Sundin ang ayos na ito sa pagbabalangkas
I. Pangunahing Paksa
A. Paksa sa ilalim ng pangunahing paksa 1. Pamagat ng detalye
2. Pamagat ng detalye
B. Paksa sa ilalim ng pangunahing paksa 1. Pamagat ng detalye
2. Pamagat ng detalye
Ito ang mga patnubay sa pagbabalangkas
1. Iisang pamagat lamang ang gagamitin sa balangkas at ulat
2. Ang gagamitin sa mga pangunahing paksa ay bilang Romano. Ang mga pangunahing paksa ay kumakatawan sa magkahiwalay na paksa sa ulat.
3. Gamitin sa mga paksa sa ilalim ng pangunahing paksa ang malaking letrang A, B, C, D.
4. Gamitin sa mga pangkat ng detalye ang bilang arabiko – 1, 2, 3, 4. 5. Palugitan at ilinya nang sama-sama ang magkakatulad na pangkat. 6. Gumamit ng tuldok pagkatapos ng letra o bilang ng bawat paksa. 7. Gamitan ng malaking letra ang unang salita na bawat paksa.
Naunawaan mo ba ang iyong binasa?
May bahagi bang hindi mo agad naunawaan?
Muli mo itong balikas\n upang higit na maging malinaw ito sa iyo.
Bago mo sagutin ang gawaing aking inihanda, basahin at unawain mong mabuti ang teksto.
Ekonomiya ng Asya
Hindi matatawaran ang kakayahan nila sa larangan ng teknolohiya, elektroniks at iba pa, tulad ng makabagong sasakyan at kompyuter.
May mga bansang Asyano namang maliit lang tulad ng Singapore. Limitado ang yamang-likas subalit ang lider ay napakahusay. Hindi naging hadlang ang kakulangan nito para tiyakin ang kaunlaran. Itinuon nila ang atensyon sa kalakalan. Masiglang pakikipag-ugnayan sa mga bansang maunlad at mga patakarang kapaki-pakinabang sa mga tao ang pangunahing isinasaalang-alang ng pamahalaan.
Matapos mong mabasa ang teksto. Sagutin mo ngayon ang pagsubok na aking inihanda.
Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na impormasyong hinango mula sa teksto upang makabuo ng isang maayos na balangkas.
A. Napakayaman sa likas na yaman B. Kaaya-ayang klima
C. Likas na kasipagan ng mga Asyano
A. Hapon
1. Kakayahan sa larangan ng teknolohiya, elektroniks at iba pa. a. Makabagong sasakyan
b. Mga kompyuter
I. Mga Katangiang Taglay ng Asyano
II. Mga Bansang may Maunlad ng Ekonomiya
B. Singapore
1. Mahusay na lider ng bansa 2. Pagtuon ng atensyon sa kalakalan
3. Pakikipag-ugnayan sa mga bansang maunlad
4. Pagpapatupad na mga patakarang kapaki-pakinabang sa tao
Lagumin
Panuto: Punan ng mga angkop na impormasyong makikita sa ibaba ang bawat puwang sa balangkas.
I. Likas-yaman ng India A. Yamang-mineral
1. bakal 2. mika 3. bauxite 4. __________
B. Yamang-lupa
1. Produktong agrikultural a. bigas
b. asukal c. goma d. __________ e. kape
2. Paghahayupan a. baka
b. __________ c. buffalo
C. Yamang-gubat 1. satin wood 2. date palm 3. iron wood 4. __________
III. ___________________________ 1. paggawa ng tela
2. pagmimina 3. __________
4. paggawa ng palayok
IV. ___________________________
1. Pagbabawas sa kontrol ng pamahalaan sa larangan ng paggawa, kalakal at pangangapital
2. Pagpapatupad ng mga planong reporma sa ekonomiya
Pangunahing Industriya
Troso Paggawa ng ceramics
Kabayo Magnesium
Subukin
Panuto: Punan ng angkop na impormasyon ang mga bahaging blangko sa balangkas.
ANG EKONOMIYA NG PILIPINAS
I. Pinagkukunang yaman A. Agrikultura
1. Pangunahing aning pangkalakal a.
b. c.
