a. Ipangkat ang klase sa sampu. Bigyan ang bawat pangkat ng puzzle na bubuuin. b. Itanong: Ano ang nabuong larawan? Magtalakayan tungkol sa mga nabuong

larawan.

c. Ipaulat sa mga pangkat ang kanilang maikling kuwento.

3. Kasanayang Pagkabisa

Magpakita ng mga larawan. Hayaang magbigay ng mga salitang maglalarawan sa ipinakita.

IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Naisasadula ang mga salaysay tungkol sa pagdiriwang ng pista

ORAS: 30 minuto

(19)

19 PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, isasadula natin ang iba’t ibang pagdiriwang sa iba’t ibang lungsod.

2. Kasanayang Pagpapayaman

a. Hatiin ang klase sa sampung pangkat at bigyan ng takdang pagdiriwang na isasadula ang bawat pangkat.

b. Bigyan ng ilang minuto para makapaghanda ang bawat pangkat para sa kanilang presentasyon.

c. Maglaan ng 10 minuto para sa mga presentasyon.

3. Kasanayang Pagkabisa

Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang inihandang pagtatanghal. Ipalarawan sa mga nanood ang mga eksenang nasaksihan.

4. Pagtataya

a. Tumawag ng ilang piling bata at papiliin sila mula sa mga larawan ng mga pagdiriwang na natalakay sa klase.

b. Ipaulat o ipasalaysay sa bata kung ano ang nagaganap sa larawang kaniyang napili.

IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Nailalarawan ang isang karanasan ng kaklase sa isang pangungusap na may salitang kilos

ORAS: 30 minuto

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, ilalarawan ninyo ang iba’t ibang karanasan ng inyong mga kamag-aral gamit ang mga salitang kilos.

2. Pagtataya

a. Tumawag ng ilang piling mga bata at ipalarawan sa kanila ang mga naging karanasan ng kanilang mga kamag-aral sa pamamagitan ng pagbuo ng isang payak na pangungusap.

b. Paalalahanan ang mga bata na gumamit ng wastong salitang kilos sa kanilang mga pangungusap.

c. Maaaring papuntahin ang mga piling mag-aaral sa harap para doon nila ibahagi ang kanilang pangungusap.

LINGGO 27

(20)

20 MGA LINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya UNANG ARAW

LAYUNIN: Naibabahagi sa klase ang karaniwang sinasakyan ng pamilya

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Bangkang Papel,” bangkang papel, papel at pangkulay, malaking batya na may tubig

PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

Itanong sa mga bata kung ano ang kariniwang sinasakyan ng kanilang pamilya. Halimbawa: jeep, tren, bangka, atbp.

2. Tukoy Alam

Itanong: Ano-ano ang iba’t ibang uri ng transportasyon sa inyong lugar?

3. Tunguhin

Hayaang gumawa ang mga bata ng isang bangkang papel.

4. Paglalahad

Ipakita sa mga bata ang bangkang papel. Talakayin ang gamit ng bangka sa mga tao. Ituro sa mga bata ang awit na “Bangkang Papel.”

Pagkatapos ng ulan, paligid ay pagmasdan At sa ating bakuran, may naipong tubig ulan Tubig ulan (2x), may naipong tubig ulan...

Kaya’t kumuha ng papel, itupi-tupi ito ayan bangkang papel, makakapaglaro ako!

Bangkang papel (2x), gumawa tayo ng bangkang papel! Halika na, halina, palutangin na natin,

Sa ibabaw ng tubig, bangka ay paglayagin

May malaki, at maliit, at may pinakamalaki... Dali lakasan ang ihip, unahan, unahan tayo,

talunin mo ang bangka ko, tatalunin ko ang sa’yo... Bangkang papel (2x), kay tulin, ng bangkang papel (2x)

(21)

21

5. Pagtuturo at Paglalarawan

Talakayin ang kahalagahan ng bangka sa pamumuhay at kabuhayan ng mga tao. Itanong: Ano-ano ang mga uri ng sasakyan na makikita sa sariling pamayanan?

IKALAWANG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng sasakyan

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “ Bangkang Papel,” bangkang papel PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, ating ilalarawan ang mga bangkang papel na ginawa natin.

2. Paglalahad

Ipaawit muli sa mga bata ang “Bangkang Papel.”

3. Pagtuturo at Paglalarawan

Ipalarawan sa mga bata ang sariling bangkang papel. Halimbawa: “Ito ang aking bangkang papel. Ito ay malaki at kulay pula.”

4. Kasanayang Pagpapayaman

Tumawag ng ilang bata upang ilarawan ang kanilang bangkang papel. Kung may sapat na panahon, hayaang lahat ng bata ay ilarawan ang kanilang bangkang papel.

IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng mga sasakyan

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: larawan ng mga sasakyan

PAMAMARAAN 1. Tunguhin

Itanong: Ano ang paborito mong sasakyan? O Ano ang pangarap mong sasakyan?

