• No results found

NOW PLAYING:SHE'S KILLING ME BY ROCKET TO THE MOON

In document Labyrinth Academy Complete (Page 188-193)

''Twaylem, mag dadate tayo..''

Nagulat ako ng nakita ko si Tao na bihis na bihis.

''mag da-date?'' umaga, kagigising ko lang hindi pa masyadong nag si-sink in sa utak ko ang mga pang yayari. ''oo. Sumakay kana mabuti pa.''

''nababaliw kana ba?! Ni hindi pa ako nag to-tooth brush i dadate mo na ako??! Mali---''

''maliligo muna ako!!!'' pag rereklamo ko sakanya. Pero para itong bingi na walang naririnig. Ng nag start na yung

engine ng sasakyan niya, nagulat ako ng makita ko ang BRUHA KONG PAG MUMUKHA SA SIDE MIRROR niya.

''i look... Horrible.'' at sabay lunok ng laway ko.

''I can't believe this, pupunta ako ng'' teka nga saan pala kami pupunta?? ''Tao, san tayo pupunta?''

''BASTA.'' basta? Watanays! This is so UNBELIBEBEL!!! >_<

''Tao, naka pantulog pa ako. Hindi pa ako nag hihilamos nag to-tooth brush at nag susuklay tapos naka tsinelas na pambahay lang ako. Sa tingin mo romantic tong date nato?!!!!'' Ngumiti lang ito.

''siguro nga hindi ito yung pinaka romantic na date na ma eexperience mo. Pero nakaka sigurado ako na ito ang pinaka unforgetable na date na ma eexperience mo.'' sabay suot ng shades at binilisan niya lang ang pag

mamaneho sa sasakyan niya. Napa buntong hininga nalang ako.

Ng makarating na kame sa isang lugar na pag karaming tao. Pinag titinginan ako. Paano ba naman mukha akong bruha, tapos yung tsinelas ko yung ulo ni Hello kitty. >_< nakakahiya ako!!!

''Tao, pinag titinginan nila ako. Nahihiya ako! Pwede bang mag bihis muna ako? I mean bibili nalang ako ng damit.'' pag mamakaawa ko sakanya habang hawak hawak niya ako sa kamay.

''wala kang pera paano ka bibili ng damit?'' geeez! Bat ba hindi ko binitbit yung wallet ko kaninang lumabas ako? ''nandito na tayo.'' teka nga KYDO RESTAURANT.

''Kina Kyd toh??'' pag tatanong ko, habang tinuturo ko yung pangalan. ''Oo. Tara kakain na tayo.'' pag ka pasok na pag kapasok namin..

''Welcome guest'' may dalawang tao na sumalubong sa amin. Ng inaangat na nila yung ulo nila..

''DONALD?! AVA!!!!??!!!'' sabay flying kiss sa akin ni Donald at si Ava? Naki gaya gaya nadin. Ng maupo na kami.

May dalawang waiters naman na lumapit sa amin.

''RIYEE!!? MEA?!'' ng tumingin ako sa paligid..

''Taga L.A lahat ang nag tra-trabaho dito?!'' mahinang sabi ko kay Tao.

''Alam niyo na kung anong oorderin ko. Shuuu! layas.'' at itinaboy na ni Tao ang mga nag papanggap na waiters.

Ng dumating na ang unang pag kain.. Served by Law.

''susubuan mo ako? Ba ha? Ang sweet mo naman yata.'' naramdaman kong sinipa niya ako sa tuhod. ''aray ko! oo na!'' ibinuka ko na yung bibig ko.

''ARHHHHHH!!''sabay lunok ng pag kain na isinubo niya sa akin.

''bat hindi mo man lang hinipan?! Ang init!!! Napaso yung dila ko!'' sabay inom ng malamig na malamig na

tubig. ''Sana man lang hinipan mo.''

