ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay dugo ang silahis ng araw kung dapithapon. At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila’y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan – sapagkat sabi ng kanilang lola’y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila’y naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng Mayo, silang dalawa’y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong hinahalinhinan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas sa puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit.
TungkolSaanAngModyulNaIto?
Kumusta ka na kaibigan? Ako ang una mong aralin. Aking ikinagagalak na iyong pag- uukulan ng pag-aaral ang dalawang akda ng ating dalawang magigiting na bayani.
Una, isang tulang sadyang para sa iyo. Magtuturo ito ng mahahalagang aral ng ating pangunahing bayani ng mga kaisipang nagpapahalaga sa paggamit at pagpapalaganap ng sariling wika. Kaibigan, ikaw ba’y kaisa ni Rizal ukol dito? Dapat kang tularan kung ganoon.
Tungkolsaanangmodyulnaito?
Kumusta kang muli kaibigan? Tulad ko, marahil ay di mo namamalayan na tayo ay nasa huling markahan na. Samakatuwid, marami ka nang natutunan sa mga nagdaang aralin.
Sa pagkakataong ito, isa pang aralin ang mababasa at mapag-aaralan mo. Kaugnay nito, nais kitang tanungin. Nakapasok ka na ba sa isang bilangguan? Tinatanong lang kita, hindi ibig sabihin na ikaw ay nabilanggo. Alam mo bang iba’t ibang uri ng tao na may iba’t ibang uri ng kasalanan ang nakakulong? Ang iba nama’y hindi tunay na nagkasala. Maraming napagbibintangan lamang. Ngunit sa akdang iyong babasahin, mababatid mo ang iba’t ibang dahilan kung bakit nabilanggo ang mga tauhan. Maayos itong nailahad at nailarawan ng may-akda. Ang isa’y nakulong sa pagnanakaw sanhi ng pag-abandona ng kanyang ama sa kanila nang ito’y sumama sa kanyang kerida. Pagiging lider ng isang gang ang naging dahilan naman ng paglalabas-masok ng isa pang tauhan. Masaklap naman ang nangyari sa isa. Nakita ng dalawa niyang mata ang pagsama ng kanyang asawa sa matalik niyang kaibigan.
Tungkolsaanangmodyulnaito?
Mahilig ka bang manood ng pelikula o programa sa telebisyon? Anu-ano ang mgakinawiwilihan mong panoorin?
Sadyang nakalilibang ang panonood ng telebisyon. Naaaliw ka na’y lumalawak pa ang iyong kaalaman. Ang mga lugar na di mo marating at mga gawaing gustong matutunan ay nagkakaroon ng katuparan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa sa telebisyon. Nalalaman mo rin ang mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa. Makakukuha ka rin dito ng iba’t ibang ideya sa pamamagitan ng mga talakayan tungkol sa iba’t ibang isyu di lamang sa pamahalaan kundi maging sa kaganapan sa lipunan at buhay ng mga mamamayan.
Tungkolsaanangmodyulnaito?
Dalawa na namang kawili-wiling aralin ang iyong matututunan sa araw naito at natitiyak kong magiging interesado kang maisagawa ang mga pagsasanay at gawaing inihanda ko para sa iyo.
Naranasan mo bang magpalipad ng saranggola o dili kaya’y guryon? Naging madali ba ang pagpapalipad mo? Ito ba’y iyong pinaghandaang mabuti? Tinulungan ka ba ng iyong ama para ito’y lumipad nang mataas. Sa mga tanong naito, marahil ang isasagot mo ay oo. Alam mo bang ang pagpapalipad ng guryon ay tulad din ng pagbalanse sa ating buhay. Ang buhay ayon sa maraming palaisip ay patuloy na pakikipagsapalaran sa daigdig naito. Sa pagsilang pa lamang natin ay marami ng pagsubok ang nakaabang sa atin kaya kailangan na natin itong paghandaan. Kailangang maging matatag tayo at maging matapang sa pagharap dito. Ganyan ang buhay subalit huwag mong kalilimutan naang lahat ng kaganapan ay kaloob ng Poong Maykapal.