Ilarawan ito na parang hinihimok mo ang iba na bilihin ito.

2. Kasanayang Pagpapayaman

Ilarawan ang iba’t ibang uri ng sasakyan. Itanong sa mga bata kung anong sasakyan ito. Isulat ang kanilang mga sagot sa pisara.

3. Kasanayang Pagkabisa

(22)

22

b. Tumawag ng ibang bata upang ilarawan ito.

IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Ang Jeepney ni Tatay,” larawan ng jeepney, larawan ng mga miyembro ng pamilya

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Pagbabahaginan ng karanasan tungkol sa pagsakay sa isang jeep. 2. Kasanayang Pagpapayaman

Ipakita sa klase ang larawan ng jeepney. Ituro ang awit na “Ang Jeepney ni Tatay.”

Ang jeepney ni Tatay ay may butas sa gulong Ang jeepney ni Tatay ay may butas sa gulong Ang jeepney ni Tatay ay may butas sa gulong Takpan natin ng bubble gum!

Itanong: Ano-anong mga pang-uri ang ginamit sa awit?

3. Kasanayang Pagkabisa

Ipalarawan ang jeep na inyo nang nakita at nasakyan.

4. Pagtataya

Magpalarawan ng iba pang jeep bukod sa inyong mga nasakyan na.

IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: papel, lapis, at pangkulay

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Magpaguhit ng ideya ng mga mag-aaral ng isang pambihirang sasakyan o jeep. 2. Pagtataya

(23)

23

LINGGO 28

TEMA: Komunikasyon: cell phone / telepono, radyo, warning signal, telebisyon, word of mouth

MGA LINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binigbigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya UNANG ARAW

LAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa kuwentong binasa

ORAS: 30 minuto

KAGAMITAN: aklat na Si Pilong Patago-tago ni Kristine Canon at Leo Alvarado (Adarna House, 2004)

PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

Tanungin ang klase: Ano ang paborito mong laro sa bahay?

2. Tukoy Alam

Tanungin ang klase: Masaya bang maglaro ng taguan? Nakapaglaro na ba kayo ng taguan sa loob ng bahay? Sino-sino ang inyong mga kalaro sa taguan?

3. Tunguhin

Sabihin: Ang kuwento natin sa araw na ito ay tungkol sa isang batang mahilig magtago. Sino-sino kaya ang kaniyang mga tinataguan? (Sundin ang Reading Plan).

4. Paglalahad

Ikuwento sa malikhaing paraan ang Si Pilong Patago-tago ni Kristine Canon at Leo Alvarado (Adarna House, 2004).

5. Pagtuturo at Paglalarawan

Tanungin: Sino-sino ang mga tinaguan ni Pilo?

a. Kilalanin ang bawat miyembro ng pamilya ni Pilo at ang kanilang ginagampanan sa pamilya. Halimbawa: Ang kuya ni Pilo ay ang kaniyang kalaro.

Magkaroon ng malawak na talakayan tungkol sa kuwento.

b. Itanong: Ano-ano ang mga naganap sa kuwento? Sino-sino ang mga tinaguan ni Pilo?

IKALAWANG ARAW

(24)

24 ORAS: 30 minuto

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon sa aralin at kuwento na tinalakay kahapon.

2. Paglalahad

Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin kung ano-ano ang ginawa ng mga kasama ninyo sa bahay sa buong maghapon.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

a. Pangunahan ang talakayan sa pagbibigay ng ulat ng mga bagay na ginawa ng mga kasama ninyo sa bahay noong nakaraang araw. (Halimbawa: Ang nanay ko ay nagpunta sa palengke upang bumili ng isda. Si kuya ay naglaro ng habulan kasama ang kaniyang mga kaibigan.)

b. Bigyang pagkakataon ang bawat bata na ibahagi sa klase ang kanilang takdang aralin. Gawin itong isang laro (pass the message) na lalaruin ng sampung mag-aaral.

4. Sabihin ang mga natatandaang naganap sa loob ng silid-aralan / paaralan ng nagdaang mga araw.

IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nailalarawan ang pamilya sa pamamagitan ng wastong pang-uri

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: lapis, papel, at pangkulay

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, makikilala at mailalarawan natin ang bawat miyembro ng ating pamilya.

2. Kasanayang Pagpapayaman

Magpaguhit ng mga miyembro ng pamilya sa mga bata gamit ang lapis, papel, at mga pangkulay.

3. Kasanayang Pagkabisa

Hayaang ipakilala ng mga bata ang bawat miyembro ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbahagi sa klase. Ipalarawan ang bawat miyembro ng mag-anak gamit ang wastong pang-uri.

