“So, I put my hands up, keep playing my song…
And the butterflies fly away…
Nodding my head like yeah…
Moving my hips like yeah…
Got my hands up… They're playing my song…
I know I'm gonna be okay…
Yeah… It's a party in the U.S.A…
Yeah… It's a party in the U.S.A…”
Napuno ang bulwagan sa isang hotel ng strobe lights habang ang mga teenagers ay sumasayaw sa gitna ng dancefloor sa saliw ng aming musika.
Mukha naman silang tuwangtuwa sa nai-deliver namin.
As usual, kapag si Rodney na ang kumakanta, tilian ang mga teenager na babae--- at ilang hindi gaanong babae.
Siguro ang kagandahan ng stint na ito kumpara sa huling ginawian namin sa Batangas ay maaari kaming mag-let-loose. Kabataan nga naman. The time of rebellion and raging hormones ika nga.
Kaya sina Rodney at Apple napilitan din mapaindak.
Maayos ang performance ni Apple. Hasang hasa ang boses sa pagka-choir.
Medyo mahinhin nga lang ang mga movements sa stage. Pero ayos lang naman kasi sinasalo siya ni Rodney.
Sa aming isang buong linggong ensayo ay laging punctual si Apple, matiyaga at hindi mareklamo.
Hayun nga lang, halatang may attachment pa talaga siya sa dating nobyo.
Transparent iyon sa kanya habang nasa practice at ngayon sa stage bilang mag-partner na bokalista.
Pero si Rodney nakiki-ride lang ngunit nananatiling hindi responsive sa pinapakita ni Apple. At kahit ulit-ulitin ko siyang pilitin, sa akin pa rin siya sumasabay pauwi, at hindi sa dating nobya.
Mas lutang ang galing ni Apple sa pag-awit sa mga mellow na kanta. Sa galing niya ay na-encourage niya ang mga teenager na mag-slow dance pa rin.
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section
“They say time can heal a broken heart…
And true love never ends…
So why not start where we began…
I’d still say yes, to you again…
My darling for you, I’d do it all again…”
Sa mga mellow na kanta, dapat magaling mag-role play ang mga bokalista sa stage para madala din ang mga nakikinig. Kaya naman pinaarte namin ang dalawa bilang magkasintahan sa ganyang uri ng mga kanta.
Pero tila para kay Apple, ang awiting iyon ay sumasalamin sa kanyang damdamin. Totoong totoo ang pagganap niya sa role play ng dating nobyo.
“Yes, I’d still say yes, to you again… My darling for you, I’d do it over and over, again…”
---
Pagkatapos ng aming set, nakihalubilo kaming banda sa mga teenagers.
Maraming nakiki-picture. Lalo na sa aming dalawa ni Rodney.
Iba talaga ang teen spirit. Halos malamog kami sa kakahablot ng mga babae.
Pero nagulat ako sa isang mariing hatak na dumapo sa kaliwang braso ko sa gitna ng kaguluhan. Nalingat ako at nakita ko si Apple na nakahawak sa akin.
Tumango siya sa akin, na parang ang ibig sabihin ay samahan ko siya sa pupuntahan niya.
Sumunod ako sa kanya at iniwan ang kaguluhan. Tumungo kami sa back stage.
“Bakit Apple?” tanong ko, “siyanga pala. Good job kanina!”
“Salamat, minsan naman nae-enjoy ko rin ang pagkanta kasama ang banda,”
sagot ni Apple, “may itatanong lang sana ako sa’yo. Eh, wala na akong ibang makakausap, eh.”
“Ano ‘yon?”
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section
“Close kayo ni Rodney, ‘no?”
Kinilabutan ako bigla sa narinig ko. Parang sinisipat ako ng tono ng boses niya.
“Tama lang, bakit?”
“Ikaw lang ang naisip kong kausapin kasi lagi kayong magkasama umuwi, so I presume you always talk about things.”
“Tama lang…” muli kong tugon.
“Tell me, is he dating someone?”
Nasamid ako. “A-ah, sa pagkaka-alala ko, wala naman…” Hindi ito kasinungalingan. Hindi naman kami nagde-date ni Rodney. At least sa perspective ko.
“May kinakausap ba siyang ibang babae?”
“Wala naman siyang nabanggit. At wala naman akong napapansin…” Hindi rin ito kasinungalingan. Dahil wala naman siyang ibang babaeng kinakausap. Sa pagkakaalala ko, lalaki ako at ang ibang kabanda.
“So, wala naman siyang kinahuhumalingang ibang babae?”
“Wala…” Hindi rin ito kasinungalingan. Kasi technically, hindi naman babae ang kinahuhumalingan ni Rodney.
“So, paraphrasing the question, he’s still available?”
Tumango ako, “yeah, tingin ko, oo.” Hindi rin ito kasinungalingan. Kasi wala namang napag-usapang exclusivity, at least sa part ko.
“He’s not into someone right now?”
Nasamid ako ulit. “Ewan ko…” ‘Yan. Half-lie na iyan.
Bumuntong-hininga si Apple, “sorry Coach Jayjay, huh… Ang dami kong tanong…”
Tumango-tango ako, “okay lang.” Tapos hindi ko na napigilang mang-usisa,
“magkakabalikan na ba kayo?”
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section Naghalukipkip siya, “hindi ko nga alam, eh. Ang vague kasi ng actions ni
Rodney lately.”
