Pananaw ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Pagpapalit Koda Bilang Midyum ng Pagtuturo sa Special Science Curriculum at General Curriculum ng
Dasmariñas National High School
Rizzalyn D. Vargas
Lingguwistika
De La Salle University-Dasmariñas
Kabanata I
KALIGIRAN NG PAG-AARAL Introduksyon
Ang paggamit ng wikang Filipino ay nananatiling buhay sa puso at isip nating mga Pilipino. Para itong isang binhi na itinanim na siyang mamumunga at yayabong na ating aanihin sa paglipas ng panahon. Isa itong mayabong at matatag na puno na patuloy na sumasabay sa mahina man o malakas na ihip ng hangin. Subalit ito ay unti-unting nababago sa paglipas ng panahon. Ang ating wika ay nahahaluan na ng wikang banyaga partikular na ang wikang Ingles. Mahalaga ang paggamit ng wika sa komunikasyon. Sabi nga nila ang tulay patungo sa kaunlaran ay isang bansang may pagkakaisa, kasabay nito ang matatag at buong pamayanan na may wikang nag-uugnay sa bawat isa.
Sa panahon ngayon, sa usaping pang wika sa gitna ng globalisasyon, ang hangarin ay bigyang-diin ang pagpapalawig ng kahalagahan ng wikang Ingles bilang wika ng globalisasyon. Isa sa kapansin-pansin ay ang paglitaw ng wikang Ingles bilang lingua
franca ng mundo at naging dahilan ng pag-usbong ng mga bilingguwal at multilingguwal
(Bernardo,2005). Dahil dito, ang bilingguwalismo at multilingguwalismo ay naging bahagi ng edukasyon ng Pilipinas. Sa usaping ito pumasok ang mga debate at mga pag-aaral tungkol sa kung anong wika ang gagamiting midyum sa pagtuturo. Isa sa mga midyum na ito ay ang papapalit koda. Ito ay tumutukoy sa pagpapalit ng gamit ng isa o marami pang wika sa klase (Lin,2008). Ito ay paggamit ng mga bilingguwal ng
pinagsamang wika sa isang lugar o pangyayari upang mabisang ipahayag ang kanilang damdamin sa kanilang kausap o sa mga nakikinig. Maaaring ang pagpapalit ay sa salita,
sugnay, o pangungusap. Gayunman, ang pagpapalit ay sa wika lamang at hindi sa pagsasama ng salita, sugnay, o pangungusap sa iba pang wika (Grosjean,1982). Ang paggamit ng pagpapalit koda ay matagal ng pinag-aaralan sa iba’t ibang parte ng mundo. Maraming mga pag-aaral na ang pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo ay may negatibong epekto sa pag-aaral ng wika at sa iba pang akademikong aspekto (Dewaele, Housen, & Wei, 2003).
Gayunpaman, marami ring mga pag-aaral na nagsasabing nakakatulong ang pagpapalit koda lalo na sa pagtamo ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng ikalawang wika, lalo na sa paggamit nito upang lubos na maunawaan ang mga terminolohiya na salin mula sa iba pang wika (Kim,2015).
Masasabing ang pagpapalit koda ay isang mabisang kagamitan sa pag-aaral lalo na sa pag-aaral ng wika. Ang pagpapalit koda rin ay maaaring gamitin ng mga mag-aaral upang mas mapadali nilang maipahayag o maipaliwanag ang isang konsepto
(Bernardo,2005). Sinasabing mas ayaw gamitin ng mga mag-aaral na may mataas na antas na kasanayan ang pagpapalit koda ngunit hindi maitatanggi na nagagagamit nila ito sa loob ng paaralan.(Horasan,2014)
Ayon kay Dr. Ponciano B. Pineda mula sa aklat ni Sibayan (1985), ang dating Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa, ay hinihikayat ang paghahalo ng Ingles at Filipino dahil ito ay makakatulong sa paglago ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Mula sa mga pag-aaral ng pagpapalit koda, nagkaroon na ng mga ebidensya sa positibong bunga ng bilingguwalismo sa pagtamo ng kaalaman lalo na sa paggamit ng wika.
Maraming nang mga espesyalista sa pag-aaral ng pangalawang wika ang umaayon na ang paggamit ng unang wika ay isa sa pinaka importanteng mapagkukunan ng kaalaman sa
pag-aaral ng ikalawang wika. Ayon sa pag-aaral, nasa kalahati ng klase (44%) ang nagsasabing ang pagpapalit koda ay natural at katanggap-tanggap. Sinasabing mas nakakapag-usap sila sa ganitong paraan at mas madali ang kanilang pagkatuto. Apat naman sa limang guro ang hindi sang-ayon sa paggamit nito sa silid-aralan dahil
maaaring magtamo ng mga negatibong reaksyon at kinakailangan ang pagiging matatas sa paggamit ng wika, Filipino man o Ingles (Metila,2009). Maraming mga nag-aaral ng wika at mga tagapagturo ang nagsasabing ang pagpapalit koda ay nagdudulot ng negatibong epekto sa pag-aaral ng wika, ang iba naman ay nakikita na ito ay isa sa mga hakbang sa pagkatuto ng bagong wika (Castillo,2014).