(25)

25

LAYUNIN: Natutukoy ang mga miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng wastong paglalarawan ng pamilya

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: iginuhit ng mga bata noong nakaraang araw

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, tayo’y maglalaro ng “Sino siya?” kung saan huhulaan ninyo ang miyembro ng inyong pamilya na ilalarawan ko.

2. Kasanayang Pagpapayaman

Ipakita ang larawan ng bawat kasapi ng mag-anak. Hayaang magbigay ang mga bata ng mga pang-uri na maglalarawan sa katangiang pisikal at di-pisikal ng bawat kasapi.

3. Kasanayang Pagkabisa

Tumawag ng ilang bata upang ilarawan ang mga miyembro ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng paggamit ng pang-uri.

4. Pagtataya

a. Ipalarawan ang isang miyembro ng pamilya at maglaro ng “pass the message.”

Halimbawa: Si Nanay ay mabait.

b. Bumuo ng 4-5 na pangkat. Papilahin ng tig-isang hanay ang bawat pangkat. Kailangang makarating ang mensahe sa pamamagitan ng pagbulong sa kasunod sa hanay.

IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan sa bahay

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: lapis, papel, pangkulay, iginuhit ng mga bata noong ikatlong araw

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin

Sabihin: Sino ang nanonood ng balita? Ngayong araw, tayo’y magiging mga tagapag-balita.

2. Pagtataya

a. Bumuo ng 4-5 pangkat, ipamahagi ang kanilang iginuhit noong ikatlong araw at muling balikan ang tinalakay noong nakaraang araw tungkol sa paglalarawan ng mga miyembro ng pamilya.

(26)

26

c. Tawagin ang bawat pangkat upang ibalita sa klase ang kanilang natalakay.

d. Tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan ng kanilang iginuhit gamit ang mga wastong pang-uri.

LINGGO 29

TEMA : Mga Likas na Yaman sa Ating Pamayanan

MGA LINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng kapaligiran

UNANG ARAW

LAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga produktong galing sa ating kapaligiran sa wikang Filipino

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: iba’t ibang larawan ng kapaligiran (Halimbawa: tabing-dagat, bukirin, tabing-ilog), kopya ng awiting “Tong, tong, tong, pakitong-kitong”

PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

Sabihan ang mga bata na magbigay ng isang produktong alam nilang galing sa ating kapaligiran. Halimbawa: bigas

2. Tukoy-Alam

Magpakita ng mga larawan ng kapaligiran at ipalarawan ang mga ito sa mga bata gamit ang mga pang-uri.

3. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga produktong nakukuha sa ating kapaligiran.

4. Paglalahad

Ituro ang awiting “Tong, tong, tong, pakitong-kitong.”

Tong, tong, tong, pakitong-kitong Alimango sa dagat

Malaki at masarap

Mahirap hulihin sapagkat nangangagat

5. Pagtuturo at Paglalarawan

(27)

27 IKALAWANG ARAW

LAYUNIN: Nakapaglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon sa wikang Filipino

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: mga larawan ng iba’t ibang produkto sa kapaligiran

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, muli nating pag-uusapan ang mga produktong nakukuha sa ating kapaligiran.

2. Paglalahad

a. Hatiin ang klase sa sampung pangkat.

b. Pagtambalin ang pangkat 1 at 2, 3 at 4, 5 at 6, 7 at 8, 9 at 10.

c. Ang bawat pangkat ay magbabahagi sa kapares na pangkat tungkol sa mga produktong nakukuha mula sa kani-kanilang kapaligiran.

d. Ang kapares na pangkat ay magbabahagi rin ng tungkol sa kanilang mga produkto.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

a. Tawagin ang isang miyembro ng bawat pangkat upang ilahad ang kaniyang nakuhang impormasyon mula sa kapares na pangkat tungkol sa kanilang mga produkto.

b. Ipaliwanag na iba’t ibang produkto ang makukuha sa ating kapaligiran.

4. Kasanayang Pagpapayaman

Tumawag ng mga batang maglalarawan ng mga nailahad na produkto gamit ang mga pang-uri.

IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nakapaglalarawan ng kapaligiran gamit ang mga wastong pang-uri

ORAS:30 minuto

MGA KAGAMITAN: lapis, papel, at pangkulay

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, iguguhit natin ang ating kapaligiran.

2. Kasanayang Pagpapayaman

(28)

28

3. Kasanayang Pagkabisa

Ipabahagi sa mga bata ang kanilang iginuhit na kapaligiran gamit ang mga pang-uri. IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Natutukoy ang mga produktong nanggaling sa kapaligiran sa wikang Filipino

ORAS:30 minuto

MGA KAGAMITAN: iba’t ibang larawan ng mga produktong nakukuha sa ating kapaligiran

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Itanong: Saan nagmula ang lapis? lamesa? plastik?

2. Kasanayang Pagpapayaman

Magpapakita ng mga larawan ng produktong mula sa kapaligiran. Ipatukoy sa mga bata kung saan galing ang bawat isa.

