H
E
K
A
S
I
4
Modified
In
‐
School
Off
‐
School
Approach
Modules
(MISOSA)
Distance
Education
for
Elementary
Schools
SELF
‐
INSTRUCTIONAL
MATERIALS
NATATANGING
PILIPINO
NA
NAGPAUNLAD
NG
KULTURA
Department of Education
BUREAU
OF
ELEMENTARY
EDUCATION
2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Revised
2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd ‐ Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).
This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”
1
GRADE IV
NATATANGING PILIPINO NA
NAGPAUNLAD NG KULTURA
Kilala mo ba ang mga nasa larawan? Paano sila nakatulong sa pagpapaunlad ng kultura? Isulat mo ang kanilang mga pangalan sa iyong kuwaderno.
Sa pag-aaral ng modyul na ito, matututuhan mo ang tungkol sa mga sumusunod:
• Ang mga Pilipinong nagpaunlad sa sariling kultura
• Paraan ng pagpapahalaga sa mga natatanging Pilipino.
• Mga paraan upang mapanatili at mapaunlad ang sariling kultura.
2
Natatandaan mo pa ba?
A. Ano ang maaaring mangyari sa kultura ng bansa kung hindi gagawin ng mga mamamayan ang kanilang mga tungkulin sa pagpapaunlad ng kultura. Isulat mo sa tatlong pangungusap ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________
B. Isulat ang K kung karapatan at T kung tungkulin ang tinutukoy. Isulat sa kuwaderno ang sagot.
_____ 1. Pakikilahok sa mga paligsahan.
_____ 2. Pagpapanatiling malinis ang makasaysayang lugar.
_____ 3. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.
_____ 4. Pagsapi sa mga samahang kultural.
_____ 5. Libreng edukasyon para sa elementarya at hayskul.
_____ 6. Pagsali sa mga samahang nagpapaunlad ng kultura.
_____ 7. Pagpapahayag ng saloobin at damdamin.
_____ 8. Pagtangkilik tungkol sa ating kultura.
_____ 9. Pagsasaliksik tungkol sa ating kultura.
_____ 10. Pagsali sa mga mapayapang rali o demonstrasyon.
Matapos mong masagutan nang buong husay ang mga pagsasanay sa itaas, maaari ka nang mag-umpisa sa pag-aaral ng modyul na ito.
3
Pansinin mo ang mga larawan. Anu-ano ang naging kontribusyon nila sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino?
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Tunay ngang kahanga-hanga ang mga Pilipino. Taglay nila ang natatanging kakayahan at talino. May mga Pilipino na nagpakita ng kakaibang husay sa musika, sining ng paglilok, pagpinta at arkitektura. Bilang pagkilala sa kanilang naitulong sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura ng bansa, binigyan sila ng parangal. Iginawad sa kanila ang pinakamataas na parangal. Ito ang National Artist Award.
4
Narito ang mga talambuhay ng ilan sa mga natatanging Pilipinong nagpaunlad ng kultura. Basahin mong mabuti upang makilala sila nang husto.
Talambuhay ni Fernando Amorsolo
Si Fernando Amorsolo ay ipinanganak noong Mayo 30, 1892 sa Paco, Maynila. Bata pa lamang si Fernando ay mahilig na siyang gumuhit na gamit ang lapis at papel. Ang amain niyang pintor na si Fabian dela Rosa ang nagsilbing inspirasyon sa pagiging pintor niya.
Si Fernando ay nag-aaral sa Liceo de Manila, kung saan nagtamo siya ng maraming karangalan. Naging tanyag siya sa kanyang pagpipinta. Ang karaniwang paksa ng mga larawan niya ay mga tanawing Pilipino – pagtatanim sa bukid, paglalaba sa batis, at iba pang pang-araw-araw na gawain sa mga pamayanang rural. Ang “tinikling” ay isang obra ni Amorsolo.
5
Pagmasdan mo ang larawang ito.
Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang masasabi mo sa ipininta ni Fernando Amorsolo?