2. Prutas a. b. c.
3. Hayop na inaalagaan a.
b. c.
B. Paggugubat at Pangingisda
1. Pagbebenta ng produktong nakukuha sa kagubatan. a.
b. c.
2. Mga produktong mula sa karagatan a.
b. c.
C. Pagmimina
1. Pangunahing produkto a.
b. c.
2. Iba pang produkto a. bakal
b. tingga
3. Enerhiya
II. Pangunahing Bansang Kapalitan ng Produkto ng Pilipinas A. Amerika
B. Japan C. Singapore D.
E. F.
Pagpipilian
Hongkong Mangga Tabla
Taiwan Pinya Kawayan
Saudi Arabia Papaya Ratan
Niyog Kalabaw Tuna
Tubo Baka Pusit
Tabako Kambing Alimango
Ginto Pilak Tanso
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Pagkatapos, punan ng wastong impormasyon ang bawat patlang sa balangkas
Ang Ekonomiya ng Korea
Pagsasaka ang pangunahing gawain sa Korea. Tulad ng ibang bansang Asyano, ang pangunahing produktong pang-agrikultura ng palay, trigo, barley, bulak, tabako at iba pa. Mayaman din sa mga yamang-mineral ang bansang ito. May deposito ng karbon, ginto, pilak, tanso, bakal, lead at marami pang iba. Ang mayamang kagubatan ang pinagkukunan ng tabla, troso at iba pa.
Samantala, ang lakas-paggawa ay tumaas at nabawasan ang kawalan ng hanapbuhay. Naitatag ang mga pagawaan at pabrika. Maging ang pagmimina ng mga yamang-likas ay nalinang.
Ang paggawa ng mga makabagong makina ay nagbibigay ng malaking bahagi sa pambansang kita ng bansang ito. Ang ilan sa mga bantog na produkto ng Hilagang Korea ay trak, mga sasakyang diesel, mga gamit sa konstruksyon at iba pa.
Pinagpala rin ang Hilagang Korea sa mga pinagkukunan ng enerhiyang eletrisidad. Ang paglinang sa yamang petrolyo ay pinaplanong isagawa sa malapit na hinaharap.
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Naging kapaki-pakinabang ba ang mga impormasyong binanggit sa teksto?
Magagamit mo ang mga ito sa pagsagot sa balangkas na aking inihanda para sa iyo.
Handa ka na ba? Sige magsimula ka na. Maging maingat ka lamang sa pagsagot upang makuha mong lahat ang wastong kasagutan.
ANG EKONOMIYA NG KOREA
I. Pinagmumulan ng kita A. Produktong Agrikultural
1. 2. 3. 4. 5.
B. Produktong yamang mineral 1.
2. 3. 4.
C. Produkto ng kagubatan 1.
II. Mga Planong Pang-ekonomiya
A. Industriyalisasyon at Mekanisasyon
1. Paggamit ng mga makabagong makinarya a.
b.
2. Sistema ng mga patubig
B. Pagtaas ng lakas-paggawa
C. Pagpapaunlad ng pagmimina ng yamang mineral 1.
2. 3.
D. Paggawa ng mga makabagong makina 1. trak
2. sasakyang diesel
3. mga gamit sa konstruksyon
E. Napagkukunang enerhiyang elektrisidad
Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Kung mayroon mang hindi mo nasagot nang tama, muli mong balikan ang bahaging ito at pag-aralan mong mabuti, kung bakit iyon ang naging sagot.
Sub Aralin 4
Layunin
Nagagamit nang wasto ang panuntunan sa pagbabaybay ng salita batay sa binagong alfabeto
Nabubuo ang isang talata batay sa sariling reaksyon at saloobin ukol sa isang paksa
Alamin
Binago na ang Alfabetong Filipino.
Ang dating abakada na binubuo ng 20 letra ay bahagi na lamang ngayon ng kasaysayan.
Ang mga letra ay tatawagin at bibigkasin gaya ng sa Ingles: a (ey), bi (bi), c (si), d (di), at iba pa, maliban sa ñ na tatawaging enye.
Bakit ginawang 28 letra ang alfabeto? Hindi pa ba sapat ang 20 letra?