3. Kasanayang Pagkabisa

Tumawag ng mga batang maglalarawan ng mga produktong ginamit sa laro gamit ang mga wastong pang-uri. Halimbawa: bangus – masarap; malinamnam

4. Pagtataya

a. Magkaroon muli ng isang laro.

b. Pabunutin ang mga bata ng isang larawan ng produkto. c. Ipalarawan ang mabubunot na larawan gamit ang pang-uri.

IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Nakapaglalarawan ng isang produkto sa pamayanan gamit ang wastong pang-uri sa wikang Filipino

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: lapis, papel, pangkulay

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, tayo ay guguhit ng ating paboritong produkto.

2. Pagtataya

a. Magpaguhit sa mga bata ng kanilang paboritong produkto.

b. Tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan ng kanilang iginuhit gamit ang mga wastong pang-uri.

(29)

29

Sino ang Pilipino

(Titik ni Rene O. Villanueva, Musika ni Mike Pedro) Sino ang Pilipino?

Ikaw ba o ako? Ako ay maputi Ika'y kayumanggi. Sino ang Pilipino? Sino ang Pilipino? Ikaw ba o ako? Itim ang buhok ko Kulay-kalawang ang sa 'yo.

LINGGO 30

TEMA: Komunikasyon – pasulat – dyaryo, pasalin-dila, liham, posters / billboards, streamers

MGA LINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Natutukoy, nailalarawan, at nagagamit ang ilang karaniwang pasalita at di-pasalitang katangian sa isang hanay ng teksto

2. Gramatika: Nailalarawan ang sarili, pamilya, at kapaligiran gamit ang mga karaniwang pang-uri

UNANG ARAW

LAYUNIN: Natutukoy ang mga katangian ng mga batang Filipino

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: tsart para sa awit na “Sino ang Filipino?”, mga larawan ng kapaligiran

PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtaya

Tumawag ng ilang piling bata at ipalarawan ang alinman sa sumusunod:  sarili (kasuotan, haba o kulay ng buhok, kulay ng balat, atbp.)

 pamilya  kapaligiran

2. Tukoy-Alam

Magpakita ng mga larawan ng batang Filipino at ipalarawan ang mga ito sa mga bata gamit ang mga pang-uri.

3. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga katangian ng batang Filipino. 4. Paglalahad

(30)

30

KORO:

O sino kaya? Sino kaya? Sino ang Pilipino? O sino kaya? Sino kaya?

Sino ang Pilipino? Sino ang Pilipino? Sino ang Pilipino? Ikaw ba o ako? Bilog ang mata mo. Singkit ang mata mo.

Sino ang Pilipino? Ikaw ba o ako?

Bakit magkaiba ang ating mga anyo? Sino ang Pilipino?

KORO: Tayo ay Pilipino

Ito'y alam natin Kung nanay o tatay

Ay Pilipino rin Tayo ay Pilipino Pare-parehong Pilipino.

5. Pagtuturo at Paglalarawan

Tumawag ng mga bata at:

a. Magpabunot sa mga bata ng paraan kung paano sasagutin ang iyong tanong sa pasalita o di-pasalitang paraan.

b. Magbigay ng mga tanong na naglalaman ng mga pang-uri at maaaring sagutin ng oo o hindi,

thumbs up / down, atbp. (hal: Malinis ba ang hardin ng ating paaralan?)

IKALAWANG ARAW

LAYUNIN: Nasasagot ang mga tanong ng guro gamit ang mga di-pasalitang paraan

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Sino ang Pilipino?”

PAMAMARAAN 1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, sasagot tayo ng mga tanong sa di-pasalitang paraan. 2. Paglalahad

Pasagutin sa pamagitan ng kilos, galaw, o guhit ang sumusunod: a. Masakit ba ang mamatayan ng magulang? Paano?

b. Galak na galak ang taong nanalo sa lotto. Paano mo isasakilos ang kagalakan? c. Ikaw ba ay nagugutom? Paano mo ito ipapahiwatig sa kilos?

d. Masaya ba ang iyong pamilya? Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng guhit. 3. Pagtuturo at Paglalarawan

a. Ipakita muli ang tsart ng “Sino ang Pilipino?” at awitin ito kasama ng mga bata. b. Bigyang pokus ang unang saknong ng awitin at tumawag ng ilang piling bata

upang magbigay ng angkop na kilos para sa saknong na ito. Awitin ang unang saknong na may kasamang kilos kasabay ng buong klase.

4. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pangkatin ang klase ayon sa bilang ng natitirang mga saknong ng awit.

b. Bawat pangkat ay mag-iisip ng angkop na kilos para sa saknong na nakatalaga sa kanila.

c. Bigyan ng 10 minuto ang mga pangkat para mag-isip.

(31)

31

IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nasasagot ang mga tanong ng guro gamit ang mga pasalitang paraan.

