• No results found

Kultura Thesis

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Share "Kultura Thesis"

Copied!
36
0
0

Loading.... (view fulltext now)

Full text

(1)

Mga Kulturang Pilipino na Masasalamin

sa mga Babasahing Popular (Pilipino Pocketbook):Isang Pagsusuri

Sulating Pananaliksik

na iniharap kay Prof. Juvy Irene Alforte Fakulti ng Tanggapan ng Larangan ng Filipino

Institutes of Accounts, Business and Finance, Far Eastern University

Bilang Bahaging Pangangailangan sa Kursong Filipino 2A- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ikalawang Semestre, 2014-2015

Ipinasa nina: Edralyn C. Acejo Erika T. Del Espiritu Santo

Jay M. Jerusalem Clarissa Jem Pineda

Minella Joy Reyes Lielanie Tuliao

(2)

MGA NILALAMAN

PAHINA PAHINA NG TITULO………. MGA NILALAMAN………. KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT SANDIGAN

Panimula……… Teoretikal na balangkas ……….. Paglalahad ng Suliranin………. Kahalagahan ng Pag-aaral………. Saklaw at Lawak ng Pag-aaral………... Depinisyon ng mga Termino……….. KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

MGA KAUGNAY NA LITERATURA………... MGA KAUGNAY SA PAG-AARAL……….. KABANATA 3 PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Paraan ng Pananaliksik……….. Paraan ng Pagsusuri………...

KABANATA 4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGINTERPRETASYON NG

MGA DATOS

Pagsusuri at interpretasyon ng mga nobela...………. KABANATA 5 LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

(3)

Lagom ng natuklasan……….. Konklusyon………. Rekomendasyon……….. TALASANGGUNIAN……….... APENDIKS………... CURRICULUM VITAE

(4)

Kabanata 1

Ang Suliranin at Sandigan

Sa pang-araw araw na gawain, hindi maiiwasan ng tao ang pagbabasa. Tila ba ito ay naging parte na ng pamumuhay ng tao.

Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga makukulay na ideya at malawak na kaisipan. Ito rin ay ang pag-unawa sa mensahe ng may akda sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.

Ayon sa sinulat ni Dr. Seuss na “I Can Read With My Eyes Shut!” Nakasaad dito na,“The more that you read, the more things you will know. The more that you learn, the more places you'll go.” Wari nito na nakatutulong ang pagbasa upang madagdagan ang kaalaman ng bawat mambabasa. Napayayaman din nito ang ating kaalaman at napalalawak ang ating talasalitaan. Dahil dito, nararating natin ang mga lugar na hindi pa natin napupuntahan. Ito ay sa tulong ng malawak na imahinasyon at sa pamamagitan ng mga makukulay na salitang humuhubog sa ating kaisipan.

Ang tao ay may malawak kaisipan. May kapasidad tayong isabuhay ang mga bagong kaalamang nakukuha sa pagbabasa. Dahil sa ating mga nakukuhang impormasyon na nasasalamin sa pang-araw-araw nating pamumuhay o realidad, nakatutulong ang pagbabasa sa pagbigay lunas sa mabibigat na suliranin. Ito ay nagbibigay din ng inspirasyon sa iba’t ibang antas ng buhay at anyo sa daigdig. Nagsisilbing kaibigan o libangan sa mga oras na walang magawa o matakbuhan sapagkat ito ay walang pinipiling eksaktong oras o panahon.

Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas bago pa man ito masakop ng ibang kultura. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. Nabuo ang komiks na sadyang kinagiliwan ng mga tao. Maraming tumatangkilik dito sa kadahilana na ito ay may larawan o litrato, kung saan mas madaling nating naintindihan. Kaya naman tayong mga Pilipino’y masasabing nawili sa

(5)

pagbasa ng komiks. Ayon sa Wikipedia, Ang pagbabalik ng interest sa komiks ay tumagal lamang hanggang sa simula ng 1990s kung kailan nagsimula nang mahumaling ang mga Filipino sa ibang anyo ng paglilibang tulad ng video games, karaoke, pocket book, cellphones, Internet at texting.

Noong 1984 isa sa mga uri ng libro na nailimbag ay ang tinatawag nilang Pocketbook na kung saan ay ang Laman nito ay tungkol sa pagmamahalan ng dalawang makasintahan. Nagkaroon ng iba’t ibang tingin ang tao sa pocketbook, ito daw ay hindi maganda sa kabataan dahil sa mga salitang ginagamit ng awtor. Ayon din kay Eros Atalia, isang sikat na manunulat, propesor at mananaliksik sa UST Center for Creative Writing and Studies, “Hindi ito nababasa sa klasrum kaya nababansagan itong hindi maganda, bilang dating manunulat ng nobelang romansa, ito ay naging bunga ng simpatya ng manunulat sa karaniwang sentimiyento ng masa ang mga akdang ito.” Ngunit hindi pa rin ito naging hadlang dahil nga sa ito ay nagbibigay aliw sa mambabasa at bahagi na ng ating kultura ang pagbabasa noon pa man.

Nang lumaganap ang pocketbook, ito ay naging isa sa mga naging libangan ng mga tao. Pabor ito sa mga taong mahilig sa kwento ng buhay pag-ibig. Ang tagalog romance novels ay walang pasubaling tumatak na sa puso, isipan at panlasa ng mambabasang Pinoy. Tuluyan nitong inakit ang kamalayan at puso ng bawat mambabasang Pilipino.

Nababatid na maraming natutulungan ang isang munting pocketbook sa buhay ng tao. Pero paano nga ba ito nangyayari? May iba’t ibang nilalaman ang babasahing popular na ito na sadyang mailalapat sa buhay ng tao. Halos nakapaloob dito ang realidad ng buhay, sa madaling sabi, masasalamin dito ang kultura nating mga Pilipino.

Dahil nakatuon lamang ang atensyon ng mambabasa sa daloy ng istorya, layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga salik at elemento ng kulturang Pilipino na matatagpuan sa babasahing popular, partikular na lamang sa Pilipino Pocketbooks.

Mahalagang malaman ng mga tao ang mga salik at elemento ng kulturang Pilipino, kung saan ito ay aming bibigyang diin sa pagnanaliksik na ito. Ito ay makakatulong upang mas maunawaan ng mga Pilipino na ang nilalaman ng

(6)

kulturang

Pilipino

Mga

magbabasang

Pilipino

pocket book

pocketbook. Na ito ay hindi lamang nakasentro sa kwentong pag-ibig, kundi mayroon ding nakapaloob na mga bagay-bagay na bibihirang nabibigyan pansin ng isang mambabasa.

Sa pagsusuring aming ilalahad sa mga susunod na pahina ay ibabahagi namin ang mga bagay na malimit nating pagtuunan ng pansin.

Sa kabuuan, nais ng mga mananaliksik na ipaintindi sa mga tao na ang pagbabasa ng pocketbook ay may mga mahahalagang bagay din na dapat bigyan ng pansin, kung saan ito ay makatutulong sa mga mambabasa upang hubugin ang kanilang isipan sa mabuting paraan na makatutulong sa kanila para maging mas mabuting tao.

