E
P
P
5
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)
Distance Education for Elementary Schools
SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
TALAAN NG GASTOS AT KINIKITA
SA PAGHAHALAMANG
Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”
GRADE V
TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG
ORNAMENTAL
ALAMIN MO
Alam mo ba na napakahalaga ang pag-iigat ng talaan ng gastos at kinita ng anumang hanapbuhay? Sa ganitong pamamaraan makikta at malalaman mo kung magkano ang mga ginastos at kinita.
Pag-aralan sa modyul na ito,ang pag-iingat ng gastos at kinita ng paghahalamang ornamemtal.
Talaan ng gastos, benta at kinita ni Mang Ador sa paghahalamang gulay sa loob ng tatlong buwan.
BUWAN GASTOS BENTA KINITA
Pebrero P998.00 P618.00
Abril 250.00 942.00 692.00
Hunyo 286.00 989.00 603.00
PAGBALIK-ARALAN MO
Subukin ang iyong kaalaman sa ginagamit mong modyul na iyong. Napag-aralan.
Sagutin ang sumusonod na mga tanong at isulat ang sagot sa iyong sagutang kuwaderno.
A. Anu-ano ang mga palatandaang dapat isaalang-alang kung ang mga halamang ornamental ay maari ng ipagbili?
1.
2. D
3. D
4. d
B. Anu-ano ang wastong pamamahala at pangangalaga ng mga halamang ornamental at halamang namumulaklak na ipagbibili?
1.
2.
3.
4.
PAG-ARALAN MO
Sa isang uri ng negosyo o hanapbuhay mahalagang malaman ang ginastos at kinita.
Paghahalamang ornamental at pag-aalaga ng halamang namumulaklak ang nakagisnang hanapbuhay nina Mang Mar at Aling Korina. Naging kaugalian na nila ang mag-ingat ng talaan ng gastos at kinita.Pag-aralan ang kanilang hanapbuhay noong Enero,2000:
Sa simula,bumili sila ng mga sumusunod:
100 supot na plastik______________________P 25.00 8 sako organikong pataba_________________ 80.00 (10/isa)
10 sako lupang mataba___________________ 50.00 (5/isa)
Ibat ‘t-ibang uri ng pananim_________________ 25.00 kuryente at tubig__________________________ 45.00
_________________
Kabuuang gastos P225.00
Pagkaraan ng apat na buwan , halos naibenta nila lahat ang kanilang mga halaman.Dahilan mataas ang mga ito, nakapagtakda sila ng mataas na presyo. Ito ang talaan ng kanilang naibentang halaman.
Habang inaalangaan nila ang unang pinatubong mga halaman ,nagsimula uli sila magpatubo ng panibagong halamang ornamental at mga halamang namumulaklak. Inulit pa nila ito na isang beses noong taon na iyon at iginawa nila ng kabuuang talaan katulad ng nasa ibaba.Pag-aralan ito.
Mga Kailangang
Bagay
Panahon ng pag-aalaga Presyo Kabuuang
kita
Pangalawa Pangatlo
Bilang Halaga Bilang Halaga Bilang Halaga
1. Matabang lupa
2. Organikong pataba
3. Supot na Plastik
4. Kuryente at tubig
5. Iba’t-ibang pananim
6. Upa sa paggawa 5 sako 8 sako 100 - - - P25.00 80.00 50.00 45.00 25.00 - 7 10 200 - - - P35.00 100.00 50.00 60.00 60.00 - 8 12 250 - - - P 40.00 120.00 62.50 75.00 50.00 100.00 P5.00/ sako 10.00 25.00 - - - P100.00 300.00 137.50 - - -
P200.00 P295.00 P447.50 P942.50
Batay sa talaan ng gastos nila Mang Mar at Aling Korina gumastos sila ng tatlong daang piso (P300.00) sa unang araw pag-aalaga ng halamang ornamental, dalawang daan at siyam naput limang piso (P 295.00) sa pangalawa at apat naraan, apat naput pitong piso at limang sentimo (P 447.50) sa ikatlong pag-aalaga. Ang kabuuang gastos nila sa isang taon ay umaabot sa siyam naraan, apat naput dalawang piso at limang sentimo (P 942.50)
Gumawa rin sila ng talaan ng kanilang mga naibentang halaman.
Ipinakita ng talaan sa itaas ang mga halaga ng una, pangalawa at pangatlong benta. Ipinakita rin ang kabuuang bilang ng bawat halamang naibenta.
Ito ang ginawa nila. Pag-aralan.