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: iba’t ibang larawan, cartolina (sapat para sa 8 hanggang 10 pangkat), lapis, pangkulay, at mga tanong na gagamitin sa kasanayang pagpapayaman

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, sasagutin ninyo ang mga tanong ko gamit ang mga pasalitang paraan.

2. Kasanayang Pagpapayaman

a. Magpakita ng isang larawan at magtanong tungkol dito. Bigyan ng dalawang tanong ang bawat batang tatawagin— ang una ay tanong na may pang-uri at ang ikalawang tanong naman ay tanong na mangangailangan ng sagot na mayroong pang-uri.

b. Tumawag ng ilang piling bata para sa pagsasanay na ito. 3. Kasanayang Pagkabisa

a. Pangkatin ang klase. Bigyan ng kalahating cartolina, lapis, at mga pangkulay ang bawat pangkat.

b. Ipalarawan ang isang bagay o lugar na nais mong ipaguhit sa bawat pangkat. c. Bigyan ng 10 hanggang 15 minuto ang bawat pangkat na gawin ang kanilang

poster.

d. Ipalagay sa harap ng silid aralan ang mga poster na natapos ng bawat pangkat. Hayaang ipabahagi ito sa ng bawat pangkat sa buong klase.

IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Natutukoy, nailalarawan, at nagagamit ang ilang karaniwang pasalita at di-pasalitang katangian sa isang hanay ng teksto

ORAS: 30 minuto

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, tutukuyin, ilalarawan, at gagamitin natin ang ilang karaniwang pasalita at di-pasalitang katangian sa isang hanay ng teksto.

Talakayin muli ang kahulugan ng pasalita at di pasalita.

2. Kasanayang Pagpapayaman

(32)

32

b. Tumawag ng ilang piling bata na gustong humula sa kilos na ipapakita mo. 3. Kasanayang Pagkabisa

a. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.

b. Ang unang pangkat ang magpapakita ng kilos na huhulaan ng ikalawang pangkat. c. Kapag nahulaan na, ang ikalawang pangkat naman ang magpapakita ng kilos at

ang kalabang pangkat naman ang huhula.

d. Sa ikalawang ikot ng laro, ang unang pangkat ang magbibigay ng isang pasalitang palatandaan na kailangang ikilos ng kalabang pangkat.

e. Kung nahulaan na ito, yung pangalawang pangkat naman ang magbibigay ng pasalitang palatandaan at ang ikalawang pangkat naman ang huhula.

4. Pagtataya

a. Magkaroon muli ng isang laro.

b. Pabunutin ang mga bata kung paano nila dapat sagutin ang iyong tanong — s a pasalita o di-pasalitang paraan.

IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Nagagamit nang tama ang mga pangkaraniwang pang-uri

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: lapis, papel, pangkulay

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, gagamit tayo ng mga pangkaraniwang pang-uri sa ating mga pangungusap.

2. Pagtataya

a. Magpaguhit sa mga bata ng kanilang paboritong lugar sa pamayanan.

(33)

33

Ikaapat na Yunit

LINGGO 31

TEMA: Kabuhayang Pampamayanan / Trabaho, Industriya ng Pakikipagkalakalan (One Town One Product o OTOP, industriyang lokal, tiangge, atbp.)

MGA PANLINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas: Nailalarawan ang tono (pataas, pababa) ng boses ng bumabasa o naglalahad ng kuwento

2. Gramatika: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan

UNANG ARAW

LAYUNIN: Nailalarawan ang mga trabaho / hanapbuhay, negosyo sa pamayanan

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: mga larawan ng mga salitang magkasalungat (mainit na siopao, malamig na haluhalo), Ibabaw at Ilalim (Adarna House, 2007)

PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya at Tukoy-Alam

a. Magdikit ng mga larawan na magkasalungat.

b. Tumawag ng ilang piling bata na maghahanap ng kapares na larawan.

2. Tunguhin

Itanong: Ano-ano ang iba't ibang trabaho sa ating pamayanan?

3. Paglalahad

a. Ipakita ang aklat na Ibabaw at Ilalim.

b. Ipakita ang bawat pahina at tanungin ang mga bata kung ano ang nakikita nila sa larawan. Maaaring magbigay ng mga tanong na nagsisimula sa “nasaan?”

4. Pagtuturo at Paglalarawan

Tumawag ng mga bata at pumili ng dalawang larawang magkasalungat. Ipagamit ang magkasalungat na mga salita sa iisang pangungusap.

Halimbawa: Ang tatay ay matangkad ngunit ang anak niya ay maliit.

IKALAWANG ARAW

(34)

34 ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: aklat na Tiktaktok at Pikpakbum ni Rene Villanueva (Adarna House,1980), listahan ng mga linyang babasahin hango sa kuwento

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin

Itanong: Ano ang nararamdaman mo ngayon? Paano mo ito ipapakita?