Gayunman, kulang parin ang mga pag-aaral sa kung nakakaapekto ba ang kasanayan ng mag-aaral sa kanilang pananaw sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo. Mula sa isang pag-aaral, ang mga mag-aaral maging ang mga guro ay madalas ginagamit ang pagpapalit koda sa loob ng klase. Sinasabing ang pagpapalit koda ay isa sa mga kagamitan upang pagyamanin ang kaalaman lalo na sa mga
nagsisimula pa lang at ginagamit sa pagpapasaya ng klase upang makuha ang atensyon, ngunit kailangang isantabi kapag ang antas ng kasanayan ay papataas na (Horasan,2014).
Sa kadahilanang ito, isa sa pinaka interesanteng pag-aralan ay kung nakakaapekto ba ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa kanilang pananaw sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum ng pagtuturo.
Dahil sa paglaganap ng pagpapalit koda maging sa social media at iba pang sektor ng lipunan at nagagamit ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng una at ikalawang wika, layunin ng manananaliksik na alamin ang pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng
pagkakakaiba ng pananaw ng mga mag-aaral sa magkaibang antas ng kasanayan. Dahil dito makakatulong sa atin ang mga mag-aaral sa Special Science Curriculum at mag-aaral sa General Curriculum ng Dasmariñas National High School. Ang mga mag-aaral ng SSC ay sumisimbolo sa mga mag-aaral na may mas mataas na antas ng kasanayan kumpara sa mga nasa GC. Ang mag-aaral dito ay masusing pinili ng paaralan sa pamamagitan ng mas mataas na grado, mga pagsusulit at panayam kasama na rin ang paggamit ng mas
espesyal na kurikulum sa kanilang pag-aaral na nagpapatunay na may mas mataas na antas ng kasanayan ang mga mag-aaral dito.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod.
Kagawaran ng Edukasyon, Tagapaggawa ng mga Polisiya at Tagapagplano ng Kurikulum. Mabibigyan sila ng kaalaman tungkol sa isyu ng paggamit ng pagpapalit
koda sa pagtuturo. Malalaman nila ang mga suliraning maaring kaharapin at mabigyang lunas o solusyon ito. Mabibigyan din ng pansin ang paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo sa mga susunod na pagpaplano ng kurikulum.
Mga Administrador, Punongguro, at mga Ulongguro. Mabibigyan linaw sila sa
estado ng paggamit ng mga bilingguwal at multilingguwal ng pagpapalit koda sa loob ng paaralan. Maaari rin itong maging hakbang upang higit na mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng kani-kanilang mga guro at mag-aaral.
Mga Guro. Magkakaroon sila ng positibong pananaw upang gampanan ang
gayon ay maari silang magsaliksik para sa kanilang sarili tungkol sa parehas na paksa upang makatulong sa kanilang pagtuturo.
Mga Mag-aaral. Upang mas lalo nilang maintindihan ang kahalagahan ng
paggamit ng tamang midyum sa pagtuturo para makatulong sa kanilang pagkatuto. Magiging kapaki-pakinabang rin ito sa mga mag-aaral upang maintindihan ng kanilang mga guro ang kanilang mga hinanaing sa paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo.
Ibang mga Risertser o Mananaliksik. Ang gawaing ito ay maari nilang gawing
reperensiya kapag sila ay gumawa ng mga katulad na pag-aaral. Maari nilang baguhin ang disenyo at magdagdag ng iba pang mga varyabol. Higit sa lahat, maari nilang
beripikahin, katigan, o dili kaya ay pasinungalingan ang magiging resulta ng pag-aaral na ito.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Nakapokus ang pag-aaral na ito sa pag-alam ng pananaw ng piling mag-aaral mula sa dalawang kurikulum mula sa Dasmariñas National High School. Ito ay magmumula sa 10% ng bilang ng mag-aaral sa anim na seksyon na hahatiin mula sa dalawang kurikulum. Ang Special Science Curriculum na gumagamit ng kurikulum na mas pinagyaman para sa mga mag-aaral na may mas mataas na kasanayan na pinagsama-sama at masusing pinili gamit ang mga pagsusulit at panayam. Ang General Curriculum naman ay para sa mga mag-aaral na gumagamit ng kasalukuyang kurikulum.
Itutuon ang pag-aaral sa pag-alam sa kung sumasang-ayon ba ang mga mag-aaral s apaggamit ng pagpapalit koda particular na ang taglish bilang midyum sa pagtuturo sa mga asignatura sa dalawang magkaibang kurikulum.