________________________________________________________
2. Bakit siya naging isang tanyag at mahusay na pintor?
________________________________________________________
3. Tukuyin ang naging paksa ng kanyang pagpipinta? Humahanga ka ba sa kanya? Bakit?
________________________________________________________
4. Paano nakatulong sa pagpapaunlad ng ating kultura ang kanyang mga natatanging gawa?
________________________________________________________
5. Sa inyong palagay, karapat-dapat ba siyang taguriang “Pambansang Alagad ng Sining”? Bakit?
________________________________________________________
6
Ang Talambuhay ni Napoleon Abueva
Si Napoleon Abueva ay isinilang sa Paco, Maynila noong Enero 26, 1930. Siya ay lumaki sa Bohol at nahasa ang kanyang kaalaman sa paglililok. Sa Unibersidad ng Pilipinas siya nagtapos ng Fine Arts. Sa ibang bansa siya nagpakadalubhasa sa eskultura.
7
Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.
1. Saan isinilang at ipinanganak si Napoleon Abueva?
2. Tukuyin ang mga kahanga-hangang eskulturang ginawa niya?
3. Paano mo mailalarawan ang kanyang kahanga-hangang gawa na “Transfiguration”?
4. Dapat ba siyang ipagmalaki? Bakit?
Narito ang ilan sa mga Pilipinong tumulong sa Pagpapanatili ng Kultura sa bansa.
Larangan
Pagpipinta – Juan Luna
8
Pagpipinta – Fernando Amorsolo
Natatanging Gawa “Tinikling”
Paglililok – Guillermo Tolentino
9
Paglililok – Napoleon Abueva
10
Narito ang talaan ng iba pang mga Pilipinong nagpaunlad sa kultura ng bansa. Suriin mo ang talaan sa ibaba.
TALAAN NG MGA PILIPINONG NAGPAUNLAD SA KULTURA
Natatanging Pilipino Larangan Ginawa
Pedro Bucaneg – Ama ng Panitikang Iloko
Panitikan Biag ni Lam-ang (Epiko)
Damian Domingo – Ama ng mga Pintor ng Pilipino
Pagpipinta Apotheosis of St.
Thomas Nicanor Abelardo – Ama ng
Sonata sa Pilipinas
Musika Nasaan ka Irog at Mutya
ng Pasig Lamberto Avellana –
Mahusay na Direktor
Tanghalan Mga Dula-dulaan at
Pelikula Alejandro Abadilla – Ama ng
Makabagong Tulang Tagalog
Panitikan Ako ang Daigdig (Tula)
Victorio Edades – Ama ng Makabagong Pagguhit sa Pilipinas
Arkitektura The Builders
Juan F. Nakpil Arkitektura Nagdisenyo ng
Simbahan ng Quiapo Pablo S. Antonio – Arkitekto
ng mga Arkitekto
Arkitektura Isa sa nakapagpaunlad
sa sining ng arkitektura
Francisca Reyes – Aquino Sayaw Binuhay ang mga
Katutubong Awit at Sayaw
Leonor Orosa – Goquingco Sayaw Binuhay ang mga
Etnikong Tugtugin at Sayaw
Carlos V. Francisco Pagguhit Mga myural na makikita
sa Tanggapan ng Lungsod ng Maynila at Manila Hotel
Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba. Isulat mo sa kuwadernong sagutan
ang iyong sagot
.
Paano nakatulong ang bawat isa sa pagpapanatili ng kultura ng bansa?
11
Subukin mong sagutin ang mga pagsasanay upang mapagtibay mo ang iyong kaalaman. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.
A. Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang.
1. ________ ang obra maestro ni Fernando Amorsolo.
2. __________ ay likhang sining ni Napoleon Abueva.
3. Ipininta ni Juan Luna ang __________.
4. Ang __________ ng Pamantasan ng Pilipinas ay likha ni Guillermo
Tolentino.
5. Nilikha rin ni Guillermo Tolentino ang __________ sa Caloocan.
6. Ang tulang __________ ay isinulat ni Alejandro Abadilla.
7. Si Juan F. Nakpil ang nagdisenyo ng ____________.
8. Ang epikong __________ ay sinulat ni Pedro Bucaneg.
9-10.Ang __________ at __________ ay likhang awit ni Nicanor Abelardo.
B. Magbigay ng mga Pilipinong kilala sa mga sumusunod na larangan.
1. Panitikan
a. b.
2. Arkitektura
a. b. c.
PAGSANAYAN MO
12
3. Pagpipinta
a. b. c.
4. Sayaw
a. b.
5. Pagguhit
a. b.
Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwadernong sagutan.
1. Bilang isang kabataang Pilipino, ano ang iyong maitutulong sa pagpapaunlad ng ating kultura?
________________________________________________________
TANDAAN MO
ISAPUSO MO
• May bahaging ginagampanan ang mga mamamayan sa
pagpapaunlad ng ating kultura.
