• No results found

kilusangpropaganda

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Share "kilusangpropaganda"

Copied!
16
0
0

Loading.... (view fulltext now)

Full text

(1)

PI 100 THV1

Sir Jimmuel Naval

Group 4

Aclan, Alegria

Arellano, Billy Jackson Bartolata, Christine Gonzales, Katrina Luisa Loberas, Hazel M. Rodriguez, Daryl Sol Ruzol, Clarissa Tan, Haidee

Torres, Jamelle Erlgie

2007-00292 2007-25791 2006-62196 2007-51528 2006-03687 2007-68832 2007-57563 2007-01088 2006-78423

(2)

TABLE OF CONTENTS

ANO ANG KILUSANG PROPAGANDA? ... 3

PROPAGANDA ... 3

KILUSANG PROPAGANDA ... 3

MGA DAHILAN NA NAGBIGAY UGAT SA PAGKAKATATAG NG KILUSANG PROPAGANDA AT PAMBANSANG NASYONALISMO NG MGA FILIPINO ... 3

Glorious Revolution (Espana) noong 1868 ... 3

Pagbubukas ng Suez Canal, 1869 ... 3

Ang Pag-aaklas sa Cavite at ang Pagbitay sa GomBurZa ... 3

MGA UNANG TAON (1880-1886) ... 4

Pedro Paterno ... 4

Gregorio Sancianco ... 4

Circulo Hispano-Filipino ... 4

Jose Rizal ... 4

Mga Pahayagan ... 4

Exposicion de Bellas Artes ... 4

MASINSINANG PAGSULAT ... 5

Espana en Filipinas ... 5

Noli Me Tangere ... 5

Marcelo del Pilar ... 5

La Solidaridad ... 6

MGA ORGANISASYON ... 7

Filipino Masonry ... 7

Early Masonry among Filipinos ... 7

The Lodge “Revolucion” ... 7

Filipino Masonry sa Pilipinas ... 7

Purpose ... 7

(3)

La Liga Filipina ... 8

PAGBAGSAK NG KILUSAN ... 9

Alitang Rizal at Del Pilar ... 9

Kaguluhan sa Hacienda ng Calamba ... 9

Rizal sa Madrid ... 9

Rizal sa Hongkong at Manila ... 11

Pagbagsak ng La Solidaridad ... 12

Introduksyon ... 12

Mga dahilan o factors ng pagbagsak ng pahayagan ... 12

Internal na problema sa La Solidaridad ... 13

Pagbagsak ng Kilusang Propaganda ... 13

EPEKTO AT PAMANA NG KILUSAN ... 13

Epekto ng Kilusang Propaganda sa Pamahalaan ng Espana. ... 13

Epekto ng Kilusang Propaganda sa mga Pilipino sa Pilipinas ... 14

Simbahan at ang Propaganda ... 14

Relasyon ng Propaganda Movement at Kasalukuyan ... 14

(4)

ANO ANG KILUSANG PROPAGANDA?

PROPAGANDA

 Labis na pagsisikap ng isang institusyon na pangasiwaan ang opinyon ng publiko KILUSANG PROPAGANDA

 Isang organisasyong pampanitikan at kultural, sinimulan noong 1872 ng mga emigranteng Filipinong naninirahan sa Europa na naglalayong mapalakas ang ugnayan ng Espana at Pilipinas. Layon nitong makilala ang Pilipinas bilang isang lalawigan ng Espana at kung gayon magkaroon ng pantay na tingin sa harapan ng batas, representasyon sa gobyerno, sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas, at kalayaang magpahiwatig ng opinion at magpulong ng matiwasay.

MGA DAHILAN NA NAGBIGAY UGAT SA PAGKAKATATAG NG KILUSANG PROPAGANDA AT PAMBANSANG NASYONALISMO NG MGA FILIPINO

GLORIOUS REVOLUTION (ESPANA) NOONG 1868

 Pag-aklas at pagpapabagsak kay Isabella II ng Espana

 Ilang mga kasapi ng partido Liberal at partido Republikano ay ipinatapon sa Pilipinas – dito sa bansa nila ipinamahagi ang kanilang mga ideolohiya

 Sumunod ay ang paulit-ulit na pagreporma sa pamahalaan ng Espana na nagdulot naman ng pagpapalit-palit ng gobernador-heneral na ipinapadala sa Pilipinas – nagbigay daan sa mala-demokratikong pagpapalakad sa bansa

PAGBUBUKAS NG SUEZ CANAL, 1869

 Pagpapadala ng mga opisyal ng pamahalaan sa Pilipinas

 Mas napadali ang ugnayan sa pagitan ng mga Filipino, Peninsulares, at iba pang mga dayuhan

 Mas maraming pamilya sa Pilipinas ang nakapagpadala ng kanilang mga anak sa Europa – nakapag-aral sa ilalim ng sistemang pang-edukasyon ng iba’t ibang bansa doon at natutuhan ang mga gawi ng mga Europeo