''akala ko kasi gawa sa bakal yang bibig mo.'' sabay subo niya ng pag kain. Tsss...

pag katapos na pag katapos din naming kumain, lumabas na kame. At dinala niya ako sa mall. Parang alien ako, kase AKO NALANG ANG PINAG TITIGNAN NG MGA TAO DITO!!

''ngayon lang yata sila nakakita ng nakapantulog.'' sabi ni Tao na nauunang mag lakad sa akin. ''sino bang may kasalanan nito?!'' inis na sabi ko.

''kahit naman nakapantulog ka, at gulo gulo ang buhok mo at hindi kapa nag to-tooth brush MAGANDA KA PARIN NAMAN.'' pag katapos niyang sabihin na maganda ako. Tumigil siya at hinintay akong mag lakad.

hindi ko na keri itech.. It’s so unbelibebel na. My gudness sinabihan niya ako ng maganda, at.... ang sarap sa tenga.

''actually, ayaw naman talaga kitang idate.'' WENK! At parang may malaking hollow blacks na nahulog sa langit at

bumagsak sa ulo ko.

''O AYAW MO NAMAN PALA AKONG IDATE! BAT... Dinate mo ako?'' napakamot nalang ako sa mukha.

''kase ang sabi ko kay Kyd, na kapag napa payag mo yung OIC i da-date kita. Hindi ko naman alam na.. Mapapapayag mo siya ng ganun ganun na lang. Sa pag kaka alam ko kase, hindi sila basta basta napapa payag.'' binatukan ko siya ng pag kalakas lakas.

''ayan kase, walang bilib sa fighting spirits ko. tssk tsssk tsssk. Yan tuloy ka date mo yung pinakamagandang babae sa L.A'' sabay wink ko sakanya.

''tss maganda raw. Ewan ko sayo.''

''hoy Yoshida. May tumatawag yata sayo. Baka gusto mong sagutin???'' agad niya namang sinagot yun ''NASAAN KA?! PUPUNTAHAN KITA!!!!''

''saan ka pupunta?''

Paano kung di siya bumalik? Wala akong ka pera pera... Paano ako?

''nakakainis ka Tao Yoshida!!!''

SHIN's POV

6:30pm na hindi ko alam kung anong meron ngayon at parang trip kong pumunta sa mall.

ng papasok palang ako sa entrance at nag papa check sa mga guards, ''si Twaylem ba yun?'' nakita ko si Twaylem na nag laad, na parang timang at mukhang nakalimutan niyang mag palit ng damit.

ng pag katapos kong mag pa kapkap sa body guard. Tumakbo agad ako papunta sakanya.

''Twaylem!'' napatigil siya sa pag lalakad at humarap sa akin.

''Boy suks!!!!!!!'' nakita ko itong umiiyak na para bang iniwan ng mga magulang niya sa mall.

''napano ka??'' hindi mag kamayaw ang pag punas niya ng mga luha niya gamit ang kamay. Para siyang..

bata.

''kase yinana akong mag date ni Tao. Kanipa pa kaming 2:15pm nakarating sa mall. At nung pag kadating namin sa mall.. Iniwanan niya ako. Ang sabi niya babalikan niya ako.. Pero.... Kanina pa ako nag hihintay di na siya bumalik. Ni wala akong pera, at yung cellphone ko naiwan sa sasakyan niya.'' yinakap ko ito at pinat

pat ang ulo niya.

''mongoloid kase si Tao kaya ganun yun. Tara, halika mukhang gutom na gutom kana.. Papakainin kita.'' dinala ko siya sa KFC. At umorder ako ng 2pc chicken joy.

''alam mo boy suks, kanina pa ako gutom na gutom. Kung alam lang ng Tao na yan kung gaano ako katagal nag hintay.. Nako'' at kahit puno pa yung bibig niya.. Hindi siya tumigil sa pag kwe-kwento.

''at hindi niya inisip na nakapantulog ako. Nakakainis diba?'' tumango nalang ako. Nakakatawa tong babaeng

toh. Kakaiba siya..