Ang totoo’y sapat pa hanggang sa ngayon ang 20 letra ng dating abakada, ngunit kinailangang magpasok ng mga dagdag na letra upang madaling magsimula ang mga salita sa iba pang katutubong wika sa Pilipinas. Ang mga ito’y may tunog na /f/, /j/, /v/, at iba pa, na wala sa matandang tagalong. Ang binagong alfabeto ay may mga letrang kakatawan sa lahat ng tunog na umiiral sa lahat ng katutubong wika sa Pilipinas.
Praktikal din ang bagong alfabeto, sapagkat ang mga nagsisimulang mag-aaral ay di- na malilito sa pag-aaral ng alfabetong Ingles at Abakada.
Paano gagamitin ang mga dagdag na letra? Ang walong karagdagang letra ay gagamitin sa mga pantanging ngalan ng tao, lugar o bagay at sa mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas tulad ng cañao, hadji at vuji.
Mananatili ang dating baybay ng mga salitang hiram na nagsisimula na at matagal nang ginagamit ayon sa binagong baybay, tulad ng kape, na hindi ibabalik sa orihinal na pinaghiramang café. Gayundin mananatili ang ispeling na badyet, hindi bajet; dyip hindi jip, telepono at hindi telefono; tseke at hindi cheque.
Naging malinaw ba ang mga paliwanag na aking ginawa? Kung gayon, natitiyak kong masasagot mong lahat ang mga gawaing aking inihanda.
Linangin
Mga tuntunin sa panghihiram
1. Letrang C
a. Pananatilihin ang letrang c kung ang salita ay hinihiram sa orihinal na anyo.
Halimbawa:
calculus chlorophyll carbohydrates cellphone
carnage de facto
b. Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/. at letrang K kung ang tunog ay /k/.
C S C K
2. Letrang Ñ
a. Panatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo. Halimbawa:
La Tondeña Sto. Niño El Niño
Malacañang La Niña Coño
b. Palitan ang letrang Ñ ng mga letrang Ny kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Ñ.
Ñ Ny
Piña - pinya paño - panyo Cariñosa - karinyosa bañera - banyera Cañon - kanyon
3. Letrang Q
a. Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo. Halimbawa:
Quo vadis quotation quad
Quartz quantum opaque
b. Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /KW/, at ang letrang K kung ang tunog ay /K/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q.
Q KW Q KW
Quarta - kwarta quorum - korum
Sequester - sekwester quota - kota Equipment - ekwipment querida - kerida
4. Letrang X
a. Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo Halimbawa:
Axiom wax export
Exodus xylem praxis
b. Palitan ang letrang X ng Ks kung ang tunog ay /KS/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang X.
X KS X KS
Experimental - eksperimental texto - teksto
Taxonomy - taksonomi exam - eksam
Matapos mong basahin ang mga kaalamang inilahad, maaari mo nang sinimulan ang pagsubok na inihanda ko.
A. 1. Paghihiram ng salita
Panuto: Isulat ang / (tsek) kung hindi na dapat pang baguhin ang salitang may salungguhit sa pangungusap at x (ekis) kung dapat.
1. Nanalo ang mga Pilipinong lumahok sa ASEAN games sa larangan ng basketbol dahil magaling ang coach na kanilang nakuha.
2. Hindi siya natuloy sa pangingibang bansa dahil sa hindi maganda ang naging resulta ng kanyang eks-ray.
3. Bumili siya ng relong quarts nang magtungo siya sa England.
4. Sa Las Pinyas matatagpuan ang bantog na pangkat kawayan.
5. Nagbakasyon sila ng dalawang linggo sa Canada kaya’t di mapatid-patid ang kanyang pagkukuwento sa mga kaibigan.
A. 2. Panuto: Baybayin sa Filipino ang mga sumusunod na salitang nasasalungguhitan.
1. Ginagawang kabinet ang mga tablang nakukuha mula sa kagubatan.
2. Nag-experimento ang mga magsasaka sa bisa ng pestisidyong kanilang naimbento.
3. Sa centro ng kabayanan nila inilalagay ang mga bagong aning palay.
4. Sinubukan niyang balatan ang bagong pitas na mangga na dala niyang puñal.
5. Isang bañerang isda ang kanilang dala-dala nang umahon sa dalampasigan.
B. Pagsulat
Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Ito’y may kaugnayan sa pakikinig, pagsasalita at pagbasa.