2. Paglalahad

Basahin ang kuwentong Tiktaktok at Pikpakbum ni Rene O. Villanueva.

Bigyang diin ang damdamin ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagpapalit-palit ng paraan ng pagsasallita (tono ng boses, tataas, pababa).

3. Pagtuturo at Paglalarawan

a. Bumanggit ng isang linya mula sa kuwento.

b. Tumawag ng isang bata upang magpaliwanag kung ano ang damdamin ng tauhan ayon sa iyong pagkabigkas. (Halimbawa: masaya, malungkot, galit, atbp.; malakas o mahina / pabulong ang pagkakasabi)

4. Kasanayang Pagpapayaman

a. Kung masaya ang tono, tumakbo papunta sa harapan ng silid aralan; kung malungkot, tumakbo papunta sa likod ng klasrum.

b. Magbigay ng tatlong halimbawa ng masaya at tatlong halimbawa ng malungkot. IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Nailalarawan ang mga litrato batay sa kuwento at naibibigay ang kasalungat nito

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: iba’t ibang larawan, bond paper,lapis, at iba’t ibang pangkulay

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

a. Ano ang masasabi mo sa larawang ito? (ipakita ang litrato)

b. Ano ang kasalungat o kabaliktaran ng ___? (salitang naglalarawang binanggit ng bata)

2. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pumili ng sampung bata. Bigyan ng mga larawan ang unang limang bata at ang mga kabaliktarang mga larawan ay ibigay naman sa limang batang natitira. b. Bumilang ng isa hanggang tatlo. Pagkatapos banggitin ang “Go!”, sisimulan na ng

(35)

35

d. Ulitin ang palaro hanggang sa makapaglaro ang lahat ng mga bata. Maaaring gumawa ng limang pares o higit pa sa bawat round.

3. Kasanayang Pagkabisa

a. Bigyan ng malinis na papel, lapis, at mga pangkulay ang bawat bata. b. Magdikit ng tatlong larawang may kinalaman sa trabaho sa pamayanan.

c. Papiliin ng isang larawan ang mga mag-aaral at ipaguhit sa mga bata ang mga posibleng kasalungat ng mga larawan sa pisara.

IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Nagagamit ang iba’t ibang tono para maipakita ang kasalungat na damdamin

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: mp3, player / cellphone speakers, naka-rekord na mga pangungusap

at / o parirala, iba’t ibang ekspresyon ng mukhang nakaguhit sa bilog na papel / cardboard at nakadikit sa popsicle sticks

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, makikinig tayo sa ilang mga pangungusap at susubukin nating tukuyin ang mga kasalungat na tono ng mga ito.

2. Kasanayang Pagpapayaman at Kasanayang Pagkabisa

a. Ipakinig sa mga bata ang mga pangungusap. Ulitin hanggang tatlong beses ang bawat isa para lubos itong mapakinggan ng mga bata.

b. Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng bawat pangungusap?

c. Tanungin kung ano-ano ang maaaring damdaming ipinapahayag ng nagsasalita (galit, tuwang-tuwa, nasasabik, atbp).

d. Tanungin ang ilang piling bata kung paano nila ipahahayag ang pangungusap sa kasalungat nitong damdamin (hal: galit-natutuwa).

3. Pagtataya

Sabihin: Makinig nang mabuti sa pangungusap na iparirinig ko sa inyo. Pagkatapos ng bawat pangungusap, itaas ninyo ang popsicle stick na nagpapakita ng damdaming ipinapahayag ng mga nagsasalita.

IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan

ORAS: 30 minuto

(36)

36 PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, magtutugma tayo ng mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan.

2. Pagtataya

a. Bigyan ng lapis, papel, at mga pangkulay ang mga bata upang makaguhit sila ng tatlong pares ng magkakasalungat na salita.

b. Tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan ng kanilang iginuhit.

LINGGO 32

TEMA: Mga Pinagkukuhaan ng Enerhiya

MGA PANLINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas: Nabibigyang kahulugan ang diin at haba sa pagbigkas ng mga salita ng bumabasa o naglalahad ng kuwento

2. Gramatika: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan

UNANG ARAW

LAYUNIN: Nasasagot ang tanong na “Ano ang nagagawa ng hangin para sa atin?”

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Umihip Tulad ng Hangin” ni Rene O. Villanueva

PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

Itanong sa mga bata kung ano ang nagagawa ng hangin para sa kanila.

2. Tukoy-Alam

Gumawa ng semantic web ng hangin. Pag-usapan ang mga bagay na naaalala o naiisip ng mga bata tuwing naririnig ang salitang hangin. Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.

(37)

37

3. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang kahalagahan ng hangin.