ANG PAG-AAKLAS SA CAVITE AT ANG PAGBITAY SA GOMBURZA

 Nanindigan ang pamahaalan sa Maynila na lahat ng may sentimientong tumutuligsa laban sa mga prayle ay kalaban ng Estado

(5)

MGA UNANG TAON (1880-1886) PEDRO PATERNO

 Nasa Espanya noong 1871 upang mag-aral ng Pilosopiya at Teolohiya

 Anak ni Maximo Paterno, isa sa mga negosyanteng pinatapon sa Marianas noong 1872

 Sumulat ng Sampaguitas, isang koleksyon ng mga taludtod: ang unang pagkakataon na nagpakita ng nasyonalismo sa publiko

GREGORIO SANCIANCO

Nagsulat ng mga artikulo sa pahayagang El Democrata tungkol sa mga pagbabagong kailangan para sa Pilipinas

Noong 1881, inilathala ang kanyang aklat ng El Progreso Filipinas. Ipinapakita nito ang mga kinakailangang reporma para umunlad ang PIlipinas:

o Ayusin ang mga kalsada, tulay, at iba pang imprastruktura upang mapasulong ang agrikultura, at komunikasyon.

o Pasulungin ang sistemang edukasyon

o Magkaroon ng indirect taxation na kukuha ng pursyento ng kinikita ng mga mayayaman sa halip na ipataw ang buwis sa mga walang kakayanan

CIRCULO HISPANO-FILIPINO

 Itinatag noong 1882, sa pangunguna ni Juan Atayde

 Noong unang mga buwan, nagsilbi lamang itong organisasyon para magahalubilo ang mga miyembro nito. Ngunit pagdating ni Rizal sa Barcelona, nakita niyang maaari itong mapagkaisa ang mga Pilipino.  Nagkaroon ng pahayagan ang Circulo, Revista del Circulo Hispano Filipino

 Hindi rin nagtagal dahil sa pag-alis ng mga miyembro nito, pagkawala ng pondo JOSE RIZAL

 Bata pa lamang ay sumusulat na ng mga literaturang nagtatampok ng nasyonalismo o A la juventud Filipina

o El Consejo de los Dioses

Noong nasa Barcelona, sumulat siya ng isang artikulo, El Amor Patrio, sa Diariong Tagalog MGA PAHAYAGAN

 Los Dos Mundos  El Progreso  El Liberal

EXPOSICION DE BELLAS ARTES  Juan Luna: Spoliarium

 Felix Hidalgo: Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho

(6)

MASINSINANG PAGSULAT ESPANA EN FILIPINAS

 1887- Sina Lopez Jaena at iba pang kasama ay nagmungkahi ng pagkakaroon ng isang pahayagan na siyang magiging instrumento upang maipahayag ang kanilang mga hinaing at layunin ng samahan.  Si Lopez- Jaena ay hindi napiling Editor in Chief sa kadahilanang kilala siya sa kanyang palaban at

mapupusok na pagbabatikos. Dahil sa paguugaling ito, wala sa kanya ang tiwala ng mga Espanyol.  Eduardo de Lete - ang napiling Editor in Chief ng pahayagan.

 Marahil dahil na rin sa hindi pagkakapili bilang EIC ay hindi nakikipagtulungan at nakikipagugnayan si Lopez Jaena sa paggawa ng pahayagan. Hindi rin siya sumasangayon sa 'moderate' na paraan ng pagsusulat sa pahayagan. Isa na ring dahilan ay ang pagkakaiba nila ng estado sa lipunan at karamihan sa mga nasa 'editorial staff' ay mga mestizos at creoles.

 March 7, 1887 Unang paglimbag sa Espana en Filipinas. Sinasabing apat na beses sa isang buwan ang paglilimbag ng pahayagan.

 Tinalakay ang mga suliranin sa administrasyon at pangangailangan ng bansa.  Representasyon sa Cortes

 Tinalakay ang mga pang-ekonomiya at politikal na isyu  Asimilasyon

 The Expocision de Filipinas: ito ay ginanap upang ipakita sa publiko (ekhibisyon) ang mga likas na yaman (hayop, halaman, produkto ng kagubatan at industriya) sa Pilipinas.

 Nakatagong Layunin: Magpapadala ng mga hindi sibilisadong katutubo upang ipakita sa mga tao sa Peninsula ang hindi pa handang kalagayan ng Pilipinas, kamangmangan at kawalang kakayahan ng mga Pilipino para sa mga repormang idudulot ng asimilasyon.( mula sa liham ni Aguirre kay Rizal)

o Mula sa pangyayaring ito, ang di magandang pagtrato sa mga katutubo, pinagtinginang tila parang mga hayop pinahiya at tinanggalan ng dignidad, lubos na binatikos at nagalit ang mga mga Pilipino sa Europa.