Nakabatay sa dalawang apekto ang pagsulat ng sulatin.
1. Ang pagpapahayag ng ibig mong sabihin. Hindi kinakailangang napakahalaga ng sasabihin mo. Ang mahalaga nito’y maipahayag mo ang iyong nais sabihin.
2. Ang paraan kung paano mo ito sasabihin. Ang taong masalita at marunong makipag-usap sa sinumang tao ay madaling makalinang ng ideya. Ito ang kanyang puhunan para sa isang pagsulat.
Panuto: Isulat ang bilang ng wastong pagkakasunud-sunod ng mga pahayag upang makabuo ng mabisang talata.
1. Alam natin na malaking bahagi ng pambansang produksyon ay nababatay sa eksploytasyon ng mga likas na kayamanan.
2. Kinakailangan natin ang paggamit ng iba pang sangkap at mga pamamaraan sa pagtatanim na maaaring makapagpaalis ng mga mineral sa lupa tulad ng sobrang gamit ng mga pertilizer at komersyal na pataba.
3. Isang mnahalagang isyung nagiging matingkad sa pag-unlad ng ating ekonomiya sa hinaharap ay ang wastong paggamit ng likas na yaman ng bansa.
4. Ito’y nangangahulugang bibilis ang eksploytasyon ng mga lupaing hindi gaanong produktibo at gagamit ng maraming patubig na maaaring maglihis sa natural na daloy ng tubig.
5. Mapupuwersa ang malaking populasyon na gamitin sa kumersyo, industriya at pabahay ang mga dating taniman.
6. Ang produksyon sa agrikultura ay batay sa paggamit ng mga lupain.
Lagumin
A. Panghihiram ng salita
Panuto: Piliin ang wastong baybay ng salitang angkop sa bawat patlang.
1. __________ ng malaking negosyante ang iba’t ibang uri ng negosyo sa bansa.
2. Maiiwasan ang __________ sa likas-yaman kung mahigpit na ipatutupad ng DENR ang mga batas hinggil dito.
4. Namulat ang mga mamamayan sa pangangalaga ng kapaligiran nang mapanood ang __________ tungkol sa walang habas na paggamit ng yamang-likas.
5. May __________ ang mga imported na produktong inaangkat ng Pilipinas upang di- naman malugi ang mga mangangalakal natin.
Pagpipilian
control eksploytasyon coral
kontrol exploitation koral
eksposisyon quota
exposition kota
B. Pagsulat ng talataan
Panuto: Piliin at isulat ang karugtong na kaisipan ng mga sumusunod na pahayag sa talataan upang mabuo ang diwang nais nitong ipahayag.
Hindi naging madali para sa mga bansang Asyano ang pagtatamo ng kaunlaran sapagkat maraming nararapat pag-ukulan ng pansin nang sila’y magsimulang magsarili. (1) ___________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________.
Programang pangkaunlaran ang agad nilang isinaayos upang madaling matugunan ang pangangailangan di-lamang ng mga mamamayan kundi pa rin ng bansa.
Sa pamamagitan ng paglinang sa likas-yaman at sama-samang pagtutulungan ng mga taong-bayan, (2) _________________________________ __________________________________________________________________ ano pa nga ba ang aasahan sa ganitong gawain? Ang makabagong teknolohiya ay naging sangkap sa pagtatamo ng industriyalisasyon. (3) _____________________ __________________________________________________________________ Binago rin nito ang paraan ng pamumuhay sa tao. (4) ______________________ __________________________________________________________________ sapagkat ang dating gawaing pangkamay ay napalitan na ng mga makinarya na nalikha sa pamamagitan ng walang humpay na pananaliksik ng tao.
unti-unting nagkakaroon ng linaw ang tungkulin ng bansa.
Sadya nga namang mahirap ang pagsisimula kahit na saang bagay o larangan lalo pa’t nangangailangan ito ng masusing pag-aaral at maingat na pagbabalak upang di- magsisi sa banding huli.