(7)

Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang mga salik at elemento ng kulturang Pilipino na matatagpuan sa tatlong babasahing Popular (Pilipino Pocketbooks). Kaugnay nito sasagutin sa pananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mabubuting katangian ng tatlong salik ng kulturang Pilipino ang masasalamin sa mga babasahing popular (Pilipino Pocketbooks) kaugnay ng mga sumusunod:

1.1. Pamilya 1.2. Edukasyon 1.3. Lipunan

2. Paano inilalarawan ang mga salik ng kulturang Pilipino sa tulong ng mga sumusunod na batayan:

2.1. Tauhan 2.2. Pangyayari 2.3. Mensahe

3. Paano makatutulong ang mga salik ng kulturang Pilipino na matatagpuan sa tatlong nobela sa:

3.1. Mag-aaral/Estudyante 3.2. Isang mamamayan

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pagbabasa ng isang libro, partikular na halimbawa na lamang nito ay ang pocket book, ay isa sa mga maganda at makatutulong na paraan upang tayo’y maaliw at makapulot ng aral. Ang pagaaral na ito ay ginawa upang mabigyan at mapagtuunang pansin ang magandang dulot sa pagbabasa ng Pocketbooks at mga elementong nasasalalim sa kulturang Pilipino na maaring makatulong sa ating pamumuhay.

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga mababanggit na tao:

(8)

Para sa mga estudyante, tulad na lamang ng mga nag-aaral ng kursong Journalism kung saan ang pagsusulat ay isang malaking parte sa kanilang buhay, mahalaga sa kanila ang pag-aaral ng pocket book dahil sila ay mabibigyan ng mga ideya sa iba’t-ibang bagay na maaaring makatulong sa kanilang pagsusulat.

Para sa mga magulang, ang pag-aaral ng pocket book ay makakatutulong upang mas maunawaan ang mga bagay-bagay sa buhay, dahil ito ay sumasalamin sa mga buhay ng mga tao. Makatutulong din ito upang bigyang gabay ang mga anak sa pagpili ng mga babasahin.

Para sa mga guro, ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang sila ay magkaroon ng panibagong pagsasaliksik na maaaring ibahagi sa kanilang estudyante kapag sila ay nagtuturo.

Para sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay binubuo ng mga mabubuting kultura na makatutulong upang maging isang mas mabuting mamamayan ng bansa

Para sa mga mananaliksik, ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay nakatutulong upang mas maging malawak ang kaalaman para sa pocket book, at upang maging gabay para sa mga susunod na pananaliksik.

Saklaw at lawak ng pag-aaral

Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga babasahing popular (Pilipino Pocketbooks). Pokus ng pag-aaral na ito na suriin ang mga elemento ng kulturang Pilipino na matatagpuan sa mga piniling nobela o pocket books tulad ng tauhan, pangyayari at mensahe.

Binibigyan lamang ng pansin ang mabubuting salik ng kulturang Pilipino na napapaloob sa tatlong nobela.

Saklaw ng pag-aaral na ito ay mga sumusunod na tatlong nobela: 1. MEANT TO BE

(9)

2013;

2. HE’S STILL THE ONE Jessica Sanchez 2014;

3. SA LILIM NG LANGIT Lhea Mercado

2014;

Depinisyon ng mga termino

Ang mga salitang napapaloob sa pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon sa istandard na depinisyon o konsepto at operasyunal. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upang mas maunawaan nila ang tungkol dito at mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan upang maging pamilyar sa mga salitang ito.

Ang mga salitang naka-bold ay ang mga terminolohiya na binibigyan ng kahulugan.

Pocket book. Ito ay isang uri ng nobela na nagdudulot ng malawakang imahinasyon para sa mga mambabasa. Ito ay isang maliit na aklat na maaaring dalhin sa bulsa.

Nobela. Ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Ito ay may maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan. Maraming din itong ligaw na tagpo at kaganapan. Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.

Kultura. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao. Kabilang dito ang sining, wika, musika at panatikan. Kasama rin ang paninirahan, pananamit, kaugalian, tradisyon at mga mahahalagang moral ng isang pangkat ng tao

Pilipino. Ito ay isang mamamayan ng Republika ng Pilipinas; Pilipino kung lalaki o pangkalahatan, Pilipina naman kung babae (Ingles: Filipina).

Panitikan. Mula sa salitang latin na “litera” na ang ibig sabihin ay letra o titik. Ito’y pagpapahayag sa makasining na paraan sa pamamagitan ng mga piling salita ng

(10)

mga kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan ng isang lahi. Ito’y bungang- isip na isinatitik. Sumasalamin sa kultura at pamumuhay ng ating mga ninuno.

(11)

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa panitikan at mga pag-aaral na may kaugnayan sa pananaliksik. Kinabibilangan ito ng isang malawak na listahan ng mga may katuturang mga ideya at mga pag-aaral na konektado sa pananaliksik na ginawa upang tulungan ang mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa kanyang isinulat. Hindi lamang ito sumasaklaw sa pagkilala sa mga titik, salita at pangungusap na matatagpuan sa tekstong binabasa kundi pati na rin sa pag-unawa ng mensaheng napapaloob sa teksto.

Ayon nga kina Grabe at Staller (2002 sa Nunan, 1999)” Ang pagbabasa ay isang kakayahang magbigay ng kahulugan sa mga nakalimbag na pahina at mabigyan ito ng interpretasyon sa maayos na pamamaraan”. Sumangayon dito si Coady (1997) at sinuportahan ang ideya nina Grabe at Staller na para sa lubusang pag-unawa ng teskto, kakailanganin ng magbabasa ang dating kaalaman at karanasan nito.

‘’Dahil mababaw lamang ang napag-aralan ng masa, mababaw rin ang pamantayan at sakop ng kanilang imahinasyon, dahil dito, iminumungkahi ko na mag-aral, partikular na sa mga kumukuha ng kursong Panitikan at Peryodismo, na magbasa kahit paano ng ganitong ng Panitikan. Isa itong paraan upang makapasok sila sa sikolohika ng karaniwang tao. Bakit hindi natin unawain kung bakit nila ito binabasa? Ano yung nakikita nila na hindi natin nakikita? Malamang ito ang sasagot para mapa-unlad pa natin ang kultura ng pagbabasa.’’

(12)

Ang pagbabasa ng pocketbook ay sinasabing nakakapurol daw ito ng pagbabasa dahilsa nilalaman. May nagsasabi din na ang pocketbook ay masama sa mga kabataan dahil sa malalaswang laman nito. Ngunit hindi mapipigilan ang pag-usbong nito sa industriya, tulad ng sinabi ni Hania (2013), na kahit may masamang epekto ang nobelang ito, ginagigiliwan pa rin at bakas sa mukha ng mamababasa ang kasiyahan at kilig sa mga nobelang tila pabalat at pangalan lamang ng mga karakter ang nagbabago. Kaya patuloy ang malakas ang pocketbook sa industriya.

“Meron bang aral na mapupulot? Nasa mambabasa na ‘yon kung handa s’yang madumihan ang kamay sa pamumulot.”