 Mga Dahilan ng Pagbagsak ng Espana en Filipinas

o Personal na di pagkakaintindihan dahil sa kaibahan ng estado sa lipunan o A Basilia - sonetang isinulat ni Aguirre

o Pinansiyal na sitwasyon NOLI ME TANGERE

 Kabuluhan:

o Naging batayan ang mga isyung panlipunang tinalakay ni Rizal sa Noli sa mga isinulat ng iba pang Pilipino sa Madrid at Barcelona

o Nagtulak at nagbigay inspirasyon , nagpasidhi ng nasyonalismo MARCELO DEL PILAR

 Diariong Tagalog - unang bilingguwal na pahayagan (Tagalog at Espanyol) na inilathala ni Del Pilar  Isinalin ang akdang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ” (Love of Country) ni Rizal sa wikang Tagalog  Nagsulat ng mga artikulo na patama sa mga prayle

 Mga nalimbag na sulatin:

o La Soberanía Monacal en Filipinas o Dasalan at Tocsohan

o Pasióng Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Babasa o Cadacilaan ng Dios

(7)

o Dudas

o La Frailocracia Filipina o Caiigat Cayo

 Nang umalis siya ng Pilipinas at tumungo ng Espanya, napadpad muna siya sa Hongkong kung saan nakasama niya ang ilan pang grupo ng mga Pilipino sa pamumuno ni Jose Maria Basa.

 Dumating siya ng Espanya noong Enero 1, 1889 at pinangunahan ang seksyong pulitikal ng Asociacion Hispano-Filipina

LA SOLIDARIDAD

 Binuo ng mga PIlipinong Ilustrado sa Barcelona, Spain  Itinatag ni Graciano Lopez-Jaena

 Pinondohan ni Pablo Rianzares Bautista

 Sinuportahan ng Junta de la Propaganda sa Pilipinas  Unang nailimbag noong Pebrero 15, 1889

Antonio de Morga's Sucesos de las Islas Filipinas sa London  Nabuwag noong Nobyembre 15, 1895

 Counter propagandistas:

o Wenceslao Retana – Desengaños

o Pablo Feced – Quioquiap  Layunin:

o Ipalaganap at ipaglaban ang layon sa demokrasya

o Suportahan ang pagtubo at paglaki ng agham, panitikan, kalakal, sining at pulitika.

Abril 25, 1889: Ipinalimbag ang "The aspirations of the Filipinos" na isinulat ng Asociación Hispano-Filipina de Madrid (Hispanic Filipino Association of Madrid)

 Oktubre 31, 1889

o Pinalitan ni Marcelo H. Del Pilar si Graciano López Jaena bilang editor o Lumawak ang mga layunin ng pahayagan

 Maging probinsiya ng Espanya ang Pilipinas

 Magtalaga ng mga paring Pilipino imbis na paring Espanyol  Kalayaan sa pagtitipon at mga diskurso

 Pantay na pagturing sa mga Pilipino at Espanyol  Pilipinong repormista:

o Domingo Gomez - Romero Franco o Antonio Luna - Taga-Ilog

o Jose Ma. Panganiban – Jomapa o Marcelo del Pilar – Plaridel

o Mariano Ponce – Tikbalang, Naning, at Kalipulako o Jose Rizal – Dimasalang at Laong Laan

o Dr. Pedro Paterno o Antonio Ma. Regidor o Isabelo delos Reyes o Eduardo de Lete o Jose Alejandrino o Ferdinand Blumentritt o Miguel Morayta

 Mga akda ni Rizal na nailimbag sa unang dalawang isyu ng pahayagan:

o Filipinas dentro de cien años, The Philppines A Century Hence, inilimbag sa apat na parte

(8)

MGA ORGANISASYON FILIPINO MASONRY

EARLY MASONRY AMONG FILIPINOS

 Ca. 19th century sa Pilipinas

o Ang mga Masonic lodge noong 19th century ay binubuo ng mga Europeo, mga dayuhang mangagalakal, Español, at army officers sa Pilipinas.

o Ayon sa mga tala, si Jose A. Ramos lamang ang kaisaisang Filipino na Mason noong 1891.

 Ca. 19th century sa Europa

o Taong 1882 ay napasapi na sa isang Masonic lodge si Lopez Jaena.

o 1886, naitatag ang “Solidaridad” na nagsimula sa ugnayan ng mga Filipino at Masonry sa Europa. Dalawa

sa mga nagtatag sa “Solidaridad” ay Filipino. Ito ay sina Rafael Del Pan and Ricardo Ayllon. Sa kabilang banda, si Miguel Morayta ay binigyan ng titulo bilang “Honorary Worshipful Master” kung saan lalong napaigting ang ugnayan ng “Solidaridad” at sa Masonic lodge na kinabibilangan ni Morayta.

THE LODGE “REVOLUCION”

 Nagsimula sa Barcelona noong 1889, ito ang kauna-unahang lodge kung saan Filipino ang nakararami sa mga kasapi.

 Lopez Jaena, Worshipful Master ng “Revolucion”, ay nagpetisyon na gawing kasapi sa Gran Oriente Español si Morayta.