Wala na ngang mahihiling ang tao sa kaginhawahang kanyang natatamasa dulot ng makabagong teknolohiya.
Sa aking palagay, ito ang mahalagang pangyayaring nakapagpabago ng takbo ng buhay sa mundo hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa lipunan at pulitika.
Naging madali nga naman ang pagpoprodyus ng mga produkto sapagkat ang dating gawaing pangkamay ay napalitan na ng mga makinarya na nilikha sa pamamagitan ng walang humpay na pananaliksik ng tao.
Paunlarin
Panuto: Piliin ang wastong sagot. Letra lamang ang isulat.
1. Sa panghihiram ng salita, pananatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
a. quad c. kuwad
b. qowad d. kwad
2. Papalitan ang letrang Q ng letrang Kw kung ang tunog ay /kw/, at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q gaya ng salitang:
a. queso – keso c. quantum – kwantum b. quotation – kotasyon d. quarts – kwarts
3. Pananatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo gaya ng:
a. Dasmariñas c. Dasmari-ñas b. Dasmarinyas d. Dasma-riñas
4. Pananatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo. Ang halimbawa nito ay:
a. export c. exist
b. exam d. exact
5. Pananatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo tulad ng:
a. cariñosa c. paño
Panuto: Piliin at isulat ang karugtong na pahayag na makikita sa ibaba upang mabuo ang isang tekstong nagpapahayag ng reaksyon/saloobin ukol sa isang paksa.
Mataas ang presyo ng gasolina. Halos linggu-linggo ay nagpapatong ng presyo kayat umaangal na rin ang mga drayber dahil daw sa wala na silang kinikita. ________________________________________________________________________ _____________________. Kaakibat ng pangyayaring ito ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. ______________________________________________________.
Dahil dito, sinisikap ng pamahalaang makontrol ang mga presyo ng bilihin. Nagkakaloob ng mga pautang ang bangko sa mga magsasaka upang matugunana ang pangangailangan sa pagkain ng mga mamamayan. _______________________________ _______________________________________________________________________.
Nakikipag-ugnayan din ang pangulo sa iba’ ibang lider ng bansa upang mahikayat ang mga ito na mamuhunan sa Pilipinas. _____________________________ ____________________________________________________.
Sa krisis na nararanasan natin ngayon, sa palagay ko’y walang pinakamainam kundi ang maghigpit ng sinturon at maging payak sa pamumuhay at gumawa ng paraan kung paano pa madaragdagan ang kita.
Pagpipilian:
Paano na yaong walang hanapbuhay?
Para sa akin, malaking tulong din ito sa kanila upang maitaas ang antas ng kanilang kabuhayan.
Heto at ihanda na ang ating mga sarili sa panibagong dagdag na pasahe
Paano nga’y di rin nawawala ang pagsasamantala ng ibang negosyante
Sa palagay ko, magiging malaking biyaya ito sa mga Pilipino dahil maraming mapagkakalooban ng trabaho.
Pangwakas na Pagsusulit
A. Mga Pahayag na Interaksyunal
Panuto: Isulat ang bilang 1 kung ang layon ng pahayag ay interaksyunal at bilang 2 kung hindi.
1. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Mababawi mo ring lahat ang mga nalugi sa iyo. 2. Bakit ako makikialam sa buhay niya. Hindi ko naman siya kaibigan.
3. Ipagpaumanhin mo sana ang di- ko pagdalo sa iyong kaarawan.
4. Kumusta na ang iyong pakiramdam? Huwag mo nang intindihin ang iyong mga gawain. Ako na lamang ang gagawa.
5. Ano ngayon kung galit ka sa akin. Hindi lang naman ikaw ang tao sa mundo.
B. Panuto: Isulat ang letrang A kung ang pahayag ay nagpapaliwanag at letrang B kung ito naman ay nangangatwiran.
1. Tungkulin ng ekonomiya na hanapin ang umiiral na antas ng pamumuhay. Alamin ang sanhi ng kahirapan, kilalanin ang kasalukuyang yaman ng bansa na mahalaga sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan.