“Ahhh…”
“Minsan tuloy, pinagsisisihan ko kung bakit ako nakipag-break sa kanya no’n…”
mahinang sambit niya, “bago kasi siya sumali sa inyo, pinangako niya na sa’kin na wala na talagang banda. Kasi noon laging mitsa ng away at petty break-ups namin ang kawalan ng oras niya sa akin dahil sa banda.”
“Okey…”
“So, siyempre, bilang other half ng relasyon, nagtanong ako, ‘nananadya ba talaga ‘to o ano?’ Gagawa ng pangako tapos hindi tutuparin, tapos ilalagay niya at-stake ang relasyon namin dahil babawasan pa niya ang kaunting time na nase-spend namin together. Kaya ako nakipagkalas. Kasi hindi siya nadala sa pakiusap at pagna-nag ko. Umaasa ako na kapag nakipag-break ako sa kanya, aalis siya ng banda para makipagbati sa akin ‘yon…”
“Sa bagay, may punto ka…”
“Pero to my dismay, hindi siya umalis sa banda niya. Matatanggap ko naman siguro ‘yon, pero ang mas masakit nang nakipagkalas ako sa kanya, hindi na talaga niya ako kinausap at kinita, kahit text lang. Parang tuluyan niya nang pinili ang pagbabanda over sa’kin. Pero siyempre, bilang matinong tao, naisip ko rin na baka may ibang babae siyang binabalingan ng atensyon bukod sa banda.”
Nasamid na naman ako. “Tulad nga ng sabi ko Apple, mukhang wala naman.”
“Jayjay, hindi ko alam kung may girlfriend o nililigawan ka, pero alam mong hindi lang basta-basta puwedeng itapon ang apat na taon naming
pinagsamahan. Alam ko, most of the time, hindi kami smooth-sailing, but I still love him. At umaasa akong gano’n pa rin ang nararamdaman niya.”
“Naiintindihan ko naman…”
“Kaya Jayjay, puwede ba akong makahingi ng kaunting pabor sa’yo?”
“Ano ba puwede kong gawin?”
“Tulungan mo naman ako sa kaibigan mo,” pakiusap ni Apple, “ipaalala mo naman sa kanya na may babaeng naghihintay sa kanya. Jay, si Rodney ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Siya ang gusto kong pakasalan.
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section Ngayon handa kong tanggapin kung pagbabanda ang calling sa kanya. I can always make adjustments. We have been adjusting with each other for four years, ngayon pa ba kami titigil?”
Hindi ako nakaimik.
“Ano, Jay? Maaasahan ba kita?”
“Paano bang gagawin ko?”
“Hindi ko alam, basta diskartehan mo na lang. Lead him to me. Bahala ka na kung paano mo gagawin.”
Bumuntong-hininga ako. Nag-isip ng malalim.
Tumango ako. “Sige.”
Hindi ko alam kung bakit iyon ang pinakamabigat na pag-ayon na ginawa ko sa buong buhay ko.
Ngumiti si Apple, “thank you, Jayjay. Sobrang thank you talaga.”
Ngumiti lang din ako. Pero tila kay tigas ng muscles ko sa bibig.
“Oh, andiyan pala kayo,” boses ni Rodney.
Napalingon kaming dalawa.
Ang talas ng tingin sa amin ni Rodney, habang naglalakad siya papalapit sa amin. Para bang grave na kasalanan ang pinag-uusapan naming dalawa.
“Ano’ng pinag-uusapan niyo?” tanong ng lalaki.
“Ah, wala naman, pinupuna ko lang ‘yung mga ilang mali niya sa pagkanta kanina,” palusot ko, “pina-pirate ko din, baka gustuhin niyang maging permanente na sa banda.”
“Okay,” tila hindi kumbinsidong reaksyon ni Rodney, “pero malamang humindi
‘yang si Apple.”
Awkward na tawa ang nilabas ko.
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section
“Uwi na tayo,” aya ni Rodney, “sabay ka na sa’min ni Jayjay, Apple. We’ll just drop you off sa apartment mo sa Tayuman. Along the way lang naman, eh.”
“Hindi na ‘ko sasabay,” hirit ko.
Napatingin sila sa aking dalawa.
“Bakit?” tanong ni Rodney.
Nagkibit-balikat ako, “ahhh… Ano… Inom lang ako sa bar. Parang kailangan ko ng konting alcohol sa katawan. Hehehe.”
“Eh, ‘di samahan ka na namin,” suhestiyon ng lalaki.
Umiling ako, “huwag na huwag na. Hassle pa. Saka pagod na kayong dalawa.
Pagpahingahin niyo ang mga lalamunan niyo at baka tuluyang mawala ang boses niyo bukas.”
Tumango si Apple, “oo nga, Rodney.”
Bumuntong-hininga si Rodney. Parang pikang-pika ang mukha niya. Parang ayaw niyang maniwala. Parang ayaw niyang tanggapin.
“Sige, ingat ka na lang, Jayjay,” tila yamot na pagpapaalam ni Rodney.
“Ingat ka, goodnight,” segunda ni Apple habang tumatabi sa dating nobyo.
Tumalikod sila at umalis na.
Nakalayo na sila. Paliit nang paliit ang imahen ng dalawang magkatabi mula sa kinatatayuan ko.
Gusto ko na ring lumakad pero parang nadikit ang paa ko sa lupa.
Mabilis ang tibok ng puso ko.
Parang ang daming baritonong boses na sumisigaw sa utak ko.
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section Nagsabay ang hininga sa batok ko at ang halimuyak ni Rodney sa ilong ko, habang binubulong ko sa sarili ko.
“Buti na lang talaga… Buti na lang at hindi ako bumigay…”
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section TLTCB Chapter 27