Sangguniang Magazin
Iwasto mo ang iyong sagot. Tutulungan ka ng susi sa pagwawasto. Hingin mo ito sa iyong guro.
Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Kung gayon, natatandaan mo pa ang mga araling napag-aralan mo noon. Binabati kita dahil diyan. Tutulungan na lamang kitang paunlarin at pagyamanin ang iyong kaalaman tungkol sa paksang ito. Kung nahirapan ka naman, matutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. Unawain mo lamang mabuti ang mga paliwanag upang makakuha ka ng mataas na marka.
31
Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayaan, kay Aling Marta at sa dumakip na pulis, at siya ay humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madalim na anino ng kanyang mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.
8. Marangal ang kasal nina Talia at Yoyong. Nalungkot si Meni. Hindi nila kaya ni Delfin ang gayong kasalan.
9. Isang masayang hapunan at isang regodon de honor ang idinaos sa bahay ni Don Ramon. Maraming mga panauhing kilala at mayayaman ang nagsidalo. Masaya si Don Ramon sapagkat gusto niya si Honorio Madlang-layon na maging asawa ni Talia. Sa pagkakataong yaon ay nagkaroon ng alingasangas likha ng mag-inang Ñora Loleng at Isiang. Nahuli niya ang anak na kausap sa sutea ang binatang manliligaw na si Marti Morales. Mga tungayaw at kalaswaan ang lumabas sa bibig ni Ñora Loleng. Mabuti’t napayapa ni Don Ramon ang galit na ina.
Mabuhay! Narito akong muli upang gabayan ka sa dalawang akda na iyong pag-aaralan at susuriin. Kung naibigan mo ang mga nakaraang aralin, matutuwa ka naman sa dula na babasahin mo ngayon na pinamagatang “Sa Pula, Sa Puti”. Ito’y isang komedya. Ang komedya ay isang dulang nagpapatawa, nang-aaliw at may masayang wakas. Sa pamagat pa lang ay matutukoy mo na ito’y tungkol sa sabong. Ang sabong ay ang paglalaban ng dalawang manok na tandang na nilalagyan ng tari. Ang tari ay isang matulis na patalim na inilalagay sa paa ng panabong na manok. May pusta o taya sa sabong. Panalo ang may taya sa nagwaging manok.
May mga pagkakataong ang anumang napanood o nabasa ay ibinabahagi sa iba. Subalit kung minsan, hindi ito maunawaan ng taong kinukuwentuhan. Bakit kaya? Alam mo ba ang dahilan?
Minsan naman, parehong nakabasa o nakapanood, magkaiba ang paraan ng pagkukuwento at mga kaganapang ipinahahayag. Maaaring iba ang pag-unawa o pagtanggap ng bawat isa sa kanila. Itoang sinasabing sining ng pagpapahayag. Dito makikita ang kariktan ng wika kung paanong ang mahabang kuwento o salaysay ay napaiikli nang di-nawawala ang kabuuang mensahe nito. Kaya mo ba itong gawin?
Naglalakad ang mag-asawang de Espadana. Natapat ito sa bahay ng Alperes.
Sa mga sandaling iyon, nakadungaw naman si Donya Consolacion. Nang makita nito ang mga naglalakad, ito ay nagparinig hanggang sa magkasagutan sila ni Donya Victorina. Naghamunan. Bumaba ang asawa ng Alperes. Nilait-lait nito ang mga nag-aaway. Nagalit si Donya Victorina at sinabihan ang asawang hamunin ng dwelo ang Alperes. Laking takot ng doktor. Sa inis ng babae ay hinablot nito ang pustiso ng lalaki at pinagtatapakan sa lupa. Dali-dali itong bumalik sa bahay ni Kapitan Tiyago sa gitna ng pagtawa ni Donya Consolacion. Pagdating ni Donya Victorina sa bahay ni Kapitan Tiyago, pinagsabihan nito si Linares na hamunin ang Alperes. Kung hindi ito isasagawa ay nagbantang ibubulgar sa lahat ang tunay nitong pagkatao.