2. Dapat gumawa ang bawat nilalang dahil sa kanyang pagkatao at dahil ito ang ipinag-uutos ng Diyos.
3. Ekonomiks ang tawag sa mga bagay na tumutukoy sa limitadong likas-yaman ng bansa na ginagamit upang matugunan ang pangangailangan ng tao.
4. Itinuturing na isa sa pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng bansa ang tao sapagkat taglay niya ang kakayahan, lakas, kasanayan at talento upang makagawa ng iba’t ibang produkto.
5. Nagsisikap silang mabuti dahil tulad ng iba, nais din nilang umasenso sa buhay.
C. Paglikha ng bagong salita mula sa dalawang salitang pinaikli at pinagsama. Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan sa talata.
(1) Bukas-palad ang mga tagalalawigan. Madali silang lapitan kayat di- ka na magdadalawang-salita kung kaya rin lang nila. (2) Taos-puso ang paraan ng kanilang pagtulong. (3) Kusang-loob nila itong ipinagkakaloob sa lahat. Bukas ang kanilang tahanan sa kahit sinong nilalang. (4) Anak-dalita man o (5) dugong bughaw huwag lamang (6) lamang-lupa.
Pagpipilian:
Mahirap engkanto mayaman
D. Mga salitang may magkakaugnay na kahulugan
Panuto: Piliin at isulat ang salitang di kasingkahulugan ng may salungguhit sa talataan sa mga hanay ng salitang nakasulat sa ibaba.
Itinituring na isang mahalagang salik ng pambansang kaunlaran ang agrikultura. Hindi nga ba’t nagmumula rito ang halos lahat ng mahahalagang pangangailangan ng tao? Dito rin (1) nagmumula ang mga produktong kailangan ng industriya upang bumuo ng iba’t ibang produktong ikinakalakal sa ibang bansa at lokal na pangkonsumo. Ngunit nakalulungkot isiping kadalasa’y (2) nakalilimutan ang paglinang sa likas-yaman na nagiging dahilan upang di-ganap na (3) matamo ang kaunlaran.
May mga bansang magkasabay na binibigyang-pansin ang pagpapaunlad ng agrikultura at industriya sa paniniwalang kailangan ito sa pagsulong ng bansa. Masasabing tama sila sapagkat ang kahinaan ng isa’y kawalan ng isa. (4) Magkatuwang ang dalawang ito sa pagpapalago ng ekonomiya.
Nararapat lamang na pag-ukulan ng (5) patas na pagtingin at pagpapahalaga ang agrikultura’t industriya sapagkat ang mga ito’y mahahalagang salik sa pag-unlad. Samakatwid, ang pamahalaan ay dapat lamang magsagawa ng mga hakbanging makapagpapataas pang lalo sa antas ng agrikultura’t industriya upang maging (6) produktibo ang programang pangkabuhayan. Magiging daan ito ng mabilis na (7) paglaki ng iba’t ibang komersyo at kalakal dahil sa magiging mabilis ang paggawa ng mga produkto at mga hilaw na materyales na maipagbibili sa mga pamilihan sa loob at labas ng bansa.
Pagpipilian:
1. nanggagaling 2. nakaliligtaan 3. makita nagbibigay nakasanayan makamit hinahango nawawaglit makamtan
4. magkaagapay 5. pasado 6. maunlad
magkasama parehas kaaya-aya
magkaanyo pantay kapaki-pakinabang
E. Pagpapangkat ng mga kaisipan
Panuto: Isulat ang letra ng kaisipang hindi kapangkat ng mga kaisipan sa bawat bilang.
1. a. Nagaganap ngayon sa Asya ang pinakamabilis na pagsulong ng ekonomiya. b. Higit na mabilis ang industriyalisasyon at pag-unlad sa Silangan at Timog- Silangang Asya.
c. Ito ang pinakadinamikong rehiyon sa mundo.
d. Karamihan sa umuunlad na bansang Asyano ay nauudyukang maging industriyalisado dahil sa matinding kahirapan.