 1889, umusbong ang pagsapi at pag-akyat ng posisyon sa Masonry ng mga Filipino sa Barcelona .

 Ginamit, lalong higit ni Marcelo H. del Pilar ang pagkakasapi nya sa isang Masonic lodge para sa kanyang mga hangaring pampolitika particular sa tuluyang pagkasira ng impluwensya ng kaparian sa Pilipinas.

FILIPINO MASONRY SA PILIPINAS

 1891, binigyang pagtibay ni Morayta na bumuo ng Masonic lodges sa Pilipinas kung saan sinimulan ito nina Antonio

Luna and Pedro Serrano.

 “Nilad”, ang unang Filipino lodge na naitatag noong January 6,1892 kasama si Ramos bilang Worshipful Master at si

Rizal bilang Honorary Worshipful Master. Mother lodge.

 “Balagtas”, sinasabing pangalawang Filipino lodge na umusbong mula sa “Nilad”.

Matapos ang usapin ukol sa pagbawi ng pagkakaanib mula sa Gran Orienta Español, nabigyang autorisa ang mga

Masonic lodge sa bansa na magtayo ng sariling Gran Consejo Rehional Si Ambrosio Flores ang ginawarang Grand President nito.

PURPOSE

 emancipation of the Spanish American republics

 active nationalist movement

 Educative Function – binuo ang grupo kung saan layunin nitong unit-unting ihanda ang mga Filipino sa mga konsepto

(9)

 Upang mapag-aralan at makahanap ng mga paraan na mapaunlad ang political, economic, at military organization, etc. ng bansa lalong higit ng mga bagong munisipalya (Del Pilar)

 Praktikal –maghanap ng pondo para sa Propaganda movement mula sa mga buwanang koleksyon.

ASOCIASON HISPANO-FILIPINA  Itinatag ni Miguel Morayta

 Pormal na pagpapasinaya noong January 12, 1899.

 Seksyong Pulitikal ay pinagunahan ni Marcelo H. del Pilar, Literary section by Mariano Ponce and Sports section by Tomas Arejola

 Layunin nitong impluwensiyahan ang publiko sa pamamagitan ng legal na propaganda at masabi ng buong laya ang kanilang mga hinaing ukol sa pulitikal at administratibong reporma na nararapat para sa Pilipinas.

 Mga Reporma:

o Pagtuturo ng Wikang Espanyol sa mga paaralan ng bansa

o Pagsugpo ng mga talikala at pambubugbog sa mga kulungan at sa korte

o Kagustuhan ng mga hukom na alamin ang wika ng bansa para maiwasan ang interbensyon ng mga tagapagsalin sa ibang wika

o Pagpapatayo ng property register at civil register. o Pagpapatanggal ng diezmos prediales at sanctorum tax.

o Pagpapagawa ng mga instituto para sa edukasyong pansekondarya sa dalawa o tatlong probinsiya ng bansa

o Radikal na reporma ng Unibersidad ng Pilipinas para makasabay sa panuntunan ng mga nasa Peninsula

o Promosyon ng lumalagong koton, kakaw at indigo

o Rebisyon o pagdiriwang ng kasunduan ng komersyo sa Tsina at Hapon o Pagtatatag ng mga bangkong pang-agrikultura

o Bagong pagtatakda ng hangganan ng mga probinsya sa Pilipinas o Pagpapatayo ng mga daan at kalye

o Sanhi at Dahilan ng krisis sa salapi

o Panukala ukol sa agrikultural at komersyal na krisis sa Pilipinas o Reporma sa taripa

o Reporma sa pampublikong administrasyon  Mga Opisyal:

o Pangulo: Miguel Morayta

o Pangalawang Pangulo: Rivas Moreno o Kalihim: Dominador Gomez

o Ingat-Yaman: Antonio Luna

o Tagabotong Miyembro: Manuel Labra and Simplicio Jugo Vidal LA LIGA FILIPINA

 Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 pagdating niya sa Pilipinas  Mga Layunin:

o Pag-isahin ang buong kapuluan

o Proteksyon sa bawat nais at pangangailangan

o Depensa sa lahat ng pagmamalupit at kawalang katarungan o Pagsulong ng Edukasyon, Agrikultura at Komersyo

(10)

o Aplikasyon ng mga reporma  Mga Opisyal:

o Pangulo: Ambrosio Salvador o Piskal: Agustin dela Rosa o Kalihim: Deodato Arellano o Ingat-Yaman: Bonifacio Arevalo

 Pagpapadukot at pagpapatapon ni Governor General Eulogio Despujol kay Jose Rizal noong Hulyo 6, 1892 sa Dapitan, na naging resulta ng paghina ng organisasyon

Sa pagkabagsak nito, nahati ito sa dalawa: Cuerpo de Compromisarios at ang Katipunan. PAGBAGSAK NG KILUSAN

ALITANG RIZAL AT DEL PILAR

KAGULUHAN SA HACIENDA NG CALAMBA

 Nagsimula 3 taon na ang lumipas mula nang si Rizal ay mapunta sa Europa

 Gampanin ni Paciano: Siya ang kasulatan ni Rizal mula sa Europa na nagkukuwento sa mga pangyayari sa bansa lalo na sa aberya ng Hacienda ng Calamba.