4. Paglalahad

Ituro sa mga bata ang awit na “Umihip Tulad ng Hangin” ni Rene O. Villanueva. (Matatagpuan sa http://www.youtube.com/watch?v=uU9BlD80aQM )

5. Pagtuturo at Paglalarawan

Pag-usapan sa klase ang kahalagahan ng hangin. Bigyang-diin ang hangin bilang pinagkukunan ng enerhiya. Maaaring magpakita ng larawan ng Bangui Windmills mula sa Ilocos Norte.

IKALAWANG ARAW

LAYUNIN: Natutukoy ang mga salitang magkasalungat

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Umihip Tulad ng Hangin”

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ano ang ibig sabihin ng salitang magkasalungat?

2. Paglalahad

Ipaawit muli sa mga bata ang “Umihip Tulad ng Hangin.”

3. Pagtuturo at Paglalarawan

a. Ipalarawan sa mga bata ang ihip ng hangin ayon sa awit.

b. Sabihin sa mga bata na ipakita ang malakas na ihip ng hangin sa pamamagitan ng pagpapalabas ng hangin mula sa kanilang mga bibig. Itanong sa mga bata kung ano sa kanilang palagay ang kasalungat ng malakas. Sabihin sa mga bata na ang kasalungat nito ay mahina. Tumawag ng ilang bata upang ipakita ang mahinang ihip ng hangin. Maaaring gumamit ng ribbon o anumang malambot na tela para dito upang maipakita nang mabuti ang konsepto.

c. Sabihin sa mga bata na ipakita ang marahang ihip ng hangin sa pamamagitan ng pagpapalabas ng hangin mula sa kanilang mga bibig. Itanong sa mga bata kung ano sa kanilang palagay ang kasalungat ng marahan. Sabihin sa mga bata na ang kasalungat nito aymabilis. Tumawagng ilang bata upang ipakita ang mabilis na ihip ng hangin.

(38)

38 ihip ng hangin.

e. Isulat ang pares ng magkakasalungat na salita sa pisara. malakas - mahina

marahan - mabilis maingay - tahimik 4. Kasanayang Pagpapayaman

Magpakita ng ilang mga kilos. Ipasakilos naman sa mga bata ang kasalungat nito. Halimbawa: Kapag marahan ang ihip ng guro, kailangang umihip nang mabilis ng mga bata.

IKATLONG ARAW

LAYUNIN: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: larawan ng mga bagay na malamig, mainit, malaki, maliit, mabigat, magaan, mahaba, at maiksi

PAMAMARAAN

1. Tunguhin:

Magpakita ng isang larawan. Tukuyin ang kasalungat nito.

2. Kasanayang Pagpapayaman

Idikit ang mga larawan sa pisara. Itanong sa mga bata kung ano ang katangian ng mga bagay na nasa larawan. Kumuha ng dalawang larawan at itanong sa mga bata kung ang mga ito ay magkasalungat o hindi. Tumawag ng ilang mga bata upang ipaliwanag ang sagot.

Halimbawa ng mga larawan:

a. apoy at araw (Hindi magkasalungat dahil parehong mainit.)

b. apoy at yelo (Magkasalungat dahil mainit ang apoy ngunit malamig ang yelo.) c. kabayo at aso (Maaaring magkasalungat dahil malaki ang kabayo ngunit maliit

ang aso. Maaaring hindi magkasalungat dahil parehong mabilis tumakbo.)

3. Kasanayang Pagkabisa

Bigyan ang bawat bata ng isang larawan. Sa iyong hudyat, kailangang hanapin ng bawat isa ang kamag-aral na may hawak ng larawang kabaliktaran ng nasa kanila. Tukuyin kung paano naging magkasalungat ang magkapares.

IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan

(39)

39

Halimbawa:

Lumangoy tulad ng isda. Mabilis na langoy ng isda. Swoosh, swoosh.

Lumangoy tulad ng isda. Mabagal na langoy ng isda.

MGA KAGAMITAN: larawan ng mga bagay na magkasalungat, (halimbawa: basa at tuyong damit, mahaba at maiksing buhok, malaki at maliit na bola, atbp.), papel, panulat, at pangkulay

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, magsasanay tayong muli sa pagtukoy ng mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan.

Magpakita ng ilang mga larawan. Pagsamahin ang dalawang larawang magkasalungat.

2. Kasanayang Pagpapayaman

Idikit sa pisara ang mga larawang magkasalungat. Itanong sa mga bata kung ano ang kanilang masasabi sa mga larawan. Tumawag ng ilang mga bata upang itugma ang mga larawang magkasalungat.

Paghambingin ang dalawang larawan. Tukuyin kung paano sila nagkaiba.

3. Kasanayang Pagkabisa

Magpaguhit ng larawan ng isang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. Ipaguhit din sa katabi nito ang larawan na nagpapakita ng kasalungat nito.

Halimbawa: mahabang lapis at maikling lapis.

IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: papel, lapis, at pangkulay

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, gagawa tayo ng sariling awit na may mga salitang magkasalungat.

