• No results found

Aralin 6: Mga Ritmo

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2020

Share "Aralin 6: Mga Ritmo"

Copied!
17
0
0

Loading.... (view fulltext now)

Full text

(1)

1

Aralin 3: Mapaglikhang Paggalugad

Gusto mo bang makagalaw na may hawak na bagay tulad ng nasa itaas na larawan? Maaaring mahirap sa una subalit kapag madalas at wasto ang Gawain ito’y matututuhan din hanggang sa maging perpekto. Subukin ang mga gawaing kabilang sa susunod na aralin, magagawa mo at

maisasakatuparan ang sumusunod:

Makagalaw nang mabagal, mabilis, at

(2)

2

Maunawaan ang pagkakaiba ng malaya at di malayang paggalaw; Maisagawa ang mga larong may

kaugnayan sa gawain habang umaawit; Makilahok sa mga payak o simpleng laro na may kapareha at may hawak na

bagay o gamit; at

Makilahok sa masasaya at mahihirap na gawaing pampalakas ng katawan.

Aralin 6: Mga Ritmo

Naaalala mo ba kung gaano ka kasaya kapag naglalaro? Naisip mo bang maging isang diwata, superhero, alagang hayop, bulaklak, paruparo, eroplano, makina, at iba pang nilikha dahil sa iyong malikhaing imahinasyon?

Paganahin ang iyong imahinasyon upang magawa ang mga susunod na pagsasanay.

Gawain 21 – Madramang Ritmo

Panuto: Lumikha ng galaw sa saliw ng musika na nagsasakilos ng sumusunod. Gumalaw nang

mabagal o mabilis, galaw na nagpapakita na may magaan o mabigat na dala sa isang maluwag o masikip na espasyo.

1. Pagtatayo ng bahay

(3)

3

3. Paglalakbay sa kalawakan

4. Pagbibigay-kahulugan kina Darna, Dyesebel, Captain Barbel, Panday, at Lastikman

Gaano mo kahusay na naisagawa ang gawain? Iguhit o ilarawan ang iyong damdamin.

Gawain 22 – Malikhaing Ritmo

(4)

4

Iguhit ang ginawa mong galaw kasama ang bagay na iyong dinala.

Mabagal ba o mabilis ang ginawa mong galaw? __________________________

Naipakita mo ba ang paggalaw na may mabigat o magaang dala? _________________

Paano ka gumalaw kapag magaan ang dala mo? _______________ Kung mabigat naman? ____________ Ano ang naramdaman mo sa gawaing ito?

____ Pinakamahusay ____ Mahusay ___ Di gaanong mahusay

Gawain 23 – Awiting may Kilos

Panuto: Alalahanin ang awit na “Magtanim ay Di

Biro”

Unang Hamon : Lumikha ng kilos para sa awit. Magtanim ay Di Biro

Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko

Di naman makatayo Di naman makaupo

(Ulitin)

Halina, halina mga kasama Tayo'y magsipag-unat-unat Magpanibago tayo ng lakas

(5)

5

Pangalawang Hamon: Kumuha ng kapareha at lumikha ng sariling liriko ng awit. Palitan ang salitang may salungguhit at bigyan ng kaukulang kilos

pagkatapos.

Ano ang naramdaman mo sa gawaing ito?

___ Pinakamahusay ___ Mahusay ___ Di gaanong mahusay

Gawain 24 – Pagsusuri sa Natutuhan

Panuto: Isulat sa patlang kung ang galaw ay

mabagal, mabilis, nagpapakita na may magaan o mabigat na dala.

_______________________________ ______________________________

____________________________ ______________________________

(6)

6

Yunit 4: Mga Larong

Pangkalusugan at Pangkasayahan

(7)

7

Sa yunit na ito:

Ipakikita mo ang ibig sabihin ng nasa ilalim, nasa ibabaw, nasa likod, nasa tabi, nasa pagitan, kanan, kaliwa, pataas, pababa, pasulong, paatras, at nasa harap, sa

pamamagitan ng paggamit ng katawan at bagay.

Tatalon ka nang sunod-sunod at ilang ulit sa ibabaw ng isang bagay na hindi gumagalaw, gamit ang kilos na pasulong-paatras at

patagilid.

Makikilahok ka sa mga payak o simpleng pangkatang laro.

Masisiyahan ka sa pakikilahok sa mahihirap na gawaing pisikal.

Gagalaw ka nang mabagal at mabilis habang may hawak na bagay, at maipakikita ang kilos kapag may magaan o mabigat na dala.

Makaaawit ka ng habang naglalaro.

(8)

8

Aralin 7: Pagsunod sa mga

Babala

Ano ang ibig sabihin ng mga babala na nasa itaas?

Saan mo ito kadalasang nakikita?

(9)

9

Gawain 25 – Sabihin kung Ano

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na babala.

1. Kulay

_________ _________ _________

2. Panturong direksiyon

_________ _________ _________ _________

3. Simbolo

__________ ________ ___________ _________

(10)

10

Gawain 26 – Pasahang Bola sa Itaas at

Ibaba

Panuto: Sa larong ito, kayo ay magpapangkat-pangkat.

Makinig sa panuto ng guro. Kailangan ng bola ng bawat pangkat. Gagawa kayo ng isang hanay. Tingnan ang larawan sa ibaba.

Ang mga manlalaro ay nakatayo sa likod ng bawat isa.

Ang unang manlalaro ng bawat hanay ay may hawak ng bola.

Kapag narinig ang hudyat, ipapasa ng unang manlalaro sa ikalawang manlalaro ang bola. Ipapasa ito sa itaas ng ulo.