-Bob Ong (2007) Ayon sa mga ibang pag-aaral na ang mga pocketbooks o popular na babasahin ay walang magandang epekto sa mga mambabasa lalo na sa mga kabataan na nahihilig dito. Maaring kung susuriin nga ang mga ito ay may hindi kagandahan ang nilalaman dahil sa mga salitang ginagamit at pati na rin ang mga malalaswang eksena na nakapaloob dito na makakaimpluwensya sa mga nagbabasa. Ngunit sabi nga ni Bob Ong nasa mga mambabasa kung paano gagamitin sa buhay ang kanilang nabasa or kung gagamitin man nila ito. Maaring may masama mang epekto ang pocketbook sa kabataan ngunit may maganda din itong dulot.

Kaugnay na Pag-aaral

Napakayaman ng ating kultura, mula sa iba’t ibang lahi na nagpakilala ng mga ito sa ating bansa. Mahalaga ang kultura sa atin dahil ito’y minana pa natin sa ating mga ninuno. Kaya marami ang may gustong ibalik o ipaalala ang mga ito lalo na sa panahong sinasakop na tayo ng teknolohiya at unti-unti ng nawawala ang mga ating nakagisnan. Marami rin ang nag-aaral tungkol sa kultura o mga tradisyon natin.

(13)

“Sa bansang Pilipinas, ang pagbabasa ay hindi na maaalis sa kanilang kultura.

Ito ay nagbibigay aliw sa mga ito… Sa panahon ngayon, ang hilig ng ibang kabataan na nobelang Filipino ay ang pocketbooks na kung saan ay pumapatungkol sa romansa. Minsan ito ay may pagka-malaswa depende sa kwento na pumapaloob dito. Ang pagkakaiba nito sa ibang nobelang tagalog ay ang uri ng pagsulat ng awtor sa nasabing aklat. Gumagamit ang awtor nito ng impormal na pagsulat sapagkat ito ay gumagamit ng pabalbal na salita, minsan pa nga ay gumagamit ito ng mga hindi kanais-nais sa mga mata kaya’t laging sinasabi ng mga matatanda na ang pocketbooks ay para lamang sa mga matatanda at pinagbabawalan nito magbasa ang mga bata dahil sa mga salita at eksenang pumapaloob sa nasabing aklat.”

-Hania (2013), mananaliksik ng paaralang Academia de San Lorezo Ayon sa pag-aaral na ito ni Hania (2013), na ang mga pocketbook ay parte na ng ating kultura. Ito ay kinahiligan na din ng mga kabataan dahil nagbibigay ito ng kasiyahan at tumutukoy ito sa romansa. Sa panahon ngayon, ang kabataan ay mahilig sa usapin o basahin tungkol sa pag-ibig dahil sila ay nakakasabay o nakakaugnay dito. Ngunit sa kanyag pananaliksik ay napag-alaman na sa kabila ng pagkahilig ng mga kabataan sa pocketbooks ay mas lalo silang nahihilig sa nobelang ingles.

‘’Dahil mababaw lamang ang napag-aralan ng masa, mababaw rin ang

pamantayan at sakop ng kanilang imahinasyon, dahil dito, iminumungkahi ko na mag-aral, partikular na sa mga kumukuha ng kursong Panitikan at Peryodismo, na magbasa kahit paano ng ganitong uri ng Panitikan. Isa itong paraan upang makapasok sila sa sikolohika ng karaniwang tao. Bakit hindi natin unawain kung bakit nila ito binabasa? Ano yung nakikita nila na hindi natin nakikita? Malamang ito ang sasagot para mapa-unlad pa natin ang kultura ng pagbabasa.’’

-Eros Atalia (2009) Ang pagbabasa ng pocketbook ay sinasabing nakakapurol daw ito ng pagbabasa dahil sa nilalaman. May nagsasabi din na ang pocketbook ay masama sa mga kabataan

(14)

dahil sa malalaswang nilalaman nito. Ngunit hindi mapipigilan ang pag-usbong nito sa industriya, tulad ng sinabi ni Hania (2013), na kahit may masamang epekto ang nobelang ito, kinagigiliwan pa rin at bakas sa mukha ng mamababasa ang kasiyahan at kilig sa mga nobelang. tila pabalat at pangalan lamang ng mga karakter ang nagbabago. Kaya patuloy ang malakas ang pocketbook sa industriya.

Si Mallapre (2004) ay gumawa ng pag-aaral tungkol sa “Mga Nobelang Popular:

Salamin ng mga Pagpapahalaga.” Sinuri at binigyang pagpapahalaga ang mga

nobelang may paksang-diwang nilahad ay pagsisikap na maiangat ang buhay na may sab-tapik na: pagsusumikap at pagtitiyaga, pag-asa sa kapalaran, pagsalig sa kapwa; pagkamatatag na may sab-tapik na: pagkamatatag sa pagharap sa problema sa pamilya, pagkamatatag sa pagharap sa problemang kinasasangkutan ng sarili at pagkamatatag sa pagharap sa nagawang kamalian; katangian ng pag-ibig na my sab-tapik na pag-ibig na matiyaga at magandang loob, pag-ibig na mapang-unawa at hindi makasarili at pag-ibig na mapagbata at puno ng pagsasakripisyo; pagpapahalagang sosyal na may sab-tapik na: ugnayan sa pamilya, ugnayan sa kapwa at pagpapahalagang katapatan sa pag-ibig. Na sa kabila ng masamang tingin sa pocketbook mayroon pa rin magandang asal na matutunan tulad ng mga katangiang nabanggit. At ang mga katangiang ito ay parte na ng ating kultura at patuloy na napapaloob sa mga nobelang popular.

(15)

Kabanata 3

Pamamaraan ng Pananaliksik

Nakalahad sa kabantang ito ang pamamarang ng pananaliksik na ginamit at paraan ng pagsusuri upang masagutan ang mga suliranin na inilahad para suriin ang mga kulturang Pilipino na masasalamin sa pag-aaral ng pocket book.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Mapanuring pagdulog ang ginamit sa pag-aaral upang mailarawan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga babasahing popular (Pocket book). Paglalarawang pamamaraan ang ginagamit upang ito ay maisakatuparan. Nagsaliksik at nangalap ng mga datos ang mananaliksik upang maisagawa ang pag-aaral naito.

Paraan ng Pagsusuri

Ang pamamarang paglalarawan ang ginagamit ng mananaliksik upang palutangin at mabigyang kulay ay hugis sa sariling pagpapakahulugan sa pagsusuri.

Babasahin at susuriin ang tatlong nobela. Susuriin ang mga ito sa tulong ng tauhan, pangyayari at mensahe upang matukoy ang mga kulturang Pilipino sa pamamagitan ng tatlong salik: pamilya, edukasyon at lipunan.

(16)

Kabanata 4

Paglalahad, Pagsusuri, at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng pagsusuri ng mga kulturang Pilipino na masasalamin sa tatlong piling babasahing Pocketbook. Ang mga impormasyon at detalye ng mga nobela ay sinuri at hinimay ayon sa suliraning inilahad sa ika-unang kabanata ng pagsasalik na ito. Isa-isang sinagot ng mananaliksik ang mga sumusunod na mga katanungan sa bawat akdang tinalakay.

1. Anu-anong mga mabubuting katangian ng kulturang Pilipino ang nananatili at masasalamin sa mga babasahing popular (Pilipino Pocketbooks), kaugnay sa mga sumusunod na salik:

1.1 PAMILYA

1.1.1 Pagpapahalaga sa pamilya SA LILIM NG LANGIT Lhea Mercado

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang mapagpahalaga sa kanilang pamilya, kabilang dito ang pagbibigay ng kagustuhan ng isang miyembro ng pamilya. Kaya minsan, kung ano ang mahalaga para sa isa, ay sinusuportahan din naman ng lahat, lalo na kung ito ay makabubuti.