Ang mga datos na ginamit sa pag-aaral ay nagmula sa talatanungang sarbey na hinanda ng mananaliksik.
Batayang Teoretikal sa Pagsusuri
Ang ginamit na batayan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang
Communication Accomodation Theory na nilinang ni Howard Giles upang maipakita ang konsepto ng pagpapalit koda sa pananaw ng mga mag-aaral. Makikita din dito ang pagkakaiba ng pananaw ng mga mag-aaral sa SSC at GC dahil sa magkaibang kurikulum at kapaligiran.
Ang Communication Accomodation Theory ni Howard Giles, propesor ng sikolohiya at lingguwistika sa University of California, Santa Barbara sa Estados Unidos ay nagpapaliwanag ng mga dahilan sa paggamit ng pagpapalit koda at iba pang
pagbabago sa paggamit ng wika dahil sa ang bawat isa ay nais madagdagan o mabawasan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng kanilang sarili o ng kanilang kapaligiran. (Hordila & Pana,2010) Nais nilang maging pareho sa kanilang kapaligiran, paraan upang iugnay ang kanilang sarili at hindi maging iba. Minsan naman ay nais nilang maging iba sa
kadahilanang nais nilang mapansin sila ng iba. Sa usaping pang wika, ipinapaliwanag ng teoryang ito na nagkakaroon ng kagustuhang gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap ang bawat isa para bigyang halaga ang pakikiisa, pakikilahok,
pakikipagpalagayang-loob, o kaya’y ipagmalaki ang kanilang sarili na sila ay galing sa ibang grupo.
Ayon sa isang artikulo na isinulat ni Rico, (2011) tinalakay dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay ang tumatalakay sa
impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbawa ang Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang naging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit(nominalisasyon). Dito ay binabago ng
tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin. Dito nagsimula ang pagpapalit koda ng mga Pilipino sa paggamit ng Taglish.
Ang teoryang ito ay mag kaugnayan sa pag-aaral upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa Dasmariñas National High School sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo. Kilala ang mga Dasmarineño sa paggamit ng wikang Filipino at kinakailangan naman na ang pangunahing wika na gagamitin bilang midyum ng pagtuturo ay Ingles sa pampribado at pampublikong paaralan sa sekondarya sa buong bansa na hindi bababa sa 70% ang paggamit ng wikang Ingles sa pag-aaral ayon sa Executive Order No. 210, (2003) ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Dahil dito, inaasahan ang malawakang paggamit ng pagpapalit koda sa pag-aaral.
Batay na rin sa teoryang ito, inaasahan na ang mga mag-aaral sa SSC ay mas madalang ang paggamit ng pagpapalit koda at mas nanaisin ang paggamit ng matatas na paggamit ng Ingles o Filipino sa ibang asignatura bilang midyum ng pagtuturo upang mas mapataas ang antas ng kanilang kasanayan kung ikukumpara sa mga mag-aaral sa GC na mas nanaising gamitin ang pagpapalit koda upang mas maintindihan ang talakayan.
Naniniwala ang mananaliksik na sa paggamit ng teoryang ito, mas mauunawaan at mas magagabayan ang pag-aaral ng pananaw ng mga mag-aaral sa pagpapalit ng koda at kung may pagkakaiba ang pananaw ng mga mag-aaral sa SSC at GC sapagkat ang teoryang ito ay may sapat na impormasyon partikular na sa pag-aaral ng pangalawang wika kung saan napapaloob ang paggamit ng pagpapalit koda.
Pamamaraan sa Pagkuha ng Datos
Tatalakayin sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, mga kalahok sa pag-aaral, proseso ng pagkalap ng datos, at ang pagsusuri ng datos.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyong deskriptibo ang ginamit sa pagsasaliksik na ito. Ayon kay Jacobs (2010), naaayong gamitin ang disenyong ito sapagkat ipapakita nito ang tunay na kalagayan ng mga baryabol na hindi minamanipula ng mananaliksik. Kumbaga, bibigyang pagsasalarawan ang mga kondisyon, mga gawi, mga sitwasyon o mga pangyayari ayon sa kanilang kaganapan.
Mga Kalahok sa Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang cluster sampling, kung saan ang mananaliksik ay pumili ng mga kalahok mula sa malaking pangkat hanggang makapili ng sapat na kalahok. Mula sa mga mag-aaral sa Dasmariñas National High School, ito ay nakapangkat sa Special Science Curriculum at General Curriculum. Kung saan ang bawat kurikulum ay may 4 na baitang (ika-pitong baitang hanggang ika-sampung baitang). Ang SSC ay mayroong 3 pangkat bawat antas at nasa 18 pangkat naman sa GC. Dahil sa hindi pantay ang mga pangkat ng bawat kurikulum, ginamit lamang ng mananaliksik ang
unang 3 pangkat sa GC sa bawat antas. Mula dito ginamit ng mananaliksik ang simple
random sampling upang makapili ng 10% sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa bawat
pangkat.