1 2

(11)

11

Ipapasa naman ng ikalawang manlalaro ang bola sa ikatlong manlalaro. Ipapasa ito sa

ibaba, sa pagitan ng dalawang hita. Ipapasa naman ng ikatlong manlalaro sa susunod na manlalaro sa itaas ng ulo. Samakatuwid, halinhinan ang paraan ng pagpapasa.

Hahawakan ng huling manlalaro ang bola sa itaas ng kanyang ulo upang ipakitang tapos nila ang laro.

Gawain 27 – Lumukso sa Patpat at Hula

Hoop

(12)

12

Hawakan ang kamay ng kapareha.

Sabay na lumukso nang pasulong at paatras sa unang patpat.

Muling lumukso pasulong sa una at ikalawang patpat. Pagkatapos, lumukso nang paurong sa ikalawang patpat.

Lumukso sa loob ng hula hoop, bitawan ang kamay ng kapareha at umikot paharap sa simulang guhit.

Pulutin ang hula hoop at sabay na lumabas sa loob nito. Lumukso pabalik sa una at ikalawang patpat hanggang makarating sa simulang

guhit.

Ilang beses kayong lumukso ng iyong kapareha? ___ Naisagawa ba ninyo nang sabay ang gawain? ____

Gawain 28 – Mga Gawaing Gumagamit

ng Laso at Lobo

Panuto:

Gawing Mag-isa:

1. Lumikha ng iba’t ibang hugis gamit ang laso. Gamitin ang mabagal at mabilis na galaw ng braso sa paglikha ng iba’t ibang hugis.

(13)

13

Gawin nang may kapareha :

1. Hawakan ang lobo ng dalawang kamay. Magkahiwalay ang mga paa.

2. Ipasa ito paitaas sa iyong kapareha.

Ganoon din ang gagawin ng iyong kapareha.

Ibang paraan: ipasa ito gamit ang siko-sa-siko; tuhod-sa-tuhod; ulo-sa-ulo

Nagawa mo ba ito? ___Oo ___Hindi

Nasiyahan ka ba sa gawain? ___ Oo ___Hindi

Aralin 8 – Mga Larong may Awit

Anong laro ang pinakagusto ninyong

(14)

14

Ang larong “Sino ang Ibong Dumapo sa Sanga” ay masayang laro . Maari mo itong laruin sa

tahanan kasama ng pamilya o sa paaralan. Bago magsimula ang laro, bibigyan ng bilang ang bawat manlalaro ng ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Tatayo nang pabilog ang mga manlalaro.

Gawain 29 - “Sino ang Ibong Dumapo sa

Sanga?”

Panuto: Pag-aralan ang hakbang sa paglalaro.

Ang guro o lider ang magsisimula ng laro. Gagawa siya ng kilos at tunog na may ritmo, halimbawa,

pagpalakpak at pagtapik sa hita. Mabagal lamang sa simula, sasabihin ng guro o lider, ”Sino ang ibong dumapo sa sanga?”

Sasabihin ng guro na si Ibon 1 ang dumapo sa sanga.

Sasagot ang batang si Ibon 1 “Sino? Ako ba ? Ang lahat ng manlalaro ay sasagot nang sabay-sabay, “Oo ikaw nga.”

Sasagot ang batang si Ibon 1, “Pero, hindi ako.” Sasagot nang sabay-sabay ang manlalaro ”Kung hindi ikaw, sino?”

Muling sasagot si Ibon 1, ”Si Ibon 2 ang dumapo sa sanga.”

(15)

15

Layunin ng larong ito na magkaroon ng patuloy na ritmo o tuloy-tuloy na pagsasalita ang mga

manlalaro.

Subukin Mo

Nasiyahan ka ba sa laro? Iguhit ang iyong damdamin sa loob ng parihabang kahon.

Gawain 30 - Sawsaw Suka Mahuli Taya

Panuto: Makilahok sa larong ito upang masubukan kung gaano ka kabilis tumugon.

(16)

16

Binubuo ang laro ng isang ”taya” at mga manlalaro. Sabay-sabay silang aawit ng, “sawsaw suka mahuli taya.” Habang nakabukas ang isang palad ng taya at nakasawsaw ang mga hintuturo ng mga

manlalaro. Pagkatapos ng awit, isasara ng taya ang kanyang palad upang makahuli ng mga daliring nakasawsaw dito. Ang mahuling daliri ang susunod na magiging “taya.”

Gawain 31 – Pagsukat sa Kaalaman

Kulayan ang kahon ng berde kung ikaw ay sang-ayon at pula kung di sang-ayon.

Nagtago ang bata sa ilalim ng mesa.

Sa babala sa trapiko, ang ibig sabihin ng pula ay “GO.”

(17)

17

Tawiran ang ibig sabihin ng babalang Pedestrian Crossing

Malilikha ng laso ang ganitong hugis sa

pamamagitan nang mabilis galaw ng mga braso.

References

Related documents

The flexural stiffness of a rigid pipe with overloading fractures is similar to an idealized flexible buried pipe and simplified design calculations can be made using flexible

Our analyses demonstrate how the method used to characterize ambient air pollutant concentrations in time-series studies can impact estimates of concentra- tion-response. Because

The data can be obtained through investigation or reference of to the correlated materials including: the gross traffic volume of the goods which is transported by railway from area

No published work was identified which described health research policy groups and/or interactions in terms of a social network, or used social network analysis to evaluate the

In addition, the tubulin lattice structure with missing MIPs by sarkosyl treatment shows significantly longitudinal compaction and lateral angle change between protofilaments..

To realize this, Yokogawa integrates its business and domain knowledge with digital automation technologies, and co-innovates with its customers to drive their business