Bilang Panganay, iniisip rin niya ang problema nila. Kung siya, Papayag naman siyang iwanan na lang ang lugar na ito .Pero naaawa siya sa kanyang mga magulang na minahal na ng lugar na ito. (p. 9)

1.1.2 Matatag sa buhay MEANT TO BE

(17)

Kaugalian na ng mga Pilipino na sa tuwing nililisan ng kapareha o asawa na maging matatag alang-alang sa kanyang pamilya. Si Dra. Venera ang nagtaguyod sa kanyang mga anak bilang ilaw ng tahanan pati na din ang pagiging padre de pamilya.

Hiwalay sa asawa halos limang taon na ang nakalipas. Dapat ay maging bitter ito sa buhay, subalit nanatiling matatag ang paninindigan ng doktora. (p. 8)

1.1.3 Maalalahanin

SA LILIM NG LANGIT Lhea Mercado

Bilang isang Pilipino, likas sa atin na pahalagahan ang ating pamilya. Ayaw nating nalulungkot at nag-aalala sila.May pagkaktaon pa ngang nanaisin na lamang natin na dumanas ng mga pagsubok at hirap ng buhay huwag lamang sila. lalo na kung ikasasama ito ng myembro ng iyong pamilaya. Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang resposibilidad na kailangang gampanan ngunit pagdating sa iyong mga mahal sa buhay ay handa kang gawin lahat para lamang sa kanila.

Hindi siya mapakali sa kanyang pagkakahiga sa kanyang silid. Bilang panganay,iniisip rin niya ang problema nila. Kung siya, papayag naman siyang iwanan na lamang ang bahay na ito. Pero, naaawa siya sa kanyang mga magulang na minahal na ang lugar na ito.(p.9)

SA LILIM NG LANGIT Lhea Mercado

Ang mga Pilipino ay likas na maaalalahanin sa kanyang pamilya. Partikular na lamang ang pagiging maalalahanin ng isang magulang sa kanyang mga anak. Hindi maiiwasan ang

(18)

pag-aalala ng isang magulang sa kanyang anak dahil lubos niya itong mahal, ayaw niya na may mangyaring masama dito. At hindi kailanman ito magbabago. Magkaroon man ng samaan ng loob, hindi magagawang magtanim ng magulang ng sama ng loob sa mga anak nito.

“Isa lang ang kinatatakutan ko, deklara ng kanyang ama, ang may mangyari sainyo.” (p.13)

1.1.4 Maaruga

HE’S STILL THE ONE Jessica Sanchez

Kahit saan man sulok ng mundo ang mga Pilipino naroon hinding-hindi pa rin makalimutan nito ang pag-aalala sa kanilang pamilya. Lalong-lalo na kapag nabalitaang ito ay may sakit o malubhang karamdaman nadarama. Gumagawa o naghahanap sila ng paraan makauwi lamang upang masilayan ang minamahal na nagdurusa. Si Lauren ay umuwi sa kanilang probinsya upang dalawin ang kanyang lolo na may malubhang sakit. Hindi niya iniisip ang mga lalaking nanliligaw sa kanya sapagkat ang tanging rason at pinagtunuan ng pansin ang paguwi niya ay ang kanyang lolo waring mamamatay na.

“Sabi ko naman sa iyo, naparito ako para dalawin si lolo, hindi para magpaligaw!” (p.27)

SA LILIM NG LANGIT Lhea Mercado

Ang mga Pilipino ay sadyang maaruga sa kanyang pamilya. Lahat ay gagawin ng magulang para sa kanyang pamilya / mga anak, kaya naman sinasakripisyo ng magulang kung ano man ang mayroon siya alang-alang sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Is aito s amga katangian na makikita sa atin. Handang mahirapan ang magulang para lamang sa kanyang mga anak.

(19)

“tutulong ako sainyo. Hindi na ako mamamasada, ipapaboundary ko na lamang ang aking sasakyan”(p.16)

1.1.5 Respeto sa magulang SA LILIM NG LANGIT Lhea Mercado

Ang mga Pilipino ay maryoong mga salita na ang ibigsabihin ay nagbibigay galang, tulad na lamang ng mga “Ho/Po”, “Oho/Opo”. Kadalasan, ito ay ginagamit sa mga nakatatanda, kaya naman itong mga salitang ito ay ginagamit ng mga Pilipino sa mga taong mas nakatatanda sa kanyang pamilya o di kaya ay sa ibang tao kung saan ito ay nagpapahiwatig na siya ay nagbibigay ng respeto.

“oho, hindi na ho mauulit, sige ho, mamamalengke na ako.” (p.30)

1.2 EDUKASYON

1.2.1 Matiyaga sa pag-aaral HE’S STILL THE ONE Jessica Sanchez

Para sa pananaw at paniniwala ng mga Pilipino, edukasyon ang susi sa buhay upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Nagsumikap si Adam sa kanyang pag-aaral, gamit ang kanyang talino at determinasyon, siya ay nakapagtapos ng kursong Agricultural Engineering. Siya ay nagkaroon ng sariling bahay, lupa at magandang buhay.

….. Dahil sa sipag niya sa pag-aaral, nakatapos siya ng kurso niyang Agricultural Engineering. … Hanggang makapagtayo siya ng post-harvest facility. Kaya hayan, nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay. …. (p.29)

(20)

MEANT TO BE

Divine Mangahas-Dillera

Tayong mga Pilipino ay likas na may itinatagong kani-kaniyang kakayahan o talento. Buhat sa pagiging talentado, ugali na din nating pagyamanin ang mga ito. Sa pamamagitan ng edukasyon mas lalo nabibigyan ng halaga ang mga ito. Si Serena, bilang isang Pilipina, sinikap niyang gamitin at palawakin ang pagiging magaling niya sa pagguhit.Hindi alintana ang estado sa buhay, bagkus ay ito pa ang daan niya para siya ay magsumikap sa pag-aaral. Elementarya pa lamang ay hilig na niya ang pagguhit at hindi siya nag-aalinlangang ipakita ang kanyang natatanging talento sa kapwa mag-aaral. Hanggang sa siya ay umakyat sa Sekondarya patungong Kolehiyo, bitbit pa din niya ang tiyaga sa buhay para sa kanya gustong propesyon. Dahil sa hirap ng buhay, kinailangan niyang lumipat sa paaralang mas mababa ang tuition, para lamang makapagtapos sa kursong Fine Arts. Likas sa kanya ang pagpapahalaga sa edukasyon at pangarap kahit ano man ang daanin niya.