2. Pagtataya

a. Awiting muli ang “Umihip Tulad ng Hangin.” b. Bigyan ng papel, panulat, at pangkulay ang

bawat bata.

Sabihin sa mga bata na gawan ng palit-salita ang awit: _____ tulad ng ____. Ipasulat ang sagot sa papel.

c. Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang ginawang awit.

(40)

40

LINGGO 33

TEMA: Konserbasyon ng Enerhiya at Likas na Yaman

PANLINGGUHANG LAYUNIN

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nabibigyang kahulugan ang diin at haba sa pagbigkas ng mga salita ng bumabasa o naglalahad ng kuwento

UNANG ARAW

LAYUNIN: Nakikibahagi sa talakayan tungkol sa awit

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: tsart ng awiting “Maliit na Gagamba,” larawan ng gagambang itinaboy ng ulan, larawan ng gagambang gumagawa ng sapot sa ilalim ng araw PAMAMARAAN

1. Paunang Pagtataya

Itanong sa mga bata kung sino sa kanila ang naabutan na ng ulan. Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang kanilang karanasan tungkol dito.

2. Tukoy-Alam

Talakayin ang kahulugan ng salitang itinaboy.

Habang umuulan noong isang gabi, naisipan kong uminom ng mainit na tsokolate. Pagbukas ko ng ilaw sa kusina, laking gulat ko nang may nakita akong malalaking daga. Agad kong itinaboy ang mga ito sapagkat takot ako sa daga. Anong ibig sabihin ng salitang itinaboy?

Pumili ng ilang bata upang imuwestra o sabihin sa klase ang sagot.

3. Tunguhin

Ngayong araw, tatalakayin natin ang awiting “Maliit na Gagamba.”

Maliit na gagamba Umakyat sa sanga Dumating ang ulan Itinaboy siya

Sumikat ang araw Natuyo ang sanga Maliit na gagamba Ay laging masaya.

4. Paglalahad

(41)

41

5. Pagtuturo at Paglalarawan

Itanong ang mga sumusunod:

 Ano ang ginagawa ng gagamba sa awit?  Ano ang nangyari nang umulan?

 Ano sa inyong palagay ang naramdaman ng gagamba nang itinaboy siya ng ulan? Ipaliwanag ang sagot.

 Anong nangyari pagkatapos ng ulan?

 Anong naramdaman ng gagamba nang sumikat ang araw? Bakit?

IKALAWANG ARAW

LAYUNIN: Nabibigyang kahulugan ang diin at haba sa pagbigkas ng mga salita ng bumabasa o naglalahad ng kwento

ORAS: 30 minuto

MGA KAGAMITAN: larawan ng gagambang itinaboy ng ulan

PAMAMARAAN

1. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw, ating aalamin ang nararamdaman ng mga tauhan sa pamamagitan ng diin at haba ng kanilang mga sinabi.

2. Paglalahad

Balikan ang awiting “Maliit na Gagamba.” Awitin itong muli kasabay ng mga bata.

3. Pagtuturo at Paglalarawan

a. Idikit sa pisara ang larawan ng gagambang itinaboy ng ulan.

b. Talakayin ang iba’t ibang posibleng damdamin ng gagamba (takot, malungkot, atbp).

c. Idikit sa pisara ang larawan ng gagamba sa ilalim ng araw.

d. Talakayin ang iba’t ibang posibleng damdamin ng gagamba (nananabik, masaya, atbp).

e. Ipaliwanag kung paanong ang emosyon ng tao ay nakatutukoy sa diin ng kaniyang sinasabi.

4. Kasanayang Pagpapayaman

a. Sabihin ang salitang “Naku!” nang malungkot. Pahulaan sa klase kung ano ang damdamin pinahihiwatig.

b. Ulitin ito ng may iba’t ibang emosyon gaya ng masaya, galit, takot, atbp.

References

Related documents

Options 1-4 have the landlord (low-income housing provider) as the central stakeholder with repayments collected via a rent increase or separate bill. Option 5 is a direct

Three items on the survey measured familiarity with the NETS standards, including the National Education Technology Plan, as well as with the National Educational Technology Plan

To realize this, Yokogawa integrates its business and domain knowledge with digital automation technologies, and co-innovates with its customers to drive their business

Teknologi budidaya mangga Podang di luar musim dengan menggunakan paklobutrazol yang dibarengi dengan pengelolaan secara intensif (pengendalian OPT, penambahan unsur hara makro

At higher workloads it can be expected that ankle-foot exoskeletons have the potential to increase walking performance during a maximal incremental exercise test if

Using one- and two-dimensional gel electrophoresis, elec- trospray LC-MS, LC- MS/MS and MALDI-TOF-TOF mass spectrometry we detected a series of modifications of the recombinant

Starch granule types are highly correlated with their size, as such almost all studies use a size-threshold for classification: large, small and tiny granule sizes cor- respond