Proseso ng Pagkalap ng Datos
Ang ginamit ng mananaliksik sa pagkalap ng datos ay Talatanungang Sarbey tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral sa paggamt ng pagpapalit koda bilang midyum ng pagtuturo.
Ang mananaliksik ang gumawa ng talatanungang sarbey para sa mga kalahok . Ito ay batay sa mga nasaliksik na artikulo at mga kaugnay na pag-aaral na nalikom ng mananaliksik.
Unang ginawa ng mananaliksik, ay gumawa ng talatanungang sarbey batay sa mga pag-aaral at mga kaugnay na pananaliksik sa gagawing pag-aaral. Pinabasa ito sa mga guro na dalubhasa sa wikang Filipino upang tiyaking tama ang mga pangungusap at pariralang ginamit. Binago ng mananaliksik ang instrumento batay sa mga naibigay na suhestiyon. Matapos baguhin ito, pinagamit ito sa piling mag-aaral na hindi kasama sa nasabing pag-aaral na tinatawag na “face validation”. Matapos makalap ang lahat ng kailangang impormasyon upang mapaganda ang instrumento, saka pa lamang ginawang pinal ang mga ito na ipinamigay sa mga mag-aaral na tagasagot, pinaalam sa awtoridad na ang mga mag-aaral ng Dasmariñas National High School ang gagamitin ng mananaliksik sa kaniyang pag-aaral.
Gamit ang bilang na 1 hanggang 5 kung saan ang 5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa, ang mga kasagutan sa mga aytem ay sinukat sa pamamagitan ng iskala sa ibaba.
Iskor Hangganan Interpretasyon para sa Pananaw ngMag-aaral
5 4.21 – 5.00 Lubhang Sumasang-ayon 4 3.41 – 4.20 Higit na Sumasang-ayon 3 2.61 – 3.40 Sumasang-ayon 2 1.81 – 2.60 Bahagyang Sumasang-ayon 1 1.00 – 1.80 Hindi Sumasang-ayon Pagsusuri ng Datos
Upang matiyak na katanggap-tanggap ang interpretasyon ng datos, ginamit ng mananaliksik ang sumusunod na estadistikang pamamaraan.
1. Ang Bilang at Bahagdan ng mga datos ay ginamit upang maibahagdan ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum ng pagtuturo. Upang makuha ang bahagdan ng kanilang pananaw, gumamit ng istatistikal na pormula ang mananaliksik.
=ƒ
N X 100
% = Bahagdan
ƒ = Bilang ng mga kasagutan
N = Kabuuang -bilang ng mga sagot 100 = Konstant
2. Weighted Mean at Standard Deviation ay ginamit upang maiprisinta ang pagkakaiba ng pananaw ng mga mag-aaral sa magkaibang kurikulum at upang malaman kung may kaugnayan ang antas ng kasanayan sa kanilang pananaw sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo.
Gamit ang mga estadistikang pamamaraan na ito, nalaman ng mananaliksik ang bahagdan ng bawat mga kasagutan. Gumamit ng graph ang mananaliksik upang mailarawan ang mga datos.
Kabanata 2
Sa panahon ng globalisasyon, ang paglaganap ng wikang Ingles bilang lingua
franca ng mundo ay nagbunsod ng isang suliranin sa ating pambansang wika, ang wikang
Filipino. Dahil dito nakilala natin ang pagpapalit koda. Ingles man ang pangunahing midyum sa pagtuturo sa sekondarya sa buong Pilipinas hindi maiaalis sa ating Pilipino ang paggamit ng pagpapalit koda ng Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan.
Sa pag-aaral na ito, nais masagot ng mananaliksik ang mga sumusunod:
1. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum ng pagtuturo sa Dasmariñas National High School?
2. May pagkakaiba ba ang pananaw ng mga mag-aaral sa Special Science Curriculum at General Curriculum sa paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo?
3. Nakakaapekto ba ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pananaw sa paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo?
Kabanata 3
PRESENTASYON NG KINALABASAN NG PAG-AARAL
Inilahad sa kabanatang ito ang mga naging kasagutan sa mga katanungan na nasa sa unahan ng pag-aaral.Ipinakita sa mga figyur at talahanayan kung ano ang kinalabasan
ng kasagutang ng mga mag-aaral kung ano ang kanilang pananaw sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo.
Ang mga sumusunod ay ang mga datos na nagmula sa talatanungang sarbey na inihanda ng mananaliksik.
1. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum ng pagtuturo sa Dasmariñas National High School?