• Hangaan at ipagmalaki natin ang mga natatanging kontribusyon
13
2. Sino ang natatanging Pilipino na alagad ng sining ang nais mong tularan? Isulat kung bakit nais mo siyang gawing huwaran.
________________________________________________________
3. Ikaw ba ay naniniwalang may angking talino at kakayahan ang mga Pilipino? Ipaliwanag.
________________________________________________________
4. Kung ikaw ay natalo sa isang paligsahan sa pagguhit na sinalihan mo, ang iyong gagawin?
________________________________________________________
5. Ibig mo bang maglaro ng piko, patintero, tumbang preso o anumang katutubong laro? Bakit?
________________________________________________________
A. Makipanayam ka sa mga tao sa inyong lugar na may natatanging kakayahan sa sining gaya ng pagpipinta, pagguhit o paglilok, pag-awit at iba pa.
Maari mong itanong ang mga sumusunod sa kanya. Isulat mo ang kanilang kasagutan sa kuwaderno.
1. Paano mo napaghuhusay ang iyong kakayahan sa pagguhit, pag-awit at iba pa?
2. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ang pagguhit, pagpipinta o paglililok?
3. Anu-ano ang nagsisilbing inspirasyon mo sa inyong mga nilikhang sining?
4. Naniniwala ka ba na ang mga Pilipino ay may angking kakayahan at talino?
5. Ano ang maipapayo mo sa mga kabataang tulad mo upang maging mahusay sa sining?
14
B. Gawaing Pansining
Lumikha ng isang disenyo batay sa kinagigiliwang paksa o bagay na naaayon sa naging karanasan, hilig o damdamin.
Kaya mo bang tularan ang mga mahuhusay na manlilikha ng sining?
Ihanda ang mga sumusunod na kagamitan
- bond paper
- pentel pen
- pandikit
- gunting
- lapis
- mga patapong bagay katulad ng balat ng itlog, diyaryo, balat ng
prutas at gulay
Sikapin mong gumamit ng mga patapong bagay na maaaring pakinabangan, idikit ito sa bond paper hanggang sa makabuo ng iba’t ibang disenyo. Ipahayag ang nadarama habang isinasagawa ang sining. Lagyan ng pamagat ang iyong ginawa.
Ngayon naman ay sukatin mo ang iyong kaalaman tungkol sa modyul na ito. Gawin mo ang mga Pagtataya sa ibaba.
A. Iguhit sa iyong kuwadernong sagutan ang bituin () kung ang isinasaad
ng mga pangungusap ay tama at ang ulap () kung hindi.
1. Magandang paraan ng pangangalaga sa kultura ng bansa ang
pangangalap ng mga antigong kagamitan.
2. Maaari mong palitan nang makabago ang mga lumang kagamitan.
3. Dapat makipagtulungan sa mga komunista ang mga mamamayan.
15
4. Pagsasabuhay ng mga natatanging kaugaliang Pilipino.
5. Pamimitas ng mga naggagandahang bulaklak sa mga
makasaysayang pook.
6. Pangunahing tagapagtaguyod ng kultura ang mga mamamayan.
7. Palagiang paggamit ng wikang Ingles.
8. Pagsisikap na makapag-aral kahit mahirap lamang.
9. Pagkamalikhain sa paggawa ng mga sining.
10. Pagbibigay ng gantimpala sa mga Pilipinong may natatanging kakayahan.
B. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa bawat bilang sa Hanay A. Isulat mo sa kuwadernong sagutan ang iyong sagot.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Ama ng Panitikang Iloko A. Juan F. Nakpil
_____ 2. Nagpasigla sa mga
katutubong awitin at sayaw
B. Leonor Orosa-Goquingco C. Victoria Edades
_____ 3. Bumuhay sa mga etnikong tugtugin at sayaw
D. Lamberto Avellana E. Nicanor Abelardo _____ 4. Ama ng makabagong
pagguhit
F. Pedro Bucaneg G. Damian Domingo _____ 5. Ama ng makabagong tulang
tagalog
H. Alejandro Abadilla
I. Pablo S. Antonio
_____ 6. Ama ng mga Pintor na Pilipino
J. Francisca Reyes-Aquino K. Carlos V. Francisco _____ 7. Ama ng sonata
_____ 8. Arkitekto ng mga Arkitekto _____ 9. Nagdisenyo ng Simbahan ng
Quiapo
16