Bata pa siya'y mahilig na siyang gumuhit ng kung anu-ano sa mga papel…, hindi nawaglit ang hilig na iyon sa kanya. Noong highschool … miminsan siyang sumali sa mga art contest at pinalad naman manalo. Kaya nang mag-kolehiyo ay sinikap niyang makapasok sa isang unibersided ng may kursong fine arts. Suwerteng nakapasa siya sa UST pero nang nasa ikalawang taon na ay nagpa-transfer siya sa UP dahil hamak mas mababa ang tuition doon kumpara sa UST. (p.13)

1.2.3 Determinasyon sa buhay SA LILIM NG LANGIT Lhea Mercado

(21)

Isa sa mga hinaing ng mga mag-aaral sa panahon ngayon ay ang pagiging salat sa pera kaya’t hindi lahat ay mapalad na nakakapagtuloy sa kolehiyo. Gayunpaman ay may iilan pa ring na nagsususmikap at hindi tumitigil sa pagawa ng paraan upang makamit ang kani-kanilang mga pangarap. Si Jeena bagamat hindi gaanong salat sa buhay ay minsang nagpakita ng pagiging matyaga at determinasyon upang makaptapos ng pag-aaral. Ang kanyang paghihrap ay nagbunga at siya’y nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Ang pagkakaroon ng ganitong ugali ng mga Pilipino ang siyang makapagpapatunay na pinahahalagahan ang edukasyon.

Sa isang banda, hindi naman talaga sila mahirap na mahirap.Katunayan ay nakapagtapos siya ng Business Administration, hindi pa lang nga siya nakakakita ng trabaho.Ang tatlo niyang mga kapatid ay nakapag-aaral naman .Pangako niya sa sarili na tutulungan niya ang mga itong makapagtapos oras na magkaroon na siya ng trabaho (p.10)

1.2.4 Pagpapahalaga sa propesyun MEANT TO BE

Divine Mangahas-Dillera

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang pagpapahalaga sa kanilang mga propesyun o tungkulin. Lahat ay handa nilang gawin para lamang mapaglikuran ang bayan at gawin ang katungtungkulang pinagsumpaan. Madalas pa nga ay kaya nilang isantabi ang mga panuhing pangangailangan para lamang magampanan ng tama ang katungkulan. Si Eliseo ay isang sundalo na mas piniling tulungan ang babaeng nasa panganib kesa sa anak nitong nagdiriwang ng kaarawan. Dahil sa isang sundalo siya responsibilidad niyang ligtas ang mga mamayan na nasasangkot sa krimen.

(22)

“papunta na dito ang isa ko pang kasama… hihintayin ko lang siya at aalis na rin ako.” At saka dinugtong. “kanina pa naghihintay ang anak at asawa ko. It’s my son’s birthday.”(p.19) 1.2.5 Pagsasabuhay ng pinag-aaralan

MEANT TO BE

Divine Mangahas-Dillera

Sa paaralan may mga bagay-bagay na tinuturo sa atin upang malagpasan ang mga hamon sa buhay. Ang pagsasabuhay ng mga pinag-aralan ay masasabing isa sa mga katangian ng mga Pilipino. Sapagkat hindi lamang sa pagpapahalaga nakatuon ang mga Pilipino kundi pati na rin kung papaano ito makakatulong o magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Tulad na lamang ni Ronel isinsababuhay niya ang mga panutong natutunan sa training ng pagsusundalo na kung saan totoo nga naming nakatutulong sa buhay.

“Hindi ka kasi nagiingat” he said sharply. “Sa military, number one rule, obey first before you complain. Rule number two, sobrang pag-iingat sa bawat pag-iingat sa bawat kilos at galaw.”(p.25)

1.3 LIPUNAN

1.3.1 Matulungin MEANT TO BE

Divine Mangahas-Dillera

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa maging sa ating mga kaibigan. Handang bigyan ni Dra. si Serena ng trabaho kung sakaling wala itong mapasukan.

“Kung wala kang mapapasukan, just call me. Ipapasok kita sa isang kasamahan kong doctor…..” (p.10)

(23)

SA LILIM NG LANGIT Lhea Mercado

Ang pagpapakita sa kaibigan ng kabutihan ay nasa ating mga Pilipino. Handang tumulong hangga’t makakya. Handang ibigay ang pag-aalala sa ano mang pagkakataon. Ito ay pagpapakita ng aruga o bugay tulong para sa ikabubuti ng kapwa tao.

“Okay, bibigyan kita ng recommendation sa company ni daddy para makapasok kana “

1.3.3 Tapat na pagmamahal sa kasintahan SA LILIM NG LANGIT

Lhea Mercado

Ang pagmamahal ng isang tao ay hindi dahil sa kung ano ang estado ng kanyang buhay, bagkus sa kung ano talaga ang nararamdaman mo at tanggap mo ang iyong minamahal maging sino at kung ano man siya. Kaya naman kadalasan ang mga Pilipino ay hindi itinimbang ang kanyang pagmamahal sa isang tao base sa yaman o itsura nito.

“Mahal ko ho si Keiv,Hindi ko na siguro kailangan maging mayaman para magkagusto sakanya. Mahal ko ho siya , hindi dahil sa anu-ano man.” (p.126)

1.3.4 Malasakit sa kapwa MEANT TO BE

Divine Mangahas-Dillera

Sa kabila ng lahat, tunay na masasabing mapagmalasakit ang mga Pilipino. Kahit may kakayahan o kapangyarihan itong magyabang o makagawa ng masama. Mas pinapairal parin ng mga Pilipino ang kaling malasakit sa kapwa tao. Tulad na lamang ni Ronel, Isa siya sundalo na may kakayahan pumatay

(24)

ng tao ngunit hindi niya ito ginamit sa masasamang pamamaraan. At kahit may pagkakataon siya patayin ang mga criminal mas pinili niyo itong mabuhay.

He may be soldier that kills many. Pero sa nakita niyang ugali nito, responsible ito trabaho. At hindi papatay kung hindi rin lang kinakailangan. Tulad na lang nang panatilihin nitong nuhay ang dalawang holdaper na marami na palang nabiktima.(p.28-29)

“but I don’t kill innocents,serena.iyan ang bagay na tinitiyak ko sa iyo at sa lahat ng nakkakilala sa akin. I kill those who kill innocents. Hindi kasama sa sinumpaan kong tungklin ang pumatay ng walang dahilan at hindi naaayon sa batas.”(p.49) 1.3.5 May Paninindigan

SA LILIM NG LANGIT Lhea Mercado

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matatatag at may paninindigan sa buhay. Sa katunayan, kahit gaano pa kabigat ang problema o unos na dumatin, hinding hindi ito susukuan ng mga Pilipino, bagkus patuloy na haharapin at lalabanan ang mga problemang ito para sa pakanan ng pamilya, mapalipunan man o kapwa tao. Hindi kailanman magpapatalo hangga’t makakaya. Yan ang mga Pilipino.

“OO, aalis tayo rito, pero, hindi ko pa rin isusuko ang karapatan natin sa loteng ito”(p.13)

1.3.6 Pagpapahalaga sa kaibigan HE’S STILL THE ONE Jessica Sanchez

Likas na sa mga Pilipino ang pagdadamayan sa tuwing nakakaranas ng pagdadalamhati ang ating mga kaibigan.

(25)

Magkababata sina Adam at Lauren, simula ng namatay ang lolo ni Lauren ay dinamayan ni adam ang dalaga upang hindi siya nagiisa.