KABUUANG GASTOS AT KINITA
Panahon ng Pagtatanim
Kabuuang Benta Kabuuang Gastos Kabuuang tubo o
kita Una Pangalawa Pangatlo Kabuuang halaga P1,311.00 2,676.00 3,484.00 P7,471.00 P 200.00 295.00 447.00 P942.00 P1,011.00 2,381.00 3,036.50 P6,529.50
Batay sa Buod ng Talaan ng Gastos at kinita na ginawa nina Mang Mar at Aling Korina sa bawat panahon ng pagtatanim, ibinabawas nila ang kanilang gastos sa kanilang benta. Halimbawa, sa unang pagtatanim at benta nila ay P1,311.00 at ang gastos naman nila ay P 300.00
Kung kaya: P1,311.00- benta - 200.00- gastos P1,111.00- Kinita o tubo
Pangalawang Pagtatanim:
P2,676.00 – benta 295.00 – gastos P2,381.00 – tubo
Pangatlong Pagtatanim:
Sa kabuuang taon ng paghahalaman, gumastos sila ng P1,042.00 at ang benta nila ay P7,471.00. kumita ang mag-asawa ng P6,428.5 sa loob ng isang taon.
P7,471.00- Kabuuang benta 1, 042.00- Kabuuang gastos P6,429.00- Kabuuang kinita o tubo
Pagkatapos basahin at pag-aralan ang mga talaan, ipabasa sa kamag-aral kung ikaw ay nasa pakamag-aralan, at sa kasambahay kung ikaw ay nasa bahay, ang sumusunod na tanong. Sagutin sa harap ng bumasa:
1. Anu-anong mga bagay ang binili nina Mang Mar at Aling Korina nang magsimula sila sa kanilang paghahalamang ornamental?
2. Anong buwan ang pinakamalaking benta? Anong buwan naman mababa ang kanilang benta?
3. Sa palagay mo, bakit nakapagtakda sila ng mataas na presyo sa kanilang mga halaman?
4. Sa anong bagay sila merong malaking gastos? 5. Anong halaman ang may pinakamataas na presyo? 6. Anong masabi mo sa kanilang kinita?
SUBUKIN MO
Unang lingo
10 Rose 12 Palmera 30 Santan 15 Doña
Pangalawang Linggo:
6 Palmera 20 Santan 10 Doña Aurora 15 Bonggabilya 20 Rose
Pangatlong Linggo:
15 Palmera 20 Bonggabilya 20 Santan 8 Dona Aurora 15 Rose
Ikaapat na Linggo:
18 Palmera 25 Rose
Ang presyo ng mga halaman ay
Rose- P20.00 isa Palmera- P40.00 isa Santan P5.00 isa
Bonggabilya – P15.00 isa Doña Aurora- 30 isa
Gumawa din ng Lingguhang Talaan ng kinita o tubo batay sa dato ng lingguhan nilang gastos:
Unang Linggo__________ P250.00 Pangalawang Linggo____ P295.00 Pangatlong Linggo______ P275.00 Pang-apat na Linggo____ P305.00
B. Alamin din ang kanilang kabuuang gastos at kinita sa loob ng isang buwan. Sundin ang mga pamamaraang natutunan.
TANDAAN MO
ISAPUSO MO
1. Hindi maiiwasan ang malugi sa isang hanapbuhay o negosyo. Ano ang maaari mong gawin kung ito ay nangyari sa iyo? Dapat ka bang magpatuloy o huminto sa paghahanapbuhay o pagnenegosyo?
2. Anu-ano ang mga katangian dapat taglayin ng isang naghahanap buhay o nagnenegosyo?
Isapuso ang iyong mga ideya o sagot.
GAWIN MO
1. Interbyuhin ang iyong guro sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan o EPP tungkol sa kanyang ginastos at kinita sa pagtatanim ng kahit na anong gulay o pananim sa inyong paaralan. Igawa ito ng talaan ng Gastos at Kinita, ayon sa iyong natutuhan sa modyul na ito. Sundan ang pamamaraang iyong natutunan.
PAGTATAYA
1. Ang sumusunod na datos ay gastos at kinita nina Mang Mike at Aling Mareng sa kanilang paghahalamang ornamental. Alamin ang kanilang kinita o tinubo sa pamamagitan ng paggawa ng Talaan ng Gastos at Kita o Tubo.
Gastos:
Abril- P486.00 May- 378.00 Hunyo- 665.50 Hulyo- 796.25 Agosto- 587.50
Pinagbilhan o Benta
Abril- P1,896.00 May- 2,279.00 Hunyo- 3,645.00 Hulyo- 4,124.00 Agosto- 4,010.00
2. Isulat din ang kanilang kabuuang gastos, ang gabuuang pinagbilhan at kabuuang kinita.