Tumango lamang ang bata. Inutusan ng lalaki si Basilio na sunugin sila ng kanyang ina. Pagkatapos, lumakad daw ito ng ilang hakbang at saka humukay.
Ang yamang makukuha ay gamitin upang mabago ang buhay. Tinanong din niya kung may tao nang nagpunta roon na nauna sa kanya. Wala raw. Ilang saglit ay nalagutan ng hininga ang lalaki. Ngunit bago siya nalagutan ng hininga, nawika niya ang ganito, “Mamamatay akong di man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking Inang-Bayan. Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nabulid sa gitna ng dilim.
Tony: Kailan? Paano? Gaano pa katagal? Ang paghihintay nati’y makakatulad lamang ng ginawa nating paghihintay sa kaso ni Itay. Ano ang nangyari sa kanya?
(Mapapayuko si Regina)
Disisais anyos ako, third year high school, nasa Gagalangin pa tayo nang patayin – o ipapatay – si Itay sa harap mismo ng ating bahay. Sa limang daang pisong inilalagay sa bawat isa sa dalawampung trak ng tabako, mayroon sana tayong diyes mil isang araw – sobra-sobra para ikayaman natin – pero ano ang kanyang pinili? Hindi makalalabas ng planta ang mga trak – at nang gabi ngang iyon, naghahapunan tayo, tatlong naka-jeep na lalaki tumapat sa atin at tinawag siya. Ano ang kanyang napala sa kanyang katapatan? Ang patayin – nang nakikita ng kanyang asawa’t mga anak?
Babae ang nalagutan ng hininga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino ang binawian ng buhay wala siyang nalalamang may-sakit kundi si Anita dahil sa pagkakatutop sa kanila noong isang gabi. Ang dalaga sy sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay. Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita at nang tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang iniibig bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawawala.
JING: Magpapapawis lang ‘yon. Mag-aalis ng lasing.
EDMON: ‘Yan ang katuwaan ng frat nila ---- rumble…
CRISTY: Walang frat-frat dito. Baka sila malagyan ng gripo sa tagiliran.
Sa labulabo, nakatawa pa sina Sonny at Direk habang nakikipagsuntukan at nakikipagbalibagan. Sinundan-sundan ni Poldo si Sonny. Seryoso si Poldo. Bahagi ito ng trabaho niyang ipagtanggol ang kanyang amo. Sa kasusunod ni Poldo, masusuntok siya ng kalaban ni Sonny. Matatawa si Sonny sa nangyari. Bibirahin ni Poldo ang nakasuntok sa kanya. Titilapon ito. Magpa-flying kick si Direk. Makakailag ang tinatarget niya. Sa halip, si Poldo ang tatamaan. Iilandang ito, babalandra sa isang tabi. Grogi at nakasalampak sa putikan, may biglang maaalala si Poldo. Ilalabas niya ang silbato sa bulsa. Sisilbato siya nang malakas at sunod-sunod. May mga sisigaw ng “Parak! Parak!” Magpupulasan ang mga naglalabulabo. Maiiwan sina Sonny, Direk, at Bosyo. Pagtatawanan nila si Poldo sa kinalalagyan niya. Mapapangiti na rin si Poldo.
Dahil dito nais po namin kayong maging panauhing tagapanayam.
Ang paksa po na nabanggit na seminar-workshop ay “Wikang Filipino, Pagyamanin at Palaganapin.”
4. Paunlarin mo…
Kung naisulat mo nang wato at maayos ang liham-paanyaya, nangangahulugang sanay na sanay ka na sa pagsulat ng uri ng liham naito. Binabati kita! Subalit kung mayroon ka mang pagkakamali, huwag mag-alala. Maaaring nakalimutan mo lang ang ilang bahagi. Bibigyan kita ng ng karagdagang pagsasanay upang makabawi ka. Pag-aralan mo munang mabuti ang mga kamaliang iyong nagawa upang ito’y maitama na.