 Hidwaan sa pagitan ng mga Prayleng Dominikano at mga magsasaka dahil ayaw magbayad ng mga magsasaka ng upa sa lupa dahil ‘di umano’y abusado ang paniningil ng mga Prayle sa lupain at silang mga magsasaka raw ang may-ari ng lupaing kanilang sinasaka gawa na rin ng kawalan ng operasyonng kahit anong Land Tenure program at pagrerehistro sa titulo ng lupain.

 Nagkaroon ng hablahan sa korte at nang lumabas ang desisyon walang sinuman ang nagnais na alagaan ang mga lupain kaya’t bumalik na lang ang mga pinaalis na magsasaka rito.

 Nais ni Rizal na iakyat ang suliranin sa lupain sa Kataas-taasang hukuman sa Espanya mismo.  Ayon kay Paciano, iniharap ni Nozaleda(Bagong Dominikanong Arsobispo ng Maynila), ang isang

suhestyon kay Del Pilar na bigyang kumpromiso na lang ang mga taong sinasabing naaapi.  Isang uri ng pagtatalo para sa kapangyarihan

 Panggising na pangyayari para sa mga opisyal na Kastila, lalo na kay Gov. Gen. Valeriano Weyler na tinignan ang pangyayari bilang isang gawain ng kawalan ng utang na loob.

RIZAL SA MADRID

 Nagdadalawang-isip si Rizal na umuwi sa Pilipinas, bagamat gusto niya sa kabila ng mga puwedeng mangyari.

 “I believe that nothing can redeem us except our heads.”-Rizal

o Nais ni Rizal na kung hindi man niya magamit ang kanyang mga kakayahan sa pisikal na paglilingkod sa bansa, marapat na gamitin niya ito bilang isang sakripisyo ng pagiging isang martir upang mapalaya ang kanyang bansa.

 Ang mga mag-aaral na Pilipino sa Madrid ay mas binibigyang importansya ang sugal at babae kaysa sa kanilang pag-aaral at ang pagsali sa kilusan para sambayanan ng La Solidaridad.

 Hindi sang-ayon si Rizal sa mga adhikain ni Del Pilar at ng kanyang delegacion.

o Nais ni Rizal na alagaan tayo ng Espanya at pumailalim tayo sa kanila kung tayo’y kanilang aalagaan at ‘di pababayaan.

o Pinasalamatan pa ni Rizal ang mga Espanyol.

 Ang kalayaan ng Pilipinas, ay batay sa kung ano ang gagawin ng Espanya sa mga kahilingan ng mga Pilipino, ngunit ginigiit niya sa kanyang mga artikulo na hindi nakikinig ang mga Espanyol.

(11)

 Ninais ni Rizal na maipadala ang La Solidaridad sa Pilipinas, dahil ito’y para sa pagpapataas ng moral ng mga Pilipino.

 Hinayaan ni Rizal na maganap ang mga pag-aaresto sa Maynila dahil ang mga pangyayaring ganito raw ang siyang magpapainit sa mga damdamin ng mga Pilipino upang lumaban sa pamahalaang Espanyol.

 Ang paghihirap daw ay:

o Dahilan para mawala ang mga masasamang kaugalian ng mga Pilipino- Hindi dapat gumamit ng mga kahiyahiyang paraan upang makamit ang Hustisya.

o Kabilang sa mga kapalit ng pagtatanggol para sa bayan- Ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa bansa.

 Ang katapangan ng mga Pilipino sa Europa ay tinumbasan ng pagsulat nila sa totoo nilang pangalan sa mga Lathalain ng La Solidaridad.

o Sa pagtatanggol sa bayan, marapat na ialay ang kabuuan, buhay at yaman, para sa bayan. o Ikakatakot ng mga Espanyol ang katapangan ng mga Pilipino

o Ang kamatayan o anumang ‘di magandang pangyayari ng isa ay isang mainam na halimbawa upang gisingin ang libu-libong tulog ang diwa para sa kalayaan.

o Ang pinaglalaban nila ay hindi para sa kanilang mga pansariling motibo, bagkus para sa pagmamahal ng kanilang bansang sinilangan at kanilang mga kababayan.

 Pagkakaiba ng pamamaraan ni Rizal at del Pilar sa pagsusulat sa La Solidaridad o Rizal- ‘Di naisin na saktan ang damdamin ng mga Espanyol

o Del Pilar - Aktibistang pamamaraan; mapulitika

o Itinago ni del Pilar kay Rizal ang anumang ideya na alam niyang ‘di magugustuhan ni Rizal. o Ninais ni Rizal na igapos sa kanyang pamamaraan ang mga mag-aaral at kasamahan niya sa

Europa.