Nagpasama siya kay Adam sa sementeryo nang umagang iyon para dalawin ang puntod ng kanyang lolo …… Nag-alay siya ng bulaklak sa puntod ng kanyang lolo. Saka siya taimtim na nanalangin. (p.51)

2. Paano inilarawan ang mga salik ng kulturang Pilipino sa tulong ng mga batayang sumusunod:

2.1 TAUHAN MEANT TO BE A. Serena

Natural na sa ating mga Pilipino ang pagiging mapagparaya pagdating sa kapamilya. Anak si Serena sa labas. Kabit ang kaniyang ina kaya naman galit na galit sa kanilang mag-ina ang mga kaanak nito sa ama, subalit hindi ito nagtulak sa kanya para paghigantihan ang mga ito. Sa kabila nito ay pilit niyang iniintindi ang mga ito at iniiwasan na lamang para makaiwas sa gulo.

B. Dra. Venera

Ang mga Pilipino ay handang tumulong sa kanilang mga kaibigan lalo na kung nangangailangan. Ipinakita ni Dr. Venera ang pagiging mabuting kaibigan kay Serena. Handa siyang magbigay ng tulong kung sakaling wala itong mahanap na papasukan. Isa siyang matulungin na tao.

C. Aldwin

Para sa mga Pilipino, isang napakahalagang bagay ang buhay ng tao. Si aldwin ang taong nagligtas kay Serena nang ito ay nasa kapahamakan. Dahil siya ay isang sundalo at propesyunal na sniper,

(26)

ginamit niya ang kanyang kasanayan sa tamang pamamaraan. Pinili niyang buhayin ang dalawang hostage taker kesa ito ay patayin para iligtas si Serena sa kamay ng mga ito. Ipinakita niya ang ang kanyang pusong-makatao.

HE’S STILL THE ONE A. Lauren

Sa buhay ng tao ay maraming mga pangyayaring hindi inaasahan. Ang mga Pilipino ay may kanya kanyang pag-uugali at pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga ating minamahal. Si Lauen ay may pusong bato ngunit simula ng nagkakilala ulit sila ng kababata niyang si Adam ay nagkaroon ulit siya ng mabuting puso. Hindi siya nawalan ng pag-asa na muling mabuhay.

B. Adam

Ang pagpapahalaga sa ibang tao ay katulad na rin ng pagpapakita ng respeto. Si Adam ay isang binata na binigyan ng pagpapahalaga ang pagkakaibigan nila ni Lauren. Binigyan niya muli ng pag-asa si Lauren sa buhay. Ipinadarama niya at ipinakita ang paggiging malaskit at pagmamahal niya sa mga taong nakapaligid sa kanya.

SA ILALIM NG LANGIT A. Jeena

Hindi madali ang mabuhay ng salat sa pera ngunit nagpakita ng Katapangan si Jeena para lamang sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Si Jeena ay ang panganay na anak, kung kaya’t siya ang inaasahan ng mga kapatid nito, maging ang mga magulang nito. Kahit mababang uri ang trabaho ay kanyang papasukan upang mabawi lamang ang lupang dapat

(27)

ay sa kanila. Lubos na makikita ang katapangan at determinasyon ng isang tao sa katangian ni Jeena

B. Mang Dioniso

Ang pagiging mabuting ama ang siyang magiging gabay ng kanyang anak sa pagdaan ng mga hamon ng kanilang buhay. Si Mang Dionisio ang ama ni Jeena, nariyan palagi, giangabayan ang mga anak. Ang pangaral niya ang nagsilbing tulay ng kanyang anak upang maabot ang kani-kanilang mga pangarap.Ipinakita ni mang Dionisio ang pagmamahal at pagsusumikap ng tunay na haligi ng tahanan.

2.2 PANGYAYARI MEANT TO BE

Likas sa ating mga Pilipino ang pagtulong sa ‘ting kapwa, may kapalit man o wala. Basta’t dumating sa puntong may nangangailangan ng tulong, handang magbigay ng tulong ang sino man sa atin hangga’t may pagkakataon o hangga’t makakaya.

Sa panahon ng pangangailangan ni Serena, lalong-lalo na may nagbabanta sa buhay nito, hindi na pinag-isipan pa ni Aldwin ang pagtulong sa dalaga. Ibinigay nito ang calling card para kung sakali may masama mang mangyari sa dalaga at kailangan nito ng tulong ay tawagan lamang siya. Agad-agad namang nagtungo ang binata sa tuwing tumatawag ang dalaga. Walang pag-aalinlangan ang pagtulong ng lalaki kay Serena.

Ipinapakita dito ang pagiging matulungin at pagmamagandang loob sa kapwa, matagal man nang magkakilala o hindi.

(28)

Sa pagkabisita ni Lauren sa kanilang probinsya ay hindi inaasahan na pumanaw na ang kanyang lolo. Simula noon ay mayroong ng mga nangyayaring trahedya sa kanyang buhay. Ngunit ang kababata nitong si Adam ay parating nasa tabi niya. Sinamahan siya nito sa anumang pagsubok at ipinagtangtanggol sa mga taong handang manakit. Ipinapakita sa pangyayaring ito na sa kabila ng hirap at ginhawa sa buhay tao, tayo ay hindi nag-iisa. Laging may isa o higit ang handang magmalasakit o makiramay sa kapwa.

SA ILALIM NG LANGIT

Pagsususmikap at pagtityaga sa buhay ang nagsilbing gabay ni Jeena upang harapin ang bawat unos na dumating sa kanyang buhay, hindi man ito naging madali para sakanya sa huli, nakamit niya ang kanyang nais. Si Jeena ang panganay na anak nina Mang Dionisio kaya’t nakay Jeena nakasandal ang pangunahing responsibilidad. Dahil sa kahirapan at pagkamatay ng tunay na may ari ng tinitirihan ng pamilya ni mang Dionisio, binabawi muli ito sa kanila. Salat sila sakayamanan kaya't hindi naging madali para sakanila na mabawi ang kanilang pinaghirapang ari-arian .Para sa mag asawang Dionision, ang bahay na ito'y hindi lamang isang bagay ngunit isang tahanan na maraming masasaya at mahahalagang ala-ala sakanila. Kaya’t si Jeena ay nagsumikap at hinarap ang kanyang kapalaran sa kabila ng mga pagsubok na dumating s kanyang buhay.

2.3 MENSAHE

MEANT TO BE

Minsan ang pagpaparaya ay may magandang bunga. Kung mawala man ang isa sa pinakamahalagang bagay sa ating buhay, asahan na

(29)

lamang na may darating na mas maganda pa. At ang pagtulong sa kapwa ay ang may pinakamagandang dulot sa ating buhay.

HE’S STILL THE ONE

Sa buhay ay may mga oras talagang nawawalan tayo ng pag-asa. Ngunit hinding-hindi tayo pinabayaan ng Diyos upang magkaroon muli ng liwanag at kulay ang ating buhay. Lahat tayo ay may pag-asa sa buhay.

SA ILALIM NG LANGIT

Hindi na maiiwasan sa buhay ng tao ang mga problem. Ito ay nagsisilbing patunay at patuloy na nagpapatatag sa buhay ng isang tao. Kahit gaano pa kalaki ang iyong hinuha sa isang unos ay magiging matagumpay ito kapag pinagsumikapan. Tiyaga at kasipagan ang ilan sa mga kasangkapang magpapasarap at magpapagaan sa kinabukasan ng isang isang tao.