4.21 - 5.00 3.41 - 4.20 2.61 - 3.40 1.81 - 2.60 1.00 - 1.80 0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 7% 57% 33% 3% 0% Bahagdan
Makikita sa Figyur 1 ang bahagdan ng pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo.
Figyur 1. Bahagdan ng Pananaw ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Pagpapalit Koda Bilang Midyum sa Pagtuturo
Maliwanag na sa kabuuang bilang ng mag-aaral mula sa Dasmariñas National High School, pinakamalaking bahagdan ang higit na sumasang-ayon na may limampu’t pitong bahagdan (57%). Sinundan ito ng sumasang-ayon na may tatlumpu’t tatlong bahagdan (33%), Lubos na sumasang-ayon na may pitong bahagdan (7%) at bahagyang sumasang-ayon na may tatlong bahagdan (3%).
Sa biglang pagtingin, maraming mag-aaral ang higit na sumasang-ayon sa
paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo. Makikita rin na batay sa datos na walang mag-aaral ang di sumasang-ayon dito.
Makikita sa Talahanayan 1 ang Mean at SD ng bawat katanungang nilalaman ng talatanungang sarbey, makikita rin dito ang Mean at SD ng kanilang kabuuang pananaw sa mga katanungan.
Talahanayan 1. Mean at SD ng Pananaw ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Pagpapalit Koda Bilang Midyum sa Pagtuturo
Mga Katanungan I
1. Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakakatulong upang mas maipahayag ang damdamin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog.
Higit na Sumasang-ayon 2. Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakakatulong upang mas
maipahayag ang damdamin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles.
Higit na Sumasang-ayon 3. Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang
ginagamitan ng wikang Ingles kung purong Ingles ang ginagamit sa pagtuturo.
Higit na Sumasang-ayon 4. Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang
ginagamitan ng wikang Tagalog kung purong Tagalog ang ginagamit sa pagtuturo.
Bahagyang Sumasang-ayon 5. Mas madali ang pagkatuto ng wikang Ingles sa paggamit ng
Pagpapalit Koda. Higit na Sumasang-ayon 6. Mas madali ang pagkatuto ng wikang Tagalog sa paggamit ng
Pagpapalit Koda. Sumasang-ayon
7. Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog.
Lubhang Sumasang-ayon 8. Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng Pagpapalit
Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles.
9. Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakatutulong sa pagpasa sa
mga pagsusulit. Sumasang-ayon
10. Nahihirapan sa paggamit ng purong Ingles o Tagalog sa pagsagot
sa pagsusulit. Sumasang-ayon
Pangkalahatan Higit na Sumasang-ayon
Pananda: I – interpretasyon; p – pagkakasunod sunod
4.21- 5.00- Lubhang Sumasang-ayon 1.81-2.60- Bahagyang SUmasang-ayon 3.41- 4.20- Higit na sumasang-ayon 1.00-1.80- Hindi Sumasang-ayon 2.61-3.40- Sumasang-ayon
Makikita sa Talahanayan 1 ang pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo na mayroong pangkalahatang mean na 3.55 (sd=0.23) na may interpretasyon na higit na sumasang-ayon.
Sa pagiisa-isa, nangunguna ang “Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog” (
w
X
=4.57, sd=0.50). Sinundan ito ng “Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles”
( w
X
4.33=, sd=0.48), “Mas madali ang pagkatuto ng wikang Ingles sa paggamit ng
Pagpapalit Koda.” ( w
X
=4.03 sd=0.49). Nasa huli naman ang “Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog kung purong
Tagalog ang ginagamit sa pagtuturo” ( w
X
=1.93, sd=0.87).
Sa pangkalahatang impresyon, pinatutunayan lamang ng resulta na sadyang maraming mag-aaral ang sumasang-ayon na katanggap-tanggap ang paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo sa paaralan.
2. May pagkakaiba ba ang pananaw ng mga mag-aaral sa Special Science Curriculum at General Curriculum sa paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo?
Sa Figyur 2 makikita ang pinagkaiba ng pananaw ng mga mag-aaral sa magkaibang kurikulum sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo.
Figyur 2. Bahagdan ng Pananaw ng mga Mag-aaral sa SSC at GC sa Paggamit ng Pagpapalit Koda Bilang Midyum sa Pagtuturo
4.21 - 5.00 3.41 - 4.20 2.61 - 3.40 1.81 - 2.60 1.00 - 1.80 0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 0% 27% 67% 7% 0% 13% 87% 0% 0% 0% SSC GC Bahagdan
Kapansin-pansin sa figyur na ito ang pagkakaiba ng pananaw ng mag-aaral sa SSC at GC. Batay sa resulta ng sarbey, walang lubos na sumasang-ayon sa SSC at may labingtatlong bahadan (13%) naman sa GC. Para sa higit na sumasang-ayon, may
Interpretasyon sa Pananaw ng Mag-aaral 4.21 – 5.00 Lubhang Sumasang-ayon 3.41 – 4.20
dalawampu’t pitong bahagdan (27%) sa SSC at walumpu’t pitong (87%) bahagdan naman sa GC, animnapu’t pitong bahagdan(67%) ang sumasang-ayon at pitong bahagdan (7%) ang bahagyang sumasang-ayon sa SSC.