 Ang araw at pagkatapos ng Piging ng Bagong taon

o Ayon kay del Pilar, ang pagtanggi ni Rizal na siya ang magbayad sa champagne at ang kanyang mga sinabi patungkol sa mga mag-aaral na Pilipino sa Madrid ay nagbunsod ng pagkakaroon ng sama ng loob ng mga Pilipino kay Rizal.

o Matapos ang piging, sa sumunod na raw, ilang mga Pilipino ang nagbigay ng suhestyon kay del Pilar na pagisahin ang samahan at magtatag ng isang pinuno, ngunit tinanggihan ito ni del Pilar, subalit nangyari rin ang halalan.

o Inatasan si Rizal na mamuno sa pagbuo ng konstitusyon ng samahan.  Ang La Solidaridad

o Sa konstitusyong binuo ni Rizal, ninais niya na mapasailalim ang La Solidaridad sa kanilang nabuong pangkat, sa ilalim ng kanilang pinuno na siyang magsasaad ng kanyang mga kagustuhan.

o Iginiit ni del Pilar na ang diyaryo ay pumapailalim sa isang kilalang pangkat rin, ang Comite de Propaganda, kaya’t ‘di na dapat pang ibahin ang nagpapalakad nito.

 Ang halalan sa pagkapinuno

o Naglaban sina del Pilar at Rizal sa pagkapinuno ng isang nagkaisang pangkat. o Nagwalk-out si Rizal dahil sa sunud-sunod na walang kabuluhang mga boto. o Inatasan ni del Pilar ang mga Pilarista na iboto si Rizal.

o Nahalal si Rizal bilang pinuno.

o Sinabi ni Rizal na kapag hinayaan nilang maupo si Salvador Vicencio del Rosario sa konseho ay aalis siya sa kanyang puwesto.

 Ang ideya ng ni Rizal ng pagkakatatag ng Pangkat

o Hindi nakita ni Rizal ang ideya na meron ng pinuno sa pagkakabuo (de facto leader) at iyon ay si del Pilar.

(12)

o Bagamat si Rizal ang utak ng kampanya, hindi pa hubog ang mga Pilipino sa Madrid sa malalalim naideolohiya ni Rizal.

o Hindi katulad ni Rizal, si del Pilar ay naghayag ng isang uri ng pamumuno kung saan mas nakakagalaw ang mga miyembro ng malaya dahil sa pamumuno na rin niya sa iba’t ibang organisasyon.(Masonry, Asociacion Hispanico-Filipina, La Solidaridad)

o Ilang lingo matapos ang pagkapanalo ni Rizal sa halalan, nilisan niya ang Madrid. o Inihalal si del Pilar bilang bagong pinuno.

 Agosto 1891

o Pinilit ni del Pilar si Rizal na muling magsulat para sa La Solidaridad dahil ‘di umano’y may pareho naman silang adhikain.

o Dalawang dahilan ni Rizal sa kaniyang pagtanggi: 1) Ginagawa ni Rizal ang kanyang bagong nobelang El Filibusterismo, 2) May isang polisiyang dapat masunod sa paglalathala at iyon ay ang kay del Pilar

 Inisip ni Rizal na ang lahat ng nangyari sa Madrid ay dulot ng balat sibuyas na pag-uugali ng mga Pilipino roon at isa sa mga paraang ginamit ni del Pilar upang siya’y pataubin.

 Tinanggihan ni Rizal ang anumang alok na nagmula kay del Pilar, kahit mula pa kay Blumentritt na muling magsulat siya sa La Solidaridad.

 Sa isang liham ni Rizal kay del Pilar bago siya magpunta sa Asya:

o Si del Pilar ‘di umano ang tagapagtanggol ni Rizal bagkus siya rin ang unang taong nagnais na siya ay patalsikin.

 Ayon kay Rizal, ang totoong tulong na maiaambag nila para sa bayan ay ang buhay nila sa sariling bansa.

 Ang totoong labanan ay nangyayari hindi sa Europa kung ‘di sa Pilipinas.

RIZAL SA HONGKONG AT MANILA

 Sa mga huling araw ni Weyler bilang Gobernador Heneral:

o Ang mga nangungupahan na bumalik sa kanilang mga tirahan sa Hacienda ng Calamba ay pinalayas.

o Ipinasunog ang mga gamit ng mga nangungupahan na ‘di umalis sa loob ng 24 oras mula ng kanyang deklarasyon

o Ipinatapon ang mga taong lumalaban sa pamahalaan kabilang na ang Ama ni Rizal at tatlong kapatid na babae.