(30)

Kabanata 5

Layon ng mga Natuklasan, Koklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay kinabibilangan ng mga konklusyon at mga rekomendasyon na ginawa ng mga mananaliksik. Kabuuan ito ng masusing pag- aaral o pagsusuri ng mga mananaliksik na isinasagawa.Ito ay matukoy kung nakamit ba o hindi ng mga mananaliksik ang kanilang mga layunin na sagutin ang mga katanungan pumapatungkol sa mga kulturang Pilipino na masasalamin sa

babasahing popular (Pocketbooks).

1. Anu-anong mga mabubuting katangian ng kulturang Pilipino ang nananatili at masasalamin sa mga babasahing popular (Pilipino Pocketbooks), kaugnay sa mga sumusunod na salik.

1.1 Pamilya

Ang pamilya ang sandalan ng bawat miyembro ng lipunan. Pagpapahalaga sa bawat kasapi at pagtutulungan sa oras ng pangangailangan. Ito ay katangiang natural na sa ating mga Pilipino. Mga pag-uugaling nasalin mula sa ating mga ninuno.Sa mga nagdaang henerasyon, masasabing may mga pagbabagong nagaganap sa iba’t ibang pamilya. Kung ating iisiping mabuti, hindi na ito maiiwasan dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa ating mundo. Subalit hindi na rin natin maitatanggi na may mga pamilya paring tumatangkilik sa kalse ng pamilyangatingkinagisnan. Napatunayan ng sa aming maingat na pagsusuri na may mga katangiang taglay pa rin ang pamilyang Pilipino tulad ng mga sumusunod:

 Pagiging mapagmahal sa Pamilya;  Matatag sa buhay;

 Maaalalahanin  Maaruga

(31)

Naipakita sa mga kaugaliang ito na ang bawat pamilya ay may kani-kanilang kagalingan sa pagpupundar ng isang magandang modelo para sa mga susunod na henerasyon. Nais din na ipabatid na kahit mawala man sa ibang pamilya ang mga kaugaliang ito, hindi pa din maitatanggi na pamilya pa din ang siyang sandalan ng buhay na ito.

1.2 Edukasyon

Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kahihinatnan nito dito sa mundo. Ito ang ating sandata upang magkaroon ng maganda at payak na pamumuhay. Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Napatunayan na may mga pilipinong nagpapakita ng pagpapahalaga sa edukasyon, tulad ng mga sumusunod na katangian:

 Matiyaga sa pag-aaral  Pagpapahalaga sa talento  Determinasyon sa buhay  Pagpapahalaga sa propesyon  Pagsasabuhay ng pinag-aralan

Ayon sa resulta ng pananaliksik, ang edukasyon ay mahalaga sa ating mga Pilipino. Hindi dapat natin itong baliwalain, dahil ito ang magpapaganda sa ating kinabuksan. Dapat isaisip natin na tayo ang makikinabang sa lahat ng hirap na dinadanas nagayon. Dahil tayo lang ang makakatulong sa ating sarili. Hindi sa lahat ng bagay ay may mga tanong nariyan para sumuporta sa buhay. Maging matiyaga at determinado sa buhay upang sa ganoon makapagtapos ng pag-aaral.

1.3 Lipunan

Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura. Dito nakabatay kung anong klaseng lipunan mayroon sa

(32)

isang partikular na lugar. Bilang mamamayan ng lipunang ito, nasalamin ang katangi-tanging kultura nating mga Pilipino sa babasahing Popular. Pinakikita sa babasahing ito kung anong lipunan ang atin gingalawan. Sa pagsasaliksik na ito, natagpuan ang mga tinataglay na positibong katangian ng mga Pilipino sa kabila ng problema sa lipunan, ang mga mga katangiang ito ay:

 Matulungin  Maalalahanin  Matiyaga  Malasakit sa kapwa  May Panindigan  Pagpapahalaga sa kaibigan

Tayong mga Pilipino ay mayroong mga katangiang tinataglay ng isang mabuting tao. Ipinakita dito ang mga natural nating katangian sa kabila ng lipunang ating ginagalawan. Sa likod ng kahirapan, hindi nawawala ang mga mabubuting taglay natin o ng bawat isa.

2. Paano inilarawan ang mga salik ng kulturang Pilipino sa tulong ng mga batayang sumusunod:

2.1 Tauhan

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pagsubok na ginagampanan at mga karanasan na nagsilbing gabay sa pangaraw-araw na buhay. Ang isang istorya ay patuloy na nabubuhay dahil sa mga gumaganap dito. Ito ay tinatawag na tauhan o ang mga karakter. Sa katunayan, sa kanila tumatakbo ang ikot ng pangyayari sa isang kwento. Halimbawa na lamang ng mga ito ay sina Serena, Jeena, Adam , Mang Dionisio at Lauren, na nag mula sa aming tatlong piling pocket books na ginamit sa pananaliksik. Ang mga ito ay nagpamalas ng tatag ng loob, pagsusumikap at determinasyon sasarili upang malagpasan ang anumang pagsubok ng buhay. Iba-iba man ang storya at pangyayaring nagaganap sa kanilang buhay, masasabi na sila ay ilan sa mga halimbawa ng mga tauhan na nagpapakilala ng tunay na pagiging Pilipino.

(33)

2.2 Pangyayari

Sa bawat istorya o maging sa realidad ng buhay ay masasalamin ang iba’t ibang pangyayari. Masama man ito o mabuti, mahalaga pa rin ito sa ating buhay. Bawat isa sa mga ito ay nagtataglay ng mga aral na makatutulong sa hinaharap. Ang mga aral na ito ay maaari makita at taglayin ng mga akdang pampanitikan tulad na lamang ng pocket books. Halimbawa na lamang ay ang pangyayaring naganap sa librong “Meant to Be,”Sa Lilim ng Langit” at “He’s Still the One”. Datapwat magkakaiba-iba ang mga takbo pangyayaring ng bawat kwento nakapaloob pa rin dito ang pagkakahalintulad ng mga pinapakitang kulturang Pilipino. Hindi lamang sa mga bagay na nakasanayan nating gawing ngunit maging ang mga pag-uugaling dapat natin ipagmalaki. May mga pangyayari sa nobela na nagpakita ng mga katangian Pilipino bilang matulungin, matiyaga, marespeto at palaban. Sa pocket book na “Mean to Be”, ang pagiging matulungin ay nailarawan ng tulungan ni Adam ang isang babaeng hindi niya kilala, sa istorya namang “Sa lilim ng Langit”, nagpakita si Jeena ng pagiging matiyaga at determinasyon ng humanap siya ng trabaho maging sa ibang bansa matulungan lamang ang kanyang mga magulang at sa “He still the one” naman ay naipakita ang pagdamay ni Adam kay Lauren ng mamatay ang lolo nito ay matatawag rin na pagiging matulungin ng Pilipino. Ilan lamang ang mga ito sa mga pangyayaring tunay ngang karapat dapat nating Ipagmalaki.