Makikitang ang pinaka mataas na bahagdan ng SSC ay nasa sumasang-ayon at ang pinakamataas na bahagdan ng GC ay nasa lubos na sumasang-ayon.
Nangangahulugang mas sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa GC sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo kung ikukupara sa mga mag-aaral ng SSC.
Upang mas lalong mapatunayan ang resultang ito, kinuha ng mananaliksik ang kabuuang Mean at SD ng mga kasagutan ng mag-aaral sa bawat katanungan sa sarbey na pinakita sa mga talahanayan sa ibaba.
Sa Talahanayan 2 makikita ang Mean at SD ng pananaw ng mag-aaral sa Special Science Curriculum sa paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo batay sa bawat
katanungan sa sarbey na sinagutan.
Talahanayan 2. Mean at SD ng Pananaw ng mga Mag-aaral sa Special Science Curriculum sa Paggamit ng Pagpapalit Koda Bilang Midyum sa Pagtuturo
Mga Katanungan I
1. Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakakatulong upang mas maipahayag ang damdamin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog.
3.33 0.7
2 Higit na Sumasang-ayon 2. Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakakatulong upang mas
maipahayag ang damdamin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles.
3.60 1.06 Higit na Sumasang-ayon 3. Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang
ginagamitan ng wikang Ingles kung purong Ingles ang ginagamit sa pagtuturo.
2.87 0.35 Higit na Sumasang-ayon 4. Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang
ginagamitan ng wikang Tagalog kung purong Tagalog ang ginagamit sa pagtuturo.
1.87 0.8
3 Bahagyang Sumasang-ayon 5. Mas madali ang pagkatuto ng wikang Ingles sa paggamit ng
Pagpapalit Koda. 3.87
0.3
5 Higit na Sumasang-ayon 6. Mas madali ang pagkatuto ng wikang Tagalog sa paggamit ng
Pagpapalit Koda. 2.67
0.6
2 Sumasang-ayon 7. Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng Pagpapalit
Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog.
4.20 0.4
8. Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles.
4.33 0.4
9 Lubhang Sumasang-ayon 9. Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakatutulong sa pagpasa sa
mga pagsusulit. 2.53
0.5
2 Sumasang-ayon 10. Nahihirapan sa paggamit ng purong Ingles o Tagalog sa pagsagot
sa pagsusulit. 2.60
0.5
1 Sumasang-ayon Pangkalahatan 3.19 0.23 Sumasang-ayon Pananda: I – interpretasyon; p – pagkakasunod sunod
4.21- 5.00- Lubhang Sumasang-ayon 1.81-2.60- Bahagyang SUmasang-ayon 3.41- 4.20- Higit na sumasang-ayon 1.00-1.80- Hindi Sumasang-ayon 2.61-3.40- Sumasang-ayon
Makikita sa Talahanayan 2 ang pananaw ng mag-aaral sa Special Science Curriculum sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo na mayroong pangkalahatang mean na 3.19 (sd=0.23) na may interpretasyon na sumasang-ayon.
Sa pagiisa-isa, nangunguna ang “Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles”
( w
X
=4.33, sd=0.49). Sinundan ito ng “Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog”
( w
X
4.20=, sd=0.41), “Mas madali ang pagkatuto ng wikang Ingles sa paggamit ng
Pagpapalit Koda.” ( w
X
=3.87 sd=0.35). Nasa huli naman ang “Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog kung purong
Tagalog ang ginagamit sa pagtuturo” ( w
X
Sa Talahanayan 3 naman makikita ang Mean at SD ng pananaw ng mag-aaral sa General Curriculum sa paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo batay sa bawat katanungan sa sarbey na sinagutan.
Talahanayan 3. Mean at SD ng Pananaw ng mga Mag-aaral sa General Curriculum sa Paggamit ng Pagpapalit Koda Bilang Midyum sa Pagtuturo
Mga Katanungan I
1. Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakakatulong upang mas maipahayag ang damdamin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog.
4.20 0.68 Higit na Sumasang-ayon 2. Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakakatulong upang
mas maipahayag ang damdamin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles.
4.20 0.94 Higit na Sumasang-ayon 3. Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang
ginagamitan ng wikang Ingles kung purong Ingles ang ginagamit sa pagtuturo.
4.80 0.5
6 Higit na Sumasang-ayon 4. Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang
ginagamitan ng wikang Tagalog kung purong Tagalog ang ginagamit sa pagtuturo.