 Ang pagdating ni Gob. Hen. Eulogio Despujol sa Pilipinas

o Ginusto ng mga Pilipino dahil sa pamumuno nito kung saan agad niyang pinauwi sa Espanya ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

 Rizal sa Hong Kong

o Nagtrabaho bilang Doktor

o Sumulat ng artikulo sa Ingles na inilathala sa mga diyaryo sa Hong Kong na sumasalamin sa mga pangyayari sa Calamba

o Sa tulong ni Basa, gumawa ng mga parapernalya sa Tagalog at wikang Espanyol na ipapamigay sa Pilipinas.

o Kasama si Paciano, inililipat nila sa wikang Tagalog ang Noli at ang bersyon ni Rizal ng lathalain ni Morga.

o Ninais din ni Rizal na dalhin sa Maynila ang La Solidaridad, ngunit hindi rin ito naganap. o Ninais ni Rizal na magtatag ng isang pangkat agrikultural sa Borneo, ngunit tinignan ni

Despujol ito bilang isang ‘di makabayang gawain dahil marapat na pasimulan ang agrikultura sa Pilipinas at hindi sa ibang bansa.

(13)

o Sa isang sulat kay del Pilar sinabi ni Rizal na babalik siya sa kampanyang itinatag ng kilusang Propaganda at palalakasin niya ang Liga.

 Ang pagtatag ng bagong Lathalain

o Inalok si Rizal ng Junta Directiva na maging punong patnugot ng bagong diyaryong itatatag sa Europa kasami si Lopez Jaena bilang pangalawang punong patnugot.

o Inalok ni Luna ang kanyang tulong kung gagawing isang rebolusyonaryong lathalain ang diyaryo.

 Rizal sa Maynila

o Umuwi si Rizal sa pang-eenganyo ni Despujol na makiisa sa pamahalaan para sa ikabubuti ng bansa.

o Inalok ni Rizal ng kaniyang serbisyo si Despujol ngunit kasabay nito ang paglabas ng El Filibusterismo na siyang naging dahilan ni Despujol sa pagdadalawang-isip sa alok ni Rizal. o Ang Liga Filipina - binuo ni Rizal sa bahay ng isang Chinese Mestizo na si Ong-junco; Mga

gampanin:

 Pag-iisahin ang buong bansa sa isang katawang buo at may iisang adhikain.  Tugunang proteksyon sa naisin at pangangailangan ng bawat isa

 Depensa laban sa anumang uri ng dahas at kawalan ng hustisya  Promosyon ng instruksyon, agrikultura at negosyo.

 Pag-aaral at aplikasyon ng reporma

 Batay sa mensahe ni Padre Florentino kay Simoun sa El Filibusterismo na dapat ay walang karahasang maganap sa pagpapatalsik sa mga Espanyol bagkus ay gamitin ang isang paraang suhestiyon ni Rizal para sa bayan.

 Anumang hindi nagagawa ng pamahalaan ng Espanya para sa mga Pilipino ay gagawin ng Liga.  Natagpuan ni Despujol ang mga pulyetos na “Pobres Frailes” na nagkukuwento ng panghuhuthot ng

mga Dominikano sa yaman ng mga Pilipino at ang atake ni Rizal sa kayamanan ng Santo Papa.  July 6,1892- hinuli si Rizal dahil sa mga ebidensyang natagpuan kay Rizal na naglalaman ng

pagtuligsa sa Simbahan at pamahalaan at siya’y ipinatapon sa Dapitan. PAGBAGSAK NG LA SOLIDARIDAD

INTRODUKSYON

 Ang paghiwalay ni Rizal sa La Solidaridad noong Enero 1891 ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kapalaran ng pahayagan na ito.

 Mayroong na lamang itong limang taon

 Mga manunulat nang si Rizal ay umalis: 1) Antonio Luna; 2) Mariano Ponce; 3) Eduardo de Lete 4) Dominador Gomez 5) Jose Alejandrino; 6) Gregorio Aguillera; atbp.

 Lahat ng mga manunulat sa pahayagan ay madalas gumagamit ng pseudonyms maliban kanila Lete at Del Pilar.

MGA DAHILAN O FACTORS NG PAGBAGSAK NG PAHAYAGAN

 Problemang pinansyal

o Patuloy na kinukumbinsi ni Del Pilar si Rizal na muling bumalik at magsulat sa La Solidaridad. Ngunit nang ito ay hindi na talaga makumbinsi, ang mga sponsor o “partisans” ni Rizal ay nagbantang hindi na magbibigay ng pondo kay Del Pilar.

o Marami ng nagdududa kung epektibo nga ba ang ginagawa nilang kampanya mula sa Espanya

 Noong Oktubre 1891, si Antonio Luna ay umalis sa pahayagan dahil sa mga hinanakit kay Del Pilar at sa kanyang personal na simpatya kay Rizal.

(14)

 Si Lopez Jaena rin ay umalis nang hindi naibigay sa kanya ang pinangakong pension na matatanggap niya dapat sa pagsusulat.

o Bilang siya ang sinisisi sa pagkaltas sa pondong binibigay sa La Solidaridad, ginamait ni Rizal ang kanyang impluwensya sa Filipino Masonic Lodges upang ito ay tumulong sa pagkalap ng pondo na kinakailangan ng propaganda.

o Mga paraan na ginawa para makakalap ng pondo:

 Noong Agosto 1894, inorganisa ni Mabini ang Cuerpo de Compromisarios na may 50 na myembro, kung saan ang bawat myembro ay nanumpa na magbibigay ng 5piso kada-buwan.