''edi di kapa naligo niyan?'' sinenyasan niya ako na tumahimik ako.

''oo, buti nalang kagabi naligo ako. Pero mukha akong bruha at nakakainis yun.'' sabay kagat niya dun sa

manok. Pag katapos nun, hinatid ko na siya sakanila...

''Maraming salamat ulit boy suks.''

''ok.. Shin. Salamat ulit, next time ako naman yung mag lilibre sayo. I owe you BIGTIME.'' at pag katapos nun..

pumasok na din siya.

TWAYLEM'S POV

paano ba toh?

''maam Twaylem nandito na po---'' sinenyasan ko ng 'shhh' si manang. ''huwag kang maingay, maririnig ako ni kuya.'' mahinang sabi ko sakanya.

At tinikom niya na yung bibig niya.

Dahan dahan akong umakyat ng hagdanan. Kase pag nakita ako ni kuya uno.. Patay ako. Ng makarating na ako sa kwarto ko ng walang aberya. Napatalon ako at sabay sabi ng

''YES!!!!!!!''

''saan ka galing??'' at halos malaglag ang puso ko ng biglang may nag salita. Ng buksan ko ang ilaw, nakita ko si

Kuya Uno na naka upo at naka harap sa may monitor ng computer ko.

''ahhh e.''

''ang sabi ko saan ka galing??''

''kasama ko yung mga kaibigan ko kuya.'' napa look down nalang ako.. Tumayo ito at pinitik yung noo ko.

''sa susunod, pag aalis ka ng baha. Maligo ka! Lumalabas ka ng bahay na libagin ka. At naka pantulog kapa.. tsaka… Ang baho baho mo.'' tama bang ipag nuknukan na mabaho ako?!

''at sa susunod. Pag aalis ka, mag paalam ka. Huwag yung basta basta ka nalang umaalis. Nakita ko po kase kitang sumakay sa kotse, ang sabi mo kaibigan mo.. Pero ang totoo niyan boyfriend mo yun.'' matawa tawang

sabi niya.

''boyfriend?? Yung pangit na nang iidian na yon? Boyfriend ko?!! Naaaaaaah! Ayoko sakanya.'' tumango

tango na lang yung kuya ko.

''o sige na, maligo ka na. Na nga-ngamoy kana e.'' ''oo na! Ahh kuya..'' tumigil ito sa pag lalakad.. ''yes??''

''pwede bang ma hiram cellphone mo?'' nag crossed arms ito at nag seryoso yung mukha niya. ''at ano nanamang nangyari sa cellphone mo?'' ngumiti lang ako.. ''NAWALA KO KUYA.''

''hay nakong bata ka. Isoli mo agad. Alam mo namang may ka text ako.'' tumango ako, pag kaabot ng cellphone

niya sa akin. Lumabas na rin siya. Pag kasarado ng pintuan... dinial ko agad yung number ko.

Nag ri-ring naman yun..

Dinial ko ulit yun.. Nako paano niya kaya maririnig e naka silent mode yung cellphone ko. at finally! Sinagot niya na din ang tawag ko.

''HOY YOSHIDA!! ANG---'' napatigil ako ng may narinig akong babaeng umiiyak at nag sasalita. ''I hate him.'' sabi nung babae.. Di kaya.. Sa mga oras na toh.. Si Sue ang kasama niya?

''sabi ko naman kase sayo, gago yung hudas na yun.''

''Tao pwede mo ba akong i accompany hanggang mamaya? I feel so empty, parang ang tanga tanga ko....'' ''huwag kang mag alala.. sasamahan kita hanggang bukas pa.''

siguro kung hindi ako nakita ni Shin, baka hanggang ngayon nasa Mall pa ako. Mukhang tanga na nag aantay sa taong hindi naman pala ako babalikan.

Makikita mo bukas… babasagin ko yang ulo mo!!!

CHAPTER 15: GALIT-GALITAN

In document Labyrinth Academy Complete (Page 188-193)