2.00 0.9
3 Bahagyang Sumasang-ayon 5. Mas madali ang pagkatuto ng wikang Ingles sa paggamit ng
Pagpapalit Koda. 4.20
0.5
6 Higit na Sumasang-ayon 6. Mas madali ang pagkatuto ng wikang Tagalog sa paggamit ng
Pagpapalit Koda. 3.20
0.4
1 Sumasang-ayon 7. Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng
Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog.
4.93 0.2
6 Lubhang Sumasang-ayon 8. Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng
Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles.
4.33 0.49 Lubhang Sumasang-ayon 9. Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakatutulong sa
pagpasa sa mga pagsusulit. 3.93 0.4
6 Sumasang-ayon 10. Nahihirapan sa paggamit ng purong Ingles o Tagalog sa
pagsagot sa pagsusulit. 3.40
0.9
1 Sumasang-ayon
Pangkalahatan 3.92 0.2
4 Higit na Sumasang-ayon Pananda: I – interpretasyon; p – pagkakasunod sunod
4.21- 5.00- Lubhang Sumasang-ayon 1.81-2.60- Bahagyang SUmasang-ayon 3.41- 4.20- Higit na sumasang-ayon 1.00-1.80- Hindi Sumasang-ayon 2.61-3.40- Sumasang-ayon
Makikita sa Talahanayan 3 ang pananaw ng mag-aaral sa General Curriculum sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo na mayroong pangkalahatang mean na 3.92 (sd=0.24) na may interpretasyon na higit na sumasang-ayon.
Sa pagiisa-isa, nangunguna ang “Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog”
( w
X
=4.93, sd=0.26). Sinundan ito ng “Katanggap-tanggap ang mga guro na gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles”
( w
X
4.33=, sd=0.49), “Mas madali ang pagkatuto ng wikang Ingles sa paggamit ng
Pagpapalit Koda.” ( w
X
=4.20 sd=0.56). Nasa huli naman ang “Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog kung purong
Tagalog ang ginagamit sa pagtuturo” ( w
X
=2.00, sd=0.93).
Sa pangkalahatang impresyon, kung pagkukumparahin ang Mean at SD ng SSC at GC, lumalabas na may mas mataas na pagsang-ayon ang pananaw ng mga mag-aaral sa GC na may Mean na 3.92 (sd=0.24) sa SSC na may Mean na 3.19 (sd=0.23).
Pinatutunayan lamang ng resulta na sadyang mas maramaing mag-aaral sa GC ang sumasang-ayon na katanggap-tanggap ang paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo sa paaralan kumpara sa SSC.
3. Nakakaapekto ba ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pananaw sa paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo?
Batay sa resultang nakalap sa pag-aaral na ito, kung pagbabatayan ang Figyur 2, makikita dito ang pagkakaiba ng pananaw ng mga mag-aaral sa magkaibang kurikulum.
Ang pinakamataas na bahagdan ng SSC na may animnapu’t pitong bahagdan (67%) sa sumasang-ayon at ang pinakamataas na bahagdan ng GC na may walumpu’t pitong bahagdan (87%) ay nasa higit na sumasang-ayon.
Nangangahulugang mas sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa GC sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo kung ikukupara sa mga mag-aaral ng SSC.
Makikita sa Talahanayan 4 ang pagkakaiba ng Mean at SD ng dalawang kurikulum sa kanilang pananaw sa paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo.
Talahanayan 4. Mean at SD ng Kabuuang Pananaw ng mga Mag-aaral sa SSC at GC sa Paggamit ng Pagpapalit Koda sa Pagtuturo
Kurikulum Mean SD I P
Special Science Curriculum 3.19 0.23 Sumasang-ayon 2 General Curriculum 3.92 0.24 Higit na Sumasang-ayon 1
Batay naman sa Talahanayan 4 pinapakita dito ang Mean at SD ng dalawang kurikulum batay sa mga kasagutang nakalap mula sa talatanungang sarbey. Lumalabas na may Mean na 3.92 (sd=0.24) ang GC at may Mean na 3.19 (sd=0.23) ang SSC.
Pinatutunayan lamang ng resulta na sadyang mas maramaing mag-aaral sa GC ang sumasang-ayon na katanggap-tanggap ang paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo sa paaralan kumpara sa SSC.
Sa pangkalahatang impresyon, ang mga mag-aaral na may mas mataas na
kasanayan na nasa SSC ay may mas mababang pagsang-ayon sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo kumpara sa mga mag-aaral na may katamtamang
kasanayan na nasa GC. Makikita sa pag-aaral na ito na sadyang nakakaapekto ang antas ng kasanayan ng mag-aaral sa kanilang pananaw sa paggamit ng midyum sa pagtuturo.