 Naging matagumpay ito, kasama ang dalawang Masonic lodges, sa pagkalap ng kinakailangang pondo.

 Hirap sa pagpasok sa Pilipinas

o Mas humigpit ang pagbabantay ng gobyerno upang mapigilan ang paglaganap ng pahayagan.

o Mga taktikang di nagtagumpay:

 Pagpapakilala ng pahayagan sa ilalim ng selyo ng Overseas Ministry  Ilegal na pag-aangkat sa mga barkong mula Hong Kong

INTERNAL NA PROBLEMA SA LA SOLIDARIDAD

 Ang mga manunulat o mga kasampi ay unti-unting nauubos hanggang sila Del Pilar at Mariano Ponce na lamang ang natira.

 Ang mga naisulat ng artikulo dati ay inilimbag muli. Ito ay indikasyon ng kaunti na lamang ang sumusulat ng mga bagong artikulo na umaayon sa layunin ng pahayagan.

 Ang isa sa mga malinaw na senyales ng pagbagsak ng La Solidaridad, maliban sa hindi na nito epektibong nagagampanan ang isinaad na layunin, ay ang pag-alis o pagtiwalag ni Lopez-Jaena, ang nagtatag at unang editor ng pahayagang ito.

o Unti-unting paglayo o pagbibigay kaunting importansya sa kapakanan ng mga Pilipino. Tinuligsa niya din ang dati nyang mga ka-alyado.

 “Not only was La solidaridad losing whatever intrinsic interest it may have had for Spanish politicians, but it had less effectiveness too as an instrument of indoctrination within the Philippines.”

PAGBAGSAK NG KILUSANG PROPAGANDA

 Sa dulo ng taong 1894, ang mga remitanses na nakukuha mula sa Cuerpo de Compromisarios ay nahinto na.

 Noong Mayo 1895, sinabi ni Mabini kay Del Pilar na isuspende muna ang pagpapadala ng La Solidaridad o ng kahit anung liham na patungong Pilipinas

o Ang mga pinagdududahang tumatanggap ng mga ito ay mahigpit na pinagmamatyagan ng pulisya.

 Agosto 1895, ipinayo ni Mabini na permanente nang ihinto ang paglimbag ng pahayagan dahil sa kahirapan sa paglikom ng kinakailangang pondo at sa kahirapang maipasok ang pahayagan sa Pilipinas.  Noong Hulyo 4, 1896, si Del Pilar ay namatay.

 Anim na buwan bago nito, si Lopez Jaena ay namatay rin. Ito ay dahil sa matinding kahirapan (poverty) na naranasan sa Barcelona

EPEKTO AT PAMANA NG KILUSAN

(15)

 Lahat ng mga kondisyon at reporma sa pamamalakad ng mga Espanol sa Pilipinas ay hindi tinanggap ng mga Espanol.

 Hindi epektibo ang pamamalakad ng administrasyon sa Espana kung kaya naman maaaring hindi maging matagumpay ang mga reporma sakali mang ipatupag ang mga ito.

EPEKTO NG KILUSANG P ROPAGANDA SA MGA PILIPINO SA PILIPINAS

 Naging matagumpay ang kilusang Propaganda na pagsira ng imahe at reputasyon ng mga Kastila lalung-lalo na ng mga prayle sa Pilipinas.

 Pinukaw ang damdaming makabansa ng mga Pilipino upang magkaisa para sa ikabubuti ng kapwa Pilipino at ng bansa.

SIMBAHAN AT ANG PROPAGANDA

 Ang mga Kastilang prayle ang sentro ng pagbabatikos ng mga pinuno ng Propaganda.  Hindi binatikos ng Propaganda ang mga Hesuita sa tatlong dahilan:

o Ang mga Hesuita ay hindi nagmay-ari ng simbahan sa iba’t-ibang dako ng bansa. o Hindi rin sila nagmay-ari ng mga hacienda.

o Ang kanilang kontribusyon sa edukasyon at syensiya ay naging makabuluhan sa pagasenso ng mga Pilipino. Nakapagpatayo sila ng mga paaralan: National School, Manila Observatory at Ateneo Municipal.

RELASYON NG PROPAGANDA MOVEMENT AT KASALUKUYAN  Political parties

 Power Struggle  Journalism

(16)

SOURCES

1. Schumacher, J. (1997). The Propaganda Movement 1880-1895: The Creation of a Filipino Consciousness, the Making of a Revolution. QC, Philippines: Ateneo de Manila University Press.

2. Coates, A. (1995). Rizal: Makabayan at Martir. Trans. Nilo S. Ocampo. Diliman, QC: University of the Philippines Press.

3. http://www.wikipedia.org 4. http://web.utk.edu

References

Related documents