2. a. Ang patuloy na pag-unlad ng Asya ay nagpapalala sa kasalukuyang sitwasyon sa kapaligiran.
b. Sinasayang natin ang mahalagang sariwang tubig
c. Tunay na nakagigimbal ang dumi sa hangin, asidong ulan, pagkalason ng tubig at pagkasira ng mga kagubatan.
d. May mga produkto at basura ring nagdadala ng panganib sa mga manggagawa, konsyumer at mga pamayanan.
3. a. Gumagamit ang mga magsasaka ng mga pataba upang palitan ang mga nawawalang mineral sa lupa.
b. Dahil sa kahirapan, napipilitan ang mga taong galugarin nang husto ang mga likas na kayamanan.
c. Anupa’t nasisira ang likas na kakayahan nito na tustusan at mapangalagaan ang kapaligiran.
d. Ang pagkasira ng kapaligiran ay nagbubunga ng ibayo pang paghihirap dahil bumababa ang ani ng mga pananim.
4. a. Marami sa madadalang at umuunting mga uri ng hayop sa mundo ay nanganganib dahil sa wala na silang lugar na matitirhan.
b. Binago ng tao ang kanilang pook-tirahan at ginawang mga lunsod at bukirin. c. Maraming bansa ang may pambansang mga parke at iba pang iniingatang pook na naglalaan ng tahanan para sa mga hayop at halaman.
d. Pinalala pa ang problemang pangkapaligiran ng Asya sa pamamagitan ng pagtatapon dito ng basura galing sa ibang industriyalisadong bansa.
5. a. Lahat tayo ay dapat kumilos nang sama-sama upang ipagsanggalang ang mga hayop at pananim.
b. Magtulungan tayong masugpo ang mga ilegal na pangangaso at pangangahoy. c. Kailangang lalo pang pag-ibayuhin ang pagbabawal sa paghuhuli ng balyenang isda at iba pang lamang-dagat upang mapangalagaan ang tubig-dagat.
F. Pagbaybay ng salita batay sa binagong alpabeto
Panuto: Isulat nang wasto ang baybay ng mga salitang may salungguhit.
1. Tanyag ang lalawigang Sebu sa mga produktong daing na danggit at “dried mango”.
2. Madaling malalagpasan ng bansa ang kinakaharap na crisis kung magkakaisa’t magtutrulungan ang lahat.
3. Sa hirap ng buhay ngayon, kailangang maglibang-libang at magrelax paminsan-minsan.
4. Sa pag-unlad ng agham at teknolohiya, dumepende ang mga tao sa compyuter. 5. Nasalanta ng malakas na bagyo ang lalawigan ng Quezon kaya maraming pananim,
bahay at cable ang nasira.
G. Pagbuo ng talatang nagpapahayag ng sariling reaksyon at saloobin.
Panuto: Punan ng pahayag na makikita sa ibaba ang bawat patlang sa talata upang mabuo ang isang tekstong nagpapahayag ng sariling reaksyon at saloobin. Isulat ang buong talata.
Damang-dama ng bawat mamamayan ang hirap ng buhay ngayon. (1) __________________________________________________________. Hindi sila masisisi sapagkat ito lang ang paraan upang makatulong sa mga gastusin ng pamilya. (2) __________________________________________________________________ ______________________________. Kung may sapat ka namang puhunan at magandang mapupuwestuhan sa itatayong negosyo walang dahilan upang magdalawang-isip pa (3) ________________________________________________ ____________________________________________________________________. Hindi na kailangan pa ang mataas na pinag-aralan sa larangang ito. (4) ___________ ____________________________________________________________________. Tiyak na magtatagumpay ka sapagkat taglay mo ang mga katangiang kailangan, (5) _ ____________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
Pagpipilian:
Hindi na kailangan pa ang mataas na pinag-aralan sa ganitong uri ng gawain.
Basta’t masipag at matiyaga ka lamang ay sapat nang puhunan.
Kaya’t di- nakapagtatakang marami ang sumusubok makipagsapalaran sa larangan ng kalakalan.
Kung tutuusin, sa rami ng mga pabrika at tanggapang nagsasara ngayon, talagang darami ang mahihirap at naghihikahos.
Maliban pa sa pagiging magiliw sa mga kostumer.
Tapos mo nang pag-aralan ang modyul na ito.