Kabanata 4
PAGLALAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Sanggunian:
Bernardo, A. B. I. (2005). Bilingual Code-Switching as a Resource for Learning and Teaching: Alternative Reflections on the Language and Education Issue in the Philippines. In D.T. dayag & J.S. Quakenbush (Eds.), Linguistics and language
education in the Philippines and beyond: A Festschrift in honor of Ma. Lourdes S. Bautista (pp. 151-169). Manila: Linguistic Society of the Philippines.
Dewaele, J.-M., Housen, A., & Wei, L. (2003). Bilingualism: Beyond basic principles. Clevedon, UK: Multilingual Matters.
Executive Order No. 210, (2003). Retrieved from http://www.gov.ph/2003/05/17/ executive-order-no-210-s-2003/. (May 4, 2015)
Grosjean, F. (1982). Life with two languages: An Introduction to Bilingualism. p. 187. United States of America: Harvard University Press
Horasan, S. (2014). Code-switching in EFL classrooms and the perceptions of the students and teachers. Journal of Language and Linguistic Studies, 10(1), 31-45. Retrieved from http://www.jlls.org/index.php/jlls/article/view/159/175. (May 4, 2015
Hordila E.M., Pana, A. M. (2010). The International Journal of Interdisciplinary of Social Sciences. The Application of the Communication Accommodation Theory to
Virtual Communities: A Preliminary Research on the Online Identities. USA:
Common Ground Publishing LLC
Jacobs,R. (2010). Descriptive research, N.J Erbaum
Kim, H. (2015). The Journal of Language Teaching and Learning, 2015–1, The Use and Perception of Codeswitching among Teachers and Students, pp. 34-51. Retrieved from http://journal.jltl.org/index.php/jltl/article/view/328/83. (May 4,2015) Lin, A.M.Y. (2008). Encyclopedia of Language and Education, Code‐Switching in the
Classroom: Research Paradigms and Approaches, ed. By Nancy H. Hornberger,
pp. 3464-3477. Springer US: Springer Science+Business Media LLC Metila, R. (2009) Education Quarterly. Decoding the Switch: The Functions of
Codeswitching in the Classroom, pp. 44-61. U.P. Retrieved from
http://journals.upd.edu.ph/index.php/edq/article/viewFile/2018/1913. (May 4, 2015)
Rico, I. (2011). Teoryang Pangwika. Retrieved form https://www.scribd.com/ doc/ 60711215/Ian. May 4, 2015
Sibayan, B. P. (1985). Teaching for communicative competence in a second language.
Communicative language teaching, ed. By Bikram K. Das, 106-119. Singapore:
Apendiks 1
Pananaw ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Pagpapalit Koda bilang Midyum ng Pagtuturo sa Special Science Curriculum at General Curriculum ng
Dasmariñas National High School Introduksyon
Ang talatanungang sarbey na ito ay dinisenyo upang malaman ang inyong pananaw sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum ng pagtuturo. Ang pagpapalit koda ay ang paggamit ng mga bilingguwal ng pinagsamang wika sa isang lugar o pangyayari upang mabisang ipahayag ang kanilang damdamin sa kanilang kausap o sa mga nakikinig. (Grosjean,1982). Halimbawa nito ay ang Taglish o Enggalog na pinagsamang wika na Tagalog at Ingles. Ito ay hindi isang pagsusulit at walang tama o mali sa inyong mga kasagutan. Ang inyong mga ilalahad ay mananatiling lihim at gagamitin lamang para sa pag-aaral na ito.
Pangalan(opsyonal) ________________________ Baitang: ________________ Kurikulum: SSC GC
Anong wika ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa iyong mga kamag-aral, guro at mga empleyado ng inyong paaralan?
________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________. Basahing mabuti ang mga pahayag at lagyan ng tsek (√) ang ang iyong sagot na
naglalarawan ng iyong pagsang-ayon at hindi pagsang-ayon. 5 – Lubos na Sumasang-ayon
4 – Higit na Sumasang-ayon 3 – Sumasang-ayon
1 – Hindi Sumasang-ayon Blg
. Pahayag 5 4 3 2 1
1
Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakakatulong upang mas maipahayag ang damdamin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog.
2
Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay nakakatulong upang mas maipahayag ang damdamin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles.
3
Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang Ingles kung purong Ingles ang ginagamit sa pagtuturo.
4
Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog kung purong Tagalog ang ginagamit sa pagtuturo.
5 Mas madali ang pagkatuto ng wikang Ingles sa paggamit ng Pagpapalit Koda.
6 Mas madali ang pagkatuto ng wikang Tagalog
sa paggamit ng Pagpapalit Koda. 7
Katanggap-tanggap ang mga guro na
gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog.
8
Katanggap-tanggap ang mga guro na
gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng mga asignaturang ginagamitan ng wikang Ingles.
9 Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay
nakatutulong sa pagpasa sa mga pagsusulit. 10 Nahihirapan sa paggamit ng purong Ingles o