(Sandaling palipas) Bayang tagalog, kung sakaling mawalan man tayo ng hiya sa mukha nating bantad, at pabayaan nating makatkat sa ating noo ang limbag ng puri, manang katutubo ng ating kaluluwa, ay magkaroon man lamang tayo ng kaunting tapang sa pagkitil ng sariling buhay. Ibuhos natin ang ating dugo, lamurayin natin ang ating laman, iwalat natin ang ating buto, huwag na lamang kumalat-kalat sa lansangan ang mabusilak na dangal ng liping Tagalog, huwag na lamang tayo ang maglubog sa putik ng lagim, ng kagalang-galang na mukhang tumatangis ng ating kahabag-habag na Inangbayan.
Kaya marahil hindi ko mawari ang sarili; kaya marahil hindi ko nakilala ang tunay kong kaakuhan, pagkat nababalot ng hiwaga ng Tao.
Maganda ang sikat ng araw. Nadama namin ang init. Sumalab sa balat. Sumilong kami sa lilim ng malalabay na sanga ng unang punong aming natagpuan. Saka lamang kami nakadama ng bahagyang ginhawa. Ngunit pagod na kami. Masakit ang aming mga paa. May galos at paltos naang aming mga talampakan. Nakadama na kami ng sakit. Wala na nga kami sa Paraiso: doon, ang nayayapaka’y alpombrang malambot, maginhawa. Wala na, wala na nga kami sa Paraiso. At ngayong tumatagal ang aming inilalagi sa labas na iyon ay nakadarama na kami ng uhaw. Nanunuyo ang aming lalamunan. Patuloy ang paggiti ng saganang pawis. At kumakalam naang aming sikmura.
Minsan naglalakad siya pauwi ng bahay galing sa trabaho. Araw-araw siyang napapadaan sa harap ng Sta. Lucia East Mall (Cainta, Rizal). Napapahinto siya at madalas niya itong minamalas buhat sa di kalayuan. Napapangiti siya at buong pagmamalaking iniisip na, “Isa ako sa mga gumawa niyan. Ang napakatayog na building na ‘yan,” ang kasiyahan sa mukha’y lumalamlam, napawi ang mga ngiti sa labi. Dahil mula pala noong nagbukas ito ay hindi pa siya nakakapasok dito. Minsan niya nang sinubukang pumasok dito ngunit hinarang siya ng guard, bawal daw kasi ang naka-tsinelas sabay tingin mula ulo hanggang paa. Nagmakaawa siya kahit saglit lang tutal naman daw isa siya sa mga gumawa nito. Ngunit hindi pa rin siya pinayagan sa halip sinagot pa siya nito ng “Bakit, binayaran ka naman ah?”
Kalakip nito ang dalawang daang pesetang iniaalay sa Sol. Ng mga kababayan kong taga-Kalamba. Higit sa rito ang kanilang ipinadala sa aking gamitin sa bala kong ibigin:
ngunit kinikipkip ko ang iba ay ako’y may pinaglalaanang sukat pagkagastahan. Ang dalawang daang pesetang ito’y inyong itago para sa perio. La Sol. Huwag kayong makalimot magpadala ng mga sipi sa Kalamba, D. Mateo Elejorde, boticario del pueblo. Malaki ang pagmamahal nila sa ating matapang na Sol. Gayon din naman, padalhan ninyong palagi si Pedro Ramos sa Londres 21 Billiter Street, kalakip ang ipadadala kay Regidor sapakat si Ramos ay nagbayad sa akin ngayon ng kanyang trimester I, 25. Nagkukulang daw siya ng No.8. Si Abarca dito ay nagkukulang ng No.8 at 1, at ako’y nagkukulang ng No.10 o ng katapusan ng aking sulat kay Desbarrantes, ani mo. Mamatamisin ko sanang ako’y padalhan mong lagi ng maraming sipi sapagkat aking ipinadadala sa Filipinas ang lahat. Doon dapat itong basahin. Pag-ingatan ninyo ang pagpapadala sa Maynila, sapagkat balita ko ay sinusunog daw ng Cpn. Heneral ang mga siping dumarating. Baluting magaling at imisin.