2.3 Mensahe

Ang pagbabasa ay kapupulutan ng mga aral o mensahe na mayroong magandang maidudulot sa bawat tao. Sa mga piling babasahin na pocketbook, ang mga kwento nito ay mayroong nais iparating na mensahe, tulad na lamang ng mga sumusunod: 1) May mga oras na ang pagkawala ng isang bagay, ay mayroong magandang kapalit, 2) Ang Diyos ay lagi nating kasama para bigyan tayo ng pag-asa. 3) At Ang tiyaga at kasipagan ay ilan sa mga susi para sa paglutas ng mga problema. Ang mga aral o mensahe na matatagpuan sa isang babasahin ay maaring

(34)

magsilbing inspirasyon sa isang tao at gabay sa maayos at marangyang pamumuhay.

3.

3.1 Isang Estudyante

Ayon saming masuring pagsusuring napagtanto o natuklasan na makapagdudulot ng aral ang babasahing popular upang palawakin pa ang mga bagay na ating hindi pa natutuklasan, hindi lamang sa ating paligid kundi na rin sa ating pagbabasa ng mga babasahing popular. Bilang estudyante, ang pagbabasa ay isang mabuting pagi-ehersisyo sa ating utak. Dahil sa pagbabasa ay mas mapipilitan tayong gumawa ng naratibo at mag-imagine. Sa pagbabasa kasi, mas may oras tayong mag-isip. Kumbaga maaari tayong huminto para sa pag-intindi at pagkuha sa tunay na kahulugan at implikasyon ng ating binasa. Ang pagbabasa ay nakatutulong din sa concentration at attention skills. Sa pagkaintindi natin sa ating mga binasa ay mauunawaan natin ang mga salitang bago pa lamang sa atin. At sa mga bagong kaalaman na ating matututunan maari na din nating itong gamitin o gawing instrumento sa takbo ng buhay. Upang makamit natin ang magandang kinabukasan.

3.2 Isang Mamamayan

Bilang mamamayan, at mambabasa, natuklasan naming ang pagbasa ay isang mahalagang gawi para sa ating mga tao. Nagdudulot ito ng mga positibong bagay sa ating lipunan pati na din sa ating mga mamamayan. Tulad na lamang ng pagtulong nito sa atin na maging imahinatibo o pagkakaroon ng malikhaing pag-iisip. Nakapagbibigay din ito ng dagdag kaalaman o aral. Nagbabasa tayo upang makaagapay sa daloy ng panahon. Tulad din ng nabanggit, ito’y napupulutan ng aral sapagkat nadadagdagan ang mga mambabasa ng tiwala sa sarili. Dahil sa tuwing tayo ay nagbabasa, nadadagdagan ang ating bokabularyo at nabibigyan

(35)

natin ng kasagutan ang mga bagay-bagay tungkol sa lipunan na ating ginagalawan. Mahalaga din ang pagbabasa sa kadahilanang nae-ehersisyo nito ang ating utak upang makisabay s amga pagbabagong nagaganap sa ating paligid.

Konklusyon

Base sa mga resulta mula sa istriko at masusing pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, ang mga sumusunod na konklusyon ay aming nakuha:

1. Napatunayan na maraming pa ring mabubuting kulturang Pilipino ang matatagpuan sa mga babasahing popular. Kahit marami ng nagbago sa panahon ngayon, napanatili pa rin nitong ipakita o ilarawan sa mga akdang pampanitikan ang mga kinaugalian pamumuhay ng mga Pilipino na nagmula pa sa ating mga ninuno. Pinatunayan na kahit gaano katagal o karami ang magbago may mananatili pa rin mga katangian na hindi basta-bastang mawawala. Lalong-lalo ang mga magagandang katangian na dapat taglayin ng bawat Pilipino

2. Napatunayan na maingat ang paggamit ng mga elemento at salik na binubuo ng isang nobela, tulad na lamang ng tauhan, pangyayari at mensahe. Sinigurado ng manunulat na ang mga elemento at salik na ito ay tunay na nagpapakita ng totoong kulay at kultura ng isang Pilipino. Halimbawa na lamang ang tauhan, nagawang iparating ng manunulat ang mga pag uugaling taglay ng isang Pilipino sa mga katagian ipinapakita ng mga tauhan sa kwento. At sa pangyayari, nailahad ng manunulat ang kadalasan takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino. Nailalarawan niya kung paano mag-isip at magbigay-reaksyon ang mga Pilipino sa mga naturang sitwasyon o kaganapan sa buhay. Maayos rin ang pagkalahad ng mga mensaheng nais iparating ng awtor na para naman sa ikabubuti at ikauunlad ng mga Pilipino.

3. Maraming naidulot ng mabubuting aral sa mga mambabasa lalo na bilang isang estudyante at mamayang pilipino. Binibigyan ng mga aral na ito ng gabay

(36)

at tamang gawi na dapat maipamalas ng isang Pilipino. Sa pamamagitan ng mga aral na ito mas lalong mapapaunlad ang ating mga kaalaman sa pamumuhay. Makatutulong ito sa paglutas ng mga problema sa hinaharap. Maari tayo nitong bigyan ng mga tamang ideya o solusyon sa mga problema. Sa tulong ng mga ito mas mapapadali na ang takbo ng ating buhay at mas may alam tayo sa mga maaring kahihinatnan ng mga bagay-bagay sa pagdedesisyon.

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod na mga rekomendasyon ay inaalok bilang mga posibleng paraan upang mapabuti ang pag-aaral na ito.

1. Sa mga manunulat hinihikayat naming na maglathala pa ng napakaraming babasahing popular tulad na ito na napapalood o nasasalamin ang mga kulturang Pilipino. Nang sa ganoong paraan mas magkaroon ang mga modernong tao sa mga kaugalian at katangian na dapat taglayin ng isang mamamayang Pilipino

2. Sa mga manunulat, sana naman panatiliin nila ang magandang at mataas na kalidad ng paggamit sa mga salik at element ng kwento. Sana ay hindi ito basta- basta gagawin na lamang. Sana ay mabigyan nila ito ng magandang representasyon at kahulugan.

3. Sa mga mag-aaral isang magandang katangian taglayin ang malalim na pag-unawa sa ating mga binabasa. Sapagkat mahalaga sa ating ang pagbabasa at pagkuha ng imporsyon dito. Kaya naman hinihikayat naming mananalasik sa mga susunod na mag-aaral na gagawa ng pananaliksik na ito, na mas bigyan ninyo ng mas malalalim na pag-aaral na ito. Sana ay mapagtuunan ninyo ang mga ibang salik o bagay na hindi na banggit sa pag-aaral na ito.

References

Related documents

Research on Arts, Health and Wellbeing is an expanding field of interest as reflected by the emergence of, and investment in, several distinct centres inquiry

All the extracted information refers only to ERSD patients undergoing hemodialysis for whom anemia has been treated with ESA therapy in the form of IV Darbepoietin and IV Iron, that

ATGL: Adipose triglyceride lipase; CGI-58: Comparative gene identification-58; DG: Diglyceride; HDL-c: High density lipoprotein cholesterol; HF: High-fat diet group; HFT: High-fat

Background: In one-piece nesting termites, which nest and forage in a single piece of wood, soldier production increases during the swarming period, i.e. when the risk of invasion

Results: Findings disclosed some key themes perceived by nurses to restrict them to use research findings: level of support require to be research active, to be research minded,

The declining interaction level was characterized in two ways: as an interaction between the presence of technical flair and viewing the patient as an object and as an inter-

Based on the fact that one cannot be assured of observing population maximum lifespans in finite samples, in previous work, we constructed and validated several tests of difference